Kabanata 9

2507 Words
Jeremiah “JOY, are you thinking of someone else while you’re with me?” Miah caught my attention as he complained like a child, telling I was absent-minded. Lumingon naman ako sa kaniya upang ngumiti at umiling. Kinailangan kong magsinungaling dahil kapag sinabi ko sa kaniya na hindi ko makalimutan ang aksidenteng paghalik sa akin ng pinsan niya ay puputaktihin niya lang ng tanong. “Marami lang akong iniisip na quiz at projects na kailangan kong matapos,” pagpapalusot ko bago bumaling sa ibaba ng rooftop kung saan makikita ang mga estudyanteng busy rin dahil malapit na ang prelim exam. “I can help you with that,” sambit niya kaya kaagad akong napatingin sa kaniyang gawi. Ang hindi ko inaasahan ay ang makita siyang nakatitig din sa akin na naging dahilan ng aking pagkailang. He was wearing a school uniform now, unlike before. Kung hindi ko pa sasabihin na magsuot siya ng tamang uniform, hindi niya pa gagawin. Iyon nga lang ay pa-iba-iba pa rin ng kulay ang necktie niya araw-araw. Nang minsang sitahin ko ay hindi na ako pinakinggan dahil iyon na lang daw ang kaibahan niya sa mga estudyante. Bumagay naman sa kaniya lalo na kapag titingnan siya sa malapitan. Mukhang siyang disenteng lalaki, mukhang hindi kayang mambabae. “Sigurado ka? Nalaman ko ngang hindi ka nagpapasa ng projects mo tapos wala ka yatang ipinasa sa mga exam noong prelim,” imporma ko kaya napatawa siya ng mahina. Inilayo niya ang kaniyang tingin sa akin pagkatapos ay napabuga ng hangin. Puro kasi katawan ng babae ang tumatakbo sa isip kaya hindi makapasa sa exam. Nakaabot lang yata siya ng fourth year college sa pagiging pasang-awa. “You are embarrassing myself to me.” Napatawa ako ng malakas lalo na nang makita kong namumula ang kaniyang magkabilang pisngi. His dimples deepened as we shared an eye contact, which made me amazed. Rumurupok talaga ako kapag nakikita ang dimples niya. “Saka, partner ko si Benj sa isang subject namin. Nalipat kasi siya ng section kanina, kaya ayos lang.” “Wha—” “Hep! ‘Yong thesis niyo ang isipin mo. Hindi ka raw tumutulong. My god, Miah! Huwag kang pabuhat,” pagbibiro ko pagkatapos kong ilagay ang aking hintuturo sa kaniyang mga labi upang hindi na siya makapagsalita pa. “Am I turning you off? Ayaw mo na sa akin?” He held my hand before he squeezed it softly. Tila nakikiusap ang kaniyang mga mata, tila may gustong sabihin na hindi ko mawari kung ano. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Wala. Siguro dapat bumaba na tayo. Mainit dito sa rooftop.” “Ha? Malilom naman, e. Saka may bubong din, hindi mo ba nakikita?” “Ibang init, Joy. Your boøbs are waving at me,” pag-amin niya kaya nabatukan ko siya ng malakas. Napatingin naman ako sa dibdib ko na hindi naman gasinong kalakihan. Is he turned on because of this? Kaya ba ganoon siya makatingin sa akin? E, hindi ko nga ito maipagmalaki. “My. . . My. . . Hindi naman ito malaki, saka tago naman, paano ka—” “Stop it. Pinipilit kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong matatakot ka sa akin kaya tama na. We are best friends, and best friends don’t talk about boøbs.” Napatawa ako ng malakas bago nmayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa kaya naman pinagmasdan lang namin ang ibang mga estudyante na nasa ibaba ng rooftop. Pareho kaming nakikiramdam sa kung ano ang susunod na magandang pag-uusapan ngunit bigla ko na lamang naalala ang isang bagay. Lagot! ‘Yong blueprint ni Bryan na nakalimutan niya sa mansion kanina ay nasa akin. Ipinadala sa akin ni Inang Cora kanina. Bakit ko nalimutan? Sinabi ko kanina sa sarili ko na maghahanap muna ako ng maraming lakas ng loob pero nawala na sa isip ko. “Miah. Mauuna na ako sa’yo sa ibaba. May kailangan pa pala akong ayusin,” pagpapaalam ko at kahit may bahid na pagtutol ang kaniyang boses ay wala siyang nagawa para mapigilan ako. “Joy! Sasama ako sa‘yo,” he called my name, but I was busy thinking of Bryan. Hindi ko na siya naasikaso dahil bigla na namang gumulo ang isip ko. Isang linggo na ang dumaan pero heto pa rin ako, natutuliro at natataranta dahil sa tuwing mababanggit at maririnig ang pangalan ni Bryan ay naiisip ko pa rin ang pagdadampi ng aming mga labi. I used the elevator to go down on the floor where my classroom is located. Kaunting hakbang lang ay nakapasok na kaagad ako sa loob at ang unang bumungad sa akin ay si Benj na nasa first row. He was wearing his big eye glasses again and from my observation, he really looks like a summa-cumlaude. Hindi pa nagsasalita, alam na alam na agad na matalino siya. “Joy, are you free after class? Kung wala kang ibang gagawin, nasa library ako mamaya. For our project,” he mentioned shyly as he tried to talk to me. Napatigil naman ako sa harap niya at sandali akong nag-isip kung may iba akong naka-schedule na gagawin. Nang makasiguradong wala ay ginantihan ko siya ng ngiti at tumango. “Sabay na tayo pumunta sa library mamaya,” I answered and we both agreed. Muntik nang mapasarap ang aming usapan, kung hindi ko lang nakita ang masasamang tingin ng mga kaklase namin. Dahil ba ako ang pinili ni Benj na ka-partner niya kanina o dahil sa pagkausap ni Benj sa akin ngayon? I forgot that he’s also quiet famous. Siya lang naman ang kaisa-isang campus nerd na hindi kayang i-bully. Bago pa tuluyang mag-init ang tingin sa akin ng mga kaklase kong babae ay nagpaalam na ako sa kaniya at pumunta sa upuan ko sa last row para kuhanin ang blueprint ni Bryan. Nagmamadali rin akong lumabas ulit para naman pumunta sa Engineering Department. Nananalangin akong maganda sana ang mood ni Bryan at sana ay hindi pa lampas ang pasahan ng bagay na hawak ko ngayon. Maingat kong binitbit ang blueprint niya kasunod nang pagtakbo ko para maiabot na kaagad ito sa kaniya. Nilibot ko ang buong department nila ngunit hindi ko makita ni anino niya. Mabuti na lamang at narinig ko ang usapan ng mga babaeng estudyante sa tapat ng locker. Nasa music room daw si Bryan ngayon. Mabilis akong tumungo at lumakad paalis ng Engineering Department habang pinalalakas ang loob ko. Nanghihinayang din ako dahil hindi ko pa nadala ang cellphone niya para maisauli ko na. The music room where the Mad Prince was practicing is located on the Sports building. Kaya naman nadaanan ko rin ang volleyball gym, tennis gym at basketball gym nang hanapin ko ang music room. Kumatok muna ako sa pinto bago ko ito binuksan. Tahimik at nang mapagmasdan ko ang buong paligid ay humanga ako sa aking nakita. Nagpa-practice sila sa ganito kalaking kwarto. Maliwanag at maaliwalas tingnan ang paligid, kumpleto rin ang lahat ng alam kong musical instruments. Hinahanap ko ang sinabi ng mga estudyante na recording studio pero sa palagay ko ay wala ito rito sa music room, baka nasa ibang building. “B-Bryan?” nauutal kong tawag sa kaniyang pangalan habang sumisilip sa loob. Wala namang sumasagot nang tawagin ko siya ng paulit-ulit kaya nagdesisyon na lang akong iwan ang blueprint niya rito dahil ma-le-late na naman ako sa klase. Dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob ng music room at sinimulan kong maghanap ng pwedeng pagpatungan ng gamit niya. Nang makita ang keyboard na ginagamit ng kaniyang bandmate na si Hans ay lumapit ako papunta roon. “Babe, I wanna play. Right there on the grand piano,” may pagkamalanding tinig ang aking narinig kaya hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses. Napamulagat ako nang makita ko si Bryan na lumabas mula sa pang pinto. Magulo ang kaniyang buhok pati na rin ang kaniyang uniporme. May kayakap din itong isang babae habang magkadikit ang kanilang mga labi kaya mabilis akong tumalikod. Ramdam ko ang pagyanig ng aking mundo, tila ba mayroong kumikislot sa aking dibdib na hindi ko maintindihan. Siguro ay dahil nagulat ako sa aking nakita. Mabigat ang hakbang na aking ginawa kasabay nang pagsikip ng aking pakiramdam. Ewan ko. Hindi ko alam ang nangyayari. Bago ko pa sila ma-istorbo ay kailangan ko nang makalabas dito. Upang makatakas sa nakaabang na kahohiyaan ay tinungo ko ang nakabukas na pinto papalabas ng music room, ngunit natuod ako sa pwesto nang marinig ko ang sinabi ni Bryan. “Monique, yes, we can play. But this is not the right time. I mean, do you get me? I want to put a ring on your finger first before getting there. I love you,” he huskily muttered, causing me to froze like an ice; the reason, I don’t know why. Naibagsak ko sa sahig ang blueprint niya na naging sanhi ng ingay kaya pakiramdam ko ay nakikita na nila ako ngayon. He’s a gentleman. May kagaya niya pa pala sa panahon ngayon. Buong akala ko’y kapag babae na ang nag-aya, hindi na makakatanggi ang mga lalaki. At ano ang sinabi niya? Gusto niya muna ng kasal bago gawin iyon. Bakit kailangan ko pang marinig ang bagay na iyon? Pinulot ko kaagad ang blueprint niya kasunod nang paglingon ko sa kanilang dalawa. Nadatnan ko silang sa napatanga sa akin bago sila tuluyang bumitaw sa isa’t-isa. “A-ah. Hi! May nagdala kasi nitong blueprint sa may guard house, napag-utusan akong hanapin si Bryan at ibigay sa kaniya,” paliwanag ko sa babae bago sumulyap kay Bryan na ramdam ko ang pagkailang sa akin. Ipinatong ko sa isang parisukat na mesa ang blueprint pagkatapos ay nagpaalam na ako paalis. The woman he’s with is beautiful. Mukhang modelo at nakatitiyak akong galing sa mayamang pamilya. She’s Monique Maguire, a famous student-pilot. “Wait. Sigurado ka bang hindi nadumihan iyan?” Lumapit sa akin si Bryan at binuklat ang blueprint niya. Nagmamadali namang umalis ang kasama niya ngunit tiningnan muna ako nito ng isang nakamamatay na tingin na sa palagay ko’y deserve ko naman dahil inistorbo ko sila. “Thank you for saving me today,” he whispered, making my forehead wrinkled. Saan ba siya nagpapasalamat, sa pagdadala ko ng blueprint niya o sa pagsalba ko sa kaniya sa girlfriend niya? “See? I am not p3rvert,” he mentioned as if he was confident that I heard his statements. “N-nasa akin ang cellphone mo. Mamaya ko na lang isasauli sa bahay.” “Have you already talked to Chen?” Sasagot pa sana ako upang tumugon sa kaniyang sinabi ngunit bigla na lang kaming nakarinig ng tumatakbong yabag sa labas ng music room. “Hey, Joy, my baby!” Napalingon kami sa may pintuan nang mag-echo ang isang boses ng lalaki. Kumunot ang noo ko at sandali kaming nagkatinginan ni Bryan nang makita namin si Jeffrei na ngiting-ngiti sa akin. Halatang hindi na naman ito um-attend ng klase dahil naka-uniform ito ng pambasketball. Madalas na ang training nila dahil malapit na rin ang U-games. “I don’t think I can live without you. Come here, I need you,” pagsalubong niya sa akin kaya kaagad akong napasimangot. Noong isang araw pa siya nangungulit sa akin dahil gusto niya akong maging basketball staff. Wala naman akong kaalam-alam sa larong iyon. “May klase ako. Saka may tatapusin kami ni Benj mamaya, pagkatapos ng klase,” pagtanggi ko agad bago ako nagpaalam kay Bryan. I was striding towards the door, when he, Jeffrei blocked the doorway while smiling widely. Ikinainis ko naman kaagad iyon, ngunit wala akong magawa para makaraan. “I already excused you on all your subjects and Benj will surely understand, baby ko.” Nalaglag ang aking panga nang marinig ko ang huli niyang sinabi. “B-baby ko? Hindi mo ako madadaan sa style mong ganiyan. Hindi tayo close,” labas sa ilong at hindi ko makapaniwalang giit. Hindi ko ma-imagine na may tatawag sa akin ng baby ko. “Pwede naman tayong maging close, baby. Kailangan ko lang talaga ng babae na walang gusto sa akin. Saka mas mababantayan mo ako, safe pa ang sikreto niyo ni Bryan sa akin.” Nahigit ko ang aking hininga at napailing sa hangin. “What secret?” nakiusyosong tanong ni Bryan na nasa likuran ko na pala. “You two, in your room and in garden. You did it, right? Kitang-kita ko kayo sa garden. You’re above her and you shared a kiss,” he told his cousin, making my eyes widened in shock. Lumakas ang t***k ng aking puso lalo na nang maramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Bryan. Napapatanong ako kung ano ang nangyayari sa akin. Bakit ako hinihingal at bakit hindi maayos ang aking paghinga gayong hindi naman ako napapagod? “Fvck. Jeff, that’s an accident and I have a girlfriend,” Bryan argued irratably. Napatingin din siya sa akin, para bang sinasabing kasalanan ko ang lahat kaya nangyari iyon. “Then, convince her to deal with me, so I won’t tell your lovely girlfriend that I saw you enjoying the kiss,” anunsyo ni Jeffrei na nagpakabog ng malakas sa aking puso. Did he really enjoy the kiss? Nagsimulang magtalo ang magpinsan habang nagtatalo naman kami ng aking sarili. Ano ba ang nangyayari sa akin? “Who kissed who?” Miah who followed me here, intervined, making all of us in the music room got startled. Nasa labas siya ng music room, sa likuran ni Jeffrei na ngayon ay mukhang aso na sa kangingiti. “I’ll go now, baby. See you after class, on the gym,” aniya bago dumukwang upang gawaran ako ng halik sa kaliwang pisngi na ikinagulat ko. Minsan pa siyang tumingin ng makahulugan sa amin ni Bryan bago siya tumakbo papalayo. “What the hell? He called you baby and he kissed you,” pagmamaktol ni Miah habang nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan ang kaniyang ekspresyon, para bang maiiyak na siya habang pinapahid ang pisngi ko na hinalikan ni Jeffrei kanina. Napabuntonghininga ako at napatingin sa gawi ni Bryan na nag-aayos na ng kaniyang gamit, ni walang balak na tulungan ako para magpaliwanag kay Miah. “Is he pursuing you? If that’s the case, I don’t want to be your best friend anymore,” deklara niya kaya napakamot na lamang ako sa ulo. Hindi niya ba nakikita si Bryan sa tabi namin? Ayos lang sa kaniya na marinig ng pinsan niya ang pagmumukmok niya? “Sandali lang, kasi—” hindi na natapos ang linya ko dahil kaagad niya akong pinatigil. “I’ll be your suitor now. Liligawan din kita. See you after class, in the parking lot,” he immediately announced as he turned his back on me. Ramdam kong seryoso siya pero hindi ko maintindihan kung bakit. Magkaibigan kami, hindi ba? “Jeremiah,” pagtawag ko sa kaniyang pangalan habang humahagilap ng maaaring sabihin. “I love you,” he confessed unexpectedly before walking away, making my heart pounded differently. He then left me alone with Bryan whose facial expression darkened. ~x~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD