Kabanata 3

2481 Words
P-panty ko iyan! Hindi nga ako pumasok katulad ng sinabi ko kay Miah. Pinangatawanan ko talaga ang pangako kong hahanapin ko ang intsik na iyon, para kapag nakita ko ulit siya’y maitatanong ko kung ano ang mabisang solusyon at magandang gawin sa tadhana ko. Pagkatapos gamutin ni Miah ang mga galos ko sa braso at binti na hindi ko nakita kanina at pagkatapos niyang masahiin ang aking natapilok na paa ay pumunta rin ako sandali sa DASU upang kuhanin ang aking mga gamit, ngayong araw na rin ako maghahanap ng bahay na pwedeng maupahan na malapit lang sa university. Dahil katirikang tapat ngayon at nakasuot pa ako ng uniporme ng DASU ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Ang iba ay nagsasabing naglayas daw ako at huwag daw akong tularan, mahadera raw akong mayaman. Ang hindi nila alam, katulad lang din nila akong dukha. Hindi pa rin nawala ang takot at kaba sa dibdib ko kapag may nakakasalubong akong mga lalaki, lalo na kung may suot itong salamin sa mata. Bumabalik kasi sa aking alaala ang gagong lalaking muntik ng sumira sa aking puri. Maingay at mausok sa kalye, maraming mga batang naglalaro sa lansangan, ang iba pa nga'y nakikipagpatintero pa sa mga naglalakihang sasakyan. Araw-araw ay ganito ang nakikita ko sa siyudad. Maraming namamalimos, mga bata at matatanda, maraming mga snatchers, at kung ano-ano pa. Ganito palagi ang sitwasyon simula nang dumating ako rito sa siyudad. Welcome to the Philippines, kung saan ang mayayaman ay lalong yumayaman at ang mga mahihirap ay lalong humihirap, sa bansang walang pangil ang batas, mga korap laging nakakatakas. I stopped in front of a cafeteria when I saw an announcement, telling they need a part-time waitress. Lumawak ang ngiti sa aking mga labi at bigla akong nakaramdam ng kasiyahan. Gusto kong magpatalon-talon ngunit nang ma-realize kong naka-skirt nga lang pala ako ay pinili ko na lang na pagdikitin ang aking mga palad at pumikit upang magdasal. “This is it, Joy,” I muttered as I took a deep breathe. Naaamoy ko na ang bago kong trabaho. I was giggling and smiling not until I saw a familiar face of the man who went out of the glass door of the cafeteria. Maputi ito at may taglay na singkit na mata. I blinked slowly when our eyes met and when I realized that he was the Chinese I was telling about, I immediately pointed my index finger to him. “Ikaw!” sigaw ko. Ang akala ko'y talagang matatakot na ako sa mga lalaki, ngunit nang makita ko itong intsik na nasa harap ko ngayon ay biglang nawala ang lahat ng pangamba sa dibdib ko. My feelings changed, from a scared cat, I turned into a scary monter who wanted to eat this man. Nakaramdam ako ng masidhing pagkainis kasabay ng pagsasalubong ng aking dalawang kilay. “Ako?” He innocently pointed himself as his eyes bugged out when he remembered my face. Nang unti-unting luminaw sa kaniyang alaala ang lahat ay kumurap ng mabagal ang kaniyang mga mata. “Oo, ikaw nga!” singhal ko pero bigla na lamang siyang napaatras. Alangan siyang ngumiti pagkatapos ay akmang tatakbo, kaya inunahan ko na siya sa kaniyang daanan. Para kaming naglalaro ng patintero sa harap ng cafeteria at kapag nataya ko siya'y mahahaklit ko talaga siya ng batok. “Ayun, ang isang may itim na laso!” he shouted, pointing at my back. Ako namang si uto-uto ay lumingon kaya natuptop ko ang akinh noo nang nakawala siya sa akin. “Bumalik ka rito! May itatanong lang ako.” Bumuntong-hininga na lang ako nang hindi niya ako pinakinggan. Mabilis siyang nakalayo, pero dahil kailangang-kailangan ko ng tulong niya ay hinabol ko siya kahit na hindi pa masyadong magaling ang paa ko at kahit na mahirap ang ginawa kong pagbuhat at paghila ng luggage ko. “Sandali lang!” I called him but he never looked back, instead ran faster even more. “Humanda ka talaga sa aking intsik ka! Dapat sa inyo, pinapatapon sa scarborough shoal!” Mas binilisan ko rin ang pagtakbo gaya ng ginawa niya. Hinabol ko ang intsik na iyon hanggang sa hindi ko nakita na may nakabunggan akong isang bulto ng lalaki. Sa bilis ng aking pagtakbo ay tumilapon ang luggage ko sa daan at nasira ang mga gulong. Bumukas din ang lock nito kaya lumantad ang mga damit ko, ang iba ay nahulog pa sa lupa. “Idiot,” the man commented making me glanced at him. Manghihingi pa sana ako ng paumanhin kung hindi ko lamang siya nakilala. “Bryan Sanchez,” I said his name and I rolled my eyes on air. Wala na bang ibang pwedeng makabungguan kundi siya? Kasama niya ang kaniyang mga ka-grupo sa band ng DASU, ang MAD Prince, na binubuo nina Axl sa bass guitar, Hans sa keyboard, Kevin sa drums at siya, si Bryan Sanchez na lead vocalist ng grupo. “I thought you didn't know me,” he answered, showing me an annoying look. Hindi ko naman siya pinansin dahil nakatingin ako sa mga damit kong nakakalat. Nasapo ko na naman ang aking noo, problemadong-problemado ako ngayon. Wala na nga akong matitirahan, nasira pa ang luggage ko at hindi ko na naman alam kung saan hahanapin ang intsik na iyon. Saan na kaya ako pupulutin nito? Isang beses pa akong nagpalinga-linga sa paligid, sinusubukan ko pa ring hagilapin kung makikita ko pa ang hinahabol ko dahil umaasa akong makakakuha ng pangontra sa sinabi niya noon. Iyon ang dahilan kung bakit ko siya hinahabol. Kailangan ko ng pangtaboy ng malas. Intsik siya kaya alam niya kung ano ang dapat gawin para swertihin naman ako. Pero dahil tinakbuhan niya ako na parang guilty siya at may nagawang malaking kasalanan sa akin ay kumulo muli ang dugo ko sa kaniya. “I think you owe me an apology, Miss Palmes,” he demanded. My heart suddenly flipped a second when I heard him called my name. Nagulat ako dahil kilala niya kung sino ako, pero nang makita kong siyang nakatingin sa ID ko ay bigla akong nairita. Hmp! Kaya pala! “Sorry!” Napalakas ang aking pagkakasabi dahil hindi na talaga maganda ang mood ko. Saka bakit kasalanan ko na naman? Kitang-kita ko naman na sinadya niyang dumaan sa harap ko para mabunggo ko siya. “Sorry?” He was irritated then he shook his head. He was always like this, wearing his serious annoying face. Kaya naman ilag na ilag sa kaniya ang lahat. Galit yata ang isang ito sa mundo, ni ayaw mag-effort na ngumiti kahit na pilit lang. “Sorry na nga!” pag-uulit ko bago nakipaglaban ng titigan sa kaniya. Axl, his bandmate patted his shoulder. Pinipigilan nito ang nagngingitngit na si Bryan. “Sino ang hinahabol mo, si Chen ba?” tanong ni Hans bago namulsa sa aking harapan. Kumunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. “Sino? Chen? Chen ba ang pangalan ng gagong intsik na iyon?” My blood was boiling that's why I accidentally cussed. Napaawang naman ang mga bibig nila dahil hindi halata sa itsura ko ang nagmumura. “Ah, hindi. It's his surname. Bakit, isa ka rin ba sa pinaiyak niya? Pero kung habulin mo siya ay parang hindi naman, mukha ka kasing papatay ngayon, e,” komento ni Axk bago tumingin kay Bryan na hindi umiimik. “Alam niyo ba kung saan nakatira ang Chen na iyon? Pakiramdam ko kasi ay nagoyo ako niyon. Bigla na lang akong binasahan ng tadhana ko raw, pagkatapos nagkanda-leche leche na ang buhay ko. Kailangan ko tuloy ngayon ng pangontra,” I complained, making them all chuckled except for Bryan who was still busy looking down on the ground. “Chen is a family of rich Chinese. Marunong sila ng martial arts, kamag-anak yata nila si Jackie Chen,” entrada ni Kevin pagkatapos ay ginaya pa ang signature moves ni Jackie Chen este. . . “Tanga, brad. Jackie Chan iyon, hindi Jackie Chen.” Tumatawang salungat ni Axl sabay akbay kay Kevin na napangiwi. Hindi raw makaintindi ng joke ang mga kaibigan niya. “Teka nga! Hindi ba at may pasok, bakit kayo nagka-cutting?” pag-uusisa ko sa kanila bago sila isa-isang tinapunan ng tingin, maliban kay Bryan na may kung anong pinupulot sa ibaba. “Ask it to yourself, too. And why are you believing on Chinese superstition? Hindi ka naman Chinese,” Bryan suddenly uttered as he stood up then my jaw dropped as well as my heart beat fast when his hand lifted a piece of white cloth. What the hell?! It's mine. Kumakalampag ng mabilis ang aking puso at unti-unti akong nag-init ang aking pakiramdam. Hindi maipinta ang aking mukha habang siya'y walang kaalam-alam sa tela na iwinagayway pa ng kanyang kamay. “Wearing a school uniform outs—” Hindi na niya natapos ang linya niya dahil mabilis kong itinuro ang hawak niya pagkatapos ay malakas na sumigaw. Napatakip pa ako ng bibig at wala sa sariling napalingon sa kanyang mga kaibigan. Napatingin naman siya pati na rin ang mga kaibigan niya sa bagay na nasa kaniyang kamay. Pare-parehong nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ng tuluyan niyang ma-realize kung ano ang hawak niya. “Bryan!” sigaw ko nang dahan-dahan niya pa itong buklatin. Muntik na siyang matumba sa kaniyang kinatatayuan nang tuluyang makita kung ano ang dinampot niya sa lupa. “P-panty ko iyan!” I screamed before I quickly moved towards him to grip it away from his hand. “F-fvck,” he cussed, stammering. Nasamid pa siya at malakas na napaubo habang pinamumulahan ako ng pisngi. Nanginginig ang aking mga daliri at mas mapula pa sa kamatis ang mukha ko. Pinagpapawisan ako ng malagkit habang ang aking puso ay parang nakikipaghabulan sa mga paru-parong nakikita ko sa paligid naming dalawa. His friends laughed out loud while he was still in shock. Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan, pati ang kamay niyang kaninang nakataas ay ganoon pa rin ang pwesto. Masyado yata siyang nagulat. “Manyak!” singhal ko bago pinagpupulot ang iba ko pang mga damit. Hindi ko na nakuhang ayusin ang mga ito dahil nagmamadali ako, gusto ko nang tumakas sa kahihiyan. “I-I am not!” pagkontra niya ngunit hindi ko siya pinakinggan. Nagtatambol pa rin ang aking puso, gusto ko nang lumubog sa lupa. “Yes, Bry isn't a p3rvert. Watch your words, Miss Palmes. Mga virgin pa kaming lahat, hindi namin alam iyang ibinibintang mo.” Natatawang salaysay ni Axl bago inakbayan si Bryan na hindi na naman kumikibo. Nagtakip ako ng mukha pagkatapos ay umupo sa gilid ng kalsada upang isalansan ang mga lahat ng mga nahulog kong damit sa luggage kong nasira. Nang maayos ko ng wala pang limang segundo ay kumaripas na ako ng takbo, buhat-buhat ang mabigat kong luggage. Saka ko lang naramdaman na sumasakit ulit ang aking paa at mabigat ang binubuhat ko nang mawala sila sa paningin ko. Napasinghap ako ng maraming hangin bago ako tuluyang napaupo sa tabi ng kalsada. Parang tanga naman kasi! Nahawakan ni Bryan Sanchez ang panty ko! Imbes na takot ang naramdaman ko kanina sa harap ng apat na kalalakihang iyon ay kahihiyan pa ang natamo ko. Hawak ko ang aking dibdib na ayaw pa ring tumigil sa pagwawala habang parang sirang plaka na bumabalik sa isip ko ang nangyari kanina na nakakawala ng dignidad. Matapos kong magdrama ay pinagpasyahan ko na lang na magpatuloy sa buhay. Tumayo ako upang bumalik sana sa cafeteria na pag-aaply-an ko sana ng trabaho pero bigla na lang akong may nakitang matandang lalaki na biglang dumaing habang hawak ang kaliwa nitong dibdib. Busy sa kani-kanilang buhay ang mga tao at hindi nila napapansin si lolo kaya kahit paika-ikang naglalakad habang bitbit ang sira kong luggage ay lumapit ako sa matanda. “Lolo, ayos lang po ba kayo? Tatawag ho ako ng makakatulong,” I stated in panic then I told him to stay on his position. Nagsisigaw ako at nagpabalik-balik para humingi ng tulong. Marami namang tao ang pumalibot sa amin, ang iba ay lumapit upang bigyan ng first aid si lolo, ang ilan naman ay tumawag sa emergency hotline number ng bansa. “Sir, are you alright?” a middle-aged man asked as the crowd gave a way. Ito yata ang kasama ni lolo. Binigyan ng lalaki si lolo ng gamot at tubig na ininom niya naman kaagad “M-masakit,” sagot ng matanda habang nakangiwi bago bumaling sa akin, “Thank you, young lady.” Ngumiti sa akin si lolo pagkatapos ay sinubukang tumayo ngunit hindi nito kinaya. Hinawakan na naman nito ang kanyang dibdib at dumaing. Inalalayan namin siyang tumayo pagkatapos ay mabilis na kumuha ng cellphone ang kasama ni lolo. May tinawagan ito bago tumingin sa aming dalawa ni lolo. “Let's go to the hospital, sir,” he announced, then he held lolo's arm. “Take this lady, too. I-I want to properly thank her.” Naituro ko ang aking sarili. Nang tumango ang kasama ni lolo ay napatingin ako sa luggage ko. “Huwag na po, marami po akong dalahin,” pagdadahilan ko upang makatanggi. “Don't worry, Miss. Kasya naman iyan sa ambulansya,” sagot ng lalaki bago tumingin kay lolo na iniinda pa rin ang kanyang kaliwang dibdib. Sa isipin na makakasikip lang ang dalahin ko sa sasakyan at nang maisip ko rin na hindi na ako makaatras ay nakaisip ako ng paraan para hindi ako ma-hassle sa pagbibitbit ng gamit ko. Nagpaalam ako sandali sa matanda at sinabing babalik din ako kaagad. I ran faster as I could towards the way I took earlier. Sana ay makita ko pa sina Bryan. Kahit na pawis na pawis ay tuloy lang ako sa pagtakbo, hindi ko ininda ang p*******t ng namamaga kong paa dahil mas kailangan ako ng matanda ngayon. Napangiti ako nang maabutan ko sila na papasok sa cafeteria na pag-aaplyan ko sana ng trabaho. “Bryan!” I shouted his name, causing him to look at my direction. Bryan and his friends looked confused as I ran towards their position. “What?” naiinis niyang tanong bago tumingin sa tangan kong luggage. Kahit nakakahiya man ang gagawin ko'y nilakasan ko na ang aking loob. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ng mabilis. “Bryan, ipapatago ko lang muna sa'yo ito. Kukunin ko rin, may emergency lang. Salamat.” Inilagay ko kaagad sa kaniyang mga kamay ang luggage bago ako tumakbo ng napakatulin. “You, brat!”he shouted. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa pagtakbo ko kaya kumakabog ng mabilis ang puso ko o dahil may iba pang dahilan. Saktong pagdating ko sa lugar kung nasaan ang matandang lalaki at sakto rin ang pagdating ng ambulansya. Napabuntong-hininga na lamang ako nang makapasok sa ambulance kasama si lolo at ang kasama nito. I was praying that Bryan won't throw my things away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD