Help me
xMaligaya©April2023
BUONG gabi akong hindi pinatulog ng aking kaba. I couldn’t keep myself from overthinking, even though Miah assured me that there’s nothing wrong.
Hindi siya umalis sa tabi ko kagabi hangga’t hindi kami nagkakaayos. Ipinaliwanag niya rin sa akin kung bakit niya ako naiwan. Naaksidente raw 'yong kamag-anak ng kaklase niya at siya raw ang nahingian ng tulong nito at hindi niya raw nasagot ang mga tawag at text ko dahil naiwan niya sa kotse ang kaniyang cellphone.
He made it all clear, last night, then he apologized for his wrong behavior towards me. Nangako rin siya sa akin na hinding-hindi na niya ako pag-iisipan pa ng masama.
Pinalampas ko ang lahat ng iyon dahil ayaw kong magkatampuhan kami nang matagal. Subalit kahit na nagkaayos na kaming dalawa ay tila mayroon pa ring mumunting pagdududa sa aking dibdib. Pakiramdam ko kasi ay mayroong mali. Hindi ko alam matunton kung ano iyon.
“M-mahal, gising ka na?” A baritone voice caught my attention, making me startled. Napabangon tuloy agad ako sa aking kama pagkatapos ay dali-dali ko nang inayos ang aking sarili.
It’s Miah.
Kumakatok siya sa nakasaradong pinto ng aking kwarto kaya naman nang matapos akong magsuklay ay nagmamadali akong tumayo at naglakad papalapit sa pintuan.
“Ang aga mong nagising. May sasabihin ka ba?” pag-uusisa ko nang buksan ko ang pinto. Hindi naman kaagad siya sumagot, sa halip ay nginitian niya lamang ako at sinalubong ng mahigpit na yakap.
“Bakit ang sweet-sweet mo yata ngayon, Miah?” I giggled then I answered his hug. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib upang damhin ang init ng kaniyang katawan.
He smells fresh. Nanunuot sa aking ilong ang kaniyang pabango. Lihim tuloy akong napangiti nang maisip kong parang gusto ko siyang halikan ngayon.
“Where do you want to go? Let’s have a date today.” Humiwalay siya ng yakap sa akin, ngunit hinawakan niya naman ang aking dalawang kamay. His warmth was giving comfort to my heart. Dahil doon ay tila isa-isa nang nabura ang mga bagay na kagabi pa tumatakbo sa aking isip.
Bigla-biglang ang dami nang lumabas na date ideas sa isip ko. Hindi tuloy ako makapamili dahil lahat ay gusto kong mapuntahan.
“May sikat na dessert museum sa Liazarde Shopping Mall. Gusto ko roon,” anunsyo ko habang nagtatalon-talon sa tuwa. Ito kasi ang magiging kauna-unahan naming date matapos maging official ng relationship naming dalawa.
Tumawa naman siya nang mahina bago niya marahang pinisil ang aking ilong. “Pupunta tayo roon, tapos iki-kiss mo na ako,” sagot niya na may halong panunukso kaya nahampas ko ang kaniyang balikat.
Nagtatawanan kaming dalawa nang sandaling mayroon akong mapansin sa kaniya. He looked so happy, but his eyes were telling the opposite.
Did he cry?
“Miah, namumugto ang mga mata mo,” banggit ko habang mataman ko siyang pinagmamasdan. I was about to touch his eyes when he grabbed my hand. Ngumiti lamang siya ulit at umiling upang sabihing mali ang aking hinuha.
“N-no. Napuwing ako kanina,” he defended himself as he brought my hand to his lips. “M-mag-ready ka na. Pupunta tayo sa lahat ng lugar na gusto mong puntahan,” pag-iiba niya ng aming diskusyon, halatang mayroon siyang ayaw pag-usapan.
“Alam kong may itinatago ka sa akin,” puna ko pagkatapos ay ako naman ang humawak sa kaniyang palad. “You can share it with me. Hindi mo lang ako girlfriend, bestfriend mo rin ako,” dagdag na pagpapaalala ko na para bang pinalalakas ang kaniyang loob.
Ngumiti naman siya nang pilit habang ang kaniyang mga mata ay tila nagpipigil ng luha. Doon ko napagtanto na totoo ngang mayroon siyang problema.
Ano'ng klaseng girlfriend ako kung hindi ko man lamang siya madamayan?
“I love you so much. You know it, right?” Sinikap niyang hulihin ang aking paningin at nang magawa niya ay niyakap niya akong muli.
“Ano ba’ng problema? Nandito ako, hindi kita iiwan.” I caressed his back as I comforted him with my words. However, I didn’t get an answer.
Lalo niyang hinigpitan ang kaniyang pagkakayakap sa akin habang paulit-ulit niyang ibinubulong na mahal na mahal niya ako.
“H-hindi mo talaga ako iiwan?” nauutal niyang pag-uusisa kaya um-oo ako sa kaniya nang walang pag-aalinlangan. “I’m sorry, mahal,” he mentioned, making me confused.
“What have you done?” I asked him as terror came inside my heart little by little.
Bakit siya nanghihingi ng tawad sa akin?
Kaagad akong kinabahan kaya napabitiw ako sa kaniyang yakap. Tatanungin ko na sana siya kung ano’ng inihihingi niya ng tawad, ngunit natahimik ako nang makita ko siyang tahimik na umiiyak.
Matagal kaming nagtitigan, tila ba kinakalkula niya pa kung magsasabi siya ng totoo sa akin.
“M-Miah, makikipaghiwalay ka na ba sa akin?” natatakot kong tanong, dahilan upang mapatawa siya nang mahina. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha pagkatapos ay hinuli niyang muli ang aking paningin.
“I love you,” malambing niyang pagkakasabi pagkatapos ay inulit-ulit niya pa iyon sa akin.
Napapangiti tuloy ako at tila nawala sa isip ko 'yong pagdududa na baka niloloko niya ako.
He will never do that, right? Hindi siya umiiyak dahil niloloko niya ako. Malabong mangyari iyon dahil palagi niyang sinasabi na mahal niya ako.
“Jeremiah.” Pareho kaming napalingon nang marinig namin ang boses ni Bryan. He looked so tired. Mukhang kauuwi niya lamang at wala pa siyang tulog.
“Hey, kumusta si Monique?” magiliw kong tanong kaya napatigil siya sa paglalakad papalapit sa amin.
“Can we talk?” He questioned while he was staring at my boyfriend. Hindi niya man lamang ako tinapunan ng tingin, para bang wala ako sa eksena nilang dalawa.
“Not here, Bry,” mabilis na sagot ni Miah bago siya humarap sa akin. Nagpapaalam siyang mag-uusap lang silang dalawa sa labas, subalit noong marinig ni Bryan ang sinabi niya ay nang-iinis itong tumawa.
“Wala pa akong sinasabi, natatakot ka na agad,” he commented while smirking, then he quickly marched towards us.
“Why? May kasalanan ka ba sa akin?” pagpapatuloy pa nitong tanong kaya nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang magpinsan.
Mayroon ba akong hindi nalalaman?
“Please, sa labas tayo mag-usap,” Miah declared as he humbled himself. Sinubukan ko namang hulihin ang kaniyang mga mata upang humingi ng paliwanag sa nangyayari, ngunit iniwasan niya ako.
“I want your girlfriend to hear everything, asshole,” he stated before he cussed out loud. Nang makalapit siya sa aming dalawa ay napaatras ako nang bigla niya na lang sapakin si Miah sa aking harapan.
“Bryan!” sigaw ko upang sawayin siya pero hindi naman siya nagpaawat. His eyes were full of anger while he was cursing his cousin’s name.
“Ano ba’ng nangyayari?” kinakabahan kong tanong pagkatapos ay nagmamadali akong pumagitna sa kanilang dalawa.
“Pumasok ka muna sa kwarto mo,” utos ni Miah sa akin na kaagad na sinalungat ni Bryan bago niya ianunsyo ang isang balita na hindi ko akalaing magpapaguho ng aking mundo.
“Monique is pregnant. H-hindi sa akin,” mahina ngunit pagalit niyang pagpapatuloy bago siya tumingin sa akin.
“Bryan, sa labas tayo mag-usap,” tila nag-iinit na ulo na salaysay ni Miah. Hindi niya napigilan na hilahin si Bryan papalayo sa akin, ngunit pumalag ito kaya nagkagulo na naman silang dalawa.
“Sandali lang!” sigaw ko na parang unti-unti nang rumerehistro ang lahat sa aking isip. “A-ano’ng ibig mong sabihin? Ano’ng kinalaman sa inyo ni Miah?” naguguluhan kong tanong hanggang sa dahan-dahan na naman akong kainin ng aking pagdududa.
When Miah saw that I was stunned, he quickly went towards my position, then he grabbed my hand. Sinabi niya sa akin na huwag akong makinig kay Bryan. Isang beses niya pa rin akong inutusan na pumasok muna sa aking kwarto. Magpapaliwanag daw siya pagkatapos nilang mag-usap ng kaniyang pinsan.
“H-hindi naman ikaw ang ama, hindi ba?” nauutal kong tanong upang iwaksi na sana sa aking pagsususpetsa sa kaniya, ngunit nang makita ko siyang mawalan ng imik ay roon na nag-uunahang bumagsak ang aking mga luha.
Bumaling ako ng tingin kay Bryan upang itanong kung totoo ang lahat, at nang sumagot siya’y tila nanghina ang aking mga tuhod.
“Your f*****g boyfriend is the father,” matigas niyang pagkumpirma, dahilan upang umugong iyon sa aking pandinig bago ako muling lumingon kay Miah.
Tila nag-slow motion ang aking buong paligid kasabay ng pagyanig ng aking mundo. Nag-uumapaw ang kirot sa aking dibdib, kasabay ng pamumuo ng mumunting galit sa aking kalooban.
“T-that’s not true. Joy, let me explain,” sambit ni Miah bago niya ako hilahin at iharap sa kaniya. “I am not the father.” His tears fell down as he tried to catch my eyes.
He kept on lying, yet he can’t answer whenever I asked him if he bedded his cousin’s girlfriend.
“Monique clearly told me that you have an affair,” tila hirap na hirap na sabihin ni Bryan kaya napahagulhol na ako.
Nang subukan akong aluin ni Miah ay itinulak ko lamang siya at pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang malakas na sampal.
Para akong mababaliw habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Maya’t maya akong tumatawa dahil baka nagbibiro lamang si Bryan.
Pinipilit ko ang aking sarili na hindi totoo ang narinig ko. Bryan was just pranking me. Mamaya ay tatawa na rin siya at sasabihing joke niya lang 'to.
“M-mahal, I-I’m sorry. I-isang beses lang nangyari 'yon. . . kaya imposibleng ako ang maging ama ng bata,” umiiyak niyang paliwanag bago siya bumaling kay Bryan na tila nagtitimpi ng galit.
“She’s your girlfriend, Bryan. The baby is yours,” he told his cousin then he looked at me again. “H-hindi pwedeng ako,” pahina nang pahina niyang sabi na naging dahilan ng pagkawala ng aking katinuan.
“Walang nangyayari sa amin, Jeremiah,” galit na panunumbat ni Bryan kasabay nang paghilamos nito sa sariling mukha.
“Maybe she had s*x with another man. She’s not a virgin back when I took her,” he denied being the father again, making Bryan’s blood boiled. Muli nitong sinugod si Miah upang suntukin at kwelyuhan.
“Ikaw raw ang nakabuntis sa kaniya! Tangina ka!” sigaw ni Bryan na lalong nagpadurog ng aking puso.
“Ayaw muna kitang makita at makausap, Miah. Hindi kita kayang harapin,” usal ko, dahilan upang tumigil sila sa pagsasakitan at mapatingin sa akin.
Nakita ko sa kaniyang ekspresyon at kilos na lalapitan niya ako kaya nagmamadali akong pumasok sa loob ng aking kwarto at ni-lock ang pinto upang hindi siya makapasok.
I expected that he would knock on my door. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya ako nakakausap, pero hindi ko talaga siya kayang kausapin nang maayos.
Humihikbi akong dumapa sa aking kama habang nagtatanong kung anong nangyari.
Hindi ko maintindihan ang lahat. Paano niya nagawa sa akin 'yon?
Natawa ako sa aking sarili habang tahimik na umiiyak. Pakiramdam ko’y sasabog ako pero hindi ko alam kung paano.
Nito lang naging kami, e. Ang dami-dami niyang ipinangako sa akin. Marami kaming gustong puntahan at marami kaming gustong gawin. . . pero ngayong may nabuntis siya, magagawa pa kaya namin ang lahat ng iyon?
Nang maramdaman kong umalis na si Miah sa harap ng kwarto ko ay mabilis akong bumangon at umupo sa ibabaw ng aking kama habang tinatanong ang aking sarili.
Bakit ganoon? Ang sakit-sakit na ng ginawa sa akin ni Miah pero bakit hindi ko siya makuhang sigawan at sumbatan?
Paano na ako?
“Miss Palmes.” Narinig ko ang pagtawag ni Bryan sa aking pangalan habang kinakatok niya ang pinto ng aking kwarto. Nang hindi ko siya pagbuksan ay nagpaulit-ulit lamang siya hanggang sa ako na mismo ang mainis at sumuko.
“Bakit nandito ka pa?” pambungad kong tanong sa kaniya nang buksan ko ang pinto ng aking kwarto.
Nahuli ko siyang pinagmamasdan ang aking mga mata, para bang gusto niya akong aluin ngunit pareho lang naman kami ng problema kaya hindi niya na itinuloy.
“Break up with him,” may diin niyang utos na nagpatahimik sa akin nang matagal na matagal.
I was too astonished to speak as dread consumed the whole me. Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot nang mapagtanto kong iyon nga ang dapat kong gawin.
“Bryan,” tawag ko sa kaniyang pangalan bago ako nagbuntonghininga nang malakas.
“Do you really believe him? Si Miah ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Monique,” he chatted, expressionless. Umiling naman ako kasabay nang pagtakas ng aking luha mula sa aking mga mata.
“He impregnated her,” dagdag niya pa kaya napapikit ako sa sakit. “They cheated on us.” He looked down, then he let out a deep sigh.
“Ano'ng gusto mong sabihin sa akin?” nagmamatapang kong tanong kahit na tuloy-tuloy ang pagdadabog ng aking puso.
“Help me. Gaganti tayo,” anunsyo niya at nang magtama ang aming mga paningin ay nakasisiguro akong hindi siya titigil hangga't hindi ako sumasang-ayon sa kaniya.
~×~