TULUYANG pinakawalan ni Riya ang hiningang pinigilan niya kanina habang naroon sa loob ng kuwarto ni Liby sina Ethan at Felicity. Habang hawak ang dibdib ay makailang ulit siyang humugot ng hininga at marahas iyong pinakawalan. She was obviously caught off-guard, mabuti na lang talaga at naroon si Liby para pagtuunan niya ng atensyon kanina. Umupo siya sa kama bago tumungo. Bakit ba hanggang ngayon ay pakiramdam niya, siya talaga ang may kasalanan kung bakit nasira ang pagkakaibigan nila ni Felicity? Ikinuyom niya ang kamay niya at para bang doon inilagay ang lahat ng lakas niya muling ipa-realize sa sarili na hindi siya ang nagkulang. Na ang pagkakamali lang niya ay ibinigay niya ang lahat ng pagmamahal niya bilang isang mabuting kaibigan kay Felicity, from which, Felicity didn’t recipr

