Third Person's Point of View
KASALUKUYAN siyang nasa loob ng bahay ng childhood bestfriend niyang si Mikee. Nasa ibang bansa ang pamilya nito kaya mag-isa itong tumitira sa bahay nito.
Kasabay niya itong gumaraduate sa kolehiyong kaniya ring pinasukan. Nakahilata siya sa kama nito habang nakatingin sa kisame at ang kaibigan naman ay nakaupo sa computer desk at tutok doon ang mga mata habang nagtitipa sa keyboard.
Hindi niya na mabilang kung nakailang buntong hininga na siya. Sa bahay siya nito dumeretso pagkaalis niya sa bahay nila halip na sa Café. Doon siya nagpahatid sa driver nila. Tumawag na naman siya sa Café at pinaalam niyang pagkatapos pa ng tanghalian siya makakarating doon.
“What’s your problem?” Tanong ng kaibigan na hindi man lang lumilingon sa kaniya. Patuloy lamang ito sa pagtitipa sa keyboard.
Umupo siya sa kama nito at marahang ginulo ang buhok. “Myself?” She said, pouting. Sa wakas ay hinarap na siya nito. Umupo rin ito sa kama nito at isang nakakaasar na ngisi ang pinukaw nito sa mga labi.
“I’m asking for your shits.” She snickered.
Binato niya ito ng unan sa mukha. Binato naman nito pabalik ang unan sa kaniya. Kahit wala pang karanasan ang kaibigan sa buhay pag-ibig ay masasabi niyang marami itong alam na makakabuting mga payo. She’s an author. So, what she would expect? Gamay na nito ang larangan na iyon.
“To be specific,” She pointed her left chest, “this is my problem.”
She scrutinizingly gazed at her. “Who?”
She laid down on the bed again and stared at the ceiling. “I don’t want to make it deeper.”
“You didn’t answer my question. Sino iyang kinababaliwan mo ngayon?” Nakataas ang isang kilay nito at bahagyang pinagkrus ang mga braso sa harap ng dibdib. She took a deep breath and gasped. Dapat ba niyang sabihin? Baka asarin na naman siya nito.
“I’m waiting, Maribelle.” Naiinip nitong sabi.
“You don’t need to know him.” Binaling niya ang paningin sa ibang direksyon. Hindi niya kasi matagalan ang nangingilatis nitong mga mata. “Hindi rin naman siya pwedeng maging akin.”
“Is he married or something?” She curiously asked.
“He’s not.” Tila bumibigat na naman ang dibdib niya. “He’s a seminarian.” A pain struck inside her chest. Mas dumoble ang sakit kapag siya ang bumabanggit ng katagang iyon.
She’s just poker face while looking at her. There’s no hint of any astonishment. “Since when?” Tanging tanong nito.
“Since….” She puffed a breath and calmed her numb heart. “I just met him two days ago. Imposibleng mahulog agad ako sa kaniya. You know me, hindi ako ganoon kadaling mahulog sa isang tao.” She was jabbering. “Yes, he’s handsome, respectful, caring, kind, at lahat na yata ng magandang katangian ay nasa kanya na. Siguro gusto ko lang siya. I’m just… confused.” Humugot siya ng malalim na hininga.
“Hindi ko pa naman siya mahal, hindi ba?” She poutedly inquired.
Hindi pa naman siguro pagmamahal ang nararamdaman niya. Masyadong mabilis iyon. Dalawang araw pa lamang silang magkakilala ni Noah.
Mikee tapped her shoulder. “Love is not about how long you spend together. But it is about how he makes you happy in every minute of your day.”
She looked straight in her eyes. “Hindi ibig sabihin na dalawang araw mo pa lang siyang nakikilala, hindi pwedeng mahalin mo agad siya. May pagkakataon talaga na masyadong mapaglaro ang tadhana. Pupuruhin ka ng pana rito,” she pointed her left chest, “at sa puntong `yon, wala ka ng kawala.”
Tama naman ang sinabi nito. Hindi sa tagal ng panahon para masabi mong mahal mo na ang isang tao kung hindi nasa nararamdaman iyon. Kaya lang hindi niya kaya. Natatakot siyang harapin ang tunay na nararamdaman. Natatakot siyang masaktan dahil kahit pagbaligtarin man ang mundo, isang malaking katotohanan ang sasampal sa kaniya na hindi talaga sila ang para sa isa’t isa.
Humalukipkip siya sa balikat nito. “Kapag kasama ko siya habang pinagmamasdan ang mga tala, nawawala `yong lungkot. It seems like I already hold the thing I badly want.”
“Are you scared to fall in love deeply with him?” Nanatili siyang walang kibo at hindi umiimik. Alam naman niyang alam na ng kaibigan ang sagot sa sarili nitong tanong. “Ano bang kinakatakot mo?” She chuckled. Umalis ito sa tabi niya at hinarap siya. “C`mon, Maribelle, he’s just a seminarian. Pwede pa siyang magback-out sa pagpapari.”
Lalo niyang kinalungkot ang sinabi nito. “He can’t. He already surrendered his life to God.” Ilang beses niyang kinurap ang mga mata para pigilan ang luhang nais kumawala. “Two weeks na lang at magiging ganap na siyang pari.”
“What’s his name?” Mikee inquired. Binato siya nito ng tissue. Mukhang napansin nito ang pagtutubig ng kaniyang mata.
“Noah… Noah Adan Salazar,” sagot niya.
“Is there something like strings pulling you towards him?” Bahagya pa itong natawa sa sinabi.
She let out a short laugh and answered her question after. “There is. Masyadong mahigpit ang taling `yon to the point na ayaw kong mawala si Noah sa paningin ko.”
“Did he feel the same?”
Natigilan siya sa tanong nito. Pareho kaya sila ng nararamdaman ni Noah? May pag-asa kayang gusto rin siya nito?
“It’s impossible to happen. Like he said, inilalayo niya ang sarili sa babaeng sa tingin niya ay nagbibigay ng ibang pakiramdam sa kaniya para hindi siya tuluyang mahulog dito.” Linaro niya ang yapos-yapos niyang pillow. “Hindi naman siya umiiwas sa akin kaya sa tingin ko hindi kami pareho ng nararamdaman.”
“The eyes told what heart felt.” Muling naging seryoso ang boses ng kaibigan. “Bakit hindi mo subukang tingnan siya sa mata? Malay mo ay nandoon lamang ang sagot sa mga tanong mo.”
Gaya ng ginawa sa kaniya ni Noah kagabi, tiningnan siya nito sa mga mata para malaman ang nararamdaman niya. Ikagagalak niya kaya ang sagot na makukuha niya sa pagtitig sa mga mata ni Noah?
BANDANG ala-una na siya nakarating sa Café. Sa bahay na rin ni Mikee siya nagtanghalian. Nag-commute na lamang siya kesa magpahatid pa siya sa kaibigan. Kita niya mula sa labas ng Café ang mga customers na wala ng maupuan. Napakarami ng nakapila sa counter area at marami pang pumapasok sa Café kahit puno na ang mga table.
Binilisan niyang makapasok sa loob. Her heart nearly leaped out to her ribcage and different emotions were starting to rummage her body again. It feels like her knees were ready to wobble when she met the eyes of the man standing in front of the counter area. He was wearing a plain black T-shirt and it fits him well. Lalong lumitaw ang kaputian nito sa suot.
Tila may kung anong humaplos sa puso niya ng ngitian siya nito bago ipagpatuloy ang pag-a-assist sa mga babaeng pumipila sa counter. Puro babae ang nakapila roon maging ang mga customer na nakapalibot sa buong Café. Lahat ng mga mata ay kay Noah nakatingin. Mahihimigan pa ang impit na tilian habang pinagmamasdan ang lalaki. May naririnig din siyang samo`t saring papuri para kay Noah. They were really admiring him. Talagang dinayo pa ng mga ito ang Café nila para masilayan ang lalaki.