Kabanata 15

2353 Words
Marriage xMaligaya©April2023 I immediately turned down Bryan's offer without a second thought. Wala akong balak na maghiganti laban sa ginawa sa akin ni Miah dahil ang tanging gusto ko lamang ngayon ay takasan na ang lahat ng ito. Nagpaalam na ako kay Sir Diego na aalis na ako rito sa mansion. Sinabi ko rin hindi ko na kayang makasama si Miah sa iisang bahay dahil sa nangyari. He didn’t give me an answer, but he told me that he would relay my words to Lolo Alejandro. “If I were you, I would try to get even,” mariin niyang sambit habang hinuhuli ang aking tingin. He was so hurt, that's why he was really hyped up about his revenge plan. Kahit tumanggi na ako ay hindi pa rin siya umaalis upang mangumbinsi. He was still here, outside my room. Pakiramdam ko nga’y gusto niyang pumasok sa loob ng aking kwarto para ilatag ang kaniyang mga plano. “Aren’t you in pain?” may pagtataka niya pang tanong, para bang hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon ay mahinahon niya pa rin akong nakakausap. Nagkibit-balikat lang naman ako at lumihis ng tingin sa kaniya habang nakahawak sa doorknob ng aking pinto. Balak ko na siyang pagsarahan ng pinto, ngunit bigla niya na lamang nakuha ang aking kuryosidad. “Sige nga, bakit gusto mong maghiganti? Masasaktan mo rin si Monique.” I sighed as I matched his gaze. Napansin ko namang natigilan siya sa aking sinabi kaya napailing na lamang ako at napabuntonghininga. “Bryan, uulitin ko. Hindi ako sang-ayon sa plano mo kaya walang pupuntahan ang pag-uusap natin na 'to,” pagpapatuloy ko pa bago ko akmang sasaraduhan ang pinto ng aking kwarto ngunit mabilis niya 'yong napigilan at bigla na lamang siyang pumasok sa loob. Is he really eager to push his plan? Nataranta tuloy ako at nagmamadali akong pumunta sa aking sa aking kama. Nandoon kasi ang lahat ng aking mga damit at mga underwear. “Sino ba’ng nagsabi sa’yo na basta-basta ka na lang pumasok sa kwarto ng babae?” pagrereklamo ko pa kasabay ng pagtakip ko ng comforter sa aking mga gamit. “Aalis ka?” parang nagulat niyang tanong bago nagtama ang aming mga paningin. Napatawa naman ako nang mahina pagkatapos napaupo sa kama habang pinagmamasdan ang sira-sira kong luggage. “Iyon naman ang gusto mo noon pa man, hindi ba?” kunwaring tumatawa ko pa ring tanong, pero nang tumagal ay kusa na lamang bumagsak ang aking mga luha hanggang sa mapahagulhol na ako. Bakit ang sakit, gayong halos magdadalawang linggo pa lang naman ang relasyon namin? This whirlwind romance is making me fool and crazy. Bigla-bigla na lamang umagos ang luha sa aking magkabilang pisngi kasabay nang aking pagdadalamhati. Pakiramdam ko nga ay aatakihin ako sa puso dahil sobrang kirot ng aking dibdib. Hindi ko na kayang itago. Hindi ko na kayang magpanggap na okay lang ako dahil hindi naman talaga. “First love?” seryoso niyang tanong kaya napatango na lamang ako. Maingat naman siyang lumapit sa akin kasunod ng pag-upo niya rin sa kabilang dulo ng aking kama. “S-sabi niya, hindi niya ako sasaktan. Sabi niya, iba siya sa Papa ko na iniwan kami ng Mama ko. Sabi niya. . . s-sabi niya—” I trembled in sorrow while I was catching my breath. I felt the pain as I hid my face using my two hands. “I didn't end up with my first love, too. Her name is Lauren. Iniwan niya ako,” he muttered as he let out a deep sigh. Wala sa sarili tuloy akong napatingin sa kaniya. Is he trying to comfort me? “Bryan, I’m sorry. K-Kung siguro sinagot ko lang siya agad—” “It's not your fault. May mga tao lang talaga na hindi marunong maghintay.” Tipid akong napangiti nang magtama ang aming mga paningin. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari pero parang biglang gumaan ang aking pakiramdam dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko kasi mapigilan na sisihin ang sarili ko. Kung sinagot ko ba agad si Miah at ibinigay ko ang sarili ko sa kaniya, mangyayari kaya ang lahat ng ito? “What's your plan now? Saan ka pupunta?” sunod-sunod niyang pag-uusisa at inalok niya pa ako ng tulong sa paghahanap ng bago kong matutuluyan, ngunit tila nawawalan ako ng lakas sa tuwing iisipin kong maghihiwalay na nga kami ni Miah. Naguguluhan ako at nagtatalo ang aking puso at isip. Malinaw na malinaw na sa akin ang lahat pero para bang gusto ko pa ring maging makasarili at kahit na tawagin pa akong tanga ng iba ay mayroon pa ring parte sa puso ko na ayaw siyang iwan. Para kasing hindi ko kaya. Parang hindi ko kayang pakawalan siya kahit ang sakit-sakit na. “H-how could they do that?” salubong ang kilay kong tanong kasabay nang pagtagis ng aking mga kamao. Kaagad naman siyang umisod papunta sa aking pwesto at marahan niyang hinawakan ang aking palapulsuhan. “Hindi kita pababayaan,” he assured me as if he really mean it. Siya rin ang nagpunas ng aking luha na muling naglandas sa aking magkabilang pisngi, dahilan upang mapatitig ako sa kaniyang mga mata. “We're on the same page. Kakampi mo ako,” he added, making me confused. Pipilitin niya na naman ba ako sa plano niyang paghihiganti? “Don't you dare touch her, Bryan!” Miah shouted which made us surprised. He was standing outside the doorway, furious and jealous. Kaagad tuloy akong napatayo upang salubungin ang galit na galit na si Miah na nagmamadaling pumasok sa loob ng aking kwarto. “Why? Are you scared that we might do something behind your back?” Bryan asked then he smirked. Lalo niya pang tinudyo si Miah na kaagad siyang minura nang malakas. “Huwag si Joy. Huwag ang girlfriend ko,” nakikiusap niyang salaysay pagkatapos ay hinila niya ako papalapit sa kaniya. “I am not you!” sigaw ni Bryan na akmang lalapit kay Miah, mabuti na lamang ay mabilis ko siyang napigilan. Muntik na naman silang magpang-abot. “Tell that motherfvcker that you’re breaking up with him,” mariin at seryosong utos sa akin ni Bryan na para bang sigurado siyang kayang-kaya ko ngang iwan si Miah. “Hindi tayo maghihiwalay, mahal. H-hindi ko pananagutan ang bata,” umiiling niyang pagtutol kahit na wala pa mang lumalabas na salita sa aking bibig. Muling pumatak ang luha sa aking mga mata noong rumehistro sa aking pandinig ang kaniyang isinambit. Unti-unti akong nakaramdam ng awa para sa inosenteng bata. Parang magiging kasalanan ko pa kung hindi siya mapananagutan ng kaniyang ama. “Nanliligaw ka na sa akin noong oras na iyon, hindi ba?” tanong ko na may halong paninigurado dahil sinabi sa akin ni Bryan na dalawang buwan nang buntis si Monique. Iyon 'yong mga panahon na umamin siya sa akin at nagsimulang manligaw. “I’m sorry,” mabilis niyang paghingi ng tawad pagkatapos ay lumapit siya sa akin at sinubukang abutin ang aking kamay, ngunit mabilis akong nag-iwas at lumapit kay Bryan. “Hindi ko siya mahal. W-we're just fvck buddies.” Umalingaw-ngaw sa aking mga pandinig ang mga huling katagang kaniyang binitiwan. Umalma rin si Bryan na gusto siyang sapakin, ngunit nang makita nitong mawawalan ako ng balanse dahil sa pagkabigla ay nilapitan na lamang ako nito. Nanginig ang aking mga tuhod at para bang pinanawan ako ng lakas nang malaman kong nagsinungaling na naman siya sa akin. Kanina lamang ay sinabi niyang isang beses lang na may nangyari sa kanila, ngunit hindi ko akalaing. . . “Araw-araw mong sinasabi sa akin na mahal mo ako, pero may iba ka pa palang ginagawa,” nanginginig kong sambit kasabay ng pagduro ko sa kaniya. Hindi ko na marinig ang aking sariling boses dahil sa sobrang sakit ng aking nararamdaman. Kung kanina ay sa bata ako naaawa, ngayon ay sa sarili ko na. Paano niya nagawa sa akin 'yon? Ang sweet-sweet niya sa akin pero niloloko niya na pala ako. “A-ang sabi mo magbabago ka. Ang sabi mo hindi mo ako lolokohin. Ano’ng klaseng pagmamahal ang mayroon ka?” humahagulhol kong litanya habang pinipilit kong magtatapang-tapangan. “S-si Bryan, mahal. He could be a great father,” buong kompyansa niyang suhestiyon kaya napasigaw na lamang ako pagkatapos ay mabilis kong pinagsusuntok ang kaniyang dibdib. “N-naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?!” nauutal kong tanong nang oras na mahuli niya ang aking mga palapulsuhan. “What am I going to do? Mawawala ka sa akin.” He was crying. Umiiyak siya’t nagmamakaawa na tanggapin ko siyang muli pero parang bigla na lamang naging sarado ang aking isip sa pakikinig sa mga paliwanag niyang nakakagago naman. “Ano’ng klaseng pagmamahal ang mayroon ka? Jeremiah, niloko mo ako!” I muttered while sobbing, then I jerked his hand away from me. Kaagad din akong lumayo sa kaniya pagkatapos ay marahas kong pinunasan ang mga luha na naglandas sa aking magkabilang pisngi. “Can I ask you a question?” singit ni Bryan na mahinang tumatawa habang nakatingin kay Miah. “Are you aware that the woman you’re fvcking is my girlfriend?” May talim sa himig ng boses niya kasabay nang paghila niya sa akin papalayo kay Miah. “Huwag ka munang makigulo rito, Bryan. Parang-awa mo na. Hindi ko kayang mawala sa akin si Joy,” he told him without answering his cousin’s question. Napailing naman ako kasabay ng aking paghikbi dahil sa kaniyang sinabi. Ayaw niya akong mawala sa kaniya, pero bakit gumawa siya ng dahilan para magkahiwalay kami? “Just answer me!” Bryan shouted. “No!” sagot niya bago paulit-ulit na humihingi ng tawad sa aming dalawa ng kaniyang pinsan pero huli na ang lahat dahil buo na ang aking isip. “M-mag-break na tayo,” anunsyo ko na halos ikawala ng kaniyang katinuan. Mabilis siyang lumuhod sa aking harapan pagkatapos ay niyakap niya ang aking baywang, para bang sinasabi niyang hindi niya ako bibitiwan at hindi ako makakawala sa kaniya. “Hindi mo na rin ako makikita pa dahil aalis na ako rito,” pagpapatuloy ko pa bago ko ilayo sa kaniya ang aking tingin. “H-huwag mo akong iwan, please.” Malakas ang kaniyang mga paghikbi, ngunit hindi ako nadala sa habag na aking nadarama. Tinanggal ko ang kaniyang mga kamay na nakapulupot sa akin kasunod ng mabilis kong pag-aalsabalutan. He tried his best to stop me, but thanks to Bryan for pulling him away from me. Hindi ko ininda ang nadarama kong sakit habang pilit kong pinagkakasya ang aking mga gamit sa aking maleta. Mahal ko siya at alam ng lahat ng nakakakilala sa akin 'yon. Ibinibida ko pa siya palagi kay Mama at sa aking mga pinsan, pero sa palagay ko’y hindi ko na ulit magagawa 'yon dahil sinira niya kaming dalawa. “J-Joy, please mahal kita,” paulit-ulit niyang salaysay habang pigil-pigil siya ni Bryan. “Kung mahal mo nga talaga ako at seryoso 'yang nararamdaman mo para sa akin, hindi mo kayang gawin 'yon. Ni pagtingin at paghanga sa ibang babae ay hindi mo gagawin,” mahaba kong linya kasabay ng pagsarado ko ng aking maleta. I was about to go when he escaped his cousin’s hold. Hinarangan niya ang aking daraanan pagkatapos ay isang beses pa siyang nagmakaawa sa akin. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatulong na lang kay Bryan na ilabas ang lahat ng aking mga gamit. “Joy,” he called my name, sadly, before he sighed out loud. “Magpapakamatay ako kapag iniwan mo ako!” malakas niyang sambit, dahilan upang matigilan kami ni Bryan. “Don’t listen to him,” Bryan muttered, making Miah glared at him. “Magpapakamatay talaga ako!” paulit-ulit niyang sambit, dahilan upang mapuno ng takot ang aking dibdib. He can’t be serious! “Diego, get my gun.” Umalingawngaw ang isang malalim na boses sa labas ng aking kwarto kaya pare-pareho kaming napalingon. “Lolo Alejandro!” napalakas na sambit ko nang makita ko ang matanda. Kasama niya si Sir Diego, pati na rin sina Benj at Jeffrei na kaagad tinanong kung okay lang ako. “You gonna kill yourself? Do it here, in front of me,” anunsyo ni Lolo bago muling inutusan si Sir Diego na kuhanin ang baril na nasa kaniyang kotse. Kaagad naman itong sumunod sa utos ni Lolo kaya napatanga kaming lahat. “G-grandpa,” Miah stammered. Tumigil din siya sa paghikbi at tila natauhan sa kaniyang sinabi sa akin. “You should have been careful, bastard!” pagalit nitong pangaral kay Miah. His voice was firm and authoritative, making my heart get scared. “Call your mothers. Mag-uusap tayong lahat sa opisina ko,” anunsyo ni Lolo na ikinagulat naming tatlo. Jeremiah tried to persuade his grandfather not to drag their mothers, but Lolo didn’t listen to him. “We will also talk later, Joy,” salaysay ni Lolo Alejandro nang bumaling ang kaniyang tingin sa akin. “I’m sorry po, Lolo,” humihikbi kong salaysay kahit na hindi ko alam kung may nagawa ba akong kasalanan o wala. “Wala kang kasalanan, Joy. It’s this fvcker!” Jeffrei grunted while he was pointing at Miah, then he quickly went towards me. “Granny, it's not her fault!” he declared like an overprotective brother. Sinegundahan din siya ni Benj na ikinagulat ng matanda. “Get ready. Monique and her family will go here,” Lolo declared seriously then he sighed. Tumingin siya sa akin at kasunod niyon ang paglambot ng kaniyang ekspresyon na para bang ikasasakit ko ang susunod niyang sasabihin. “Jeremiah, you will marry her, whether you like it or not.” Parang bombang sumabog ang sa aking harapan ang anunsyo ni Lolo Alejandro, dahilan upang unti-unting gumuho ang aking mundo. Nakita ko kung paano tumutol si Miah sa kaniyang lolo. Nakita ko rin kung paano sumama ang tingin ni Bryan sa kaniyang pinsan pati na rin ang mabilis na paglapit sa akin ni Benj at Jeffrei. “C-congratulations, M-Miah,” nauutal kong salaysay kasabay ng pagguhit ng malungkot na ngiti sa aking mga labi. ~×~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD