Kabanata 12

2205 Words
Fool xMaligaya©January2023 TUMATAK talaga sa isip ko ang sinabi ni Benj sa akin kahit na isang linggo na ang lumipas mula noong tagpong iyon, para bang ginising nito ang diwa ko na hindi talaga kami bagay ni Miah. Tila gusto kong magdamdam dahil sa pagbigat ng aking kalooban. Kaya ko nga ba talagang panagutan kung sakaling sabihin ni Miah sa lahat na may pagkakaintindihan na kami? Malakas at malalim na lamang na buntonghininga ang aking pinakawalan habang nakaupo sa tapat ng nakasaradong pinto ng bahay. Hindi kasi ako makatulog, dahil iniisip ko kung ano ang hinaharap na mayroon sa aming dalawa. “Miah, nasaan ka na ba?” nagngingitngit kong tanong sa aking sarili habang walang buhay kong pinagmamasdan ang aking cellphone. Kanina pa kasi ako tawag nang tawag sa kaniya ngunit hindi niya naman ako sinasagot. Nakakainis dahil hindi siya nagpaalam sa akin kung saan siya pupunta. Hindi rin ako sigurado kung uuwi ba siya ngayon o hindi. Sa isang linggo na nagdaan ay tila napakarami nang nangyari sa aming lahat. Si Jeffrei at si Benj na lang ang madalas kong nakakasama kaya sa tuwing magtatanong si Sir Alejandro ay silang dalawa lamang ang naikukwento ko palagi. Nalulungkot nga ako dahil paminsan-minsan niya na lamang kung i-text at i-chat niya ako. Minsan nga ay kahit ako na ang unang nag-message sa kaniya ay hindi niya pa masasagot. Palagi niyang sinasabi na busy siya sa school projects nila kaya hinayaan ko na lang muna siya. “Don’t tell me that you will still wait for him? It’s already two in the morning,” Bryan suddenly announced as I heard his yawn. Napalingon tuloy ako sa aking likuran at nakita kong nakatingin siya sa kaniyang relong pambisig. “Wala namang pasok bukas, saka hindi rin ako makatulog. Ikaw, bakit lumabas ka?” mahina kong tanong bago ako tumayo sa aking pwesto. Tipid na ngiti lang naman ang kaniyang isinagot bago niya inilihis ang kaniyang tingin sa akin. Naisip kong ito yata ang unang pagkakataon na hindi kami nagtatalo. “I need air,” matipid niyang usal bago niya ako muling sinulyapan. Naintindihan niya naman agad na nalilito ako sa kaniyang tinuran kaya ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit. “My girlfriend broke up with me. She’s saying that I am not good enough,” dagdag niya pa na aking ikinabigla. Dahan-dahan din siyang lumapit sa akin pagkatapos niyang magbuntonghininga. Sa unang pagkakataon ay nag-open siya ng nararamdaman. Then, I felt his sadness while he was sharing his story. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng payo ang ibibigay ko sa kaniya para lang pagaanin ang kaniyang loob, kaya sa huli ay nakinig na lamang ako sa kaniya at hindi nagsalita. “Monique is my world. I won’t fall in love again, if I lost her.” Pareho kaming huminga nang malalim at sabay rin kaming tumingin sa mga bituin sa langit. “I will win her back. Hindi ako madaling sumuko, Miss Palmes.” Hindi ko napigilan ang mapatawa nang mahina. Medyo corny kasi. “Why are you laughing? Am I funny?” sunod-sunod na pagtatanong niya kaya lalong lumakas ang aking halaklak. Now I know that Bryan might be cold, but he got a heart of hopeless romantic. “Baka naman kasi ang sungit-sungit mo sa kaniya. Tapos ang sama pa ng ugali mo,” pagbibiro ko pa, ngunit hindi niya yata nahimigan na niloloko ko lamang siya. He took my joke seriously, then he shook his head to defend himself. “I am not like that,” he blurted before he looked at me. Tumigil naman ako sa aking pagtawa, hindi dahil sa magkasalubong na ang kaniyang mga kilay kundi upang malaman niya na ganoon talaga siya. “Ilang beses ka lang ba magsalita sa isang araw? Mabibilang lang din sa daliri ang pagngiti mo. Madalas na nakasimangot ka at masama ang tingin sa mga tao,” mahaba kong paliwanag habang binibilang ko sa aking mga daliri ang mga pagsusungit episode niya rito sa mansion. “W-What? How did you know that? Palagi mo ba akong tinitingnan?” he asked before he smirked like there’s a meaning behind it. Napaiwas tuloy ako ng tingin at nag-init ang aking magkabilang pisngi dahil mayroon akong kagimbal-gimbal na naalala. Tiningnan? Aksidente ko lang naman na nakita 'yong ano niya. Hindi ko sinadyang tingnan! “You’re spacing out, Miss Palmes,” pagkuha niyang muli sa aking atensiyon kaya nagpatango-tango lamang ako habang nag-iisip ng magiging tamang sagot. “O-Oo naman. For reporting purposes. Kinukwento ko kay Sir Alejandro.” Muntik na akong masamid dahil sa bilis ng pagkakasabi ko. Habol-habol ko rin ang aking hininga kasabay nang patago kong pagngiwi. “You’re ruining my image, p3rvert. You don’t know how sweet and loving person I am. Dapat iyon ang ni-re-report mo sa lolo ko,” pagrereklamo niya habang tila naiiritang tinitigan ako sa aking mga mata kaya sandali akong napatulala nang hindi ko nalalaman. My heart started to beat unevenly. Mabilis naman akong umiling-iling at lumayo nang kaunti sa kaniya nang makabawi. Pinanghihinaan ako ng tuhod habang isa-isa na namang nagsisidatingan ang mga makukulay na paruparo na ako lang naman ang nakakakita. “Y-you’re nosy. Ikaw ba talaga si Bryan?” nahihiwagaan kong tanong na sinundan pa ng aking mahinang pagtawa upang itago ang kaba sa loob ng aking dibdib. Dumadaldal na siya ngayon. Dati-rati naman ay ini-snob niya lang ako. Dismayadong tingin lang naman ang isinagot niya sa akin bago siya umiling-iling. Akma niya sana akong lalapitan upang hawakan, ngunit hindi iyon natuloy nang makita ko ang bulto ni Miah na nasa hindi kalayuan. “Miah!” I yelled happily, knowing he saved me for an unknown crisis. Nang marinig at makita niya naman ako ay binilisan niya ang kaniyang paglalakad upang makalapit agad sa akin. Hindi naman nagsalita si Bryan sa aking gilid, para bang pinapanood niya lang kaming dalawa ni Miah. Ang nasulyapan kong pagkunot ng kaniyang noo ay para bang nagtatanong kung bakit ang saya-saya ko? “Joy, what are you doing here?” asked by the man I think I am in love with. Kaagad ko naman siyang sinalubong. Sa wakas, nakita ko na ulit siya. “Hinihintay kita,” I answered in a low tone before I tried to catch his eyes, but he just avoided me, that’s why I held his left hand. “You don’t have to do this. Paano kung hindi ako umuwi?” He was looking at me with care as he wrapped his arms around me. Sa paglalapit naming dalawa ay roon ko nalanghap na amoy alak siya. “Lasing ka? Saan ka pumunta?” sunod-sunod kong pag-uusisa bago unti-unting namuo ang pagkadismaya sa loob ng aking dibdib. He promised me that he will never get drunk again. Mayroon ba siyang problema? May problema ba kami? “H-ha? I went to my mom’s house,” depensa niya sa kaniyang sarili at lalo niya pang hinigpitan ang kaniyang pagkakayakap sa akin, tila ayaw niya na akong bitawan pa. Lumala tuloy ang aking pag-alala na baka mayroon siyang dinaramdam, baka mayroong mabigat na bagay na hindi niya masabi sa akin. “Trust me, I didn’t do anything wrong,” he added as he loosened his arms around me. Sinalubong niya na rin ang aking paningin, ngunit tila nawala na ang sigla niyon, hindi gaya nang dati. Ngumiti ako. Pinilit kong maniwala sa kaniya kahit na alam kong nagsisinungaling lamang siya. Punong-puno ako ng mga tanong. His eyes are different now. Nawala na 'yong lambing at suyo sa kaniyang mga mata at labi. Parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon, parang hindi na si Miah na . . . “It’s already late, Miss Palmes,” biglang sabat ni Bryan kaya napunta sa kaniya ang atensiyon namin ni Miah hanggang sa makita kong may gumuhit na tanong sa kaniyang noo. “Kanina pa ba kayo magkasama?” He stared at me as he waited for my answer. Saglit naman kaming nagkatinginan ni Bryan bago ako sumagot. “Kadarating niya lang. Hindi siya makatulog kasi nakipag-break sa kaniya ang girlfriend niya,” I explained before I bit my lowerlip. Hindi ko na dapat inungkat pa iyon, pero kitang-kita ko kasi ang pagseselos ni Miah kaya wala akong ibang pagpipilian. “Nag-break kayo? Did she say the reason?” he questioned as if he was really curious about his cousin's relationship. Hindi rin iyon nakatakas sa pandinig ni Bryan na hindi napigilang magtanong. “Why are you so hype up with my problem? Just talk it out inside. Hindi ka talaga marunong mag-alaga ng babae,” pangangaral niya kay Miah habang nakatingin sa akin. “What are you saying? Pinababayaan ko si Joy?” They started an argument as I collected all my feelings. Bakit pakiramdam ko ay naiwan niya na ako kahit nandito lang naman siya sa tabi ko? “She’s been calling you a lot of times. She’s here, chilling, for almost four hours. Saan ka ba talaga pumunta at inumaga ka na?” Bryan ignited the heat more between them, making me called his name to stop him. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Bryan na kanina ko pa tinatawagan si Miah, pero hindi iyon ang gusto kong ayusin ngayon. I want to talk to Miah. Magagawa ko lamang iyon kung titigil sila sa pagtatalo. Ngunit sa halip na magkaayos ay pagak pang tumawa si Miah at umiiling-iling pa. Ano'ng nakakatawa? Lasing na lasing ba siya? “You’re lying to me, Joy,” salaysay niyang nambibintang kaya nagulat ako at napabuntonghininga. Nasaan na 'yong mahal sa mga linya niya noon? Unti-unting lumukot ang aking puso dahil sa unang pagkakataon ay hindi siya naniwala sa sinabi ko. Sa unang pagkakataon, sa harap niya ay napahiya ako sa sarili ko. “Hindi ko nga siya kasama,” pag-uulit ko ng aking sinabi kanina habang pinipilit kong huwag ipakita sa kaniya na nasasaktan ako. “Sinungaling,” Miah concluded. “How did he know that you’re chilling here? Nagyakapan ba kayo habang wala ako?” His facial expression darkened while he was looking at me. Napuno tuloy ng kakaibang takot ang aking dibdib, dahilan upang umiwas ako ng tingin. “Miah, hinintay kita rito. Bakit ko naman gagawin iyon? Ikaw 'yong gusto ko, kaya bakit yayakap ako ng ibang lalaki?” punong-puno ng pagdaramdam kong salaysay bago ako tumingin sa langit. Ang sabi nila, tiwala ang kailangan sa pagbuo ng isang relasyon, pero bakit parang wala siya niyon sa akin? “I’m sorry. I didn’t mean it,” he muttered as he reached my hand. Ewan ko ba, pero 'yong panghihingi niya ng tawad na iyon ay tila mayroon pang mas malalim na dahilan. “Learn to take care of your woman, bud. Maraming pwede na mag-alaga sa kaniya,” may tila nais ipahiwatig na pahabol ni Bryan nang papaalis na kami sa kaniyang harapan. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin dahil ayaw niya pa ring tumigil. Gusto niya ba talagang mag-away sila ng pinsan niya? “Take care of yours, Bryan. Don’t give me an advice if you can’t keep an eye on Monique,” Miah announced as if he was referring to something that Bryan and I were not aware of. “How did you know her?” Bryan questioned as he put his hands on his pocket. Para namang natauhan si Miah sa kaniyang narinig kaya napatigil siya at napatingin kaagad sa akin. “What the hell are you talking about? Ano ba'ng ikinagagalit mo sa akin, ha?” pag-uusisa niya rin ngunit pansin na pansin kong binago niya ang pinag-uusapan nilang dalawa ng kaniyang pinsan. “None.” Bryan glanced at me before he began walking away, however he was stopped by Miah’s statement. “I did not tell her to wait for me. Hindi ako nagpapahintay!” Miah yelled as he said his explanation. Kaagad ko naman siyang hinawakan upang pakalmahin pero tinabig niya lang ang aking mga kamay. “Alam niyo, mauuna na ako sa loob. Bukas na lang tayo mag-usap,” dagdag niya bago walang pasabing pumasok sa loob ng bahay. Ni hindi man lamang niya ako tinapunan ng tingin. Nagdire-diretso lamang siya hanggang sa naiwan na lang kaming dalawa ni Bryan sa labas. Ano ba talaga ang nangyayari? Ibang-iba siya sa Miah na nakilala ko noon. Hindi niya kayang sumigaw. . . hindi niya kayang balewalain ako. Pinigil ko ang aking sarili na lumuha at minabuti na lamang na humakbang papasok ng bahay, subalit napatigil ako nang marinig ko ang mahinang komento ni Bryan kaya napatingin ako sa kaniya. “Fool,” he said before he gave me a bitter smirk. “He’s losing his interest in you. Haven’t you notice it yet?” Dumagundong ang t***k ng aking puso at pagkatapos ay bumagsak ang aking dalawang balikat. “A-ano’ng ibig mong sabihin?” nauutal kong tanong kahit na malinaw na malinaw ko namang rumehistro sa aking isip kung ano ang kaniyang sinabi. “There are men who are just chasing women for s*x. Did you already give it to him?” He didn't elaborate what he meant by that, but it really sank in my mind, causing a sharp object stabbed my heart. Hindi ganoon si Miah, hindi ba? ~×~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD