Kabanata 5

2877 Words
Your other friend “Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Pwede ka pang umatras habang nasa biyahe pa lamang tayo,” paalala ni Sir Diego na nasa tabi ng driver ni Lolo Alejandro. Kanina pa siya paulit ulit sa pangungumbinsi na tanggihan ko na lang ang alok ni Lolo, ngunit paulit ulit ko rin naman siyang tinatanggihan. I didn't know if he was doing this because he's seeing me as an incompetent girl who's unable to take care of lolo's grandchildren or he's just concern because based from how he looked at me, Sir Diego seems to be anxious and stress. Inabutan na kami ng gabi sa daan dahil hindi kaagad kami nakaalis sa hospital, bukod sa pinatingnan nila ang namamaga kong paa ay naglibot pa si Lolo Alejandro sa hospital upang batiin ang mga kaibigan niyang pasyente roon. “Diego, itigil mo na iyan,” saway ni lolo pagkatapos ay mahinang tumawa. "Malapit na tayo sa bahay, apo," salaysay niya bago iminuwestra ang daan patungo sa kanilang bahay. “Sir, she can't handle those kids,” pagrereklamo ni Sir Diego bago hinampas ang sarili niyang mga hita. Sumulyap pa siya sa akin bago nagbuntong-hininga, hindi ko alam pero napansin kong nag-o-over-reacting si Sir Diego. Lolo Alejandro didn't answer, but I saw a proud grin written on his lips. Nagtaka naman ako kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ni lolo ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Ngayong gabi, wala akong mga bagay na iisipin. Tutulungan ako ni lolo sa scholarship at sa trabaho, mayroon pa akong bahay na matutuluyan. Magandang balita ito para sa amin ni nanay. “Nasaan na nga pala ang mga gamit mo kanina, Joy?” Lolo suddenly asked, making me thought of my things. Bigla kong nasapo ang aking noo. Sana ay hindi itinapon ni Bryan ang aking mga gamit. Lolo looked at me like he was asking why, making me smile a bit and scratched my head. “Pinatago ko po muna sa kaibigan ko,” sagot ko bago kinakabahang tumawa. “It's nice to have friends. Missing my good old days,” lolo commented, nodding. May bahid ng saya ang kaniyang mukha habang tila inaalala ang kaniyang nakaraan. “Masarap magkaroon ng mga kaibigan. Kasama mo sa tuwa, sa lungkot at sa kahit saan. Those are the things I missed. Ang mga kaibigan ko kasi ay nagkarerahan na patungong kabilang buhay, ako na lang ang natitirang humihinga,” He proudly muttered like he was reminiscing the past. Lumungkot lang ang kaniyang awra nang banggitin niyang pumanaw na ang lahat ng kaniyang kaibigan. Napangiti na lang ako ng pilit bago tumungo. Kung mayroon nga lang sana akong totoong kaibigan, siguro ay magiging makulay rin ang buhay ko. Masarap kaya talaga sa pakiramdam kapag may kaibigan akong masasabihan ng sama ng loob? How I wish I have a friend. Hindi ko kailangan ng marami, kahit isa lang ay ayos na sa akin. Ni minsan kasi kahit sa probinsiya namin sa Elhora ay wala akong naging kaibigan dahil hindi ako palalabas ng bahay. Tila may isang switch naman sa aking isip ang bumanggit sa pangalan ni Miah. Hindi ba at sinabi niyang magkaibigan na kami? Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na pumasok na kami sa mataas na gate ng isang village. Napapanganga ako sa pagkamangha sa bawat bahay na nadaraanan namin. Kitang kita ang bakas ng karangyaan sa mga taong nakatira rito. Ngunit napatigil ako at tila may bumara sa aking lalamunan. Kumunot ang aking noo nang mapansin na parang pamilyar sa akin ang lugar na ito. Marahan akong umiling habang pinagmamasdan ang aming paligid, para talagang nakarating na ako rito, hindi ko lang alam kung kailan. “Here we are,” lolo introduced as the car turned right. Nanlaki ang aking mga mata at biglang nagtatambol ang aking dibdib nang makita ko ang gate na papasukan namin. Ngayon ko na-realize kung bakit pamilyar ang lugar na ito sa akin. Nakapunta na nga ako rito! Napatakip ako ng aking bibig at hindi makapaniwalang nakatingin kay Lolo Alejandro na ngumiti ng malapad sa akin. T-this can't be! Nagpapalit-palit ang tingin ko kay lolo at sa mansion na pinasukan ng kotseng sinasakyan namin. Kumakabog ang aking dibdib, hindi ko rin maipaliwanag ang kaba na aking nararamdaman, parang bumabaliktad ang aking sikmura. The mansion screamed for elegance. Lahat sa paningin ko'y kumikinang. Unang sumalubong sa aking paningin ang kanilang malawak na hardin na may marangyang fountain sa gitna. Kahit na madilim na ay maaaninag ko pa rin ang ganda ng mga bulaklak dahil sa kumikinang na mga ilaw na nakadikit sa katawan ng mga puno at halaman. Ilang minuto pa ang itinagal namin sa kotse dahil may kalayuan ang kanilang bahay sa gate. Unti-unting binabalot ng kakaibang pakiramdam ang aking pagkatao habang papalapit kami. Nang tumigil ang kotse sa harapan ng isang malaki at magarang pinto ay tila mawawalan ako ng ulirat. “Welcome to Sandoval's residence,” lolo exclaimed after we got out of the car. His hand raised towards the door of their house while smiling. S-Sandoval's residence? Pero. . . Inaya ako ni lolo papunta sa harap ng pintuan. Kasunod namin si Sir Diego na puno pa rin ng pag-aalala ang mukha. Lolo was about to knock on the door when somebody opened it, leaving me breathless. “J-Joy!” he grunted in astonishment while his mouth was wide open. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya dahil sa pagkapahiya. Parang gusto kong tumakbo papalayo ngunit hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Natuod ako sa aking pwesto at ang tangi ko lang na kayang gawin ay bumuntong hininga at tumungo. “Miah, hindi mo ba ako nakikita? Matutunaw si Joy sa katititig mo,” pabirong komento ni lolo bago ko nakitang tinapik niya sa balikat si Miah na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin sa akin. “Mauuna na ako sa loob at may tatawagin pa ako. Sumunod kayong dalawa sa akin,” utos ni lolo bago pumasok sa bahay, sumunod naman si Sir Diego kaya naiwan tuloy kaming dalawa ni Miah sa labas ng pintuan. “What are you doing here?” “Mahabang kwento.” “Pakikinggan ko kahit gaano pa kahaba iyan.” “Naglalakad ako tapos bigla akong nakakita ng matanda na inaatake sa puso. Tinulungan ko at sumama ako sa hospital. Hindi ko naman alam na siya si Don Alejandro Sandoval na may-ari ng DASU na lolo mo pala?” paliwanag ko na sinadya kong gawing patanong. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking mga nalaman. Parang sobrang dami ng nangyari ngayong araw na ito. “A-ang sabi ng lolo mo humiling lang ako sa kaniya at tutuparin niya. Wala akong maisip na iba bukod sa matitirahang bahay dahil napalayas ako sa inuupahan kong boarding house. Tapos sabi ng lolo mo, pwede raw ako rito pero may makakasama lang akong apat na mga bata.” “Napalayas ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sana natulungan kita,” he stated, showing his concerned face to me. “Hindi ko naman alam kung totoo bang magkaibigan tayo. At saka kagabi lang tayo nag-usap talaga. Mayroon bang magiging magkaibigan agad sa loob ng halos wala pang isang araw?” litanya ko habang nakatungo. “Mayroon,” he sounded so sure then he stopped for seconds as he liften my chin. “Tayo,” he announced, making me froze in my position. Napakurap ako ng ilang beses habang pinipigilan ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. “Jeremiah, Joy, tawag na kayo ni Sir Alejandro sa salas,” salaysay ni Sir Diego na sinadya pa kami sa labas. “P-pwede ko pa namang tanggihan si lolo, kung ayaw mong nandito ako,” suhestiyon ko. “No. You'll live here with me,” deklara niya bago ako hinila papasok sa loob ng kanilang mala-palasyong bahay. Simula sa makikintab na tiles hanggang sa mga mwebles ay talaga namang tumataginting na dolyares ang halaga. I was really amazed by the interior design of their house. Nasa tatlong palapag yata ang bahay nila. Pagkarating namin sa salas ay unang bumungad sa akin ang grand staircase na may red carpet sa gitna. Malawak ang hagdan, kasyang-kasya ang dalawang tao na nakadipa. Nang tumingala naman ako ay nalula ako sa taas ng kanilang kisame pati na rin sa malaking chandelier na nakatapat sa sentro ng salas. “Let's take a seat, Joy,” pag-aaya ni lolo papunta sa isang long couch na pwede yatang matulog ng magkatabi ang dalawang tao. “Nagpahanda na ako ng hapunan,” dagdag pa ni lolo bago tumingin sa akin. We took a seat on a couch as lolo asked me questions. “Joy, magkakilala ba kayo ng apo ko? Isa ka ba sa mga babaeng pinaiyak nitong bata na ito?” sunod sunod na tanong ni lolo bago tumayo lumapit kay Miah sa tabi ko. Akma niyang babatukan ang kaniyang apo kaya napatawa ako. “Magkaibigan kami, Grandpa,” pagtatanggol ni Miah sa kaniyang sarili. “Kailan ka pa natutong makipagkaibigan sa mga babae?” tanong ni lolo na hindi makapaniwala sa sinagot ng kaniyang apo. “Joy, ito ba ang sinasabi mong kaibigan mo na pinakiusapan mong magtago ng gamit mo?” tanong ni lolo sa akin kaya kumunot ang noo ni Miah, nagtatanong ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi ni Lolo Alejandro. Sumeryoso ang hangin at nalaman kaagad ni lolo ang sagot sa kaniyang tanong. “Looks like she has another friend,” may halong panunukso sa boses ng matanda kaya napakagat labi na lang ako at lumihis ng tingin kay Miah. Nangako nga pala ako sa kaniya na siya lang ang magiging kaibigan ko. Magsasalita pa sana si Miah nang bigla na lang may lalaking bumaba ng hagdan. Napatayo tuloy ako sa pagkakaupo, kaya napatayo rin si Miah. Kumabog nang mabilis ang aking dibdib at napakapit ako sa laylayan ng damit ni Miah nang makita ko ang lalaki. He was wearing a huge thick eye glasses. Maputi siya at style-Koreano ang kaniyang buhok, may full bangs. Pero wala ang atensyon ko sa kaniyang maamong mukha dahil mas nangunguna sa akin ang takot. Tumaas ang aking mga balahibo sa katawan habang papalapit siya sa amin nina lolo at Miah. “Relax Joy, he's not that man,” Miah whispered to my ears before he held my hand. “Grandpa,” tawag niya kay lolo. Nang makalapit lang siya sa amin ay saka ko lang napagtanto na siya si Benjamin Buenavista. Isa siyang sikat na nerd sa buong DASU pero nangingilag naman siya sa mga tao. Wala siyang kinakausap ni isa sa mga estudyanteng lumalapit sa kaniya. Sa obserbasyon ko simula nang makita ko siya sa fifth floor ng school's library ay siya pa ang nahihiya kapag may nagbibigay sa kaniya ng regalo. “Pinapatawag niyo raw po ako?” sabi ni Benj. Napalunok ako nang bigla niya na lang akong sulyapan. Tumalbog tuloy ng kaunti ang aking puso. “Yes, may sasabihin ako sa inyo. Nasaan si—” Hindi na natapos ni lolo ang sasabihin dahil may maingay na lalaking pumasok sa loob ng bahay. “Hey, old man! Nandito ka pala, hindi ka nagpapasabi,” bungad ng dumating kaya napalingon kaming lahat sa kaniya. He was Jeffrei Dela Peña. Suot niya pa rin ang basketball uniform niya habang pinaiikot ang isang bola sa kaniyang hintuturo. “Hey, Miss Palmes. What are you doing here?” tanong niya nang mapansin niya ako. “Is he your other friend?” May kaunting inis sa tono ng tanong ni Miah. Sandali namang nalito si Jeffrei bago ngumisi. “I am not the other friend,” sagot ni Jeffrei bago tumingin sa akin nang nakaloloko. “Lolo, sila po ba ang mga apo niyo? May iba pa po ba kayong mga apo?” tanong ko bago tumingin sa kanilang lahat. Ngumiti lang si lolo bilang sagot habang si Sir Diego ay napailing na lang sa akin. “They are my grandchildren, Joy. The one beside you is Jeremiah, then Benj and Jeffrei,” pagpapakilala ni lolo sa kaniyang mga apo habang itinuturo sila isa-isa kaya napanganga ako sa pagkagulat. Sila ba ang sinasabi ni lolo na makakasama ko sa mansion? Natuptop ko ang aking noo pagkatapos ay napakamot ng ulo. Hindi ko aakalain na ang mga bata na sinasabi ni lolo ay matatanda na pala. Pakiramdam ko tuloy ay na-scam ako. Kaya pala ganoon na lang makapag-react kanina si Sir Diego. “Pero ang akala ko po ay bata pa ang mga apo niyo,” naguguluhan kong salaysay, parang gusto ko nang umatras. “Bata pa sila, mga isip-bata,” singit ni Sir Diego na umani ng iba't ibang reaksyon sa tatlo. Pakiramdam ko naman ay tila naubusan ako ng dugo sa katawan dahil sa sinabi ni Sir Diego. “Nasaan ang isa niyo pang pinsan?” tanong ni lolo kaya naman tumahimik ang tatlo at sabay-sabay na nagkibit-balikat. As if on cue, a man suddenly entered the scene and my eyes bugged out when I saw his face, making me hid on Miah's back. “Bryan,” Lolo Alejandro called him. Abot hanggang langit ang aking kaba, nagdarasal ako na sana ay hindi niya mapansin na nandito ako pero imposible iyon dahil tinawag ako ni lolo upang ipakilala sa kanilang lahat. Wala akong nagawa noong hilahin ako ni Sir Diego mula sa likuran ni Miah. “Y-you!” mabilis na sigaw ni Bryan habang nakaduro sa akin nang makilala niya ako. “Ako?” pa-inosente kong tanong habang nakaturo sa sarili ko. Tumingin muna ako sa mga kasama namin bago ko siya muling pinasadahan ng tingin. “S-sino ka ba? H-hindi nga kita kilala,” pagsisinungaling ko bago nagsukmiksik sa likod ni lolo. “What the fvck are you doing here? Pagkatapos mong iwan sa akin ang mga gamit m—” Hindi niya na tinapos ang kaniyang sasabihin dahil napatingala na lang siya sa chandelier. Namumula ang kaniyang mukha sa galit habang ang kaniyang bibig ay nakatikom. Nakagat ko tuloy ang aking pang-ibabang labi habang kumakabog ng mabilis ang aking puso. Bryan is fuming mad. “Pero hindi mo naman itinapon, hindi ba?” nag-aalala kong tanong bago umalis sa pagkakatago sa likod ni lolo. Pero sa halip na sagutin ako ay tinapunan niya lang ako ng nakamamatay na tingin. “Looks like he's your other friend?” tanong ni lolo habang nagpapapalit-palit ng tingin sa aming dalawa ni Bryan. Bryan's eyes darted on me. He was giving me a questioning look as he was dragged down to confusion. Mabilis ko siyang kinindatan para sana isenyas na magpatianod na lang pero nang lumukot ang kaniyang mukha ay nagtago na muli ako sa likod ni Miah. “Apo, mukhang hindi ka na naman maninibago dahil kilala ka na ng mga batang ito,” lolo commented before he glanced on his grandsons one by one. Sa iisang mansion lang pala nakatira ang kaniyang mga apo dahil sapilitang kinuha ni Lolo ang kanilang debit cards para rito tumuloy. He blackmailed them all, pero mayroon daw tatlong nakatakas kaya apat lang ang makakasama ko sa bahay. “From this day on, Joy will be living here,” announced by lolo, making his grandsons' mouths formed a big 'o'. “What? No,” Bryan quickly complained as he disagreed with lolo's announcement. “Ako ang may-ari ng bahay, ako ang masusunod. Kayo ang mga apo ko, lolo niyo ako, kaya wala kayong magagawa.” Biglang sumeryoso ang tinig ni lolo kaya lahat sila'y nabahag ang buntot. Walang ngang nagawa si Bryan kundi ang tumahimik. Nang pinagmasdan ko sila isa-isa ay napagtanto kong takot silang lahat kay Lolo Alejandro. “I guess it's settled. Welcome home, Joy. You are a guest here, so please feel at home,” lolo muttered as he patted my shoulder. “Aalis na rin kami ni Diego. You can stay here and do what I've told you earlier.” Ang tinutukoy ni lolo ay ang pag-oobserba ko sa kaniyang mga apo kapalit ng pagtira ko sa mansion. I'll be sending him reports about them. Ako raw ang magsisilbing mata niya sa loob ng bahay kasama ng apat. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa iyon sa mga apo niya. Kung malalaman ng apat ang gagawin ko ay tiyak na magagalit silang lahat sa akin. “Miah, send your friend to her room. Bryan, get your friend's thing, then give it to her.” He glanced on Miah first before he looked at Bryan who was glaring at me. Tumahimik ang buong paligid nang umalis sina Lolo at Sir Diego. Naiwan kaming lima sa Salas, lahat ay nakararamdam ng pagkailang. “This will gonna be fun,” Jeffrei exclaimed, laughing. “What is fun when someone will be spying on us?” Bryan was raising his eyebrow on me, telling he already understand his grandfather's plan. Nagsumiksik naman ako sa tabi ni Miah para humanap ng kakampi. Isa-isa silang umalis, nauna si Benj na sobrang bilis na nawala sa eksena. “Don't mind them. Spy me as you want, you have my consent. Ang mahalaga sabay na tayo laging papasok at uuwi,” Miah declared, smiling. Dumagundong ang aking paligid nang hawakan niya ang aking kamay at bigla niya akong hinila paakyat ng hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD