You’re dangerous
“PLEASE, huwag kang lalapit,” nanginginig kong pakiusap sa lalaking nasa harapan ko habang nagtatambol ang aking dibdib sa pangamba.
Naramdaman ko ang mabigat at malamig na simoy ng hangin sa aking paligid habang pasikreto akong umaatras sa aking pwesto.
Ang aking mga daliri sa kamay ay nangangatal kasabay ng pamamawis ng aking mga palad buhat sa takot na namamayani sa aking sistema.
Paano kung maulit na naman ang nangyari?
“U-uhm, i-it’s me. I am Benj. Nagulat ba kita?” nauutal niyang tanong kaya nahigit ko ang aking hininga.
Sa pagkagulat ay umawang ng kaunti ang aking mga labi bago ko tuluyang pinag-aralan ang kaniyang itsura. Kumawala sa akin ang malakas na buntonghininga at tila nawalan ako ng tinik sa dibdib noong oras na makilala ko siya.
He’s Benj.
“B-Benj.” Mahina ang aking boses, kasing-hina lamang ng bulong ang lumabas sa aking bibig bago ako tuluyang napaupo sa lupa.
Pakiramdam ko’y naging slime ang aking mga hita. Wala akong maramdaman, namamanhid ang aking mga paa.
“A-are you okay?” Narinig ko ang nag-aalala niyang boses bago ko namalayang lumakad siya papalapit sa akin.
Taas-baba lamang ang paggalaw ng aking dibdib. Pinipilit kong huminga ng maayos pero lalo lang sumasakit ang pakiramdam ko.
I held my breath while I was hitting my chest. Kailangang maging maayos na ako.
“Dahan-dahan lang, J-Joy,” banggit niya pagkatapos niyang umupo sa aking harapan. Idi-ne-monstrate niya pa sa akin kung paano ang tamang pag-i-inhale at exhale.
“Benj. Ikaw si Benj,” paulit-ulit kong salaysay habang pilit na kinakalma ang sarili. Sinimulan ko na ring masahihin ang aking mga binti. Mayamaya pa ay medyo um-okay na ang pakiramdam ko.
Magkatulad lang sila ng pananamit at ng suot na salamin sa mata. Magkatulad lang sila ng hairstyle pero magkaibang tao sila.
Nakasisiguro akong hindi kayang gawin ng lalaking kaharap ko ngayon ang kawalanghiyaan ng g@gong iyon.
“I-I am sorry kung nagulat kita. P-pwede mo akong sampalin kung nagagalit ka,” dagdag niya pa bago kinuha ang isang kulay puting panyo sa kaniyang bulsa bago niya pinahid ang aking mga luha na hindi ko namalayang naglandas sa aking magkabilang pisngi.
Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad kahit na hindi niya alam ang totoong dahilan kung bakit nagkakaganito ako.
“Uso ba talaga ang ganiyang porma? Bagsak ang buhok tapos may malaking salamin sa mata?” pag-uusisa ko kaya natigil ang pagpupunas niya sa aking luha.
“H-ha?”
“Wala lang. Napansin ko lang na maraming ganiyan ang style.”
Nakita ko dahan-dahang pagkunot ng kaniyang noo, tila inosenteng hindi alam ang sinabi ko.
Nang dahil sa mumunting hiya ay napatawa na lamang ako ng mahina, ganoon din naman ang kaniyang ginawa. Nawala ng kaunti ang agam-agam sa aking pagkatao kasabay ng pagkawala ng kaunti niyang hiya.
“Kaya mo bang tumayo nang mag-isa?” he asked then he stood up, then he lend me his palm. Napasulyap pa ako sa kaniya, nagdadalawang-isip kung tatanggi pero hinawakan niya na agad ang aking kamay.
“T-thank you.” Nag-aalangan akong ngumiti bago pasimpleng tinanggal ang pagkakahawak ng kamay naming dalawa. “Bakit ka nga pala nandito?” pag-iiba ko ng usapan.
“I-I think forgot my wallet in the library. D-doon ka rin ba papunta? I’ll help you with the books.” Hindi niya na hinintay ang sagot ko. Siya na ang kusang kumuha ng mga libro; ang iba nga ay nahulog ulit sa lupa dahil sa kaniyang pagmamadali.
Hindi siya ‘yong taong inakala ko. Ang judgmental ko naman para isipin na magagawa niya iyon.
Pagaan na nang pagaan ang aking loob sa bawat segundo na kasama ko Benj, lalo na sa tuwing nakikita ko siyang natataranta. Hindi ako dapat matawa, pero hindi ko rin mapigilan. Bago pa niya ako pagkamalang baliw ay sinabayan ko na siya sa pagpulot ng mga librong kanina ay nabitiwan ko.
Sabay kaming naglakad papunta sa library, pareho kaming tahimik at nakikiramdam sa isa’t-isa.
“May gagawin ka pa ba o pauwi ka na rin?” tanong ko bago ako lumingon sa kaniyang gawi. Napansin kong tila nabigla siya sa aking tanong kaya napatigil siya sa paglalakad.
“S-sabay na tayo umuwi, hahanapin ko lang ang wallet ko. It's probably on my table,” he answered, that’s why after we gave the books to the librarian, I waited for him outside the library.
Napabuntonghininga ako ng malalim pagkatapos ay mahigpit kong niyakap ang aking sarili.
Ang buong akala ko’y hindi na ako natatakot. Akala ko’y nakalimutan ko na. Wala naman akong nararamdamang pangamba sa tuwing kasama ko si Miah, o sa tuwing nakikita ko si Jeffrei at hindi rin ako tumiklop noong nakita ko ang lahat kay Bryan, pero bakit pagdating kay Benj ay hindi ko mapigilang mag-isip ng masama?
“J-Joy, halika na,” bigla niyang sabi sa aking likuran kaya nagulantang ako. Hindi ko man lamang narinig ang mga yapak niya.
Mabuti na lamang at hindi niya napansin ang aking naging reaksyon. Nauna niya kasing ibinalita na nakita niya na ang wallet niya.
“U-uhm. Wala akong sariling sasakyan. Okay lang ba sa’yo na mag-commute tayo? L-libre ko.” Nag-aalangan siya sa kaniyang sinabi, ni hindi nga siya makatingin ng diretso sa akin.
“Pero ang akala ko, ayaw mo sa mga tao?” I slipped my tongue. Hindi ko dapat itinanong iyon.
He’s afraid of people. Matagal ko na siyang nakikita rito sa DASU. Sa library, roon siya palaging nakatambay. Wala siyang kinakausap na kahit na sino; ang tingin nga sa kaniya ng iba ay allergic sa tao.
“A-actually, hindi ko lang alam kung paano kumausap. Kahit gusto ko, hindi ko kaya kapag nandyan na sila, k-kayo,” paliwanag niya habang nakatingin sa kaniyang sapatos.
Ngayon ko lang tuloy napagmasdan ang kaniyang kabuuan. May laban ang itsura niya sa kaniyang mga pinsan, kailangan niya lang talaga ng marami-raming self confidence.
“Kung magsimula ka kaya sa pamilya mo? Sa mga pinsan mo tapos marami ka namang tagahanga o kaya a-ako! Pwede tayong maging magkaibigan,” wala sa sariling suhestiyon ko, kaya nang ma-realize ko kung ano’ng nasabi ko ay nakagat ko ang aking pang-ibabang labi.
Lahat na lamang ay kinaibigan ko.
“P-pero. . . pero natatakot ka sa akin, hindi ba?” Sa kaniyang huling tanong ay roon na ako napipilan at hindi nakasagot.
Hindi sa natatakot ako sa kaniya; natatakot ako sa kung paano siya manamit.
Hanggang sa makasakay kami sa bus ay hindi kami nagpansinan. Madilim na at bukas na ang mga ilaw sa mga poste sa kalsada. Hindi ko na siya nakausap pa dahil magkalayo kami ng pwesto.
Habang nasa byahe ay maraming bagay ang tumakbo sa isip ko at hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng bus stop, malapit sa village.
“Benj, sandali.” Hinabol ko siya pababa ng bus. Tumigil naman siya at lumingon sa akin.
“Lahat naman tayo ay may kinatatakutan, nasa atin kung patuloy tayong magtatago o lalabanan natin iyon.”
“Will you fight your fear?”
“Wala namang mawawala kung susubukan. Magtulungan tayong dalawa, payag ka?” Hindi siya sumagot kundi ngumiti lamang siya ng matipid at tumango sa akin.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng napakataas na gate ng mansion.
“By the way, nagko-commute ka lang palagi? Kahit papasok sa school?” Curiosity filled my head. Apo ng pinakamayamang businessman, hindi hatid-sundo ng kotse?
“Y-yes, I love surroundings. Maaga akong naalis para iwas sa traffic,” he answered as he gave me his last smile before he walked ahead of me.
Nahihiya na naman siguro ang isang iyon.
Dumaretso na ako sa aking kwarto at naglinis ng katawan. Nabasa ko ang text ni Miah na hindi raw siya makakauwi ngayong gabi, sa bahay daw ng mommy niya siya tutuloy.
Hindi ko alam kung bakit pa siya nag-message sa akin, pero mabuti na rin iyon para may mailagay ako sa report ko kay Lolo.
“Mukhang mahaba ang makukwento ko kay Lolo ngayon,” nakangiti kong ani habang inaalala ang pag-uusap namin ni Benj.
Simula ng mapatira ako sa mansion at isa-isang makilala ang magpipinsan ay parang humaba ang bawat araw ko. Nakakapagod, lalo na at araw-araw kong kailangang magbigay ng update kay Lolo Alejandro.
Ano kaya ang dahilan kung bakit naisip niyang pagsamahin ang mga apo niya sa iisang bahay?
Para ba sa hatian ng yaman? Kung sino ang pinakamabait, siya ang may pinakamalaking parte? Pero ano ang gagawin niya sa dalawang tatlo niyang apo na naisahan siya? Aalisin niya ba ang pangalan sa last will and testament niya?
Ang gulo talaga ng buhay ng mga mayayaman.
Pagkatapos ng hapunan ay tumambay muna ako sa garden para magpahangin at magmuni-muni.
Tinawagan ko ang aking ina na palagi kong ginagawa gabi-gabi para kumustahin ang araw niya. Wala naman daw problema sa Elhora kaya napanatag ang aking loob. Mabuti na lang din at palagi siyang dinadalaw ng aking mga pinsan.
“Mag-report na tayo, Joy,” pagpilit ko sa aking sarili kahit na ayaw ko pang umalis sa garden. Gandang-ganda kasi ako sa makukulay na ilaw sa paligid pati na rin sa kumikinang na tubig sa fountain na nasa aking harapan.
Idinipa ko ang aking dalawang kamay sa hangin at tumingala sa mga butuin.
“Hindi na ako matatakot!” sigaw ko bago pumikit at ngumiti, ngunit bigla na lamang nanindig ang aking mga balahibo sa katawan nang marinig ko ang sunod-sunod na mahihinang sitsit.
Napalunok ako at napabuga ng hangin bago ako dahan-dahang lumingon sa aking kaliwa at kanan pero wala naman akong nakitang tauhan sa mansion.
Ako lang mag-isa sa garden.
“Pst!” Naulit na naman kaya mabilis na akong tumayo at tumingin na ako sa aking likuran, ngunit mga mumunting ilaw lamang na nakasabit sa mga halaman ang aking nakita.
“Kuya, Ate, huwag naman kayong manakot,” kunwaring pagrereklamo ko kahit na tila babaligtad na ang aking sikmura sa takot na baka makakita ako ng multo o di kaya ng maligno.
Sunod-sunod pa ang mga pagsitsit na narinig ko kaya naman paiyak na ako. Halos takbuhin ko na ang daan papunta sa pintuan ng bahay para makatakas sa kung anoman iyon.
“Opo. Hindi na po ako matatakot, pero kung multo at lamang-lupa, huwag naman po.” Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at nang makita ko ang backdoor ay nabuhayan ako ng loob.
Hindi na ako tatambay sa garden sa gabi. Maganda nga ang paligid, may sumisitsit naman.
Sa pagtakbo kong muli ay may narinig akong yabag papalapit sa akin at nang may kamay na pumatong sa aking balikat ay napasigaw ako.
“What the hell? Look at your face, it’s ugly.” Laking gulat ko nang maaninag ko ang mukha ni Bryan na tila madudumi sa katatawa.
“B-Bryan? I-ikaw ba iyon?” sunod-sunod kong tanong kahit na nauutal. Napabuga muna ako ng hangin bago ko siya mabilis na sinabunutan.
Hindi pwedeng hindi ako makaganti.
“Ngayon ka na nga lang tatawa, nang dahil sa kalokohan pa!” sigaw ko bago mas hinigpitan ang paghila sa kaniyang buhok.
“Joy, ouch! I’m sorry. Not my hair!” He screamed, making me pulled his hair more.
“Nakakainis ka! Hindi ka lang manyak, maligno ka!”
“Ano ako?”
“Maligno ka! Manyak! Maligno!”
Nagpatuloy ang sagutan naming dalawa pero walang nakakarinig sa amin, medyo malayo pa kasi kami sa backdoor ng kabahayan.
“Wait, wait. Sandali lang, masakit!” pagdaing niya habang pinipigilan ang aking kamay. “Mukha ba akong maligno?” tanong niya pa na parang ipinagmamayabang ang itsura niya.
“Bakit ka nandito? Binobosohan mo ba ako?”
“What? Hell no! I got here first,” he explained as he closed his eyes out of pain. “Kapag hindi mo binitiwan ang buhok ko, I’ll pull your hair, too.”
“I am warning you, Joy.” Umawang na lang ang aking mga labi at napailing.
Sasabunutan niya rin ako? Ang sama talaga ng ugali nitong lalaki na ’to.
“Sumosobra ka na! Isasama ko sa report ko kay Lolo ang kalokohan mo sa akin, manyak na maligno!” sigaw ko bago tinanggal ang pagkakasabunot sa kaniyang buhok. Natakot kasi ako na baka totohanin niya ang kaniyang babala.
“Pati ba ‘yong nakita mo ang lahat sa akin, isinama mo sa report mo?” paasik niyang tanong habang hawak ang kaniyang ulo.
“Hindi! Bakit ko naman isasama iyon?” ganti kong tanong bago ko siya matalim na inirapan.
“You’re bias. Isama mo iyon! Ako ang naapi roon.”
“E di isasama ko rin ang ginawa mo sa panty ko!”
“That’s excluded. Hindi ka pa kilala ni Lolo nang mga oras na iyon, remember?” Napapangiwi pa rin siya sa kirot na dulot ng paghila ko sa kaniyang buhok. Magkasalubong din ang kaniyang dalawang kilay habang ang kaniyang mga mata ay tila papatayin ako sa titig.
“Nanggigigil talaga ako sa’yo, Bryan!” sikmat ko bago ko itinaas ang aking dalawang kamay para hilahin muli ang kaniyang buhok, iyon nga lang ay masyado siyang mabilis para maiwasan ako.
“If I give you Chen’s number, would you change your report about me? I have his address, too.” Inilabas niya ang kaniyang cellphone at ipinakita ang pangalan ni Chen sa screen. May naiisip na naman siyang kalokohan at si Chen pa ang ipambibitag sa akin.
“Makikita ko ulit si Chen kahit na walang tulong mo,” pagsisinungaling ko habang nakatingin sa bagay na kaniyang hawak.
“Really?” Inaayos niya na ang kaniyang buhok, ngunit mababakas pa rin sa kaniyang mukha na nasaktan talaga siya kanina.
Iwinawagayway niya pa sa hangin ang cellphone, tila inaakit akong sunggaban ang kaniyang proposisyon.
“Alam mo, nakakapagod na. Diyan ka na nga,” salaysay ko bago akmang tatalikod, nang binabaan niya na ang gwardiya ay roon ako mabilis na kumilos para kunin ang cellphone sa kaniyang kamay.
Kailangan ko ang number ni Chen!
Maswerte ako na nakuha ko agad ang aking pakay, iyon nga lang ay mabilis niya ring nahablot ang aking baywang at hindi ko namalayang naiharap niya na agad ako sa kaniya.
“Give it back,” utos niya bago niya sinubukang kuhanin ang cellphone sa aking kamay. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ko.
“Ibabalik ko. Pahingi muna ng number ni Chen.” Inilayo ko ang aking kamay na may hawak sa phone niya. Nagpatuloy kami sa ganoong sitwasyon hanggang sa bigla na lang akong ma-out of balance.
Sa pagkahulog ko sa lupa ay kasama ko siya. Nakadagan sa akin at. . . at parehong nanlaki ang mga mata nang mapagtanto namin ang isang bagay.
Ang mga labi namin. . .
Aksidenteng nagdikit ang mga labi naming dalawa. Pareho kaming nakuryente, pareho kaming hindi makagalaw sa aming posisyon.
Uminit ang simoy ng hangin sa aming paligid kasabay ng pag-aapoy ng aking magkabilang-pisngi.
Nahalikan niya ako sa labi!
Ramdam ko ang malakas at mabilis na pagkalampag ng aking dibdib, tila may mga makukulay na paru-paro rin ang nagkalat sa paligid namin, nagdiriwang sa nasaksihang pangyayari.
“Fvck. W-why did you kiss me?” tanong niyang nambibintang kasabay ng pagmamadali niyang makalayo sa akin.
“A-ako? Ikaw ang nasa ibabaw ko tapos ako pa ang humalik?” Mabilis din akong tumayo at pinagpag ang dumi sa aking damit. Hindi pa rin umaalis ang mga paru-parong umaaligid sa aming paligid.
Ano ba’ng nangyayari? Bakit may na-i-imagine akong makukulay na paru-paro?
“Y-you are dangerous,” aniya bago napasamid. Hindi siya makabigkas ng dapat sabihin kaya naman mas pinili niya na lang na tumalikod at iwan akong mag-isa.
Napasigaw ako nang walang boses. Kung kanina ay siya ang sinabunutan ko, ngayon ay sarili ko na mismo.
My fingers touched my lips as our scene earlier played again and again. Kumakalampag naman lalo ang puso kong pasaway.
“Hala! Ang cellphone niya!” sigaw ko habang nakatingin sa aking kaliwang kamay. “Nasa akin ang cellphone niya!” paiyak kong salaysay bago napaupo muli sa lupa.
“Paano ko ito isasauli ngayon?” Namo-mroblema ako habang nakatingin sa bagay na nasa aking palad.
~×~