Kabanata 14

1005 Words
Third Person's Point of View  “Matutulog ka na ba?” He inquired. “Do you mind to gaze the stars with me?” Kita niya ang pagkislap ng mga mata nito pagkatapos ay ngumiti. Sinalubong niya ang nagniningning nitong mga mata. “Let’s watch the stars tonight.” She gulped at the intensity that she’s feeling right now. Nasisilaw siya sa ngiting iyon ni Noah. Nagtungo sila sa balkonahe at magkatabing naupo sa sofa nang makapagpalit siya. Malamig man ang simoy ng hangin ay hindi niya inalantana iyon. Gusto niyang makasama ang lalaki. “Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga tala.” “Gaya nang sinabi ko sa iyo ay nakararamdam ako minsan ng lungkot sa tuwing pinagmamasdan ko sila.” Ramdam niyang sa kaniya nakatingin ang lalaki. “I badly want to touch them, to go near them, but the only thing I could do is to watch them from afar.” Namutawi ang kaunting hapdi sa kaniyang dibdib. Nagtama ang mga mata nila ni Noah. Malamlam ang mata nitong nakatingin sa kaniya at nagbibigay iyon ng kakaibang kiliti sa kaniyang puso. “I don’t know but every time I watch the stars, there’s something in my heart that I want to hold something but I can’t.” Sabihan na siyang overreacting pero iyon talaga ang nararamdaman niya. “There’s an eagerness inside you that you want to own but it doesn’t destine for you.” Tama ang sinambit na iyon ni Noah. Ganoon nga ang nararamdaman niya. Gusto niyang angkinin ang isang bagay pero hindi naman ito nakalaan sa kaniya. Katulad na lamang ng nararamdaman niya para sa lalaki, gusto niya ito pero hindi ito sa kaniya. Hindi ito para sa kaniya. She let out a short laugh. “I know it sounds crazy. Pero iyon ang nararamdaman ko sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga tala.” Her eyes were beguiling towards him. Humarap si Noah sa kaniya tyaka pinagkatitigang maigi ang kaniyang mga mata. Tila linulukob nito ang buo niyang enerhiya dahil sa ginagawa nito. Kung hindi nito ilalayo ang sarili sa kaniya ay baka makagawa siya ng kasalanang hindi niya makakalimutan. Baka hindi niya na mamalayang naidampi niya na ang mga labi niya sa mapupula nitong labi. Their faces were just inches away from each other. Akma siyang iiwas dito ngunit napapitlag siya nang marahang haplusin ni Noah ang kaniyang mukha at muling binalik ang kaniyang mga mata sa pagtititigan nila. Nagsusumamo ang mga mata nitong huwag siyang bibitaw sa nakakaubos enerhiyang pagtatagpo ng kanilang mga mata. Gustuhin man niyang umiwas ay hindi niya magawa dahil hanggang ngayon ay nakahaplos pa rin ang malambot na kamay ni Noah sa mukha niya. He’s killing her inside. “Noah…” Napapaos niyang banggit sa pangalan nito. Dahil sa tawag na iyon ay mukhang natauhan ang lalaki. Ito na ang kusang lumayo at binitawan ang kaniyang pisngi. Dahil sa liwanag ng buwan at mga tala, nakita niya ang pamumula ng mga tenga nito. Marahan din nitong hinimas ang leeg na ang ibig sabihin lamang noon ay nahihiya si Noah. Awkwardness covered both of them. Her heart nearly leaped out in her chest. There were butterflies inside her stomach that roaming inside her body. Gusto niyang matanggal ang tensyong namagitan sa kanila ng lalaki pero hindi niya alam ang gagawin.  “Every time I want to know the emotion of the people in front of me," Muli nitong hinimas ang kaniyang leeg. “Every time I want to know the emotion of the people in front of me,” he smiled. “Napalapit yata ako masyado sayo.” Nang magtamang muli ang mga mata nila ay kusang lumabas ang parehong silang natawa. Mabuti na rin iyon para mawala ang tensyong namamagitan sa kanilang dalawa. Sinandal niya ang likod sa sofa at ganoon din ang ginawa ng lalaki. Bahagya pang nagkadanggil ang kanilang mga braso na nagpabilis ng t***k sa kaniyang puso. Ipinatong ni Noah ang mga braso nito sa sofa kaya’t mukhang nakayakap ito sa kaniya. Kung para sa lalaki ay walang malisya ang ginawa nito, sa kaniya naman ay parang mauubusan na siya ng hininga dahil sa pagpipigil na tumili sa harap nito. Ngayon ay ramdam na ramdam niya ang init na linalabas ng katawan ng lalaki. Kahit papaano ay naiibsan nito ang lamig na kaniyang nararamdaman. “Have you ever think to create your own family and have children?” Hindi niya pinag-isipan ang kaniyang tinanong dito. Akala niya ay hindi nito sasagutin ang tanong niya pero agad din namang nagsalita si Noah. “Hindi ko alam.” Rinig niya ang pagbuntong hininga nito. “I can't decide on my own as there are some things I need to consider.” Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagkalapit ang kanilang mga mukha nang lingunin nila ang isa’t isa. Dumako ang kaniyang mga mata sa labi nitong minsan nang dumampi sa sulok ng kanyang mga labi. Matamang nakatitig sa kaniya si Noah. Hindi siya nakakaramdam ng lungkot sa tuwing pinagmamasdan ang mga bituin dahil kasama niya ito. Mayroon siyang napagtanto. Katotohanang kahit paulit-ulit niyang takasan ay pauli-ulit din siyang hahabulin. Sa maikling panahon nilang nagkasama ng lalaki ay hindi niya akalaing ganito ang magiging epekto nito sa kaniya. Kita niya kung paano bumaba ang mata ni Noah sa kaniyang mga labi. Hindi rin makaliligtas sa kaniya ang nagniningning nitong mga mata habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha.             Walang kasiguraduhan kung pareho sila ng nararamdaman. At mas lalong hindi siya aasa na magagawa nitong talikuran ang pagpapari para lamang sa kaniya. Para siyang baliw sa pag-ibig na handang tumalon sa madilim na bangin na walang kasiguraduhan kung may malambot na kutsiyong sasalo sa kaniya.             “Inaantok na ako. Goodnight.” Isang pilit na ngiti ang binigay niya rito bago siya nagmadaling pumasok sa loob ng kaniyang kwarto. Wala siyang narinig na kahit isang salita na lumabas sa bibig ni Noah.             
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD