Pag-asa
Chanak©March2022
WALA sa sariling naglakad ako pabalik ng classroom. Pakiramdam ko’y lumulutang ako sa hangin at walang pagsidlan ang aking tuwa dahil sa katagang binigkas ni Miah kanina.
Tila mapupunit na ang aking mga labi dahil hindi ko mapigilan ang pagngiti, pati na rin ang aking puso ay nakikiisa, umaawit ito at umaasang totoo ang sinabi niya.
Sa loob ng classroom ay nakatulala lamang ako buong klase. Kunwaring nakikinig pero sa tuwing babalik sa isip ko ang eksena kanina ay naititikom ko kaagad ang aking mga labi at tutungo nang hindi mapansin ng aming professor.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko, siguro ay dahil nasanay na ako sa pagiging kaibigan niya at . . .
“Miss Palmes, are you listening?” Nagulantang ako nang bigla na lamang akong tawagin ng aming guro kaya mabilis akong napatayo.
“Yes, Sir! Present!” sigaw ko pero nang makita ko ang calculations sa white board ay nakasisiguro akong tapos nang mag-check si Prof. Kasunod ng pagkadiskubre ko niyon ay ang unti-unting pamumula ng aking magkabilang pisngi dahil pagkapahiya.
Gusto ko nang magpakain sa lupa lalo na nang mapuno ng tawanan ang buong klase at hanggang sa makaupo ako ay wala pa ring tigil ang kanilang panunukso.
Nagkasalubong naman ang mga paningin namin ni Benj na nasa unahan. Nag-aalala ang kaniyang ekspresyon kaya sinenyasan ko siya na okay lang ako.
Sa kabuuan ay wala akong natutuhan. Milyon-milyon kasing mga tanong ang namutawi sa aking isip nang dahil kay Miah.
Pagkatapos ba ng araw na ito ay hindi na kami magkaibigan?
Nagsimula na akong madismaya sa sarili pagkatapos na pagkatapos ng klase. Marubdob ang pagtibok ng aking puso habang nanginginig ang aking mga daliri sa kamay dahil sa kaba at excitement na nadarama.
“J-Joy, ayos ka lang ba?” ani Benj na sumadya pang lumapit sa akin habang inaayos ko ang aking mga gamit. Nilingon naman kami ng iba naming mga kaklase, tila inaalam kung ano ang mayroon sa amin ni Benj.
“Masama ba ang pakiramdam mo? You should go home. Ako na ang bahala sa project proposal natin,” dagdag niya nang magsalubong ang aming mga mata. Napangiti naman ako at napatango.
“Salamat, Benj. Tutulungan kita, promise,” I stated as I raised my right hand on air. Isinara ko ang zipper ng aking bag pagkatapos ay muling humarap sa kaniya. “Kita na lang tayo mamaya. Promise, kahit mag-overnight pa tayo sa library roon, payag ako. Wala namang pasok bukas, ‘di ba?”
“S-sige. Ingat. Mamaya na lang sa bahay,” he stated which startled the both of us. He mentioned the forbidden word, home!
Malalagot kami kay Bryan na binabalaan pa kami ng mga pinsan niya na huwag pag-uusapan ang tungkol sa bagay na ito rito sa school.
Pareho kaming napatingin sa kabuuan ng classroom at sabay kaming bumuga ng hangin nang makalabas na pala ang mga kaklase namin.
“We are still safe.” I laughed a little and just like a contagious virus he shyly chuckled, too.
Sandali pa kaming nagkwentuhan bago kami nagpaalamanan at naghiwalay ng daan. Siya ay papunta sa school library at ako naman ay sa parking lot.
I let out a deep but excited sigh after Benj and I parted our ways. Pinunasan ko muna ng panyo ang aking mukha at habang naglalakad ay inayos ko rin ang hawi ng aking mahabang buhok gamit ang suklay.
Sa parking lot.
Sa parking lot ako pupunta dahil doon raw siya maghihintay.
Bumalik ang pangangatog ng aking tuhod pati na rin ang pagdagundong sa loob ng aking dibdib. Hindi ako mapakali at parang gusto ko nang umurong dahil tila sasabog na ang aking puso. Nakakagat ko na nga ang aking pang-ibabang labi para lamang patigilin ang aking kaba.
Tumigil muna ako sa paglalakad at itinabi ang suklay sa bag. Tumabi ako sa daan at naweywang pagkatapos ay pinaypayan ang aking sarili gamit ang aking dalawang palad.
Pinagpapawisan ako nang matindi; parang hindi ko talaga kayang harapin si Miah ngayon.
“Paano ba ito?” pag-ingit ko bago ko ipinadyak ang aking kanang paa sa lupa bago muling bumuga ng malakas na hangin.
“Hindi. Binibiro lang ako ni Miah. Sinabi niya lang iyon kasi iniinis siya ni Jeffrei.” I shook my head then I stood up straight. Kinundisyon ko na ang aking sarili at sinimulan ko nang mag-isip ng tama.
“Binibiro lang ako ni Miah,” paulit-ulit kong pangangaral sa aking sarili bago ako nagdesisyon na maglakad muli papunta ng parking lot.
Nanlumo ang aking sistema nang mapagtanto na malabo nga talaga na mamahalin niya ang isang kagaya kong mahirap lamang. Wala rin ako sa kalingkingan ng mga babaeng natitipuhan niya.
Para akong sinampal ng katotohanan kung kaya’t ang tuwa at excitement na naramdaman ko kanina ay pinatay ng mga dambuhalang rason kung bakit hindi ako magugustuhan ng lalaking patago kong minamahal.
“Kung binibiro niya lang ako, makikitawa na lang ako sa kaniya,” mangiyak-ngiyak kong sambit bago pinahid ang mga luha na nagbabadyang tumulo sa aking mga pisngi.
Nagsanay at minemorya ko na rin ang mga linya na sasabihin ko sa kaniya. I’ve mouthed the words I am practicing again and again. Pati ang aking pagngiti at pagtawa ay pin-ractice ko na rin.
Nang makarating ako sa parking lot ay hinanap ko kaagad ang kotse niya. Gusto ko nang tapusin ang pag-uusap na ito at umuwi na ng bahay.
Napatigil ako sa paglalakad at sinakop na naman ng masidhing kaba nang makita ko siyang nakasandal sa kaniyang kotse habang nakatingin sa kaniyang wristwatch.
His expression screams nervousness but I didn’t failed to distinguish his handsome face. Pinagtitinginan din siya ng ilang mga kababaihang nasa parking lot, may iba pa nga na sadyang napapatigil sa paglalakad para lamang masilayan siya.
Maraming beses pa siyang sumilip sa kaniyang relong pambisig at dahil nakatalikod siya sa pwesto ko ay hindi niya ako nakikita.
Ilang beses pa kaming nagtalo ng aking sarili ngunit nang mapagod na ako sa panonood sa kaniya sa malayo ay nagsimula na akong humakbang papalapit sa kaniya.
Sinubukan kong ngumiti ng malapad at baguhin ang malungkot na eksresyon ng aking mukha bago ko siya tinawag at umakto na parang wala akong narinig kanina.
“M-Miah!” I called his name which made him whirled around. His face lightened up as he walked to approach me. Tila wala siyang pakialam sa mga taong nakatingin sa amin at hinuli niya kaagad ang aking palapulsuhan na nagpagulo sa pagpintig ng aking puso.
“I thought you’ll choose Jeffrei over me,” he muttered, smiling. Pinadausdos niya sa akin ang kaniyang kamay hanggang sa pagsiklupin niya na ang aming mga palad kaya roon napunta ang aking atensyon.
“S-syempre, ikaw ang pipiliin ko dahil ikaw ang bestfriend ko,” I answered, stuttering. Pilit kong itinatago ang kilig at ang pagkalito nang bigla na lamang akong matuod sa aking pwesto matapos niyang dumukwang upang nakawan ako ng halik sa aking kaliwang pisngi.
Nangangamatis na ang mukha ko sa pula at lalo lang akong hindi matingin sa kaniya ng diretso. Nakaramdam ako ng pagyanig sa loob ng aking dibdib habang napapatanong kung bakit niya ginawa iyon. Bakit niya ako hinalikan?
Halik ba ’to ng kaibigan ulit tulad ng sinabi niya noon?
Matapos niyang mag-confess kaninang tanghali ay nag-iba na ang tingin ko sa mga bagay-bagay, tulad ng halik na nakasanayan niya na namang gawin.
“I-I’m sorry. Nagulat ba kita?” nangangamba niyang pag-uusisa kaya ngumiti na lang ako at iwinaksi sa isip ang nangyari.
“H-hindi naman. Miah, saan ba tayo pupunta?” I asked before I glanced on our surrounding.
Hindi na ako masyadong minamata ng mga babaeng estudyante tulad noon dahil alam naman nilang magkaibigan lang kami ng iniidolo nilang si Jeremiah Fernandez. Pero kung totoo nga ang sinabi ni Miah kanina ay baka bumalik silang lahat at gyerahin ako.
“Saan mo gustong pumunta?” pagsasawalang-bahala ko ng posible kong kahihinatnan.
“Ikaw. Where do you want to go?” balik niya ring tanong. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin binibitiwan ang aking kamay kung kaya’t tuluyan na akong nawala sa sarili at hindi na nakapag-isip pa.
“Hindi ko alam. Pwede bang umuwi na lang tayo?” I suggested before I gently moved his hand away from him. Wala talaga akong maisip na pupuntahan at hindi ako masyadong komportable sa sitwasyon namin ngayon.
Ramdam ko rin ang kaniyang pagkailang sa akin, para nga kaming mga tanga kung titingnan ng ibang tao sa malayo. Magkahawak kami ng kamay pero hindi naman namin alam ang susunod na gagawin.
Nang mapansin niya ang pag-iwas ko at ang paglayo ko sa kaniya ay napakagat-labi siya at napakamot sa kaniyang batok dala ng kahihiyan kaya bigla akong natawa nang mahina, ngunit napagtanto kong maling desisyon ang aking ginawa matapos niya akong bigyan ng nakapapanindig-balahibong pagtitig.
“Why are you laughing, huh?”
“W-wala naman.”
“I want to hold your hand again. Pwede ba?” pagpapaalam niya bago tumingin sa malayo. “What the fvck? This is the first time I asked a permission to just hold a hand,” mahina at pasimple niya pang komento na rumehistro pa rin naman sa pandinig ko.
I slowly blinked my eyes while staring at him. Parang ibang tao kasi ang kaharap ko ngayon. Kailan pa siya naging maginoo?
“A-ah. May pawis kasi ang kamay ko, Miah," salaysay ko nang makabawi mula sa aking iniisip. Nalilito man ay kung ano pa rin na kumikiliti sa kaibuturan ng aking puso kaya pigil na pigil akong ngumiti.
Kinailangan kong lumayo pa ulit ng kaunti sa kaniya dahil baka heart attack pa ang maging cause of death ko dahil sa kaniya.
“Kahit pasmado ka pa, hahawakan ko pa rin iyan dahil ma—”
“Sandali, Miah!”
“Why? Okay, hindi kita pipilitin. I am not like that,” maagap niyang paliwanag nang akalain niyang natakot ako sa ginawa at sa sinabi niya. Umiling naman ako para sabihing hindi iyon tungkol doon.
“Magkaibigan pa rin tayo, ’di ba?” paniniguro ko habang nagkakaroon ng gyera sa aking puso. Mayroong parte sa akin na gustong marinig na magkaibigan pa rin kami, ngunit may parte rin sa akin na gustong ipaulit sa kaniya ang sinabi niya kanina.
“Miah, kasi. . . ganito. . .” nagbubuhol-buhol ang mga kataga na kanina ay memoryado ko. Hindi ko mabanggit ang bawat letra sa linya ko kaya sa huli ay ako na rin ang sumuko at nagbuntonghininga.
Hindi ko kayang sabihin sa kaniya na kung totoo man ang nararamdaman niya ay ganoon din ako sa kaniya.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina?” Lumapit siya sa akin at nag-iwan lamang ng isang hakbang sa pagitan naming dalawa pagkatapos ay hinuli niya ang aking tingin.
Nabuhayan naman ang aking loob kasabay nang pag-awang ng aking mga labi. Gusto kong itanong ang mga bagay na nasa isip ko, subalit wala ni isang salita ang lumabas sa aking bibig.
“Joy, I. . . love you.” He was straightforward, making my heart sunk deeply. Hindi ako makagalaw sa aking pwesto at napatulala lamang ako sa kaniyang mukha.
He gently intertwined our fingers again, then he smiled, showcasing his enticing dimples. Nang muling magtagpo ang aming mga paningin ay halo-halong emosyon ang nakita ko sa kaniyang mga mata.
Totoo ba talaga ito? M-mahal niya ako?
Kinagat ko na lang ang aking ibabang labi at mabilis na tumingin sa ibang direskyon. Habol-habol ko rin ang aking hininga habang pinipigil pa rin ang nagkukumawala kong emosyon.
Pagkatapos nito, ano na ang susunod? May kailangan ba akong gawin? Lalong dumami ang tanong na umikot sa aking isip. Lahat ng iyon ay wala akong makuhang sagot dahil wala pa naman akong karanasan tungkol dito.
“H-hindi mo ba sasagutin ang sinabi ko sa’yo?” Masuyo at malambing ang pagkakabanggit niya, pagkatapos ay pilit niyang hinuhulinang ang mailap kong mga mata.
He was laughing softly as he lips landed on the back of my hand, then he started whispering those three magic words again and again while he was staring at me, playfully.
“P-pwede bang huwag mo akong tingnan ng ganiyan?” puna ko sa malagkit niyang tingin. Sinubukan ko rin na lumayo muli at tanggalin ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin pero nabigo naman ako.
“Paano’ng tingin ba?” Sumisigaw ng panunukso ang kaniyang boses pagkatapos ay bigla niya na namang dinampian ng halik ang likod ng aking palad na ikinagulantang ulit ng aking sistema.
“M-Miah, bakit ako? Ang dami-daming babae riyan, mayayaman at magaganda ang katawan. Bakit hindi sila?” Isa sa mga tanong na naglalaro sa isip ko ang aking nasambit.
Marami naman talagang babae ang mas bagay sa kaniya, babaeng may maipagmamalaking pamilya at babaeng kaya niyang ibalandra sa lahat ng mga tao.
“Dahil hindi naman sila ikaw.” His eyes were glued on me as he was contemplating his words.
“I risked our friendship for this fvcking feeling I have for you. I am scared. That one hour of waiting for you here is a hell for me. Paano kung hindi ka dumating? Paano kung pagkatapos kong sabihin iyon, ayaw mo na akong maging kaibigan?” Puno ng pag-aalala ang kaniyang boses at nakukuha ko ang gusto niyang ipaintindi kaya lalong nadagdagan ang pagtingin ko sa kaniya.
“Mahirap paniwalaan, pero totoo iyon. Noong una ay hindi ko alam kung bakit palagi na lang akong walang gana sa tuwing may babaeng lumalapit sa akin. I thought maybe I have a disease, that’s why I went to my doctor, but the result said, I am hundred and one percent healthy, then I came to realize something. It was you. . .” sinadya niyang bitinin ang kaniyang linya bago diretsong tumitig sa aking mga mata.
“You are the reason why. Mahal na kasi kita,” he added, causing bombs exploded on my chest. Nagkaroon ng malaking pagdiriwang sa loob ng aking puso at hindi ko na napigilan ang mapangiti at kiligin.
His words became music to my ears. Iyon na ang pinakapaborito kong linya niya; ang ipagtapat na mahal niya ako.
“Hindi ba nasasabi mo lang iyan dahil narinig mo si Jeffrei kanina?” panunubok ko pa rin habang sa tingin ko’y namo-mroblema siya kung sasagutin niya ba ang tanong ko o hindi.
“I-I am jealous. Hindi ko na kinaya kanina noong hinalikan ka niya. That should be me, mahal,” he honestly answered, however, I was astonished when I heard the last word of his line. Ano raw ’yon?
“M-mahal?” I was intently staring at him while waiting, but instead of giving me his answer, he just threw a set of counter questions.
“A-ah. So, ano’ng sagot mo? May nararamdaman ka rin ba para sa akin?” dahan-dahan niya ’yong itinanong sa akin, malumanay at walang bahid ng pagmamadali.
Ngunit kahit na ganoon ay hindi ko pa rin makuhang sumagot. Masyado akong na-overwhelm dahil wala sa hinagap ko na magkakatotoo nga ang nais ko.
“M-may pag-asa ba ako sa’yo?” tanong niya bago marahang pinisil ang aking palad. Pinamumulahan ako ng mga pisngi at naririndi na rin ako sa lakas ng ingay na nagmumula sa loob ng aking dibdib.
“M-mayroon,” maikli kong sagot na nagpasigaw sa kaniya nang malakas. Pinaulit-ulit niya pa ang tanong sa akin, parang hindi makapaniwala sa naging sagot ko sa kaniya.
~x~
Chanak©March2022