Naked
“M-Miah, sorry. Kung alam ko lang na lolo niyo pala si Lolo Alejandro, sana hindi ko na lang tinanggap ang alok niyang trabaho kanina,” I told him as I tried not to stammer, however my heart was shaking like there's an earthquake, leaving a lot of tremors inside my chest.
“Gusto ko nang umalis. Pwede bang tulungan mo ako kay Lolo? Pwede bang sabihin natin na nagbago na ang isip ko. Hindi na ako tutuloy rito sa mansion.” Hindi ko ma-appreciate ang ganda ng istilo ng kwarto na pinasukan namin nang dahil sa pag-aalala sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko.
Hinihintay ko siyang sumagot, ngunit hindi ako nakarinig ng anumang salita mula sa kaniya, sa halip ay nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo at nang lingunin niya ako ay kumalampag ng malakas ang aking didib, dahilan upang mapaatras ako ng kaunti papalayo sa kaniya.
Ano‘ng nangyayari sa akin? Hindi ba‘t masyado pang mabilis para makaramdam ako ng kakaiba sa dibdib ko?
“Why? Didn't you tell me that you have no place to stay? Hindi kita pababayaan sa labas nang mag-isa lang.” His expression was serious as he darted his eyes on me. Nalilito ako at nagtatanong, bakit kung magsalita siya parang matagal na kaming magkakilala?
Ganito ba siya sa lahat ng babaeng kaki-kilala niya pa lang?
Mariin akong umiling habang nakapikit, bumuntonghininga rin ako upang tanggalin ang gumugulo sa akin. Sigurado akong isa ito sa mga fvckboy move niya kaya pilit kong isinawalang-bahala ang sinabi niya.
“Tinanggap ko lang naman ang trabaho at ang pagpapatuloy sa akin ni lolo rito dahil ang sabi niya ay mga bata lang ang kasama ko rito. Hindi ko alam na malalaki na pala kayo.” Sinapo ko ang aking noo at inilayo ko ang tingin sa kaniya dahil masyado akong pinakakaba ng kaniyang mga ngiti.
Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa akin dito sa mansion ng mga Sandoval, lalo na nang pumasok sa isip ko na hindi ko nga pala sila gaanong kilala. Hindi ko alam kung ano ang mga ugali nila at kung paano tumakbo ang kanilang mga isip.
Natatakot ako. Wala akong tiwala, maski kay Miah. Nangangamba akong maulit ang nangyari kagabi. Nakakapag-alala na baka maling desisyon ang ginawa kong pagsama kay Lolo Alejandro rito sa mansion kasama ng apat niyang mga apo.
“Joy, I know that you‘re still not okay, but you are more safe here. At isa pa, grandpa's words are rules that we couldn't break. Minsan lang siya matuwa sa isang tao kaya ang swerte mo.” Hindi ko alam kung pinalalakas niya ang loob ko o binibigyan niya ako ng babala tungkol kay Lolo.
“Ang sabi niya, bantayan ko ang mga bata. Ang lalaki niyo na, paano ko pa kayo aalagaan?”
“You can still take care of me—us. Huwag ka lang masyadong lalapit sa tatlo.”
“Bakit naman?”
“Just listen to me, I am your best friend, and best friend knows best.”
Hindi ba, mother knows best iyon?
“Sige na, umalis ka na. Ayos na ako rito,” pagtataboy ko sa kaniya bago ko siya marahang itinulak papalabas ng kwarto.
“Aalis ka pa ba?” pahabol niyang tanong kaya sandali akong napatigil bago lumukot ang aking mukha.
“Pag-iisipan ko, Miah. Hindi ako makapag-isip kapag nandito ka.” Tumigil siya sa harap ng pintuan pagkatapos ay matamang tumitig sa akin.
“Joy, this is an opportunity. He's the owner of Sandoval Group, you‘re lucky because he noticed you. Huwag mo sanang sayangin, saka ayaw mo niyon, kinababaliwan ng DASU ang mga kasama mo sa bahay?” Ramdam ko ang pagmamalaki sa kaniyang boses kaya napailing na lamang ako.
“Okay na ba ang paa mo? Gamutin kaya ulit natin?” pag-iiba niya ng diskusyon, halatang ayaw niya pa akong iwan.
“Thanks but no thanks. Kaya ko na,” pagtanggi ko bago siya nginitian at tuluyang itinulak sa labas ng pintuan.
Nang makalabas siya at nang maisara ko ang kwarto ay roon lamang ako nagkaroon ng pagkakataon upang mapagmasdan ang paligid. Kumpara sa mga mwebles na nakikita ko sa loob ng kwarto na tinutuluyan ko, mayroon itong pagkakaiba sa kwarto ni Miah.
Kulay cream ang pintura ng dingding, mayroong queen-sized bed na mayroong kulay pink na bed sheet, may puting lampshade na nakalagay sa ibabaw ng drawer, sa gilid ng kama. Higit sa lahat ay mayroong walk-in-closet sa tabi ng isang malaking bookshelf na may nakalagay na iba‘t-ibang klase ng libro.
Marahan akong humiga sa malambot na kama kahit na hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. Ang kaninang uniporme pa rin ang suot ko, nang dahil sa pagod at hapo ay parang hindi ko na kayang tumayo pa ulit upang magbihis.
Ipinikit ko ang aking mga mata upang makapag-isip ng mahinahon. Pinakikinggan ko ang mahinang tunog ng aircon habang sinisinghot ang mahalimuyak na bango ng kwarto.
“Joy,” somebody called me outside, while knocking on my door. Sigurado akong hindi siya si Miah dahil kilala ko na ang boses ng lalaking iyon.
Tamad na tamad akong umalis ng kama upang harapin ang nasa labas ng kwarto ko. Nang buksan ko ang pinto ay pareho kaming nagulantang, mayroong kung anong bagay ang pumilantik sa loob ng aking dibdib kaya pinigil ko ang aking hininga.
“B-Bryan,” nauutal kong tawag sa kaniyang pangalan matapos naming matulala nang ilang segundo.
May sakit ba ako sa puso? Kahapon pa lumalakas ang pintig sa loob dibdib ko, hindi ko maipaliwanag kung bakit.
“Thank you nga pala sa pagtatago ng gamit ko. Pasensya na rin sa abala,” saad ko habang nilalaban ang kahihiyang nararamdaman ko.
Patago kong kinagat ang aking pang-ibabang labi habang iwinawaksi sa isip ko ang nangyari sa amin kaninang umaga. Akma ko na sanang kukuhanin ang sira kong luggage sa kaniya nang bigla niya na lang itong inilayo sa akin kaya wala sa sariling napatitig ako sa kaniyang mukha.
I was going to ask him why he did that, but when our eyes met each other, I couldn't speak words. Bigla na lamang umurong ang dila ko at nawalan akong bigla ng boses.
He's really breathtaking. Ang mga katulad niya ang gustong-gusto ng mga babae. Seryoso, suplado at hindi ngumingiti, ‘yong pa-mysterious effect. Sikat na sikat ang mga katulad niyang lalaki sa mga KDrama at sa mga online romance stories. ‘Yong tipong sa babaeng bida lang siya mabait at sweet.
“Leave,” he suddenly uttered, making me came back to the world of harsh reality.
“A-ano?” Kumunot ang aking noo at nagsalubong ang aking mga kilay. Pinaaalis niya ako?
“Our family is an epitome of chaos. This is all a game, Joy. If you decided to live here with us, you have no choice but to accept that you'll be one of his chess pieces,” mahaba niyang paliwanag kaya napatanga ako. Ito na yata ang pinakamahabang salita na binanggit niya.
“Bryan, alam kong ayaw natin sa isa‘t-isa, pero huwag mo namang siraan ang sarili mong pamilya sa akin para lang umalis ako. Diretsahin mo na lang na ayaw mo ako rito.”
“That's just a hassle. I won't deal and care with people like you, idiot.”
“Alam mo, sobra ka—”
“Here's your thing. Huwag na huwag mong ipagkakalat na kasama mo ako sa bahay,” aniya bago walang pasabi na inilapag sa aking kamay ang luggage ko kaya muntik na akong matumba sa aking kinatatayuan.
“May araw ka rin sa akin, manyak!” Nanggigil ako at sinabihan siya ng kung ano-ano, ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad papalayo sa kwarto ko.
Mabuti na lang ay hindi ako katulad ng ibang mga babae na tipo ang mga lalaking kagaya niya. Seryoso? Suplado at pa-mysterious effect? Wala sa vocabulary ko ang magkagusto sa mga lalaking nagfi-feeling sad boy.
Sinarahan ko ulit ang pinto at inilapag sa kama ang aking luggage, pagkatapos ay muli akong nahiga. Inabala ko ang sarili ko sa pag-iisip sa desisyong kailangan kong gawin kaysa mainis kay Bryan. Kanino ako dapat maniwala?
I called my mother over the phone. Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng nangyari sa akin nitong nagdaang mga araw at nang sabihin ko sa kaniya ang tungkol kay Lolo Alejandro at sa mga apo nito ay wala siyang sinabi sa akin dahil nasa akin na raw ang sagot.
Naguguluhan ako. Ano‘ng sagot ang sinasabi ng nanay ko?
Hindi ba ako mamomroblema sa paglipas ng panahon? Natatakot ako, hindi lang dahil sa nangyari sa akin kagabi, kundi dahil marupok din ang puso ko.
Mabilis akong ma-in love pero matagal akong maka-move on. Noong high school nga ako ay hulog na hulog ako sa crush kong magaling sa Mathematics, kaya nang mabalitaan kong mayroon na siyang mahal na iba ay ilang balde ng luha ang iniyak ko. Ilang taon din ang nagdaan bago ako tuluyang makalimot.
Ngayong naka-move on na ako, bakit dinala naman ako ng tadhana sa isang lugar kung saan may apat na naggagandahang lalaki?
“Sandali. . . Apat na lalaki. . . special someones, itim na laso. Hindi kaya, sila ang binabanggit ng Chen na iyon?” Bumalikwas ako ng bangon sa kama habang sinasabunutan ang sarili.
“Kung sila iyon, ano‘ng dapat kong gawin? Kailangan ko na talagang makausap si Chen. Kailangan kong makahanap ng pangontra,” pahayag ko habang malalim na nag-iisip ng plano.
“Kilala ng MAD Prince si Chen. Ibig sabihin alam ni Bryan kung saan ko siya mahahanap,” dagdag ko pa habang kinakausap ang sarili.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko para hanapin si Bryan sa labas. Nagbabakasali akong matulungan niya ako kay Chen, kahit cellphone number lang nito ay ayos na sa akin.
“Bryan, nasaan ka?” Kanina pa ako palinga-linga sa bawat pasilyo ng mansion. Puro pinto ng kwarto ang nakikita ko pero hindi ko naman alam kung ano ang kwarto ni Bryan.
“Paano kaya sila nagkakasalubong dito?” I questioned before I attempted to stride towards the staircase.
Magtatanong na lang sana ako sa mga kasambahay nang bigla akong makarinig ng mahinang musika mula sa isang kwarto malapit sa kinatatayuan ko.
It‘s a MAD Prince‘s song.
Lumapit ako sa pinto ng kwarto at napangiti ako nang tama ang napagtanto ko. Medyo malayo ito sa guest room at hindi rin halata na ito ang kwarto niya.
Nadaanan ko kasi ang kwarto ni Jeffrei, mayroong nakasabit sa pinto na isang picture ng bola. Ang kwarto naman ni Miah ay alam ko na kung saan matatagpuan dahil naroon ako kaninang umaga. Kay Benj na lang ang hindi ko pa nahahanap.
“Bryan,” I called his name, then I knocked on his door.
Kailangan ko na talagang makahanap ng solusyon sa problema ko. Kung silang apat nga ang may hawak ng itim na laso, magugulo ang buhay naming lima, lalo na ang buhay ko kaya hindi ako papayag na magkabuhol-buhol ang tadhana naming lahat.
“Bryan.” I knocked again, twice. This time it was harder and stronger. “Bryan, pwede ba kitang makausap sandali?”
I tried to call him again and again, but he wasn't responding. Sa pagmamadali kong makausap siya tungkol kay Chen ay sinubukan kong pihitin ang seradura ng pinto. Nang malaman na hindi naka-lock ay basta ko na lang itong binuksan at walang sabi-sabing pumasok sa loob ng kwarto.
His room was neat and clean. Nakasisiguro akong paborito niya ang kulay itim dahil halos ganoong kulay ang makikita sa kwarto niya. Mula sa mwebles hanggang sa kurtina ng kwarto niya ay kulay itim.
This room looks so manly. Ang ganda ng disenyo at amoy na amoy ang pabango ni Bryan sa loob ng kwarto.
Nang luminga ako sa paligid upang hanapin ang sadya ko ay hindi ko siya nakita. Saan kaya naroon ang lalaking iyon?
“Kailangan ko si Chen,” I told myself again and again while I was room-gazing.
Nang tumunog ang seradura ng pinto ng banyo sa loob ng kaniyang kwarto ay nakuha niyon ang aking atensyon. I was now staring on the door of his comfort room, wearing a questioning look.
Si Bryan. Bakit ako pumasok ng walang paalam?
Sinubukan kong humakbang papaatras upang lumabas ng kaniyang kwarto ngunit hindi pa man ako nakakagalaw nang biglang bumukas ang pinto.
Parehong nanlaki ang aming mga mata kasabay nang pagbagsak ng aming mga panga nang makita namin ang isa‘t-isa. Napamulagat ako at natulala nang bumulaga sa akin ang hubo‘t-hubad na si Bryan.
He's naked. Walang nakatakip na tela sa kaniyang katawan. His body was like of the Greek God. Maganda na agad ang pangangatawan niya kahit na nineteen years old pa lamang siya.
Pumupunta na ba agad siya ng gym?
Napatakip ako ng bibig at mata nang gumala ang mga mata ko sa gitna ng kaniyang mga hita. Jusmiyo! Napatawag ako sa mga kilala kong santo upang humingi ng tawad.
Hindi kaagad kami nakagalaw sa pwesto namin dahil sa pagkagulat kaya nang makabawi ako ay mabilis akong umatras para lumabas ng kwarto niya.
“W-what are you doing here? Fvck,” he asked as I saw him panicked. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kaniyang kama upang itago ang sarili sa comforter niya.
“Damn it! Nakita mo?” Hindi ko alam kung nagagalit siya o nahihiya dahil sa tono ng kaniyang pananalita.
“H-hindi, ‘no? W-wala akong nakita, ano ba ang dapat kong makita?” Umiwas ako ng tingin sa kaniya habang habol ang aking hininga.
Kung kailangan kong magsinungaling hanggang dulo ay gagawin ko. Wala akong nakitang malaking bagay sa gitna ng kaniyang mga hita. Wala. Wala.
Patago akong nagmamaktol habang pinagagalitan ang sarili ko. Kasalanan ko ‘to. Bakit ako pumasok ng kwarto niya at bakit ako tumingin sa ibaba?
Wala na! Nakita ko na ang hindi ko dapat nakita. Ang laki, parang hindi siya kakayanin ng magiging asawa niya.
Humakbang ako paatras habang dumadagundong ang t***k ng aking puso, pabalik-balik sa aking isip ang nakita ko kanina kaya pinamumulahan ako ng magkabilang pisngi.
“P3rvert! You, maniac. Get out of my room,” saway niya sa akin kaya napatalon ako sa gulat.
“Hindi ko kasalanan na hindi naka-lock ang pinto ng kwarto mo at hindi ko rin kasalanan na lumabas ka ng banyo nang hubo‘t-hubad.” Nagmatapang pa rin ako kahit na gustong-gusto ko nang magpakain sa lupa.
Ito ang unang beses kong nakakita ng bagay na iyon. Pakiramdam ko tuloy ay gabi-gabi na akong babangungutin dahil sa ano ni Bryan.
“I am the victim here, Miss Palmes. Wala ka pang isang araw rito, minomolestiya mo na ako!”
“Ako?” Turo ko sa aking sarili. “Minolestiya ba kita? Ako nga ang biktima rito. First time kong makakita niyon.”
“E, ‘di inamin mo rin na nakita mo. Fvck. G-get out,” pagpapalayas niya sa akin, pareho kaming tila napapaso kaya hindi kami makatingin sa isa‘t-isa.
“I-itatanong ko lang naman kung alam mo ang address ni Chen o kaya kahit cellphone number niya lang,” pag-iiba ko ng topic ngunit lalong nagdilim ang paningin niya sa akin.
“P3rvert,” he commented with bitterness. Pareho na kaming maiiyak sa kahihiyan base sa reaksyon naming dalawa.
Bakit ba kasi nakita ko pa?
“Hindi ako manyak. Ikaw iyon, hinawakan mo nga ang panty ko, ‘di ba? Saka wala akong nakita, hindi ko nakita, promise.”
“Get out of my damn room, now! You're really getting into my nerves.”
“Sandali, paano si Chen? Kailangan kong malaman kung saa—”
“I don't care. Kahit alam ko pa kung saan siya nakatira, hinding-hindi ko sasabihin sa‘yo. Labas na!” He was throwing his pillows now, as if he was a kid, having an episode of tantrums.
“Bry—” he preceded my lines, that's why I didn‘t had the chance to finish what I will be going to say.
“I am naked, Joy. Do you really want us to talk?” paghahamon niya kaya bigla akong namutla, sumisikdo ang aking puso. Bakit kung magsalita siya parang may iba siyang ipinupunto?
“Cellphone number na lang ni Axl,” I demanded but I was startled when he shouted a cuss.
“Tangina naman. Lumabas ka muna, please,” he pleaded, making me ran outside his room. Did he really use the word please or was I being delusional?