Kabanata 16

1548 Words
Third Person's Point of View Sumaglit siya sa opisina niya sa loob ng Café. Doon niya inilagay ang bag at kinuha ang tissue sa ibabaw ng desk niya. Tinungo niya ang daan papuntang counter area. Oras na para putulin ang kaligayahan ng mga babaeng iyon. Mukhang pasasa na ang mata ng mga ito. Malapit na siya sa counter ng biglang sumulpot si Crisha sa harapan niya. “Hinay-hinay, Ms. Maribelle. Makakarating ka rin sa counter.” May halakhak nitong sabi. Bubulyawan niya sana ito pero mabilis itong nakaalis sa harapan niya at nagtungo sa table na pagse-serve-an nito. She frowned. Nang makarating siya sa counter ay kinulbit niya sa likuran ang lalaki. Kita niya ang pagtulo ng pawis nito pero napakabango pa rin ni Noah. Kung maaari lang na sumandal siya sa likuran nito ay nagawa niya na. Noah looked at her when he felt someone’s poking his back. “Rest now, Noah. I’ll handle this.” Malambing niya sabi. Ilag segundo niya itong tinitigan. Muli niyang pinag-aralan ang mukha nito. Mula sa itim na itim nitong kilay, sa mapungay nitong mga mata at sa matangos nitong ilong. Napalunok siya nang sa mapupulang labi na siya nito nakatingin. Hindi niya namalayang inangat niya ang kaniyang kamay na may hawak na tissue para punasan ang noo nitong puno ng pawis. Lumipat ang kaniyang kamay sa leeg nito at maingat na pinunasan iyon. Ang puti ng balat ni Noah. Mas maputi pa ito sa kaniya. She drew a breath. Her heart was thudding inside her ribcage. Saglit siyang natigilan ng mapagtanto niya kung anong kabaliwan ang ginagawa niya. Ramdam niya ang matatalim na mata ng mga babaeng ngayon ay nakatingin na sa kaniya. Marahan niyang iniangat ang tingin ng sa ganoon ay magtama ang mata nila ng lalaki. Bakas ang pagkabigla sa mukha nito pero agad din namang ngumiti. Hindi siya nakaligtas sa mala-tigreng mata ng mga tao roon. Para siyang isang paing at naghihintay na lamang siya sa kung sino ang lalapa sa kaniya. Sumulyap siya sa pila at lahat ng mga babae roon ay masama talaga ang tingin sa kaniya. Gusto niyang kainin na lamang siya ng sahig at huwag ng ibalik pa sa kahihiyang iyon. She distanced herself and looked away. “Magpahinga ka na sa office ko. Ako na ang bahala rito.” She timidly said. Tumayo siya sa counter at kunwaring inaayos ang computer. “Are you sure?” He inquired. Ramdam niya ang presensiya ng lalaki sa kanyang likuran. Her hair on her nape rose when she felt he’s breathing nearly. “O…oo, ayos lang ako rito.” Paano ba siya hindi mauutal kung napakalapit ng lalaki sa kaniyang likuran? Kulang na lang ay yakapin siya nito sa sobrang lapit nila. Noah tapped her shoulder. Hindi niya na naramdaman ang presensiya nito. Siguro ay pumunta na ito sa opisina niya. Pilit na ngiti ang pinamalas niya sa mga customers na naroroon. “What’s your oder, ma’am?” Naaasiwa siyang tiningnan ng customer. She’s a teenager. Nakataas pa ang kilay nito habang tinitingnan siya. “Girlfriend ka ba ni Hot Coffee Guy?” Puno ng hinanakit ang boses ng dalagita. ‘Hot Coffee Guy?’ May nickname na agad si Noah sa mga fans nito. Palihim siyang napangisi dahil sa inasta nito. Napagkamalan pa siyang girlfriend ni Noah na mas lalong nagpatalon sa saya sa puso niya. “Do you want to try our new flavor coffee?” Hindi niya sinagot ang tanong nito. Nanatili siyang nakangiti. Lalong naging asiwa ang mukha ng kaharap. “Are you deaf? I’m asking you!” Tumaas na ang boses nito na nakakuha sa atensyon ng ibang customers. But still, she maintained her smile. “We also have a new flavor for the cake.” The girl took a deep breath and annoyingly looked at her. Kaunti na lang siguro ay masasapak na siya nito. But she doesn’t care. Wala itong magagawa kung ayaw niyang sagutin ang tanong nito. “Hindi ka ba sasagot o manggugulo ako sa Café na   `to?” Desperada nitong tanong. Ganoon ba ito patay na patay kay Noah para gawin `yon? Isa pa, hindi pa ba panggugulo ang ginagawa ng dalagita? “Sorry, ma’am, but your question is too personal.” Nakangiti pa rin siya rito na alam niyang mas nakapag-paasar dito. “Personal? Tinatanong ko lang naman kung girlfriend ka niya! Anong personal sa tanong ko?!” She howled in annoyance. Natahimik ang lahat at nakatuon ang atensyon ng mga ito sa kanila. Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit hindi siya nagpalagay ng guard sa Café nila. Kampante kasi siya noon na wala namang magtatangkang manggulo sa Café. She let out a short sigh. Bakit ba big deal dito kung girlfriend siya ni Noah o hindi? Sa tingin ba nito ay papatusin siya ni Noah? He’s a seminarian. Wala rin naman itong pag-asa sa lalaki. She was about to speak when she felt a presence behind her again. Her hair on her nape rose when she felt he’s breathing behind her neck. Pamilyar sa kaniya ang amoy nito at tanging isang lalaki lang naman ang nakakapagpabaliw sa kaniyang puso ng ganoon. “Yes, she is.” Hindi mahihimigan ng biro ang boses ni Noah. Seryoso ang boses nito na lalong nagpahumindig sa kanya. Parang ngayon niya lamang narinig na ganoon kaseryoso ang boses ng lalaki. Napaawang ang bibig ng dalagita habang nakatingin sa kanilang dalawa. Rinig din niya ang singhapan ng mga taong naroroon. Marahil ay nabigla rin sila sa sagot ni Noah. Lumingon siya sa lalaki at mukhang mali ang kaniyang naging desisyon. Muntik na namang maglapat ang kanilang mga labi dahil bahagya pala itong nakatungo sa kaniya. Buti na lamang nailayo niya ang sarili rito ngunit nawalan siya ng balanse. Ramdam niya ang pagpulupot ng mga bisig ng lalaki sa kaniyang bewang. Napakapit siya sa matipuno nitong dibdib. Lalong lumakas ang singhapan ng mga customers na naroroon. Ramdam niyang mas lalong humigpit ang mga kamay nitong nakapulupot sa bewang niya. They were so near to each other. Maling galaw niya ay paniguradong hindi na makakadaan ang hangin sa pagitan nilang dalawa. Seryoso ang mukha nito at bakas ang pag-aalala. She gulped at the intensity of Noah’s eyes as he stared at her. Maging siya ay napasinghap dahil sa nakakatunaw nitong titig. “Are you okay?” Mahina ngunit puno ng lambing nitong tanong sa kaniya. “No…” Paano siya magiging maayos kung ganoon sila kalapit sa isa’t isa at sa harap pa ng maraming tao na kulang na lang ay patayin siya sa isip ng mga ito? Nang hindi niya na matagalan ay kusa na siyang lumayo kay Noah. Linuwagan nito ang mga bisig na nakayakap sa kaniya para tuluyan siyang makawala. Nakaabang na si Crisha sa kanya. Ito ang tumayo sa harap ng counter nang magsimula siyang maglakad patungo sa opisina niya. Ramdam niyang nakasunod si Noah. Hindi niya alam kung paano haharapin si Noah. Nahihiya siya sa nangyari. Nagkunwari na lamang siyang inaayos niya ang kaniyang gamit habang ito ay nakaupo sa sofa. “Are you really okay?” He asked worriedly. Wala na siyang nagawa kundi harapin ito. “Ayos lang ako. Don’t mind me.” Tumabi siya rito para hindi nito mahalata na naiilang siya. “Bakit mo naman sinabing girlfriend mo ako? Gusto mo ba akong dumugin ng fans mo?” She chuckled. Dinaan na lamang niya sa biro ang pagkabog ng bilis ng kaniyang puso. Tumawa rin ito at binalik ang tingin sa kaniya. “Girl friend naman talaga kita, `diba?” He pokes her nose. “Babaeng kaibigan, hindi ka naman lalaki, eh.” Her world stops spinning. Pain struck her heart. Sinabayan niya ang pagtawa nito kahit ang gusto niyang gawin ay komprontahin ang lalaki at sabihing hindi iyon ang gusto niyang ituring nito sa kaniya kundi higit pa roon. She doesn’t want to be his friend. She wants more. But she’s aware of it. Kahit kailan ay hindi mangyayari ang gusto niya. “Bakit ka nga pala nandito sa Café? Hindi ba umalis ng bahay sina Mom?” Pag-iiba niya sa usapan. “They went to the salon. Your Dad accompanied his friend while Lucas tags along with his basketball team.” Pahayag nito. “Naisipan kong dito na lang ako para may kasama ka. Saan ka nga pala galing?” “Binisita ko ang bestfriend ko sa bahay niya. Doon na rin ako nag-lunch.” She paused for awhile. “Nakakain ka na ba ng para sa tanghalian?” “Kumain na ako sa pinakamalapit na restaurant.” Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sagot nito. Akala niya ay nagpalipas na naman ito ng gutom para tumulong sa pag-asikaso sa mga customers. “Dinumog na naman ang Café dahil nalaman ng mga fans mo na nandito ka.” She grinned. “Are you aware that you have a nickname?” Kumawala ang bungisngis sa kanyang mga labi. Naalala na naman niya ang reaksyon ng dalagita. Seryoso pa nitong binanggit ang nickname ni Noah. “Nickname?” His forehead creased. “Your fans calling you ‘Hot Coffee Guy’.” She puffed a loud laugh. “Hindi na ako magugulat kung isang araw viral na ang video mo sa f*******: habang nagse-serve ng coffee.” Kumawala rin ang bungisngis ng lalaki dahil sa kaniyang sinabi. “I didn’t know they’re calling me that.” “Napag-isip-isip kong may advantage rin naman ang pananatili mo sa Café namin. Nagiging triple ang customers ng Café dahil sayo.”  “Should I come here every day then?” “No. I want you to enjoy your vacation bago ka maging ganap na pari.” Isang pekeng ngiti ang umukit sa kaniyang mga labi. Kung alam lang nito na tutol siya sa pagpapari nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD