Babayaran ko na lang
xMaligaya©June2023
“MAGIGING maayos din ang lahat,” pangungumbinsi ko sa aking sarili habang inaayos ko ang aking mga gamit sa bago kong inuupahang kwarto. Mag-iisang linggo na ako rito pero dahil sa aking pagdadalamhati ay ngayon ko lamang nagagawang ayusin ang aking mga gamit.
Maayos naman ako rito. Maliit ang tinutuluyan ko ngunit mababait naman ang mga kasama ko sa bahay. We are all girls who are still studying, sa iba't-ibang university nga lang. Nagulat nga silang lahat noong nalaman nilang sa DASU ako nag-aaral dahil puro mayayaman daw ang lahat ng estudyante roon.
“Joy, nasa labas na naman ng apartment natin 'yong lalaki noong isang araw,” bulalas ng isa sa mga kasama ko sa bahay kaya napabuntonghininga na lamang ako at dismayadong napapikit.
Nakatitiyak akong si Bryan na naman ang nasa labas. Ilang beses ko na siyang ipinagtatabuyan, subalit makulit talaga siya. Noong isang araw nga ay pinilit niya pang isama si Benj para daw wala akong magagawa kundi makipagkita sa kanila.
After what happened to their house, I immediately went to Lolo, asking if I could leave the mansion immediately. Lalo pang nag-alab ang aking damdamin na umalis noong nalaman ko mula sa matanda na pumayag si Miah sa itinakdang kasal ng dalawang pamilya.
Hindi ko alam.
Hindi ko alam kung bakit niya nagagawa sa akin ang bagay na iyon. Ang sabi niya'y mahal niya ako at hindi niya ako kayang mawala sa kaniya, pero nakuha niyang pumayag na magpakasal sa iba.
Naguguluhan ako at nasasaktan. Siguro. . . siguro nga'y hindi niya talaga ako mahal. Hindi siguro ganoon kalalim ang nararamdaman niya para sa akin.
Nakusot ko ang aking mga mata nang unti-unti na namang nanubig ang mga ito. Isang linggo ko nang pinipigilang umiyak ngunit hindi ko na yata kaya ngayon.
“Joy, umuulan na. 'Yong bisita mo sa labas,” pagpapaalala muli ng aking kasama sa bahay kaya napabalik ako sa aking katinuan. Mabilis akong bumalikwas at lumabas ng aking kwarto upang puntahan siya.
Bryan somehow helped me. Sa tuwing maiisip ko ang panloloko sa akin ng pinsan niya, bigla-bigla na lamang siyang darating para guluhin ako.
“Imposibleng magpaulan siya. Maarte 'yon, e,” bulong ko sa aking sarili bago ako nanghiram ng payong sa aking mga kasamahan. Nagmamadali rin akong lumabas ng apartment upang hanapin siya.
Malakas ang hangin at malalaki rin ang patak ng ulan nang makalabas ako sa kalsada. At nang sandaling mahagip siya ng aking mga mata ay napailing na lamang ako.
He was standing in the rain. Nakayuko siya at umaalog-alog din ang kaniyang mga balikat. Sandali. . . umiiyak ba siya?
“Bryan!” tawag ko agad sa kaniyang pangalan bago ako tumakbo papalapit sa kaniya, saka ko siya pinayungan. “Wala ka rin sa hulog, 'no? Alam mong umuulan, hindi ka sumilong sa—”
“P3rvert,” he called my nickname as he hid his pain with a smile.
“Ano na naman ba ang ginagawa mo rito?” tila naiinis kong tanong bago ako lumapit pa nang kaunti sa kaniyang pwesto, nababasa na rin kasi ako ng ulan dahil maliit lang ang payong na hawak ko.
“How's the exam? Nakapag-aral ka ba?” ganti niya ring pag-uusisa upang ilihis ang aming diskusyon.
Kung sa tingin niya'y may taong nakakapag-aral pa nang mabuti pagkatapos ng mabibigat na pasakit ay nakasisiguro akong hindi ako iyon. Sinubukan ko namang mag-aral, ngunit ilang minuto pa lamang ang lumilipas ay bumibigat na agad ang aking dibdib.
“I failed the exams,” he answered his own question then he let out a deep sigh. Malakas ang buhos ng ulan at dumadagundong din ang kulog at kidlat, ngunit ang pagdadalamhati niya lamang yata ang aking naririnig.
“It’s okay. I really don’t want to graduate with Latin honors.” dagdag niya pa bago nagsalubong ang aming mga mata. Napipilan tuloy ako at hindi makapagsalita.
He is lying.
“Bryan,” malungkot kong tawag sa kaniya bago ako napabuntonghininga. I know how he wanted to graduate with flying colors. Naikwento niya ang bagay na 'yon sa akin noong minsan kaming nagkausap.
“I hope you don’t lose your scholarship. May isang taon ka pa,” pagpapalakas niya ng aking loob kaya napailing na lamang ako at napatingin sa aming paligid.
“Bakit ba nandito ka na naman? Ang lakas-lakas ng ulan. Ano’ng reason mo ngayon?” sunod-sunod kong pag-uusisa, ngunit nginitian niya lamang ako, sa halip na sagutin ang aking tanong.
“I just can’t find someone I can talk to and I also don't have a place to stay.” May bahid ng lungkot sa kaniyang boses bago niya sinubukang hulihin ang aking paningin. Kinuha niya rin sa akin ang payong at siya na mismo ang naghawak niyon upang may masilungan kaming dalawa.
“Umuwi ka muna sa mommy mo, kung ayaw mo sa mansion,” suhestiyon ko na kaagad niyang tinanggihan.
Nabalitaan kong pinayagan ni Lolo Alejandro na roon muna tumigil si Monique sa mansion habang inaasikaso nila ang kasal. Iyon ay ayon na rin daw sa kagustuhan ng mga magulang ng babae at para na rin daw mabantayan ni Miah nang maayos ang kaniyang mag-ina.
Sa totoo lang, sa isang linggo kong pagtigil dito sa bago kong apartment ay araw-araw at gabi-gabi pa rin akong umaasa na darating siya at magpapaliwanag sa akin, pero ni anino niya’y hindi ko nakikita. Kahit sa school ay hindi ko siya natatagpuan.
“Kukulitin lang ako ni Mommy hanggang sa mag-away kami,” sagot niya kaya napakamot na lang ako sa aking noo.
Hindi ko naman siya pwedeng patuluyin sa apartment dahil maliit lamang ang kwarto ko at bawal din kaming magpapasok ng ibang tao lalo na ng mga lalaki.
Saka, bakit ko naman siya patutuluyin? Ano'ng gagawin namin sa kwarto ko kung sakali?
“Marami kang pera, hindi ba? Rent a hotel,” maangas kong payo sa kaniya, dahilan upang mapaisip siya.
“Do you want?” he questioned.
“Do I want what?” paglilinaw ko dahil hindi ko siya naintindihan.
“Hotel,” he answered quickly. “Tayong dalawa?” pahabol niyang tanong na para bang walang malisya kaya nalaglag ang aking panga.
Nang makita niya naman ang aking naging reaksyon ay napamura siya nang mahina at umiling-iling pa.
“Sorry. I didn't mean it that way. Huwag na nga,” mabilis niyang pagbawi sa kaniyang sabi bago pa man tuluyang rumehistro sa akin ang lahat. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata dahil ako pa ang tinubuan ng kahihiyan.
“A-ayaw ko. U-umalis ka na. Papasok na ako sa loob,” mabilis kong pagpapaalam sa kaniya bago ko kinuha sa kaniyang kamay ang payong naming dalawa, ngunit natigilan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses sa aking likuran.
“Joy, ano'ng ginagawa niyo rito sa labas?” Kaagad akong napalingon at nang malaman ko kung sino 'yon ay nahihiya na lamang akong napangiti.
Nakita pala kami ng babaeng may-ari ng apartment na tinutuluyan ko. Nakapayong ito at may bitbit na plastic ng pagkain. Lumapit din ito sa aming dalawa ni Bryan saka nagtanong kung bakit kami nasa labas.
“Pumasok kayo sa loob. Dito ka na rin matulog, pogi. Gabing-gabi na at mapanganib nang magmaneho. Malakas ulan at bahang-baha na rin sa labasan,” dirediretso nitong sambit, dahilan upang mapagawi ang aking tingin kay Bryan na tila pinoproseso pa ang kaniyang narinig mula sa landlord ko.
“Tita Riza, hindi ba’t wala na tayong bakanteng kwarto?” may kuryosidad kong tanong, saka nabanggit niya rin sa akin bago niya ako pinatuloy sa apartment niya na hindi ako maaaring magpatuloy ng lalaki.
Kaagad naman akong hinila ni Tita papalapit sa kaniya, dahilan upang sa payong niya ako mapasukob. Sa tabi ni Tita Riza ay pasimple niya kinurot akong sa tagiliran pagkatapos ay mayroon siyang ibinulong sa akin.
“Mayaman 'yan. Nakita ko ba ang sasakyan? Sa kwarto mo na siya patuluyin,” mahina niyang salaysay pero kahit na sobrang lakas ng ulan ay pumasok pa rin sa aking pandinig. “Sayang ang oportunidad, iha,” dugtong niya pa kaya mabilis akong umiling upang tumutol.
Sa isang kwarto? Kaming dalawa lang? Saka oportunidad? Ano'ng oportunidad iyon?
“M-magpapatila lang po ako ng ulan. Uuwi rin po ako,” Bryan suddenly said before he looked at me. Pinipilit pa siya ni Tita Riza pero mukhang hindi rin siya komportable na makitulog sa tinitirahan ko dahil sobrang liit lang ng bahay at hindi siya sanay roon.
Sa huli ay sumuko rin ang landlord ko at pinapapasok na lang kami sa loob ng bahay matapos magpaalam na mauuna na sa loob.
“Uuwi rin ako,” pag-uulit ni Bryan sa akin na para bang sinisigurado niyang wala siyang balak na makituloy sa akin. Lihim tuloy na guminhawa ang aking paghinga dahil sa kaniyang sinabi.
“M-may baon ka bang damit sa kotse mo? M-magpalit ka muna,” suhestiyon ko nang mapansin kong mukha na siyang basang sisiw. Sakto namang mayroon daw siyang dala kaya kinuha muna namin 'yon sa kaniyang kotse bago kami pumasok sa bahay.
“Ang pogi nga,” pagbubulong-bulungan ng mga kasamahan ko kaya mahina na lamang akong tumawa upang tanggalin ang awkwardness sa aming paligid.
Hindi naman siya nagsungit at nagsuplado, binati niya pa nga ang mga kasama ko sa bahay kaya lalo silang napuno ng pagtatanong sa akin. Gusto nilang interview-in si Bryan, mabuti na lamang at to the rescue si Tita Riza at mabilis siyang sinabihan na dumaretso na sa banyo upang magpalit ng damit.
Hinintay ko naman siya sa labas at nang matapos siyang magbihis ay pinatuloy ko muna siya sa aking kwarto.
“Leave the door open,” he commanded after we went inside my room. “Maghihinala sila na may gagawin tayo kung isasarado mo ang pinto,” dugtong niya pa kaya mabilis kong sinunod ang kaniyang inutos. Hinayaan ko ngang bukas ang pinto ng aking kwarto bago ko siya pinaupo sa gilid ng aking kama upang magpahinga.
Inalok ko rin siya ng makakain at maiinom nang makita ko ang sachet ng 3-in-1 coffee na nakalagay sa maliit na cabinet sa gilid ng aking kwarto.
Hindi naman siya tumanggi kaya lumabas akong muli upang ipagtimpla siya ng kape. Pagbalik ko ay may dala na rin akong tinapay kasama ng kape.
“Thank you,” he muttered before he took a bite of the bread. Tumango lang naman ako kasunod ng paglingon-lingon ko sa aming paligid. Hindi ko kasi alam ang gagawin kung uupo ako sa sahig o tatabi sa kaniya sa kama.
Maliit lamang kasi ang kwarto ko kumpara sa iba. Mas mura dito at ito lang ang kaya ng pera na hawak ko ngayon.
“P3rvert, I won’t eat you. Come here,” salaysay niya nang mapansin niyang hindi ako komportable sa sitwasyon naming dalawa. Tinapik niya pa ang aking kama, at ako namang natataranta ay walang nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.
Dumaan ang matagal na katahimikan sa pagitan naming dalawa at tila mas pinili na lang naming makinig sa malakas na musika ng ulan. Pareho lamang kaming umiinom ng kape habang nakatulala sa kawalan.
“Do you really want to let Jeremiah go?” he suddenly questioned, making my heart drop. Napalingon tuloy ako sa kaniyang pwesto kasabay nang pagkunot ng aking noo.
What is happening? Noong nakaraan ay pinaghihiwalay niya pa kami ng kaniyang pinsan, pero bakit ngayon ay nahihimigan kong gusto niyang ipaglaban ko si Miah?
“Akala ko ba ang sabi mo, hindi na binabalikan ang mga manloloko? Bakit parang gusto mong pigilan ko ang kasal?” I threw him a question after a question. Hindi ko siya maintindihan.
Jeremiah broke my heart. At magiging tatay na rin siya. Hindi ko siya aagawin sa walang kamuwang-muwang na sanggol.
“I want to stop the wedding. Pananagutan ko ang bata kahit na hindi ako ang ama.” Napatanga ako at hindi kaagad nakaimik sa kaniyang idineklara. Nag-uunahan ang t***k ng aking puso dahil sa pagkabigla.
“G-gagawin mo iyon?” hindi ko makapaniwalang tanong at wala sa sariling lumapit ako sa kaniya.
“Kung papayag ka sa plano ko, oo,” walang pag-aalinlangan niyang sagot kaya parang nawala ang lahat ng enerhiya ko sa katawan.
“Bakit hindi mo na lang kumbinsihin si Mo—” pinutol niya ang aking sasabihin kasabay nang paghawak niya sa aking mga palad.
“They both signed a contract, saying they will do the wedding, no matter what happens,” malumanay niyang paliwanag habang nakatingin sa aking mga mata. Napaiwas naman ako ng tingin at itinuon ko na lamang ang aking sarili sa mga kamay kong hawak niya.
“So, this is my plan. Stay by my side. We will both pretend that we're in a relationship.” He was so hyped up. Excited na excited siya habang inilalahad niya sa akin ang kaniyang mga binuong plano.
“Ayaw ko,” mariin kong sagot bago ako umiling. “Paano malulutas niyan ang problema natin?” dagdag ko pa bago ko tinanggal ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay. Ngunit sa halip na tumigil ay lalo pa siyang ginanahan na kumbinsihin ako.
“I will help you in your studies. Ang sabi mo noon sa'kin, matatanggal ang scholarship mo, hindi ba? I have good grades. I can tutor you. Matalino ako.” Napaawang ang aking bibig dahil hindi ko alam kung nangungumbinsi pa ba siya o nagyayabang na.
I shook my head.
This is not the Bryan Sanchez I knew.
“Bakit ba kailangan pa na magpanggap tayo na tayo?” pag-uusisa ko bago ko sinalubong ang kaniyang paningin.
“Bryan, ang dami-daming babae riyan. Kung gusto mong pagselosin si Monique humanap ka ng mas maganda sa kaniya, ng mas mayaman,” pagpapatuloy ko ngunit tanging pag-iling lang ang kaniyang isinagot sa akin.
“Nasisiraan ka na ng bait,” komento ko pagkatapos ay sinimangutan ko siya.
“Payag ka na ba? If we succeed, I’ll promise that Jeremiah will be yours again.”
“Hindi ba ang sama naman natin? Paano 'yong baby?”
“I said, I’ll be the father. You know, I love kids so much.”
Dumaan muli ang matinding katahimikan sa aming paligid kasabay ng malakas na bugso ng hangin at ulan. My thoughts were on a war. Naglalaban ang aking puso't isip dahil hindi ko alam ang aking gagawin.
Tama ba na sinasabi ng puso ko o kailangan kong pakinggan ang idinidikta ng aking isip? Sa huli ay nagpatalo ako sa aking sariling emosyon.
“H-hanggang kailan naman tayo magpapanggap?” I questioned as my heart was getting swayed, little by little. Napangiti siya sa aking tanong, para bang alam niya nang papayag ako sa kaniyang kagustuhan.
“The wedding will be held, two months from now. Dalawang buwan ang itatagal natin,” seryoso niyang sagot saka niya sinigurado na hindi niya ako bibigyan ng problema. He even promised me that I will be the superior in our pretend relationship. Kung ano raw ang gusto ko, iyon daw ang masusunod.
“Paano kung mabigo tayo na paghiwalayin sila?” tanong ko pa sa kaniya habang nagtatalo ang halo-halong ideya sa aking isip.
“That will never happen. Hindi ko hahayaang mangyari iyon,” he assured me then he looked straight onto my eyes. “I will do everything to get her back.”
“S-sige,” hindi ko siguradong sagot bago ako napabuga ng malakas na hangin. “Pero suswelduhan mo ako.”
“W-what?” Bumagsak ang kaniyang balikat at hindi siya makapaniwala sa aking binanggit.
“Bryan, kailangan ko ng pera. Kung gusto mong magpanggap tayo, hindi ako makakapaghanap ng part-time job,” I explained carefully, causing him to stare at me for seconds. Para bang kinakalkula niya kung papayag siya sa kondisyon ko o hindi.
“One thousand pesos in every date, two thousand pesos per holding hands and three thousand pesos in every hug,” deklara ko kaya napanganga siya. “No kisses and beyond that, Bryan,” dagdag ko kaya napailing siya at napangiwi.
“How could we make them jealous without us kissing?” reklamo niya kaya nakatanggap siya kaagad ng isang matalim na irap mula sa akin.
“Kung hindi ka payag, huwag na nating ituloy,” banta ko kaya napipilan siya at napailing na lamang.
“Fine. No kisses and beyond that.” Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay bago inulit-ulit ang linyang sinabi ko.
“Paano ko nga pala malalaman na hindi na magbabago ang isip mo?” bigla niyang tanong habang sumisimsim ako ng kape.
“Wait. Kukuha ako ng papel at ballpen,” salaysay ko pagkatapos ay ibinaba ko ang baso sa maliit na side table bago ko kinuha ang aking bag upang kumuha ng aming kakailanganin.
“Wala nang bawian, p3rvert. Girlfriend na kita,” he commented before he reached the paper and pen. However, the ballpen fell on the floor.
“Correction. Fake girlfriend, Bryan,” pagtatama ko sa kaniyang sinabi bago ko hinanap ang ballpen na nahulog sa sahig, ngunit tila pinagtaguan ako ng ballpen.
“Tulungan mo na ako. Biglang nawala,” utos ko sa kaniya na kaagad niya namang tinalima. Tumabi siya sa akin at sinilip pa ang ilalim ng kama.
“Come on, let’s just pinky swear. Kapag nag-back-out ka, puputulin ko na lang 'yang hinliliit mo,” he joked, making me roll my eyes.
“E, paano naman kung hindi mo ako bayaran? Walang silbi ang hinliliit mo. Wala akong maipapakitang ebidensiya sa abogado.” Mabilis akong lumingon sa kaniyang direksyon upang tumutol sa kaniyang pahayag ngunit hindi ko akalaing sobrang lapit pala ng mga mukha namin sa isa’t isa kaya nang humarap ako sa kaniya ay aksidenteng lumapat ang aking labi sa gilid ng kaniyang mga labi na pareho naming ikinagulantang.
Yumanig ang aking mundo at kaagad akong napatakip sa aking bibig nang mabilis siyang lumayo sa akin. Hindi kami mapakalinat wala sa sarili akong napaupo sa aking kama.
“H-hinalikan mo na naman ako?!” gulantang kong tanong na may halong pagmamaktol.
“Excuse me? You did it. P3rvert ka talaga. Sabi mo, no kiss and beyond that, pero ikaw itong nanghahalik,” panunukso niya na halos ikamatay ko sa hiya.
“Don't worry, it's just a quick kiss. Wala lang iyon. Kalimutan na lang natin tulad ng nangayari noon,” he mentioned before he turned around against me.
“A-ano’ng wala lang? 'Yong nangyari noon, first kiss ko 'yon, Bryan!” I argued, making him coughed. Namumula ang aking magkabilang-pisngi habang pinupunasan ko ang aking mga labi.
“Ganito na lang. Magkano ba 'yong kiss? Babayaran ko na lang,” suhestiyon niya bago siya muling humarap sa akin. Itinaas-baba niya pa ang kaniyang mga kilay at ngumiti kaya napatanga na lang ako.
~×~