Kakain lang tayo
xMaligaya©June2023
PIKIT mata akong pumayag sa kaniyang plano kahit na mayroong pag-aalingan sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit ako sumang-ayon.
Sinabi kong ayaw ko na ng gulo, ngunit heto ako at gumagawa na naman yata ng panibago.
“Hindi ka naman naghihiganti, hindi ba?” malumanay kong tanong kay Bryan habang naglalakad kaming dalawa sa open field papunta sa basketball gym upang panoorin ang basketball game ni Jeffrei.
Nang marinig niya ang aking sinabi ay agad siyang napatigil sa paglalakad, pagkatapos ay kunot-noo niya akong tiningnan na para bang hindi siya makapaniwala sa aking binanggit.
“What are you saying? We're doing this to get them back,” he defended himself, but I’m still not satisfied with his answer. Para kasing ang bilis-bilis ng mga pangyayari at mukhang napasubo ako sa kaniya.
Hindi ako sigurado kaya natural lamang na tanungin ko siya tungkol sa totoo niyang motibo.
“Bryan,” I seriously called his name while I was staring straight in his eyes. Plano ko siyang paaminin ngunit nang makipaglaban siya ng titigan sa akin ay tila nahipnotismo ako at hindi nakapagsalita.
“Joy, I won't do that, promise. Ginagawa natin 'to para hindi matuloy ang kasal. If Jeremiah backs out, we'll happily end our relationship, right away,” paninigurado niya katulad ng sinabi niya noong nakaraan.
Bigla niya ring pinagsiklop ang aming mga palad kaya wala sa sariling napatanga ako, ngunit nang makabawi ako sa kaniyang ginawa ay siya naman ang aking ginulat.
“Two thousand!” masaya kong sigaw kaya muntik na niyang mabitiwan ang aking kamay, mabuti na lamang at hinigpitan ko agad ang kapit sa kaniya.
Tumatawa kong itinaas ang magkasiklop naming kamay dahil alam kong magkakapera na naman ako. Mukha tuloy siyang natalo sa sugal nang mapagtanto niya ang nangyari.
“Damn it. Yayaman ka dahil sa akin,” kunwaring naiirita niyang sambit ngunit nakita ko naman ang unti-unting pagguhit ng ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi ko tuloy mapigilan na mapangiti rin. Ewan ko kung dahil ba iyon sa sinabi niyang yayaman ako o dahil sa nakita kong reaksyon niya.
“My love language is definitely not physical touch, but I’m liking our skinship. I don’t know why.” Sumeryoso siya at tila iniisip kung ano raw ang dahilan ng pagbabago niya nitong mga nakaraang araw.
“Baka crush mo na ako,” panunukso ko na umani ng isang simangot mula sa kaniya. Natawa naman ulit ako pagkatapos ay nagtuloy kami sa paglalakad habang magkasiklop ang aming kamay.
Dalawang linggo na kaming nagkukunwari. Noong mga unang araw ay hindi namin alam kung paano ang gagawin dahil naiilang ako sa kaniya kaya gumawa siya ng paraan para mas magkakilala pa kami.
We shared a lot of things with each other. Mula kaliit-liitang bagay hanggang sa mga pangarap namin ay palagi naming pinag-uusapan. Araw-araw din kaming may dagdag na nalalaman sa isa't-isa dahil iyon ang pinag-usapan namin. Para tuloy ang tagal-tagal na naming magkakilala ngayon.
Dahil sa kaniya ay pansamantala kong nalimutan si Miah na kahit na isang beses ay hindi man lamang nagpakita sa akin. Nabalitaan kong pumapasok naman siya sa school pero parang pinagtataguan niya talaga ako.
Then, I heard Monique has dropped out. Siguro ay para na rin itago ang sitwasyon niya. Ayon kasi kay Jeffrei, gusto munang ilihim ng dalawang pamilya na buntis si Monique hangga't hindi pa sila naikakasal ni Miah.
“They're looking at us. Sikat ka na rin,” Bryan muttered, making me come back to reality. Napatingin naman ako sa aming paligid at halos lahat na pala ng mga estudyanteng nasa open field ay nakatingin sa amin dahil agaw-atensiyon siya.
“H-halika na. Baka awayin na naman nila ako,” sagot ko bago ko sinubukang tanggalin ang magkadikit naming palad na hindi niya naman pinayagan.
“Don’t mind them. Ako lang ang tingnan mo,” pagsaway niya sa aking ginagawa, dahilan upang gumaangaan ang aking pakiramdam.
Mula noong sabay na kaming pumasok ni Bryan ay nagtaka na ang mga estudyante sa amin. May iba pa ngang nagagalit sa akin dahil pagkatapos ko raw lapitan si Miah ay kay Bryan naman ako dumidikit.
Hindi ko alam na nakarating pala kay Bryan ang minsang pang-aaway sa akin ng ibang mga babae. Pinagsabihan niya ang mga ito kaya simula noon ay hanggang masasamang tingin na lang ang ibinibigay ng mga ito sa akin.
“Halika na. Kanina pa nagsisigawan sa gymnasium. Late tayo sa game ni Jeffrei,” pag-aaya ko ulit bago ako ngumiti upang iparating sa kaniya na okay lang ako.
“Lolo already knew about us,” he declared, making my lips parted. Nabitiwan ko ang kaniyang kamay kasunod ng pagdating ng kakaibang kaba sa aking dibdib.
“Bakit dinamay mo pa si Lolo?” sunod-sunod kong tanong ngunit parang wala naman siyang pakialam. Ngumiti pa siya na tila nagyayabang kaya natuptop ko na lang ang aking noo.
Ano na lamang ang sasabihin sa akin ni Lolo? Baka isipin niya na gold-digger ako gaya ng sinasabi ng iba sa akin dahil sa mga apo niya ako dumidikit.
“Stop thinking negatively. He gave his blessing. Gusto ka niya,” he answered as he gently squeezed my hand. “He's in favor of us,” pagpapatuloy niya pagkatapos ay inayos niya ang hibla ng buhok na lumandas sa aking mukha dahil sa malakas na hangin.
“And. . .” pabitin niya pang salaysay kaya napataas ang aking kilay sa antisipasyon. “Pinagbawalan ko silang lumapit sa’yo. That's the reason why Miah is not bothering you.”
“Bakit? Hindi ba mas maganda na nakakausap ko si Miah?” sunod-sunod kong pag-uusisa ngunit sunod-sunod lang din ang ginawa niyang pag-iling.
Minsan talaga, hindi ko alam kung 'yong masungit na Bryan pa ba ang kaharap ko o doppleganger niya lang. Ang laki ng ipinagbago niya. Ganito ba ang mga lalaki kapag na-bo-brokenhearted?
“Bakit bawal siyang lumapit sa akin?” may paghahamon kong tanong bago nagtakangkang bitiwan ang kaniyang kamay, ngunit hinigpitan niya ang kapit sa akin kaya nabigo ako.
“I am trying to be a possessive boyfriend here. Kapag nakita kitang kinausap mo siya, magseselos ako,” dirediretso niyang salaysay kaya kitang-kita ang gulat sa aking ekspresyon.
Parang gusto ko siyang kutusan ngayon din. Sa halip kasi na kiligin ako sa sinabi niya ay nairita pa ako.
“Magseselos? Ikaw? Parang hindi tayo naglolokohan lang dito, 'no?” Kung hindi ko siguro alam na naglolokohan kami rito baka tumalab pa ang mga linya niya sa akin.
“Why? Does your heart beat fast?” tila nanunukso niyang tanong kaya sarkastiko na lamang akong tumango habang nakasimangot. Nakatanggap din siya ng isang irap sa akin na tinawanan niya lang naman.
“Kain tayo mamaya,” pag-iiba ko ng topic dahil may nakasalubong kami na may kinakaing masarap.
“Libre mo?” He jokingly asked, even if he knew that I don't have enough money. Alam niya ring napupunta sa mga project ko ang perang ibinibigay niya sa akin kaya wala akong maipanlilibre sa kaniya.
“My boyfriend is rich. Hindi siya papayag na ako ang gagastos,” nakangiti kong sabi bago ko siya tiningnan at nang-ulok.
“My baby always likes to eat,” nagpipigil ngiti niyang sagot pagkatapos ay matiim niya akong tinitigan. “Next time, ako naman ang pakainin mo,” dagdag niya, dahilan upang manlaki ang aking mga mata.
K-kakainin niya ako?
“B-bastos ka!” malakas kong sigaw bago ako kumawala sa kaniyang pagkakahawak. Napatigil kami sa paglalakad at nagsimula na akong mataranta.
Gusto ko lang namang kumain pero bakit ang kapalit ay kakainin niya ako?
Oh my god! Na-i-imagine ko!
Napadasal ako sa mga santo at nag-iinit ang aking magkabilang-pisngi. Bakit ko naiisip? Mali iyon!
“W-what?” naguguluhan niyang tanong bago lumandas ang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi. Para bang nabasa niya na kung ano ang nasa isip ko.
“I didn’t say that I will eat you. I’m talking about libre,” he commented while grinning. Napatigil naman ako sa pag-iisip at unti-unting lumukob ang hiya sa aking buong pagkatao.
“T-tungkol sa libre?” pagsisigurado ko at nang tumango siya ay tila gusto ko nang lumubog sa aking kinatatayuan. Mabilis ko siyang iniwasan ng tingin kasabay ng pagpapaypay ko gamit ang aking palad.
“Hindi ka na inosente,” pukaw niya sa aking atensiyon kaya napalunok ako. Parang hindi ko yata kayang magsalita matapos kong mag-isip ng marumi.
Kasalanan ito ni Miah. Kung ano-ano kasing mga censored words ang lumalabas sa bibig niya kaya akala ko ganoon din ang ibig sabihin ni Bryan.
“I-inosente ako,” pagtatanggol ko sa aking sarili pagkatapos ay tumalikod ako sa kaniya upang makasigaw ako nang walang boses.
“Really? Have you remembered that you already saw me naked?” tanong niya na biglang nagpayanig ng t***k ng aking puso. Para bang mauubusan ako ng hininga nang maalala ko na naman ang pangyayaring iyon.
“Baby, are you fantasizing about me?” Kaagad akong napaharap sa kaniya nang marinig ko iyon pero kaagad naman akong napipilan nang makita kong tila tinutunaw ako ng kaniyang mga titig.
“Hindi no!” singhal ko na hindi makatingin ng diretso sa kaniya. “S-saka huwag mo nga akong tawaging baby! Hindi na ako bata,” pananaway ko pa kahit na ilang na ilang na ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
“Hindi ka na bata, pero kaya mo nang gumawa bata,” pagbibiro niya na nagdala ng hindi maipaliwanag na kilabot sa aking sistema. Mabilis ko tuloy siyang pinaghahampas dahil kung ano-anong pakiramdam ang ibinibigay niya sa akin ngayong araw.
Tumakbo rin ako papalayo sa kaniya upang hindi niya na ako tuksuhin pa. Tawa naman siya nang tawa sa aking reaksyon bago niya ako hinabol. Nang magsabay naman kami sa paglalakad ay nagpapasalamat akong tumigil na siya sa panunukso.
“Bata ka pa. Hindi pa pwede iyon. Even if Miah comes back to you, never do it with him. It's a wedding gift, understood?” he seriously mentioned which made me nod. Gumuhit ang totoong ngiti sa aking mga labi kasunod ng pag-akbay niya sa akin.
I am starting to think that Bryan is really a good friend. Pakiramdam ko tuloy hindi siya deserve ni Monique.
Nang makarating kami sa labas ng gymnasium ay nakabibinging sigawan ang sumalubong sa amin kaya tumigil muna kami sandali.
“Maraming tao sa loob. Ready?” he questioned as he signaled me that we have to pretend again.
“Behave, Bryan. No kisses,” pagpapaalala ko ulit bago ako nagbuntonghininga upang tanggalin ang namumuong kaba sa aking dibdib.
“Yes, Misis,” maikli niyang pahayag bago niya hinila ang aking kanang kamay papasok sa gymnasium.
Dalawang magkatunggaling school ang narito ngayon. Dahil nasa homecourt ay mas maraming fans sina Jeffrei na kaagad kong nakita sa kanilang bench na tila nadidismaya sa ipinakikitang laro ng kaniyang mga ka-grupo.
Sabay kaming napatingin ni Bryan sa score board ay nakita naming lamang ang kalaban. Upang pasiglahin siya ay inaya ko na lang si Bryan na lapitan si Jeffrei. Hindi naman siya nakatutol dahil mabilis ko na siyang hinila.
“Baby ko!” Jeffrei shouted immediately after he saw me. Biglang nagliwanag ang kaniyang mukha at muntik niya pa akong mayakap sa tuwa, kung hindi lamang ako hinila ni Bryan papalayo sa kaniya.
“She's not your baby anymore,” Bryan announced before he told his cousin to fvck off.
“As if you can dictate me, Bry,” sarkastikong sagot naman ni Jeffrei bago siya tumingin sa akin at ngumiti. “Watch me win this game. Love you, baby,” he added, making me glance at Bryan who immediately wrapped his arms around me.
Kaagad na nagpa-sub si Jeffrei sa laban at tila bigla itong ginanahan na ikinatuwa naman ng lahat ng estudyante ng DASU na nandito sa gymnasium, maliban sa isa na nasa aking tabi.
Gusto ko sana siyang singilin sa yakap pero dahil sa nakita kong ekspresyon niya ay mamaya na lamang.
Nag-focus na lang kaming dalawa sa basketball game hanggang sa ako na mismo ang hindi nakatiis na banggitin si Jeffrei dahil wala na yata siyang planong pakawalan ako.
I don't know but I have this feeling that he’s being territorial. Sa tuwing makakapuntos kasi ang pinsan niya at titingin ito sa akin at ituturo pa ako.
“It's nothing. Nakababatang kapatid niya raw ako. Sabi niya pa nga kapag nagka-boyfriend daw ako, dapat approve sa kaniya,” I explained before I gently removed his arms from my waist. Nakita ko namang hindi siya kumbinsido kaya napakibit-balikat na lang ako.
“I told him to stay away from you. Alam nang girlfriend kita—” Napapikit ako at kaagad kong pinutol ang kaniyang sasabihin. May nagawa nga pala akong kasalanan sa kaniya. Napaamin kasi ako ni Jeffrei noong isang araw.
“Alam niyang hindi totoo 'yong relasyon natin. Nasabi ko sa kaniya nang hindi sinasadya,” nag-aalangan kong sambit kasunod ng pagngiti ko ng pilit.
He'll get mad at me. Inihahanda ko na ang aking sarili.
“Did you tell him?” dismayado niyang tanong pagkatapos ay napatingin na naman kay Jeffrei na nakapuntos ulit.
“Kay Jeffrei lang naman saka nadulas ako. Nangako siyang hindi niya ipagsasabi.” I tried my best to say those words in sweet tone, but he was not swayed. Tinitigan niya lamang ako at hindi nagsalita.
“Galit ka ba? Aawayin mo na ako?” A series of question came out of ny mouth. Nang umiling siya ay kusang ngumiti ang aking mga labi. Umeepekto rin pala ang panlalambing ko.
“Hindi inaaway ang girlfriend,” kagat-labi niyang pahayag kasunod ng paggulo niya sa kaniyang buhok at pag-iwas ng tingin sa akin.
“Sorry na,” pagpapaumahin ko ulit ngunit hindi niya na siya sumagot. Masama niya lamang tiningnan ang pinsan niyang isinisigaw na ang aking pangalan.
“Ano ba’ng gusto mong gawin ko?” pag-uusisa ko at nagulat ako nang bigla niya na lang bawasan ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Itinapat niya rin ang kaniyang bibig sa aking tainga upang bulungan ako.
Kasabay nang malakas na hiwayan ng mga estudyante ay ang pagsigaw rin ng aking sistema dahil narinig ko na naman ang mga katagang nagpapadumi ng isip ko!
“Pakainin mo ako, baby,” bulong niya na kaagad na ikinainit ng aking magkabilang-pisngi. Nag-iisip na naman ako ng kung ano-ano kaya kahit ano'ng tawag ni Jeffrei sa akin ay hindi ko na marinig.
Napansin niya naman na hindi ako makagalaw at tila himalang natunaw ang kunwaring pagtatampo niya sa akin. He was now grinning from ear to ear, making my heart explode because of embarrassment.
“Stop blushing. Kakain lang tayo, hindi pa gagawa ng baby,” ngumingiti na niyang salaysay na nagpadagundong nang malakas sa aking dibdib.
Nagkamali pala ako. Bakit parang may epekto na sa akin ang kaniyang mga banat?
~×~