Ako lang
xMaligaya©June2023
“YOU made me full and happy,” pahayag ni Bryan habang inaalalayan niya akong bumaba ng kaniyang saasakyan. Nagpahatid na kasi ako pauwi at hindi na kami bumalik sa school.
Ngiti lang naman ang aking isinagot dahil ganoon din ang nararamdaman ko. Masaya rin akong kasama siya.
“Umuwi ka na. Tatawid na lang naman ako ng kalsada,” salaysay ko habang nakaturo sa tinutuluyan kong apartment na nasa tapat lang namin. Iyon nga lang ay hindi siya pumayag. Ihahatid niya raw ako hanggang sa gate kaya pinagbigyan ko na lang.
“P3rvert,” biglang tawag niya gamit ang ibinigay niyang palayaw sa akin kaya napasulyap ako sa kaniyang gawi.
“Bakit?” tanong ko sa kaniya bago ako lumilingon sa aming kaliwa at kanan, tinitingnan ko kung mayroon bang paparating na sasakyan.
“Take this,” he said as he handed me two thousand pesos. Nagtataka ko namang tinitigan ang pera na ibinibigay niya sa akin habang nakakunot ang aking noo.
“Bakit binibigyan mo ako ng dalawang libo? Hindi ba nakabayad ka na sa akin kanina?” naguguluhan kong pag-uusisa kaya napangiti siya at napatungo.
“Kasi hahawak ulit ako sa'yo,” tila nasisiyahan niyang sagot bago inilagay sa kamay ko ang two thousand pesos niya. Nang tanggapin ko naman iyon ay mabilis niya nang pinagdikit agad ang aming mga palad.
Natawa at napailing na lang tuloy ako pagkatapos ay inaya ko na siyang tumawid ng kalsada.
“Masarap 'yong kinain natin gawa mo,” he muttered before he looked down on our hands. Tutuksuhin ko pa sana siya pero may motor na bumusina kaya mabilis na kaming lumakad papunta sa kabilang gilid ng kalsada.
I was thankful that he appreciated the food, even if it’s not that special. Mayaman siya at alam kong iba ang panlasa niya kumpara sa akin na dukha pero ramdam ko naman na nasarapan nga siya sa mga kinain namin.
Ako kasi ang pumili kung saan kami pupunta kaya wala siyang nagawa noong nakarating kami sa kalye upang bumili ng street foods.
Noong una ay nagrereklamo pa siya at tila ba nandidiri sa lahat ng nakita niyang tinda, ngunit nang matikman niya ang mga ito ay bigla na lamang nagbago ang kaniyang isip.
Napapangiti tuloy ako sa tuwing babanggitin niyang pinakapaborito niya ang isaw sa lahat ng streetfoods na kinakain namin. Favorite ko rin kasi iyon.
“Thank you,” he muttered after we crossed the road. May panlalambing sa kaniyang boses na kaagad kong ikinangiwi. Sa tono ng kaniyang pananalita ay tila mayroon siyang gustong makuha sa akin.
“Parang baliw ito. Hindi mo ako madadaan sa paganiyan-ganiyan mo, Bryan Lovin. May kailangan ka, 'no?” tanong ko habang tumatawa nang mahina. Napakamot tuloy siya sa ulo pagkatapos ay nginitian niya pa ako.
Nasa tapat na kami ng gate ng tinutuluyan ko at dapat ay nagpapaalam na ako sa kaniya pero parang ayaw ko pa yatang pumasok.
“Actually, yes. May kailangan nga ako sa'yo,” pag-amin niya bago niya pinakawalan ang aking kamay.
Sabi na nga ba. Kilala ko na kasi siya kahit na sandali pa lamang noong maging official friend ko siya.
Hindi ko alam at hindi ko rin maintindihan. Sa tuwing kasama ko kasi siya, pati mga bagay na hindi ko naman dapat sinasabi ay nakukwento ko kaya ganoon din ang nangyayari sa kaniya dahil dinadaldal ko siya.
Maybe it's because of our whirlwind friendship. Bigla na lang kaming naging komportable sa isa't isa.
“What do you need?” taas-noo kong sambit at napa-english pa ako. He patted my head then he leaned closer and he leveled his face on me. Napaatras naman ako dahil sa pagkagulantang ng aking sistema.
“Can I hug you before I leave? Don't worry, I’ll give you three thousand pesos.” He stood straight while he was staring at me. Hindi ko napigilan ang mapipilian kasabay ng mabilis pagpintig ng aking puso.
Tila nawala nang parang bula ang lahat ng mga tao sa eskinita at hindi ko na rin marinig ang ingay ng mga sasakyan sa kalsada. Ano’ng nangyayari sa akin?
“H-ha?” I stuttered as I couldn't think clearly because of the loud noises inside my chest.
“Sabi ko, pwede ka bang yakapin?” pag-uulit niya na nagpawala ng aking hinahon. Babayaran niya naman ako kapalit ng yakap. Hindi ba't iyon naman ang gusto ko—magkapera?
“Bakit kailangan mo pang magpaalam?” kunwaring natatawa kong tanong kahit na gulong-gulo na ang aking nararamdaman.
Magpapaliwanag na sana siya sa akin nang bigla na lang may tumawag ng aking pangalan, galing sa loob ng apartment kaya pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at natuod ako sa aking kinatatayuan nang makilala ko sino ang tumawag sa akin.
“M-Miah,” I stammered as he walked towards us. Napatingin muna ako kay Bryan na biglang lumamig ang ekspresyon bago ko napagmasdan ang kabuuan ni Miah. Doon ko lang napagtanto na nangayayat siya.
He has dark circles surrounding his eyes. His hair was messy and he was not happy to see Bryan and I together.
“What are you doing here?” mabilis na sabat ni Bryan bago pa man ako muling makapagsalita pagkatapos ay kaagad niyang pinagsiklop ang aming kamay at itinago niya ako sa kaniyang likuran.
“Mag-uusap kami,” Miah answered shortly as his eyes caught mine down to my Bryan and I's hands. Nakita ko ang mumunting lungkot sa kaniyang ekspresyon nang makita niyang magkahawak kamay ng kaniyang pinsan.
Tila nakonsensiya naman ako at gusto kong tanggalin ang kamay ni Bryan sa akin ngunit mas hinigpitan niya lang ang kapit sa akin.
“You'll need my approval first,” Bryan declared then he looked at me, “At hindi ako papayag,” dagdag niya bago bumaling kay Miah ang masama niyang tingin.
Hindi naman magkamayaw ang pagpintig ng aking puso. Nalilito na ako at sumasakit ang aking ulo. Kanino ba ako dapat sumama?
“Let’s go. I will take you home. Uuwi tayo sa bahay ko,” Bryan told me with full authority before he pulled me away from his cousin. Patawid na sana ulit kami ng kalsada nang marinig naming magsalita si Miah.
“P-Please, mahal, mag-usap tayo. Kahit sandali lang.” Wala sa sarili akong napatigil nang marinig ko ang pakiusap niyang iyon.
“I missed you,” he added, earning a cuss from Bryan who irritably faced his cousin again. Pigil-pigil ko naman kaagad ang kaniyang kamay upang pakalmahin siya.
“Bryan, m-mag-uusap lang kami,” I muttered, glancing on Miah who was currently looking at us. Kaagad kong inilayo si Bryan pagkatapos ay mabilis ko siyang pasimpleng sinermunan.
“Napaka-on character mo naman. Hindi ba’t ito ang gusto nating dalawa? Baka kapag nag-usap kami, hindi niya na ituloy ang kasal nila ni Monique.” Mahina lamang ang aking boses at sinugurado kong nakangiti ako upang hindi maghinala si Miah na hanggang ngayon ay pinagmamasdan pa rin kaming dalawa.
Para naman siyang natauhan sa kaniyang mga narinig mula sa akin, ngunit magkasalubong pa rin ang kaniyang kilay.
“I am mad at you. Very mad, baby,” he said before he turned his back on me. Bumagsak tuloy ang aking mga balikat at nagbuntonghininga na lamang. Dire-diretso siyang tumawid ng kalsada, ni hindi man lamang niya ako nilingon.
Ang sabi niya, hindi inaaway ang girlfriend pero iniwan niya naman ako.
'E kasi hindi ka naman tunay na girlfriend' dikta sa akin ng aking isip kaya napailing ako. Wala tuloy akong ibang nagawa kundi ang lapitan na lang si Miah.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” pauna kong tanong habang sinusulyapan ko ang papaalis na kotse ni Bryan.
“Let’s talk somewhere else. May alam akong magandang restaurant,” he suggested but I thought of Bryan, that's why I turned down his invitation.
“Dito na lang tayo mag-usap. Busog pa ako, katatapos lang namin kumain,” pagtanggi ko bago ko siya iniwasan ng tingin.
My heart was about to explode, I am feeling it. Ngayon ko lang kasi ulit siya nakita at makakausap na kami lang dalawa.
“Are you both serious?” Miah asked as his expression became vulnerable. Nangingilid ang kaniyang luha habang tila umaasa siyang itatanggi ko ang tungkol sa amin ng kaniyang pinsan.
“I am really sorry for what I have done, hmn?” he stated while crying then he grabbed and kissed the back of my hand, making me startled.
Paulit-ulit na naman siyang nanghingi ng tawad kaya sumakit ang aking dibdib. Naalala ko na naman niloko niya ako.
“W-will you come back to me if I ask you to?” pagpapatuloy niya habang nakahawak siya sa dalawang kamay ko. Sa aking pagtataka ay wala akong ibang naramdaman. Hindi ko kayang ipaliwanag.
“Joy, talk to me. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip mo kung hindi mo sasabihin sa akin,” pakiusap niya kasunod ng bigla niyang paghalik sa akin sa labi na lubos kong ikinagulantang kaya buong pwersa ko siyang itinulak papalayo.
Kita naman sa kaniyang ekspresyon na napahiya siya kaya tumingin na lang ako sa ibang direksyon.
B-bakit pakiramdam ko'y nabastos ako? Hindi dapat ganito ang maramdaman ko dahil siya naman ang mahal ko, hindi ba?
“B-bakit mo ginawa iyon?” nauutal kong tanong habang nagpipigil ng hininga. Nanginginig ang aking mga kalamnan kasabay ng pagdausdos ng mga luha sa aking magkabilang pisngi.
“I love you,” pag-amin niya ng kaniyang nararamdaman, ngunit bago ko pa man maproseso ang mga katagang aking gagamitin ay bigla na lamang sumulpot si Bryan na hindi ko alam kung kailan nakabalik sa aking tabi.
“Leave us alone, Fernandez. Your time is up.” May pagbabanta sa paraan ng kaniyang pananalita bago niya hinigit ang aking baywang.
Pinunasan ko naman ang aking mga luha habang tahimik lang na pinakikinggan ang pag-uusap nilang dalawa.
“Hindi pa kami tapos mag-usap,” Miah stated as I sensed an irritation with his voice. Mukhang seryoso talaga sa planong pakikipag-usap sa akin.
“I don't care.” Bryan gazed at me then he sighed before he glared at Miah.
“If I saw you kissing her again, I’ll see you in hell,” dugtong niya na kusang nagpabilis ng pagtibok ng bagay na nasa loob ng aking dibdib.
As I’ve realized something, tears flooded on my cheeks again. Naguguluhan na ako. Pakiramdam ko rin ay may nagbabago sa akin, ngunit hindi ko pa matunton kung ano.
“M-Miah, sa susunod na lang tayo mag-usap,” anunsyo ko habang pinakakalma ko ang aking sarili. Upang hindi na siya magkulit pa ay sinabi ko na lang na masama ang aking pakiramdam kaya wala na siyang nagawa pa.
Malungkot siyang nagpaalam sa akin bago siya dahan-dahang naglakad papalayo kaya naiwan kaming dalawa ni Bryan na nakikiramdam lamang sa isa’t isa.
“Umuwi ka na rin. Marami pa akong gagawin,” walang buhay kong kataga na kaagad niyang napansin.
“What did you talk about? Ititigil niya na ba ang kasal nila?” Sunod-sunod ang kaniyang mga tanong na nagpamulat sa akin sa katotohanan.
“You intervened. Paano ko malalaman kung ipatitigil niya na ang kasal?” hindi ko namalayang pagsusungit ko bago ko siya tinalikuran.
“Are you really sick?” he asked in concern before he went in front of me. He was about to put his palm on my forehead but I immediately avoided him.
“Mad? I'm sorry. Hindi ko naman kayo guguluhin kung hindi kita nakitang umiiyak,” pagpapaumanhin niyang salayasay kaya nangilid na naman ang aking mga luha.
I am scared as I have realized that my love is fading. Takot ang kumakabog sa aking dibdib habang hindi ako makapaniwalang naitatanong ko ngayon sa aking sarili kung minahal ko nga ba talaga si Miah.
“U-umuwi ka na muna. Baka napagod lang ako,” pagsisinungaling ko bago ako muling naglakad papasok ng gate. Tahimik niya lang naman akong sinundan hanggang sa tumunog ang aking cellphone kaya pareho kaming napatigil.
“H-hello, Benj, bakit?” I asked over the phone before I glanced on Bryan who looked away. Inayos ko naman ang aking itsura bago ko ulit tanungin si Benj na hindi naman sumasagot.
“J-Joy, can you help me?” Garalgal ang boses nito at nakarinig din ako nang mumunting habag kaya nakatitiyak akong umiiyak siya. Isa-isa tuloy nawala ang mga tanong sa aking isip at biglang na-focus sa kaniya ang aking atensiyon.
“May nangyari ba? Bakit ka umiiyak?” sunod-sunod kong tanong bago ako muling tumingin kay Bryan na sumenyas kung ano ano ang problema.
“I-I’m here at Brisville Park. H-help me,” sagot naman nito sa kabilang linya bago namatay ang tawag.
“Bryan, samahan mo ako sa Brisville,” pagmamadali ko bago ko ikunwento sa kaniya na may problema ang kaniyang pinsan.
Tumawid kami agad sa kalsada at bumalik sa kaniyang sasakyan pagkatapos ay nagmaneho patungo sa lugar kung nasaan si Benj.
Buong biyahe kaming tahimik. He was focusing on driving while I was looking outside the window. Mabuti na lang din at tila marunong siyang makiramdam dahil ayaw ko talagang pag-usapan ang nangyari kanina.
Pagdating namin sa park ay nakita naming nakaupo si Benj sa isang bench habang yakap-yakap nito ang kaniyang bag. Bagsak din ang kaniyang dalawang balikat kaya mabilis namin siyang nilapitan.
“Benj!” sigaw ko sa kaniyang pangalan kaya napalingon siya at napatayo upang hanapin ako. Nang magsalubong naman ang aming paningin ay mabilis siyang ngumiti, pero nawala iyon nang makita niyang kasama ko si Bryan.
“G-gusto ko sana na makausap ka na t-tayo lang dalawa,” mensahe niya nang makalapit kami sa kaniya kaya pakiusapan ko muna si Bryan na umalis at hayaan kaming makapag-usap.
“Dalawang beses mo na akong pinapaalis,” nakasimangot niyang komento bago siya lumayo nang kaunti sa amin ni Benj.
“Tungkol ba saan iyon?” mahinahon kong tanong bago ko siya inayang umupo kami sa bench, pero ayaw niya kaya nakatayo lamang kaming dalawa habang hinihintay ko siyang sabihin sa akin ang problema.
“I-I hate hiding myself,” panimula niya habang nangingilid ang luha.
“I'm sorry. Are you gay?” hindi ko komportableng tanong na tinawanan niya lang nang mahina bago siya umiling.
“Promise me, you won’t judge me.” Hindi iyon pakiusap kundi pagmamakaawa kaya tinapik ko ang kaniyang balikat at nginitian siya upang tiyakin na wala siyang maririnig na masama sa akin.
“Promise,” I said before I raised my right hand on air then I smiled to assure him.
“I-I. . . I like B-b**m,” anunsyo niya na lubos kong ikinagulantang. Napanganga ako at para akong nabingi sa aking narinig.
Kinuha niya sa upuan ang kaniyang bag na nasa kandugan niya kanina bago niya ito binuksan at kinuha ang isang bagay na gusto niya raw ipakita sa akin.
It was a black hand cuff. Iba ito sa posas ng mga pulis dahil mayroon pa itong design na parang. . .
Nasamid na lamang ako bigla nang ma-realize ko kung ano talaga ang hawak niya. Napatingin din ako kay Bryan na bigla ring nanlaki ang mga mata nang mapansin ang bagay na nasa kamay ng kaniyang pinsan. Mabilis tuloy siyang tumakbo papunta sa amin ni Benj.
“Get in the car. Ako na ang kakausap sa kaniya,“ Bryan told me, but I didn't follow him, instead I listened to Benj’s explanation.
“I-I like kinks and I hate it. Hindi ko na alam ang gagawin ko,” paliwanag niya habang hindi makatingin sa amin ng diretso. Mapapansin din ang pamumula ng kaniyang magkabilang pisngi, senyales na nahihiya siya sa ginawa niyang pag-amin.
“Kailan pa iyan?” Bryan asked while he was looking at the hand cuff on Benj’s hands.
“F-four years ago, since I turned 15. I first saw a clip on a movie, then I didn’t realize that I got addicted to scenes with roleplays and s3x toys.” He cried then he sit down on the bench on his back. Nakikinig lang naman kaming dalawa ni Bryan habang isinasalaysay niya sa amin ang lahat.
“I’m a sinner, now that I want to try it,” panghuli niyang sinabi kaya nagkatinginan kami ni Bryan na wala sa sariling napakamot sa kaniyang batok.
“I'm not against it, bud. If you want to try it, go. You’re already in a legal age; you should find a girlfriend,” suhestiyon ni Bryan ngunit tila ayaw sang-ayunan ng kaniyang pinsan.
“I-I can't find somebody else,” Benj answered while he was looking at me and as if on cue, Bryan quickly pulled my body by his side then he cussed loudly. Naguguluhan naman akong nagpapalit-palit ng tingin sa kanila dahil kanina lamang ay nag-uusap pa sila nang maayos.
“I-I may look weird and crazy, but I just want to hand cuff her. Wala akong gagawin, iyon lang,” Benj muttered as he stood up again. Nang rumehistro naman sa aking isip ang kaniyang tinuran ay halos mabilaukan ako.
“Poposasan mo ako?” tanong ko kaya sunod-sunod ang pagtango na ginawa ni Benj.
“Are you crazy? No,” mariin na sagot ni Bryan pagkatapos ay hinawakan niya agad ang aking kamay at inaya na akong umalis. “Let’s go. Hindi mangyayari ang gusto niya.”
“I-I just want to see her—” Hindi napigilan ni Bryan na lapitan ang kaniyang pinsan matapos niyang bitiwan ang aking kamay. Hindi tuloy naipagpatuloy ni Benj ang kaniyang sasabihin.
“B-Bryan, Benj, tama na iyan,” awat ko sa kanilang dalawa bago pa man sila magkainitan.
“Bud, kung may gagawa man kay Joy ng ganiyan, ako lang,” Bryan told his cousin before he pulled me away from Benj. Hindi man siya sa akin nakatingin ngunit milyon-milyon namang boltahe ng kuryente ang kumiliti sa aking katawan.
~×~