Kabanata 11

2829 Words
Bagay ba? xMaligaya©November2022 UMABOT na yata hanggang sa langit ang kilig na aking nararamdaman dahil hindi ko pa rin makalimutan ang mga katagang binitiwan ni Miah. Hindi nga siya nagbibiro. Tinotoo niya talaga ang kaniyang panliligaw sa akin. Para tuloy akong lumilipad sa ulap araw-araw sa tuwing bibigyan niya ako ng isang tangkay ng pulang rosas. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae dahil na-crush back ako. Wala rin siyang mintis sa pag-amin niya ng kaniyang nararamdaman para sa akin, bawat oras at bawat minuto ay may na-re-receive akong magic words mula sa kaniya. Lagi na rin akong may ka-late night talk at may nag-gu-good morning na rin sa akin sa umaga. Jusko po! Iyon ang palaging sigaw ng aking puso sa tuwing makikita ko siya. Totoo ngang mayroong mahika ang pag-ibig dahil sa bawat araw na lumilipas ay lalong tumitindi ang pagsikdo ng aking puso. Mayroon lang akong ikipinag-aalala. Iyon ay ang kaniyang pamilya at kung ano ang sasabihin ng mga taong nakapaligid sa kaniya kapag nalaman nilang lahat na pumatol siya sa isang katulad kong mahirap at walang kayang ipagmalaki sa buhay. Pero ano nga ba ang magagawa ko? May nararamdaman din ako para kay Miah. “Sigurado ka na ba talaga sa akin? Paano kung malaman ni Lolo o ng Mommy mo ang tungkol sa atin?” Kumakabog ang loob ng aking dibdib sa kaba, hindi ko mapigilan ang hindi mag-alaala dahil nakabanta sa amin ang malaking problema. Hindi tuloy niya napigilan ang mapatigil sa aming paglalakad. Oras na ng uwian kaya nagpalinga-linga ako sa aming paligid. Nang may makita akong estudyanteng makakapansin sa pagiging malapit namin sa isa’t isa ay mabilis kong kinalas ang aming mga kamay at lumayo rin ako nang kaunti sa kaniya. Mag-iisang buwan na kaming ganito. Para bang palagi kaming mayroong pinagtataguan. Hanggang ngayon din ay hindi ko pa rin masabi-sabi kay Lolo Alejandro ang tungkol sa pag-amin sa akin ng kaniyang apo at ang panliligaw nito sa akin. Kami-kami lang ng mga pinsan niya ang nakakaalam ng sitwasyon namin ni Miah. Mabuti na lamang ay hindi sila nangingialam dahil natatakot akong magalit sa akin ang matanda. Nahihiya rin ako dahil pinatuloy na nga ako nito sa mansion pero ang pagpapaligaw lang sa apo niya ang aking iginanti. “Lolo likes you,” he suddenly stated as if he was boosting my self-confidence. Kinuha niyang muli ang aking kamay pagkatapos ay hinalikan niya pa ang likod ng aking palad. Nagulat naman ako at napatingin muli sa aming paligid. Baka may makakita sa amin at pagsimulan pa iyon ng chismis. “And I’m sure, Mommy will like you, too,” dagdag niya pa, ngunit sa halip na gumaan ang aking pakiramdam ay lalo pa yatang nanginig ang aking puso kaya tinanggal ko ulit ang pagkakadikit ng aming mga palad. I was overthinking. Sigurado akong hindi ako magugustuhan ng Mommy niya. Elegante iyon at sopistikadang babae, samantalang dukha lamang ako at. . . at. . . “I know what you’re thinking. Huwag mo silang masyadong isipin. Kahit na itakwil nila ako, hindi ako hihiwalay sa’yo,” pahayag niya na sa halip na magpakilig sa akin ay lalo lamang akong ginulo ng aking konsensiya. “You know, Joy, I really don’t like this set up. Hindi ko gusto na tinatago kita at tinatago mo ako,” pagpapatuloy niya pa kaya napaiwas na lamang ako ng tingin. Nahihirapan ako, hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin ko. Matagal ko na siyang crush. Simula pa lang noong unang araw na pagtuntong ko sa unibersidad na ito ay siya na agad ang pinangarap ko, pero ngayong nandito na siya sa tabi ko. . . bakit parang ang hirap-hirap niyang abutin? Bakit parang ang hirap-hirap tumaya? Dahil ba mayaman siya at mahirap lang ako o dahil alam kong ang lalaking pinagtutuunan ko ng pansin ay isang babaero? “Seryoso ako sa'yo, mahal. Kung gusto mo, ipagsigawan ko pa sa buong school na sa’yong-sa'yo lang ako.” Nginitian niya ako nang malapad bago niya ako inakbayan, para bang alam na alam niya kung ano ang nararamdaman ko. Gayunpaman, hindi pa rin ako makangiti kagaya ng kaniyang gusto. “Fernandez, tapos na ang oras mo,” suddenly announced by Jeffrei on our back, making us startled. Mabilis niya tuloy na tinanggal ang kaniyang braso sa aking balikat. Bumigat ang hangin sa pagitan naming tatlo pagkatapos ay hinawakan kaagad ni Miah ang aking palapulsuhan nang makabawi siya mula sa pagkagulat. Sa kaniyang inaakto ay para bang kapag binitiwan niya ako ay nanakawin kaagad ako ni Jeffrei sa kaniya. “Jeffrei, tgilan mo na si Joy. We already talked. Hindi na siya pwede,” matigas na anunsyo ni Miah pagkatapos ay itinago niya ako sa kaniyang likuran, ngunit sa halip na umatras si Jeffrei ay lalo pa itong lumapit sa amin at sinilip pa ako. “Joy, baby ko. Halika na sa practice. Ma-le-late na tayo sa kadidikit sa’yo ng aso na iyan.” Tila pilit ang paglalambing sa boses nito at mas lamang ang inis. Hindi niya rin pinansin ang sinabi sa kaniya ni Miah. “You also have to talk with Benj, later. Bawal mag-date,” pagpapaalala niya pa bago niya ako biglang hinila papalayo kay Miah na hinawakan naman ang kabila kong kamay. “Jeffrei,” Miah firmly called him as he closed his eyes in frustration. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay punong-puno ito ng pagkadismaya. “Miah, sa bahay na lang tayo magkita,” pagpapakalma ko sa kaniya na umani naman ng pagtutol. Napabuga tuloy ako ng hangin at pareho kong tinabig ang kanilang mga kamay. Nakakakuha na kasi kami ng atensyon ng mga estudyante. Baka akalain ng mga ito ay pinag-aagawan ako ng dalawang magpinsan. “Palagi ka na lang niyang kinukuha sa akin tuwing hapon.” He sounded so jealous, making Jeffrei cussed loudly while laughing. Bakit nga ba ako napunta sa sitwasyon na ito? Kung hindi lang talaga umepal itong si Jeffrei na ginamit ang connection niya sa school para ipatanggal akong student assistant para gawing personal assistant niya ay hindi mangyayari ito. “Malapit na ang U-Games. May practice sila,” mahinahon kong paliwanag kaya napanguso na lamang siya. Hahawakan niya pa sana ang kamay ko para magpaalam, pero mas mabilis sa kaniya si Jeffrei. Nahila na kaagad ako nito papalayo sa kaniyang pinsan. “Sorry. Babawi ako sa’yo, promise,” pahabol kong sabi bago ako nagpatangay ng tuluyan kay Jeffrei na nagmamaktol. “Hindi pa kayo niyan, ha.” May sarkasmo akong napansin sa tono ng kaniyang pananalita kaya napatigil ako sa paglalakad. Napansin niya naman iyon kaya hinarap niya akong tila siya pa ang galit sa akin. “Don’t look at me like that. Joy, you’re neglecting your studies. Patay na patay ka talaga sa kaniya, 'no?” pangangaral niya na may halong pang-iinis. Umawang naman ang aking mga labi nang ma-realize ko kung paano niya nalaman na matagal ko nang crush ang kaniyang pinsan. Hindi tuloy agad ako nakaimik. Sa loob ng mag-iisang buwan kong pamamalagi sa mansion at dahil na rin sa palagi ko na siyang nakakakasama ay nalaman kong alam niya ang halos lahat ng nangyayari sa akin at sa mga pinsan niya. Talagang malakas ang radar niya pagdating sa amin na mga kasama niya sa mansion. “Kaya ko namang humabol, Jeffrei,” matigas kong pahayag bago ko siya tinitigan ng diretso sa mata. Nasamid naman siya at napatingin sa malayo bago siya tumawa nang malakas. “Sabi mo, e,” he said before he smiled at me. “Habulin mo ako,” pagpapatuloy niya pagkatapos ay nagsimulang tumakbo papalayo habang tinatawag niya nang malakas ang aking pangalan. Napalingon-lingon tuloy ako sa daan dahil nakakakuha na siya ng maraming atensiyon. “Allein!” I shouted his second name, making him stunned. Napangiti na naman siya ulit nang makabawi, kapagkuwan ay lumapit siyang muli sa akin. “I trust you, Joy. Just don’t take Miah, seriously. Tumingin ka rin naman sa iba.” Tila mayroon siyang nais ipahiwatig na hindi ko naman masyadong naintindihan. Hinila niya na lamang akong muli hanggang sa makarating kami sa gymnasium kung saan sila nag-pa-practice tuwing hapon. “You can go on the players bench. Doon ka muna, baka guluhin ka ulit ng mga babae.” Itinuro niya sa akin ang itaas na bahagi ng bleachers, malayo roon sa mga estudyanteng humihiyaw habang nanonood ng practice ng mga team mates niya. Maraming beses na kasi akong minamasamaan ng tingin ng fans niya, may isang araw pa nga na kinalmot ako ng isang babaeng baliw na baliw sa kaniya. Ang resulta tuloy ay lalo niya pa akong inilapit sa kaniya. Sinunod ko naman siya at minsang nakikipag-usap sa mga teammates niya hanggang sa naisipan kong kuhanin ang libro na hiniram ko noon sa library. Habang nasa practice sila ay nagbabasa ako, at sa paminsan-minsan kong pagtigil upang tingnan siya ay palagi ko na lang siyang nahuhuli na nakatingin sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit. Siguro ay chine-check niya kung mayroong nanggugulo sa akin. Mahigit dalawang oras din ang itinagal ng kanilang laro kaya ang tagal-tagal kong nakaupo. Nang matapos sila ay mabilis namang nagpalit ng damit si Jeffrei pagkatapos ay isinabay niya na ako pauwi sa mansion. Pagdating namin ay saktong nakahain na ang hapunan, ngunit wala naman ang tatlo. Sinabi ni Inang Cora na hindi pa raw umuuwi si Miah, samantalang si Bryan ay kumain na raw sa labas. Si Benj naman ay nauna nang kumain sa aming dalawa ni Jeffrei. “He’s definitely inside the library. Puntahan mo mamaya,” he mentioned before he ushered me to the dining table. Sa pagkasabi niyang iyon ay noon ko lang naalala na kailangan ko nga palang makausap si Benj. Malaki-laki na kasi ang atraso ko sa kaniya dahil ‘yong project proposal na pinagagawa sa amin ng professor namin ay siya na ang tumapos. Ayaw ko mang aminin pero para ngang napababayaan ko ang pag-aaral ko gaya ng sinabi ni Jeffrei kanina. Magpapaalam pa sana ako na magpalit muna ng damit ngunit mabilis niya akong pinigilan. Mamaya na raw kami magbihis dahil gutom na gutom na raw siya. Mabilis tuloy ang ginawa kong pagkain dahil habang nasa hapag kami ay puro pangongonsensiya na lamang ang ginawa ni Jeffrei. “Good luck, baby ko,” he told me as I walked away from the dining table. Hindi ko na naman siya pinansin at nagmamadali na lang akong pumasok sa aking kwarto upang magbihis. Nang matapos ay inihanda ko na ang sarili ko. Tahimik at mabait si Benj, pero may kasabihan ngang masamang magalit ang mga taong katulad niya. Kahit na hiyang-hiya ako at kinakabahan ay nilakasan ko ang aking loob nang magdesisyon akong puntahan siya. “Benj, pwede ba kitang makausap?” I questioned after I opened the door of the library. I was still afraid and shy to approach him, but I couldn’t do anything about it. Kung hindi ko siya lalapitan ngayon ay wala na naman akong maitutulong sa bago naming project sa school. “A-ah, Benj. Kasi. . . Sorry kung hindi kita natulungan last time. Promise, babawi ako ngayon.” Mabilis ang aking pagkakasabi, halos mabulol na nga ako dahil sa kaba, ngunit tila wala yata siyang narinig o sinasadya niyang hindi ako pakinggan. “Galit ka ba sa akin? Sorry na. Sorry din kung palagi akong wala kasi. . . kasi. . .” Sa huli ay hindi ko na ipinagpatuloy ang dapat kong sasabihin dahil deserve ko naman kung galit nga siya. “W-wala kayong date ngayon?” pag-uusisa niya bago niya pinatay ang kaniyang laptop. Sinimulan niya na ring imisin ang mga libro sa mesa kaya nagmamadali akong pumunta sa harapan niya. He never looked straight into my eyes then he handed me a piece of paper, containing his dialogue. Hindi raw siya galit pero huwag ko raw muna siyang kausapin. “Benj naman, e! Kung galit ka, sabihin mo sa akin. Huwag naman ‘yong idadaan mo sa silent treatment,” salaysay kong tila nagtunog nagrereklamo. “I-I’m not nga. N-nagtatampo lang ako, kasi sabi mo noon, susubukan nating maging magkaibigan, p-pero parang wala ka namang pakialam sa akin,” mahaba niyang salaysay kaya napagalitan ko ang aking sarili. I remembered telling him that we will fight against our fears together, but I totally forgot about it when I thought I survived mine. “I noticed that you failed on our quiz twice in a row last week. Galingan mo bukas sa long quiz kay Prof Daniel.” pagpapaalala niya sa akin pagkatapos ay nginitian niya ako ng pilit. Gusto ko pa sana siyang kausapin, pero mukhang nagmamadali siyang lumabas ng library kaya hinayaan ko na lamang muna siya. “Thank you. Mag-aaral na ako. Hihintayin ko lang dumating si Miah,” I spoke which made him stop walking. Ito rin ang unang pagkakataon ngayon na tinitigan niya ang aking mga mata. “C-can I voice out something about you and my cousin?” he asked with a gentle manner. Na-curious naman ako sa kung ano ang sasabihin niya, gusto kong magtanong pero mas pinili kong ngumiti at tumango habang hinihintay ko ang maaari niyang sabihin. “I am strongly against your relationship,” anunsyo niya na nagpatigil sa aking paghinga. Hindi kaagad ako nakaimik sa kaniyang isinalaysay. Wala na rin naman siyang idinugtong pa dahil pagkatapos ng kaniyang linya ay mabilis na siyang lumabas ng library ng mansion. He left me alone with a lot of questions in my mind. Hindi man nila ipahalata pero alam na alam kong ayaw nila sa akin para sa pinsan nila. Ano ba kasi ang mali sa akin kaya hindi nila ako gusto para kay Miah? Dahil ba mahirap lang ako at hindi kagandahan tulad ng mga dine-date nila? E, mayayaman lang iyon kaya kumpleto ang skin care! Nagbuga ako ng malakas na hangin bago ako nanlulupaypay na lumabas ng library. Sa paglalakad ko naman pabalik sa aking kwarto ay hindi ko inaasahang makasalubong si Bryan na nakapamulsa pa habang naglalakad. Napairap tuloy ako sa hangin at mukhang siya ang mapagbubuntungan ko ng lahat ng aking hinanaing. “Ikaw? Ayaw mo rin ba ako para sa pinsan mo?” wala sa sariling tanong ko dahil sa pagkadismaya na aking nararamdaman. Tumigil naman siya sa paglalakad pagkatapos ay sinimangutan niya ako. Simula nang maibalik ko sa kaniya ang cellphone niya noong isang buwan ay ngayon na lang ulit kami nagtagpo na katulad ngayon. Blangko niya lang akong tinitigan pagkatapos ay nilagpasan niya na ako na para bang wala akong itinanong sa kaniya, ngunit bigla na lamang siyang tumigil sa paglalakad at ngumiti sa akin. “Bakit ka nakangiti? Huwag kang ngingiti, Bryan,” pagbabanta ko bago ko inalayo ang aking tingin sa kaniya. Hindi ko alam pero heto na naman ang mga paro-paro sa paligid namin habang mabilis na tumitibok ang aking puso. A-ano ang nangyayari? Bakit ganito? “Idiot,” he said before he stood up in front of me. “Do you want to call Chen to avenge your fate?” panunukso niya pa kaya napalitan ng inis ang kakaibang naramdaman ko kanina. Ipinalala niya na naman sa akin ang intsik na noong nakita ko ulit ay gumawa ng pangontra laban sa kamalasan ko, pero hanggang ngayon naman ay hindi pa rin naman tumatalab. “Ginoyo na naman yata ako ng lalaking iyon, e. Paano ba maging mayaman para maging ka-level ko na rin si Miah?” I questioned, tactless. Bakit ba parang kapag siya ang kaharap ko ay hindi ko naiisip ang mga hindi dapat sabihin. “Fool.” I heard him whispered before he turned his back on me. “Sandali, Bryan,” pagtawag ko sa kaniyang pangalan pagkatapos ay humarang ako sa kaniyang daranaanan. “Hindi ba talaga kami bagay ni Miah?” wala nang hiya-hiya ko nang pag-uusisa. Nasabi ko na rin lang naman sa kaniya, bakit hindi ko pa lubos-lubusin? “Don’t ask me,” he answered as he his face became dark and serious, however that expression lost its effect on me. Nasanay na akong ganoon siya kaya hindi na ako natatakot sa tuwing titingnan niya ako nang masama. “Isang tanong, isang sagot lang naman. Bagay ba kami?” I asked him before I literally smiled. Umaasa akong isasagot niya ang nais kong marinig. “Hindi,” he briefly answered as he looked at me from head to toe. Unti-unti akong nanlumo pero si Bryan nga pala ito kaya hindi ako magpapaapekto. “Sino pala ang bagay sa akin? Ikaw?” dirediretso kong pag-uusisa ngunit nang rumehistro sa aking isip ang panghuling katagang lumabas sa aking bibig ay pareho kaming nagulantang at bigla siyang nasamid. “T-that’s not what I mean. I have a girlfriend, Miss Palmes,” he answered defensively as the atmosphere between us became awkward. Dali-dali rin siyang naglakad papalayo sa akin kaya nasapo ko ang aking noo dahil sa kahihiyan. Bakit ba tinanong ko pa iyon? Nakakahiya! ~×~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD