A genie?
Isinugod namin sa loob Hospital ng Liazarde si lolo nang bumaba kami sa ambulansya. Lahat ng mga doktor ay nakaabang, hinihintay na bumaba ng sasakyan ang matanda.
Maingat nilang isinakay ng stretcher si lolo. Kahit sinabi nitong hindi na kailangan, ipinilit pa rin ng mga doktor ang kanilang kagustuhan. Doon ko na-realize na ma-impluwesyang tao pala ang tinulungan ko.
“Sumunod tayo sa kanila, Joy. Kakausapin ka ni Sir Alejandro mamaya,” banggit ni Sir Diego na body guard at tagapagsalita ng matanda.
Mabilis ang mga kilos namin, halos lakad at takbo ang ginawa ko dahil sa sobrang bilis ng paggulong ng stretcher na hinihigaan ni Lolo Alejandro. Parang may emergency talagang nangyayari.
Ganito ba talaga kung ituring ang mga VIP?
Kung ang mga ordinaryong mamamayan lang ay kailangan pang pumila nang napagkahaba-haba, magpakapagod at magutom sa pilahan, ang mga tulad ni Sir Alejandro na mayayaman ay ganito kadaling magpagamot, may pag-abang pa sa labas ng hospital.
“Si lolo po ba ang may-ari nitong hospital na ito?” pag-usisa ko kay Sir Diego na seryoso lang na nakatayo sa labas ng pribadong kwarto ni lolo.
Ayaw kong magpaka-judgmental masyado, baka naman may nagawang napakabuti si lolo kaya ganito ang treatment sa kaniya ng buong hospital.
“Hindi, pero pinopondohan niya itong hospital na ito. Ito lang ang kaisa-isang hospital sa kapitolyo ng bansa na libre ang lahat. Mula sa pakikipag-usap sa doktor hanggang sa mga operasyon at gamot ay walang bayad,” paliwanag niya.
Napaawang ang aking mga labi, “Wow,” hindi makapaniwalang sambit ko bago napatingin sa kabuuan ng hospital.
“Mga mararalita lamang ang tinatanggap ng hospital na ito. Ang gusto kasi ni sir ay tumulong sa mga mahihirap,” pagkukwento ni Sir Diego bago bumaling ang tingin sa mga pasyenteng dumaraan sa harap namin.
“Katulad nila. Okay lang ba ang paa mo? Kanina pa kita napapansing paika-ika maglakad,” banggit niya bago tinanguan ang mga tao.
“Okay lang po. Natapilok lang po ako kahapon, pero maayos na naman po,” pahayag ko ngunit hindi ito kumbinsido. Ipagamot ko raw ang sprained ankle ko mamaya.
“Thank you po, Sir. . . Hindi ko po akalain na may good samaritan pala sa totoong buhay, katulad ni lolo.” Napangiti si Sir Diego bago napatingin sa nakabukas na pinto ng kwarto ni lolo, pinagmamasdan kung paano mag-panic at mag-alala ang mga doktor, habang si lolo ay tumatawa lang.
“You will not believe me if I say he has numbers of foundations, charities, orphanage and even home for the aged, will you?” He asked then he enumerated all the good deeds of lolo, making my lips formed an 'o'.
“He is addicted to helping people. Kaya naman nang makakita ng katulad niya ay tuwang-tuwa,” he mentioned. Pareho kaming nakatingin kay lolo at nang sumulyap siya sa amin ay kumuway pa ito. Kaagad ko naman siyang nginitian pagkatapos ay kumuway rin.
Ang gaan ng pakiramdam ko kay Lolo Alejandro. Biglang ang taas-taas ng tingin ko sa kaniya. Ang swerte naman ng mga anak at apo niya, nagkaroon sila ng tatay at lolo, mga miyembro ng pamilya na wala ako.
Lolo Alejandro was already 74 years old, yet he can still do what other old people cannot do anymore. Malakas at masigla pa si lolo, ang inaalala lang ng mga taong nakapalibot sa kaniya ay ang sakit niya sa puso.
“Daddy!” A beautiful lady in her forties, shouted as she stormed inside the room, causing every doctors startled.
She then quickly approached lolo, “I thought something bad has happened to you. Glad to know that you’re fine,” she exclaimed, earning loud laughters from lolo. Umupo ang anak na babae ni lolo sa bahaging paahan ng hospital bed nito.
“Do not worry, Elaine. Matagal pa ang itatagal ko sa mundo. Wala naman kayong mamanahin sa akin, sa mga apo ko lahat ibibigay,” lantarang pahayag ni lolo kaya napaubo ang mga doktor, isa-isa silang nagpaalam at lumabas ng kwarto.
Kaya lang ba nag-aalala ang anak ni lolo ay dahil sa mana na makukuha nito?
Sir Diego chuckled, “Ganiyan lang talaga sila magbiruan. She's Elaine, his third daughter,” pagpapakilala ni Sir Diego kaya napatango-tango ako.
Mayamaya pa ay may magandang babae na naman na nagmamadaling pumasok ng kwarto ni lolo, “Ate,” tawag ni Maam Elaine.
I saw her sighed before she moved closer to lolo, kissing his cheeks. Napangiti ako ng mapait nang makaramdam ako ng kaunting hili. Hindi ko man lamang kasi nakita ang tatay ko, iniwan daw kami nang malamang nabuntis niya ang nanay ko.
“That's Louise, his eldest,” banggit ni Sir Diego bago namulsa sa aking tabi.
“Nakakatuwa naman po sila,” salaysay ko pero napatikhim lang si Sir Diego, tila hindi naniniwala sa aking sinabi.
“Kung alam mo lang,” tumatawa ito bago lumingon sa paparating pang dalawang naggagandang babae na mukhang si lolo rin ang pakay.
“They are Aerin and Amara, his second and youngest daughter,” pagpapakilala muli ni Sir Diego bago tinanguan ang mga paparating na anak ni lolo.
“World war,” Sir Diego mentioned while looking at the two ladies, entering lolo's room. “Joy, are you hungry? Pwede kang bumili ng pagkain sa cafeteria, tatawagin na lang kita kapag tapos na ang gyera. Ipagagamot din natin sa doktor iyang namamaga mong paa mamaya.” Inabutan ako ni Sir Diego ng isang libong piso galing sa kanyang matabang wallet.
Hindi ko sana tatanggapin pero siya na ang kusang naglagay sa palad ko, wala na tuloy akong nagawa kundi ang sundin ang kaniyang sinabi.
I walked towards the hallway of the hospital. Amoy na amoy ako ang gamot at alcohol, nag-iba tuloy ang pakiramdam ko, parang nawalan ako ng ganang kumain lalo na nang mapatapat ako sa pintuan ng cancer ward, nakita ko kung paano mamilipit sa sakit ng tiyan ang isang bata na nasa bungad ng pinto.
Sumakit ang aking dibdib habang pinagmamasdan ko kung paano magpigil ng luha ang kanyang ina habang hinihilot ang kaniyang tiyan.
Mother's love is really the most beautiful thing every sons and daughters would want to feel. Bigla ko tuloy na-miss ang aking nanay na nasa Elhora, sa probinsiya namin.
Bumuntong-hininga ako, malambot ang aking puso, hindi ko kayang makapanood ng ganitong tagpo.
“She's Annica. At the age of four she's already living and dying,” a man on my back suddenly mentioned, causing me to glance on his position.
“J-Jeffrei?” I asked as my eyes popped out, checking if I was right.
Nginitian niya lang ako bago sandaling ibinaling ang kanyang atensyon kay Annica, pagkatapos ay muli siyang tumingin sa akin.
“You know me? Wow! Nice meeting you, Joy Palmes,” he introduced. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi pa man ako nakapagpapakilala ay alam niya na kaagad ang pangalan ko.
Lumayo ako ng kaunti sa kaniya, napansin niya naman iyon kaya mahina siyang napatawa.
Jeffrei is the current team captain of DASU's basketball team, the blazing wolves. Prince wolf ang tawag sa kaniya ng mga fans, hindi lang kasi siya sa DASU sikat, sa iba't-ibang university ay makikita rin ang kaniyang mukha.
He was wearing his black jersey with number sixteen on the back. Mukhang kagagaling niya lang sa comfort room dahil may tumutulo pang tubig sa kaniyang buhok, naghilamos yata siya. Nadagdagan tuloy ang appeal niya, lalo siyang gumwapo. Ang mga babaeng nurse ay namimilipit na parang bulateng binuhusan ng clorox at nagpapansin sa kaniya.
“I'm sorry. Hindi pala dapat na nilapitan kaagad kita. Akala ko kasi ay hindi ka na natatakot.” He was looking at Annica as he spit the words that made me confused.
Lalong kumunot ang aking noo. Hindi ko alam kung ano ang ipinapahiwatig niya. Alam niya ba kung ano ang nangyari sa akin kagabi? Pero hindi niya naman nilinaw at hindi na ulit siya nagsalita kaya nginitian ko na lang siya ng pilit bago pinagmasdan ang bata.
“Bakit ka nandito?” tanong ko.
“Dinadalaw ko ang mga nurse, pati na rin ang mga pasyente,” he replied as he smiled widely. Nakamot ko naman ang aking ulo, ang boses niya kasi'y tila nagyayabang. Bigla tuloy lumakas ang hangin sa paligid namin.
“Ikaw?” he questioned before he scanned me from head to toe. Para bang tinitingnan niya kung may galos ako sa katawan, nang wala siyang makita ay lumiwanag ang kaniyang ekspresyon.
“May tinulungan kasi ako kanina na matandang lalaki, sumama ako rito sa hospital,” sagot ko habang ininumwestra ang daan kung saan ako nanggaling.
“Good girl. I like you,” he muttered, making my cheeks burnt. Natulala ako sa kaniya, hinihintay ko kung lilinawin niya ang sinabi niya pero ginulo niya lang ang aking buhok kaya napaatras ako ng bahagya.
I was shocked. He's honest and straightforward.
“Thank you for saving him. Kung mamamatay siya, wala nang magbibigay ng donasyon sa hospital na ito. Kawawa silang lahat,” he uttered, looking at the patients.
Why do I feel that he knows everything?
Gusto ko pa siyang tanungin dahil na-cu-curious ako, pero bigla na lamang akong tinawag ni Sir Diego na nasa hindi kalayuang bahagi ng pasilyo, hinahanap na raw ako ni lolo.
Magpapaalam pa sana ako kay Jeffrei pero bigla na lang siyang nawala. Hinanap siya ng mga mata ko at nakita ko siya sa loob ng cancer ward, sa tabi ni Annica. Kasama siya ng nanay ng bata na nagpapatahan dito.
I didn't know but I just found myself smiling. I thought, he only knows about basketball. Mali rin ang pagkakakilala ko sa kaniya na puro pagyayabang ang alam, marunong din naman pala siyang makipagkapwa-tao.
Lumapit ako kay Sir Diego, “Nakabili ka ba ng makakain mo?” tanong niya sa akin kaya umiling ako.
“Hindi po ako nakabili. Napatigil po kasi ako sa tapat ng cancer ward,” paliwanag ko bago ko inilabas ang isang libo na ibinigay niya sa akin kanina, ibabalik ko sana pero hindi na niya ulit tinanggap.
“You can have it. Ibili mo ng makakain mamaya.”
Nahihiya man pero tinanggap ko na rin. Nagpasalamat naman ako kay Sir Diego dahil may ipandaragdag na akong pang-upa ng apartment mamaya, 'paglabas namin ng hospital.
Nang makarating kami sa tapat ng kwarto ni lolo ay nakasarado ang pinto. “Umalis na ang mga anak niya, pwede ka nang pumasok,” Sir Diego stated before he opened the door.
Bumungad naman sa akin ang nakangiting si Lolo Alejandro, na parang hindi inatake sa puso kanina.
“Come here, Joy.” Pumasok ako sa loob, nilingon ko pa si Sir Diego, akala ko kasi ay papasok din siya pero hindi pala. Nanatili siya sa labas at isinara ang pinto.
“I want to say thank you. Madalang na lang ang mga tao na handang tumulong sa nangangailangan,” aniya bago tinapik ang kaniyang kama at sinenyasan na umupo ako.
“And because you helped me, I will grant one of your wish. Kahit na ano, apo. Magiging genie mo ako pero isang hiling lang ang kaya kong tuparin.” Nakangiti si lolo sa akin at nang makita ang aking reaksyon ay napatawa siya ng malakas.
“Genie? Hindi nga po, Lolo?”
“Yes, I'll grant your wish. Pag-isipan mong mabuti ang hihilingin mo, minsan lang ako tumupad ng kahilingan.”
“Kung yumaman po kaya?” tanong ko pagkatapos ay napatawa ako ng malakas.
“You want?”
“Hindi po, Lolo. Binibiro ko lang po kayo. Wala pa po akong maisip.” Tumingala ako sa kisame ng kwarto, nag-iisip ng magandang hihilingin pero dahil hindi pa rin ako makabawi sa pagkabigla ay wala akong maisip.
“Ano ba ang kailangan mo ngayon, apo?”
“Bahay po, Lo. Kailangang-kailangan ko po ng matutuluyan, napalayas po kasi ako sa inuupahan ko dahil hindi ako nakabayad sa renta,” I answered without thinking. Napakurap naman ang mata ni lolo bago humalakhak.
“I like you. I like honest people,” he told me, then suddenly he became silent as he was staring at me, smiling.
Nahihiya naman akong ngumiti pagkatapos ay tumungo, “Kailangan ko rin po ng trabaho,” bulong ko.
“Hindi ba at estudyante ka pa lang?” pagtataka niya.
“Opo. Third year college student na po ako sa DASU, business management po ang course ko. Hindi po ako mayaman. Nakakuha lang po ako ng scholarship, pero mukhang matatanggal na po ako sa listahan kaya kailangan ko po ng trabaho para maitawid ko yung isa pang taon,” maluha-luha kong pagkukwento.
“You can stay at my house and I'll give you work. Tungkol naman sa scholarship mo, ako na ang bahala,” anunsyo ni lolo kaya naitunghay ko nang mabilis ang aking ulo.
“P-po? Pero ang sabi niyo po, isa lang sa kahilingan ko ang matutupad.”
“I am Don Alejandro Sandoval. Nice meeting you, Miss Joy Palmes. And I give excemptions, sometimes.”
Inilahad ni lolo ang kanyang kamay habang ang aking mga mata ay halos lumuwa na sa gulat.
Si lolo ang may-ari ng DASU?
Napapailing ako at hindi makapaniwala, pero inabot ko naman ang kaniyang palad para makipag-shakehands sa kanya.
“Nice meeting you din po, Sir Alejandro. Sorry po, hindi ko kayo nakilala,” I commented while we were shaking our hands. Nakaramdam ako ng pagkapahiya dahil hindi ko man lamang nakilala ang may-ari ng DASU, na nagpapaaral sa akin.
“Just call me lolo. Puro babae ang mga anak ko pero ang mga anak nila'y puro lalaki, maliban sa isang babae na hindi ko alam kung saang sulok ng mundo naroon.” Sandaling lumungkot ang kanyang ekspresyon, pero sumigla siyang muli nang humarap sa akin.
“My house is open to welcome you. Iyon nga lang ay may makakasama kang apat na makukulit na bata,” lolo added while scratching his head.
“Mga bata po? Naku! Huwag po kayong mag-alala, mahilig po ako sa mga bata. Kahit ako na po ang magpakain at magbantay sa kanila, ayos lang po,” masigla kong sagot pero tumawa lang ng malakas si lolo pagkatapos ay biglang napaubo nang hindi sinasadya.
Narinig yata iyon ni Sir Diego sa labas kaya nagmamadali itong pumasok sa loob ng kwarto para tingnan ang kalagayan ni lolo.
“Nakahanap na ako ng magbabantay sa mga apo ko,” pagbabalita ni Lolo Alejandro kay Sir Diego na ang mga mata ay nagtatanong. Nang mapagtanto niya na ako ang tinutukoy ni lolo ay tumaas ang isa niyang kilay.
“Siya?”
“Yes. She'll take care of my grandchildren.”
“I don't think she can handle those stubborn kids, Sir,” seryosong pahayag ni Sir Diego habang umiiling.
“Kayang-kaya ko po. Nakapag-alaga na rin po ako ng bata sa probinsya namin. Kaya ko rin pong mag-tutor, kung hindi niyo po naitatanong,” may pagmamalaki kong salaysay upang mapapayag si Sir Diego.
“Sigurado ka na niyan?” tanong ni Sir Diego kaya mabilis akong tumango.
“Pito ang mga apo ko pero apat lang ang makakasama mo. Huwag kang mag-alala dahil hindi sila makakaabala sa iyong pag-aaral.” Medyo nalito ako sa isinalaysay ni lolo pero dahil masayang-masaya ako'y hindi ko na iyon pinansin.
“Thank you po, Lo. Pagbubutihin ko po ang pagbabantay sa kanila. At pangako, ako po ang tatapos sa kakulitan ng mga batang iyon,” I stated while raising my right hand as I promised, making lolo laughed again while Sir Diego sighed, I don't know why.
“Ready yourself, Joy. You'll be meeting my grand kids, today.” Sinabihan ni lolo si Sir Diego na uuwi na siya. Kaagad naman itong tumalima at lumabas ng kwarto para ipaalam sa doktor na nakatoka kay lolo na uuwi na kami.
Kay dali lang turuan ng mga bata, sikmatin ko lang ang mga iyon ay tiyak na tatahimik na.