Friendly kiss
BUONG magdamag akong nakadilat, ni hindi man lamang ako tinamaan ng antok. Siguro ay dahil namamahay ako o dahil nagpapabalik-balik sa isip ko ang nakita kong kababalaghan sa kwarto ni Bryan.
“Bakit sa lahat ng pwede kong makita, iyon pa?” umiingit kong pamo-mroblema bago muling humiga sa aking kama.
Nagpagulong-gulong ako hanggang sa hindi ko namalayan na napapunta na ako sa kanto at tuluyan akong nahulog sa kama kaya napaigik ako kasunod ng pagsapo ko sa aking pang-upo.
Ano’ng mukha ang maihaharap ko kay Bryan? Aakto ba akong parang walang nangyari o magtatago kapag nandyan na siya?
O bigyan ko na lang siya ng isang matamis na ngiti, pero baka isipin niyon na nagustuhan ko ang nakita ko kagabi!
Marahas akong umiling bago ako huminga ng malalim. Pinakakalma ko ang marubdob na pagtibok ng aking puso, ayaw nitong tumigil dahil sa kaba at sa antisipasyon ng paghaharap naming dalawa.
Kagat ko ang aking pang-ibabang labi habang nag-iisip kung papaano ko siya i-a-approach.
Kasalanan talaga ito ng Chen na iyon, e. Kung hindi siya tumakbo, kung kinausap niya lang sana ako, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.
“Kung magkunwari kaya akong walang nangyari, magiging okay ba ang lahat?” Mabilis akong napatayo sa pagkakaupo sa sahig kasabay ng pagguhit ng ngiti sa aking mga labi.
Sa tingin ko’y ang pagkakaroon ng amnesia ang pinakamabisang paraan para matakasan ang galit ni Bryan.
Gusto ko pa sanang matulog ngunit nang tumingin ako sa wall clock at nang makita kong alas-singko na ng madaling araw ay minabuti ko na lang na lumabas ng kwarto ko para tumulong sa paghahanda ng agahan. Makakatulong din na busy ako para hindi ako mag-isip ng kung ano-ano.
Tahimik ang bawat pasilyo, tanging ang yabag ko lamang ang aking naririnig. Sigurado akong tulog pa ang mga prinsipe dahil alas-otso pa ng umaga ang school hour ng DASU.
“Oh, iha, bakit bumaba ka agad? Mamaya pa dapat ang gising mo,” entrada sa akin ng isang matandang babae nang pumasok ako sa kitchen.
Nasaksihan ko ang mga kasambahay sa paghahanda ng ilulutong agahan para sa apat. Aligaga ang mga ito at hindi alam kung ano ang uunahing iluto.
Ganito ba talaga ang pagkain ng mayayaman? Agahan pa lang, bakit parang pang-fiesta ang inihahanda nila?
“L-lahat po ba iyan ay para sa agahan?” paninigurado ko pero tanging ngiti lamang ang isinukli sa akin ng matandang babae. Ngiti na nagpatiyak sa akin na tama ang aking hinala.
“Pwede po ba akong tumulong? Magaling din po akong magluto.”
“Bisita ka rito, iha. Saka ito ang kauna-unahang beses na nagdala ng ibang tao rito si Alejandro. Nakasisiguro akong espesyal ka.”
Napipilan ako sa aking nalaman kasunod ng nahihiya kong pagtawa. Upang mawala ang nakakailang na atmospera sa kusina ay nagpakilala na lamang ako sa kanilang lahat.
Mababait ang mga kasambahay lalo na si Inang Corazon. Matagal na raw siyang naninilbihan sa mansion at dito na nga raw siya tumandang-dalaga.
Sa pagtitig ko ng mabuti kay Inang ay nakinita kong maganda ito noong kaniyang kabataan, kaya kaagad na kumunot ang aking noo at nagtaka. Bakit wala siyang katuwang sa buhay?
“Inang, may nanligaw po ba sa inyo noon?” tanong ko. Kahit ako ay nagulat sa inusisa ko.
“Marami,” mabilis at maikli niyang sagot. “Iyon nga lang, sa isang lalaki lamang tumibok ang puso ko. Doon pa sa lalaking hindi ko kayang abutin.” Nanikip bigla ang aking dibdib kasabay ng paglungkot ng kislap ng mga mata ni Inang. Tila naramdaman ko ang bigat ng kaniyang giniit.
Lalaking hindi kayang abutin?
“Pero ganoon talaga ang buhay at pag-ibig. May mga bagay na hindi talaga para sa atin. Masasaktan ka pero kapag nasanay ka na, wala na lang sa’yo ang sakit. Makakangiti ka na ulit.” Tagos sa aking puso ang kaniyang pahayag kahit na wala pa naman akong alam pagdating sa pag-ibig.
“A-ang galing niyo po, Inang. Kayo ang tanda na kaya nating mga babae na mabuhay ng walang lalaki.” Sabay kaming napatawa pagkatapos ng aking sinabi.
Nagkwentuhan pa kami hanggang sa mapilit ko siya sa kagustuhan kong tumulong sa kusina, ngunit hindi nawala sa isip at sa puso ko ang sakit ng nakaraan ni Inang.
“Joy, umupo ka na sa mesa. Sabay-sabay na kayong lima na mag-agahan.”
“Opo. Ilalagay ko lang po itong agahan sa mesa.”
Napag-alaman ko sa mga kasambahay na alas-sais pala nagigising ang apat at dumidiretso raw ang mga ito sa mesa, lahat ay nagpapabunso kay Inang Cora.
Lahat daw kasi ng mga apo ni Lolo Alejandro ay naalagaan ni Inang kaya ganoon na lang siya kamahal ng mga ito. At dahil si Inang ang nag-alaga ay matitino raw ang magpipinsan, iyon nga lang ay hindi sila magkakasundo.
Tatanungin ko pa sana ang kasambahay na kausap ko para alamin kung bakit hindi sila magkakasundo pero bigla na lamang dumating sa mesa si Benj kaya napaatras ako sa gulat.
Joy, gising! Hindi siya ang lalaking iyon. Walang kinalaman si Benj sa nangyari sa’yo.
Paulit-ulit kong pinaaalalahanan ang sarili ko. Hindi si Benj iyon. Magkaiba silang dalawa. Ginaya niya lang ang itsura at pananamit ni Benj.
“Lola, gusto ko ng milk,” maamong giit ni Benj kaya napatawa ako ng mahina.
M-milk?
“Apo, tabihan mo na si Benj. Sabay na kayong kumain,” ani Inang na nagmamadaling nagtimpla ng gatas ni Benj.
“S-sige po, Inang. M-milk din po ang sa akin,” request ko rin bago marahang lumapit sa mesa. Umupo ako, malayo sa pwesto ni Benj na ngayon ay nakatungo.
“Granny, what’s our breakfast? Ang bango ng niluluto niyo, abot hanggang sa kwarto ko.” Si Jeffrei na nambobola. Nakapantulog pa ito at halatang kagigising lang.
Nang mapansin niyang pinagmamasdan ko siya ay lumapit siya sa akin habang nakangiti.
“Good morning, Miss Palmes. Mukhang namahay ka yata, hindi ka nakatulog?” tanong nito habang itinuturo ang eyebags ko.
Kaagad naman akong napaubo, naalala ko na naman kasi kung bakit hindi ako nakatulog kagabi.
“O baka mayroong hindi nagpatulog sa’yo kagabi?” segunda niya kaya lalo akong nag-panic. May alam ba siya sa nangyari?
“Allein, nanunukso ka na naman,” saway ni Inang kay Jeffrei kaya ko rin nalaman na may second name pala siya.
Inabot ni Inang sa amin ni Benj ang gatas namin at kasunod niyon ang pagsisilbi sa amin ng mga kasambahay.
Maraming pagkain sa harapan ko, mata ko pa lamang ay busog na busog na.
“Joy, sabay tayo pumasok. Hihintayin kita,” Miah interrupted my food gazing as he pulled the chair beside me.
“Kumain na kayo. Nasaan si Bryan?” Bigla akong nasamid at napahawak sa aking dibdib ng marinig ko ang pangalan na iyon. Mabilis kong kinuha baso ko at walang pasabing ininom ang gatas kaya napaigik ako nang mapaso ang aking dila.
Hindi ko pala kayang magkunwari na walang nangyari kagabi.
“Are you okay?” Miah asked as he handed me a tissue. Hindi ko naman nakitang nagtaka sila sa inakto ko dahil pagkatapos kong masamid ay parang wala na ulit nangyari.
They were all enjoying their breakfast. Masarap ang agahan, pero parang unti-unti akong nawawalan ng gana lalo na nang sumulpot bigla si Bryan. Halos mailuwa ko ang nginunguya kong pagkain.
“Joy, ayos ka lang ba talaga?” Miah was worriedly looking at me, that’s why I gave him a smile.
“A-ayos lang,” maikli kong sagot bago ipinagpatuloy ang pagkain.
“Apo, bakit ganiyan ang mata mo? Hindi ka natulog?” pansin ni Inang kay Bryan na umupo sa harapan ko mismo.
“May nangyari pong hindi maganda kagabi, La,” he answered while he was glaring at me. Napayuko naman ako at pasimpleng umiwas ng tingin.
Tahimik lang kaming kumain, kahit na mayroong pagkakataon na magtatagpo ang mga paningin namin ni Bryan ay kaagad naman kaming nag-iiwasan.
“Inang, mauuna na po ako. Mag-aayos na po ako sa pagpasok. Salamat po sa agahan.”
“Sige, iha. Boys, isabay niyo na si Joy. Mahirap makasakay sa labas ng village, baka ma-late siya sa klase,” utos ni Inang kaya tumingin sa kaniya ang apat.
“Ako po ang kasabay niya, Inang,” anunsyo ni Miah kaya tumango ako bago ko sila iwan sa mesa.
Plano ko sanang enjoy-in ang masarap na agahan ngunit bumabaligtad ang sikmura ko kapag nagkakatinginan kami ni Bryan. Naninindig ang aking mga balahibo sa katawan kasabay ng pag-apoy ng magkabila kong pisngi sa kahihiyan.
Nang makaakyat ako sa itaas at nang makalayo ako sa kanilang lahat ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Napabuga ako ng hangin pagkatapos ay sinampal-sampal ko pa ang namumula kong mukha.
Gusto ko nang magpakain sa lupa sa kahihiyan. Lalong gumrabe ang nararamdaman ko tapos ayaw pang mawala ng imahe niya sa isip ko.
Ako ba talaga ‘yong manyak?
Pumasok na kaagad ako sa aking kwarto at inabala ang sarili sa paghahanda sa pagpasok sa school. Hindi ko na dapat iniisip pa iyon kung magpapanggap akong walang naalala sa nangyari kagabi.
I took a shower, then I put my new uniform on. I prepared all my things and when I was ready, I waited for Miah in the salas. Doon ko raw siya hintayin ng sandali.
Ngunit sa kamalas-malasan ko ay nakita si Bryan na papalapit sa akin, kaya naman kaagad akong naglakad ng mabilis papalabas ng mansion.
Akala ko’y hindi niya na ako sinundan, ngunit nang may humila sa aking palapulsuhan ay napagtanto kong nagkamali ako.
No! Hindi ako magpapahuli. Remember, wala akong natatandaang nangyari kagabi.
“Look at what you’ve done to me,” panimula niya habang itinuturo sa akin ang dalawang dark circle sa ilalim ng kaniyang mga mata.
“A-ano’ng ginawa ko sa’yo?” pa-inosente kong tanong kaya tinaasan niya ako ng kilay. Umigting ang kaniyang panga at napailing bago muling tumitig sa akin ng masama.
“Hindi ako nakatulog sa ginawa mo sa akin kagabi,” pagrereklamo niya pero wala sa plano kong umamin na naman sa kasalanan ko.
“Wala akong natatandaan na may ginawa ako sa’yo,” pagmamaang-maangan ko bago umaktong mayroong pilit na inaalala.
“Really? Bakit may eyebags ka rin? Magdamag mo ba akong inisip kagabi?” tila naghahamon niyang tanong kaya pasimple kong pinagalitan ang aking sarili.
Totoong magdamag ko siyang inisip kagabi, pero hindi ko naman ginusto iyon. Kusa siyang pumasok sa isip ko, hindi ko kasalanan iyon!
“Bakit naman kita iisipin? Ano ba’ng ginawa ko sa’yo?” paghahamon ko rin na nagpaigting ng kaniyang panga.
“You. . . Fvck. P3rvert!”
“Hindi ako ganoon, Bryan.”
“P3rvert.”
“Hindi nga sinabi.”
“Ano’ng tawag mo sa nangyari sa’tin kagabi, sa kwarto ko?” tanong niya ulit na kagaad na nagpatikom ng aking bibig. Lumikot ang aking mga mata habang naghahagilap ng maaari kong maging palusot.
“Sabi na nga ba! Kaya pareho kayong may eyebags dahil may nangyari sa inyo. Talagang hindi niyo tinantanan ang isa’t-isa, hangga’t kaya niyo pa, ha. Are you friends in bed?” pagsingit ni Jeffrei na ikinagulat naming dalawa.
“What? It’s not what you think. Hindi ganoon iyon,” paliwanag ni Bryan na hindi maintindihan kung bakit nagpapaliwanag siya sa pinsan niya.
“What are you talking about?” nagtatakang tanong ni Miah na kararating lang. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming tatlo nina Bryan at Jeffrei, tila nalilito sa kung ano ang pinag-uusapan namin.
“W-wala,” nauutal kong sagot bago ako mabilis na humakbang papalapit sa kaniya. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng panahon para hatakin siya papalayo sa pinsan niyang pinapatay na ako sa titig.
“H-halika na. Male-late na tayo,” suhestiyon ko bago ko narinig ang mahinang pagtawa ni Jeffrei na tila nanunukso pa.
Hindi nila pwedeng malaman ang nangyari sa’min ni Bryan kagabi. Nakakahiya!
Mabilis kong hinila papalayo si Miah sa dalawa, pagkatapos ay minadali ko siya upang makaalis na kami ng mansion.
“Ano’ng pinag-uusapan niyo?” pag-uusisa niya na nagpatawa sa akin para itago ang matinding kaba.
“Nagtatampo ako,” he suddenly murmured. “Bakit parang si Bryan ang kaibigan mo at hindi ako?”
“Oo nga pala. He’s your other friend, right?” Napapatango-tango pa siya habang nagmamaneho, para bang kinokonsensya ako.
Ganito pala mag-emote ang mga fvckboy.
“Hindi ka lang pala madaldal, matampuhing fvckboy ka rin,” pagbibiro ko kasunod ng pagpapakawala ko ng mga pekeng tawa.
“Don’t come near him, Joy. I am your best friend. Kung may kailangan ka, sa akin ka dumiretso, hindi sa iba,” dagdag niya kaya nalaglag ang aking panga sa pagkamangha.
Nakabusangot ang kaniyang mukha, tila kamatis na nagkulay pula kaya naman napahagalpak ako ng tawa.
Bakit parang nagseselos siya?
“Seryoso ako, Joy. Gusto ko, ako lang.”
“Ganiyan ba talaga ang mga linyahan mo? Parang may meaning, pero wala naman talaga. Now I know, kaya pala marami kang napapaiyak na mga babae. Matamis iyang dila mo.”
“How did you know? Nalasahan mo na ba ang dila ko? Wanna taste my tongue?” he questioned which made me blink a couple of times.
“G@go!” sigaw ko kasunod ng pagdapo ng aking kamay sa kaniyang ulo para batukan siya.
Bakit ganito si Miah? He’s starting to talk dirty again.
“You know what? I like you.”
“A-ano?”
“I-I mean, we are friends, that’s why. That’s why, I like you.” He curved his lips, then he glanced on my position before we smiled at each other, thinking of the new friendship we built.
Sana nga ay totoong pagkakaibigan ang gusto niya.
Nang makarating kami sa DASU ay kaagad akong tinitigan ng mga estudyante. Hindi na ako nagtaka dahil galing ako sa loob ng kotse niya.
“Hihintayin kita mamaya, sabay tayo umuwi,” anunsyo niya bago lumapit sa akin kaya sumang-ayon ako. Ang hindi ko inaasahan ay ang mabilis niyang paggawad sa akin ng isang halik sa kanang pisngi.
“M-Miah.” Tanging pangalan niya lamang ang lumabas sa aking bibig dahil sa bigla akong narindi sa lakas ng pagdagundong sa loob ng aking dibdib.
First kiss ko iyon. Si Miah ang unang lalaking humalik sa akin.
I caressed my cheeks as I saw his proud grin. Bakit niya ginawa iyon? Bakit niya ako hinalikan?
Magkaibigan lang kami, hindi ba? Ano’ng tawag doon?
“It’s a friendly kiss. Kita tayo mamaya,” he mentioned before he waved his right hand to bid a goodbye.
Maghapon akong tulala hanggang sa matapos ang huli kong klase. Hindi ko alam kung ano’ng mukha ang ihaharap ko sa kaniya, mabuti na lamang at nag-text siya na may mahalaga siyang lalakarin.
Bakit ang hirap pakisamahan ng mga apo ni Lolo Alejandro? Si Bryan, ang sama ng ugali. Si Miah, balak akong isama sa collection niya. Si Jeffrei, ang hirap tonohan at si Benj, hindi ko pa siya kilala.
“Miss Palmes, pakidala ang mga ginamit nating libro sa library,” my professor declared as she dismissed the class.
Gusto kong umangal pero mabilis nang nakalabas ng classroom ang prof namin. Sinubukan kong kausapin ang mga kaklase ko para sana tulungan ako sa pagdadala ng libro, pero dahil sa hindi nila matanggap ang nakita nila kaninang umaga ay wala ni isang naglahad kamay sa akin.
Ayos lang din sana kung maliwanag pa, pero madilim na. Ganitong oras din noong may mangyari sa akin papunta sa library.
Bumuntonghininga ako habang pinalalakas ang aking loob. Sukbit ang aking bag sa likod ay matapang kong kinuha ang mga research book sa front desk.
Nanginginigang aking mga tuhod habang tinatahak ang paglabas sa management building, kaya para palakasin ang aking loob ay kumakanta ako ng mahina.
Napatigil ako ng sandali at napatingin sa aking paligid pagkatapos ay kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. “May ilaw. Malinag na.”
Wala pang ilaw noong isang araw rito kaya nakakatakot dumaan. Hindi na rin masukal ang d**o at nakita kong mayroon na ring naka-install na cctv camera.
Nabuhayan ako ng loob. Nagpapasalamat ako sa nagkabit ng ilaw at nagtabas ng d**o sa parteng ito ng school.
“Miss Palmes, do you need my help?” Natuod ako sa aking kinatatayuan, tila naging kasing lamig ng yelo ang aking mga palad nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. Dahan-dahang lumingon sa aking likuran, inihahanda ang aking sarili sa kung sino ang maaari kong makita.
Ang sabi ni Miah, hindi na raw makakalapit sa akin ang lalaking iyon.
Nahulog ang lahat ng dala kong libro nang makita ko ang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Bagsak ang kaniyang buhok at mayroon siyang suot na malaking salamin sa mata.
Lumamig ang ihip ng hangin kasabay ng takot na namayani sa aking dibdib nang makita ko ang paglawak ng kaniyang ngiti.
“H-huwag kang lalapit!” sigaw ko na wala sa sariling napaatras habang iniisip si Miah na wala ngayon sa aking tabi.
~*~