Kabanata 13

2994 Words
I’m okay xMaligaya©February2023 HINDI ako naniwala sa sinabi sa akin ni Bryan dahil kinabukasan ay bumawi at inanunsyo na agad ni Miah sa lahat ang tungkol sa amin. Ipinagpaalam niya rin ako kay Sir Alejandro at sa kaniyang mommy na hindi ko akalaing gagawin niya. Tila naging sobrang bilis ng mga pangyayari. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala, lalo na sa tuwing hindi na namin kailangang magtago sa lahat at sa buong school. Sobrang saya ko at hindi ko mapigilan ang mapangiti lalo pa’t umaayon sa amin ang lahat. Ang akala kong magagalit na Sir Alejandro ay natuwa pa noong nalaman ang tungkol sa amin ng kaniyang apo. “Joy, mahal, sabay tayong umuwi. I’ll wait for you on the parking lot, after class. I love you.” I smiled as I looked at him. He was grinning and then I giggled secretly. Ginawaran niya ako ng mumunting halik sa aking kaliwang pisngi, dahilan upang hindi ko na mapigilan ang tuwa sa loob ng aking dibdib. We are in front of my classroom. Magkasabay kaming nag-lunch kaya inihatid niya ako ngayon. Nakakatuwa na naka-complete uniform siya, ngunit hindi ang school council ang dahilan kung bakit tila napakabuti niyang estudyante ngayon. He told me that he wanted us to have matchy clothes. Kahit pag-u-uniform namin ay binibigyan niya pa ng ibig sabihin. “Gusto na kitang masolo. Kung pwede lang kitang iuwi ngayon, gagawin ko,” pahabol niya pa kaya nakagat ko ang aking pang-ibabang labi kasunod ng pag-iwas ko ng tingin sa kaniya. Alam na alam niya talaga kung paano magpakilig! Sa nakalipas na linggo ay palagi siyang ganito. Nawala 'yong Miah na walang pakialam sa nararamdaman ko noong nakaraan. Bumalik ulit siya sa dati na ikinatanggal ng lahat ng aking pagkabahala. “Pa-kiss pa nga,” he demanded before he pouted his lips in front of me. Kunwari ko naman siyang sinaway at itinaboy dahil maraming mga estudyante sa paligid na halatang nanonood sa aming dalawa. “Tama na,” I told him while I was hiding my smile. “I-ki-kiss kita mamaya,” dugtong ko na nagpatigil sa kaniya ng ilang sandali. Ni minsan kasi ay hindi pa ako nag-initiate ng halik sa kaniya dahil nahihiya ako. “You can’t take it back,” he muttered in excitement. “Sa lips, mahal. I want to feel your lips with mine,” walang preno niyang dagdag kaya ako naman ang nagulat. Bakit ba hindi pa ako masanay-sanay na ganito na talaga ang bibig niya? “I love you,” he announced loudly, making everyone around us heard his statement. “I’m excited with the kiss,” walang tigil niyang pagpapaalala sa akin. Hindi niya pa kasi ako nahahalikan sa labi kaya siya ngiting-ngiti, dahilan upang lumabas ang malalim niyang dimples. Bago pa kami mapagana sa pagkukwentuhan ay malambing ko na siyang itinaboy. Malayo rin kasi rito ang classroom nila at baka ma-late na siya. Nakailang pagpapaalam naman muna siya sa akin bago siya tuluyang umalis. “Normal bang ngumiti nang mag-isa habang nakatingin sa kawalan?” Nabura nang bigla ang nakaguhit na ngiti sa aking mga labi nang marinig ko ang boses ni Jeffrei. Alam kong nasa likod ko lamang siya kaya nagsimula na akong maimbyerna. Nang lingonin ko siya upang sagutin ay saka ko lamang napansin na kasama niya rin pala si Benj. Hindi ko na tuloy naisip na ituloy ang dapat na pamimilosopo ko. “What do you want me to do? Hindi pa tapos ang klase namin ni Benj.” Napabuntonghininga ako at napairap sa hangin nang ngitian niya ako nang malapad. Para bang nanunukso siya at nang-iinis. Mukhang hindi na naman siya papasok sa klase dahil naka-basketball uniform na naman siya at may hawak-hawak pang bola. “Baby, I can no longer tell you to go to the basketball gym. It’s Miah’s fault. Pero I know na nami-miss mo na ako, kaya kita dinadalaw,” paghahangin niya kaya napailing na lamang ako. Grabe naman siya kung mag-feeling. Hindi naman ganito si Bryan. Sandali! Bakit pumasok sa isip ko ang lalaking iyon?! Dahil sa pag-iisip ng paliwanag mula sa aking sarili ay hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi sa akin ni Jeffrei. Kung hindi niya lamang ako kinalabit ay hindi ako babalik sa katinuan. “Mahal din kita, baby ko. Ano bang ayaw mo sa akin?” tumatawa niyang tanong na halata ang pagbibiro. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga kaklase namin ni Benj. “Hindi naman sa ayaw ko sa'yo, pero hindi kasi ikaw si Miah.” Bigla na lang siyang napayakap kay Benj nang marinig ang aking isinalaysay, kunwaring nasasaktan samantalang tila naaaburido naman sa kaniya si Benj. “I’m sorry to say this, but he’s hiding something from you.” He suddenly became serious, making me wrinkle my forehead. Heto na naman siya sa mga nakakalito niyang laro. “Mahal mo ba talaga siya?” dugtong niya na biglang bumalik sa kaniyang palabirong tono. Lalo tuloy akong naguluhan. “J-Joy, let’s go. H-he’s just jealous because he cannot order you around now,” nauutal na singit ni Benj bago siya lumapit sa akin upang ayain na akong pumasok sa loob at iwan na rito sa labas si Jeffrei. “Benj, I thought you agreed with me and you said that you got my back. Paghihiwalayin natin sila, 'di ba?” Natawa ako nang mahina sa kanilang dalawa lalo na nang magsimula silang magtalo. These two are having a character development day by day. Nagiging close na sila, hindi tulad noon na hindi talaga sila nagpapansinan. Dahil sa aking nasasaksihan ay napangiti ako nang lihim. Magandang balita ito para kay Sir Alejandro. “Jeffrei, Benj, sana walang magbago sa’tin. Sana magkakaibigan pa rin tayo kahit lumipas pa ang maraming taon.” Napatigil silang dalawa at napatitig sa akin nang marinig ang sinabi kong nagtunong na nagda-drama. “You’re the sister I never had, Joy. Kahit magsawa ka pa sa akin, hindi ako hihiwalay sa’yo,” he muttered before he nodded and grinned. “Sige na. Baka umiyak ka pa rito. Mag-practice ka na. Galingan mo,” salaysay ko pagkatapos ay nakita ko siyang tila kinikilig. Maybe because this is the first time that I cheered him up. Nang makaalis na si Jeffrei ay naiwan naman kaming dalawa ni Benj na kanina pa ako kanina pa ako inaaya sa loob ng classroom. “K-kayo na ba talaga?” Benj questioned while we were walking towards the entrance of our classroom. Nahihiya ko naman siyang tinanguan na kaagad niya rin namang naintindihan. “I-I am just here if he cheated on you,” nauutal niyang sambit pagkatapos ay lalo niyang binilisan ang kaniyang paglalakad hanggang sa naiwan niya na akong gulong-gulo sa kaniyang sinabi. “Benj, bakit mo naman naman naisip na—” Naputol na ang itatanong ko sa kaniya nang tinawag na siya ng kaklase namin na katabi niya sa upuan. Umiling-iling na lamang ako at kaysa mag-isip ng kung ano-anong bagay ay minabuti ko na lamang na makinig nang mabuti sa mga professor habang hinihintay ang oras ng uwian. Ewan ko ba pero parang excited na excited yata akong makita si Miah ulit. I want to see him and his dimples again. Kaya nang magpaalam na ang huli naming guro ay mabilis ko nang inayos ang aking sarili, pati na rin ang aking mga gamit. “Benj, mauuna na ako. Ingat sa biyahe,” pagpapaalam ko agad nang lapitan niya ako sa aking upuan. Tila mayroon pa siyang gustong sabihin, ngunit nang maunahan ko siya ay hindi niya na ito itinuloy pa. Nginitian ko na lamang siya at tumakbo na papunta sa parking lot upang katagpuin si Miah. Iyon nga lang, nang makarating ako sa palaging pwesto ng kaniyang kotse ay hindi ko ito nakita. “May pinuntahan pa ba siya?” nakangiti kong tanong sa pag-iisip na baka may binibili lamang siya na ibibigay niya sa akin. Ganoon naman ang style niya palagi. Tumayo muna ako nang sandali sa harap ng pinupwestuhan ng kaniyang sasakyan habang hinihintay ko siya. I also called him over the phone, but he was not responding. Nagbuntonghininga na lamang ako at nagpatingin-tingin sa aking paligid. Pinanood ko ang mga estudyanteng dumadaan sa aking harapan. I was reminiscing a lot of great things that happened to me, these past few days. Nalimutan ko na nga nang ilang araw 'yong Chen na iyon dahil napatunayan kong fake fortune teller talaga siya. Sa pag-iisip ko nang mga bagay-bagay ay hindi ko na namalayan na mag-iisang oras na pala akong naghihintay kay Miah. “Nasaan ka na ba?” My heart started to worry as I tried calling him again. Nangangalay na ang aking mga paa, pero hindi ko pa rin siya ma-contact. Saan ba siya nagpunta? Nakalimutan niya ba na mayroon kaming usapan? “P3rvert,” Bryan’s voice suddenly echoed at my back, making me whirled around to face him. “What are you doing here?” he asked as he looked on his wristwatch. Kanina niya pa pala ako pinapanood at inorasan niya pa raw ako. Nagpalinga-linga rin siya sa aming paligid, tila mayroong hinahanap at nagtataka kung bakit nandito ako sa parking lot, gayong wala naman akong sasakyan. “H-hinihintay ko si Miah,” nag-aalangan kong sagot pagkatapos ay nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi kasi naging maganda ang huli naming pag-uusap kaya medyo naiilang ako sa kaniya ngayon. “Let’s go,” bigla niyang pag-aaya kaya napatingin ako sa kaniya. Kinunutan ko siya ng noo, lalo na nang naglakad siya papalapit sa aking pwesto. “Bakit?” tanong ko kasabay ng agaran kong pagtanggi. He just sighed and then he tried to catch my eyes. “I really don’t know why I am doing this, but I saw him. He’s with his male friends,” he argued before he looked away. Nakita ko sa kaniyang ekspresyon na totoo ang kaniyang sinabi. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang ganda-ganda ng usapan namin kanina. Excited pa nga siya o niloloko niya lang ako noong sabihin niyang gusto niya na akong masolo ulit? “Hihintayin ko na lang siya rito,” matatag kong pagkakasabi kahit na nagkakaroon na ng pag-aalinlangan sa loob ng aking dibdib. “Sabi mo, e.” Nahimigan ko ang kaniyang pagkasarkastiko kaya bago pa niya ako talikuran ay sinagot ko agad siya. “Bakit ba ang init-init ng dugo mo kay Miah?” pagtatanggol ko pa rin sa boyfriend ko kahit na nanlulumo na ako sa mga oras na ito. “Maybe because my dad always told me to treat a woman, right,” he muttered straight then he walked away. Napatanga naman ako sa kaniyang tinuran hanggang sa napansin kong tumigil siya sa kaniyang paglalakad. “Or maybe because my mother is still in love with his father,” he added before he faced me again. He caught my attention as a lot of questions entered my head. “I’ll tell you everything, if you come home with me.” Naninimbang ang kaniyang mga tingin at tila sinusubukan talaga ng lalaking ito ang kuryosidad ko. Naninibago ako. He's not talkative before. Bakit ang daldal niya na yata ngayon? Hindi ko na kayang bilangin sa mga daliri ko 'yong mga salitang lumalabas sa bibig niya, gaya ng ginagawa ko noon. “Your cousin is my boyfriend, Bryan,” pagtanggi ko pa rin kahit na gustong-gusto ko nang malaman ang tungkol sa kanilang pamilya. “We are not cheating. Magkaibigan tayo, hindi ba? You’ve said that before,” sambit niya pagkatapos ay pinuna niya rin ang aking mga binti na parang kanina pa raw ngalay na ngalay. Dahil sa pangungumbinsi niya sa akin ay tila na-brainwash niya akong sumama na sa kaniya pauwi sa mansion. Tulad ng kaniyang ipinangako ay marami nga siyang ikinuwento tungkol sa kanilang pamilya, lalo na sa kaniyang ina at sa mga magulang ni Miah. Pag-uwi ko tuloy sa bahay ay napatulala na lang ako sa aking nalaman. Ni hindi nga ako nakapasok sa kwarto ko at napaupo na lamang ako sa couch, sa sala, samantalang tila hindi naman ininda ni Bryan ang mga kinuwento niya dahil dirediretso lamang siya papunta sa kaniyang kwarto. “Pang-teleserye pala ang buhay nila,” bulong ko bago ako suminghap ng maraming hangin. Dalawang oras na yata akong nakatulala rito, pero parang hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Dati palang magkasintahan ang mommy ni Bryan at ang daddy ni Miah. Ikakasal na nga raw dapat ang mga ito, kung hindi lang daw umeksena ang mommy ni Miah. They both cheated on Bryan’s mom and up until now, she can’t forgive those two. Ito ba 'yong sinasabi noon ni Sir Diego na world war sa pagitan ng magkapatid? “Ang lalim yata ng iniisip mo, baby ko.” Napatingin ako kay Jeffrei na siyang palaging tumatawag sa akin ng ganoon pagkatapos ay sinamangutan ko siya. Kanina pa siya sa school. Wala pa siyang balak na pagpahingahin ako sa pang-iinis niya? Marami akong iniisip. “Hindi mo ba ako tatangungin kung maayos ang practice ko?” kunwaring nagpapaawa niyang tanong bago siya tumabi sa akin sa couch. Tumayo naman kaagad ako dahil ayaw ko muna ng istorbo. “Baby ko, napagod ako,” pagrereklamo niya at pinagdiinan pa talaga ang salitang baby ko. Ipagpapatuloy niya pa sana ang pagmamaktol nang marinig naming pareho ang boses ni Miah na kadarating-dating lang. Nawala tuloy sa aking isip ang family history nila dahil bumalik ang lahat ng pagtatampo ko sa lalaking hindi marunong tumupad sa pangako. “Miah,” I called his name as I tried hard not to lose my patience for him. Nang makauwi ako kanina ay tinawagan ko pa rin siya, ngunit parang sinadya niya nang patayin ang kaniyang cellphone. “Mahal, I have brought you something,” kaagad niyang panimula bago niya itinaas ang isang plastic na naglalaman ng mamahaling pagkain. Hindi ko naman iyon inintindi, sa halip ay tinanong ko na lamang siya kung saan siya nanggaling. Napatigil siya at hindi kaagad nakasagot kaya napasipol na lamang si Jeffrei na malapit sa aming pwesto. “Saan ka nagpunta?” pag-uulit ko ng aking tanong. “S-sa kaibigan ko lang,” he answered without looking at me. Halatang iniiwasan niya na tuluyang mabuksan ang diskusyon namin dahil binabanggit niyang muli ang tungkol sa pagkain na pasalubong niya raw sa akin. “Nakalimutan mong may usapan tayo? Okay lang naman sa akin, pero sana nagpaalam ka. Napagod ako kahihintay sa'yo sa parking lot.” Hindi ko na napigilan na hindi magreklamo dahil pinahihirapan niya na naman akong mag-isip at manghula kung bakit ngayon lang siya umuwi. Hindi ba’t kailangan niyang magpaalam o mag-update man lamang sa akin dahil girlfriend niya ako? “Oh, f**k. I’m sorry,” paghingi niya ng paumanhin na hindi ko naman nakitaan ng sinseridad. His explanation was not enough. Wala siyang acceptable reason na sinabi, kundi magulo lang ang kaniyang isip. Saan ba siya naguguluhan? Sa relasyon namin? Nagsasawa na ba talaga siya sa akin kagaya ng sinabi sa akin ni Bryan noong nakaraan? Ipinikit ko ang aking mga mata sa posibilidad na mangyari iyon dahil ang akala ko’y seryoso nga talaga siya sa akin, pero bakit pinararamdam niya naman na mali na um-oo ako sa kaniya? “Isinabay ako ni Bryan pauwi,” anunsyo ko, subalit sa halip na magpasalamat sa kaniyang pinsan ay tila nagalit pa siya rito at sa akin. “I told you to stay away from him.” There's authority in his voice, making me shake my head. Narinig din iyon ni Jeffrei na kaagad ding sumeryoso ang itsura. “Is he your boyfriend?” he asked, then he looked at me with disappointment. “Bakit sama ka nang sama sa kaniya? May gusto ka ba sa aming dalawa?” sunod-sunod niya pang tanong na lalong nagpasindak sa aking dibdib kaya wala sa sariling nasampal ko ang kaniyang kaliwang pisngi. I was frusrated. Kung sinipot niya lang naman ako roon, hindi si Bryan ang kasabay ko pauwi. “Hindi ako ganoon, Miah,” matigas kong sambit kaya napatahimik siya. Nakita ko rin na naglakad papalapit sa amin si Jeffrei, mukhang galit na galit kay Miah. “You better fix yourself, Miah. . . and your mess, I know it, by the way,” saway ni Jeffrei na tila mayroon pang gustong iparating. “Loser,” pahabol pa niya na tila naging dahilan upang mapatulala sa kaniya si Miah. He was about to apologize to me again, when we heard a series of heavy footsteps coming from the stairs. It was Bryan. Mukhang nagmamadali siya dahil muntik pa siyang matapilok sa hagdanan. “Where are you going?” Jeffrei asked his cousin. Nagsalubong naman ang aming mga paningin, tila ba nadidismaya sa pag-aaway namin ni Miah. Narinig niya ba ang pagtatalo namin? “Monique is in the hospital,” sambit niya habang naglalakad papalapit sa amin ng mga pinsan niya. “What happened to her?” Miah immediately inquired, causing me to look over him. Tila nahimigan ko kasi ang pag-aalala sa kaniyang boses o guni-guni ko lamang iyon. “S-she’s pregnant,” he announced, making his cousin, Jeffrei, shouted in happiness. Napanganga naman ako dahil sa balita. Hindi ako makapaniwala. Bryan is now a daddy! Tumigil siya sa harapan naming tatlo at kaagad siyang niyakap ni Jeffrei. “You’re still young, bud, but you’re a wealthy man. Kaya mo nang buhayin ang mag-ina mo. Congrats!” Jeffrei applauded before he tapped his cousin's shoulder. Hindi naman siya sumagot kaya biglang nagbago ang simoy ng hangin sa aming paligid. “May problema ba?” tanong ko kaya napaiwas siya ng tingin, saka ko lamang napansin na namumugto na pala ang kaniyang mga mata. Wala rin sa kaniyang ekspresyon na masaya siya sa ibinalita. “I’m okay, p3rvert,” he answered before he smiled bitterly. Bigla na lang tuloy akong nakaramdam ng pag-aalala, lalo na noong walang buhay siyang lumabas ng bahay. ~×~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD