Chapter 3

1464 Words
‘Welcome to Card High’   “I think I came in just in time huh?” Tumingin ang lahat sa lalaking kakapasok lang sa sala kung saan nag-uusap sina Harvin at Xie at ‘yung iba pa. Tiningnan nila ang lalake mula ulo hanggang paa.   “Empire, huh?” Dahil sa sinabi ni Warren ay tiningnan nila ang tattoo ng lalake sa right thumb nito. Isang three-star tattoo. It made Mike smirk. “He’s a high rank, huh?” Ngumiti ang lalake sa sinabi ni Mike at tumingin sa kanilang lahat. Maya-maya ay kinuha niya ang cellphone niya at tumingin dito tsaka tumingin sa kanila. “Kasasabi niyo lang, you are finally going to enter Card High, right?” Walang nagsalita sa sinabi nung lalake. Ginulo niya nalang ang kulay gray niyang buhok at tumingin kay Xie.   “You don’t need to find your cards, Xie. Ang Card High na ang mismong naghanda nito. All you need to do is pack your bags, pick your dorm, get your card from the school and voila! You’re officially in the game. Which.. we are patiently waiting for.” Sa dami ng sinabi niya ay tumango lang sina Warren bilang sagot. Naisip niya tuloy na ayaw sa kanya ng mga taong kaharap niya pero ngumiti lang siya. He understood, that they are the Chi-Mafia elites, and he is an Empire elite kaya, there is no good connections between them. He knows the situation very well.   “At bakit ikaw ang nagsasabi nito?” Warren decided to break the awkward but deadly silence. Ngumiti lang ‘yung lalake at humarap ng maayos sa kanila. “Muntik ko nang makalimutan. I’m Neo. Card High’s Supreme Student President.”   “What a joke.” Walang-ganang sabi ni Mike at umalis. Tumango nalang si Neo at tumingin ulit sa kanila.   “Anyway, we’ll be expecting you.” Umalis na si Neo kasama ang mga body guards ng Card High. They are called the Red Cards. They are assigned to control the students of Card High, which is a very hard thing to do. Habang palabas si Neo ng Chi-Mafia Mansion ay nadaanan niya si Xia na kakapasok lang at may dalang bulaklak. A red rose.   “Well, well, well. The Chi-Mafia heiress really became Sleeping Beauty, huh?” Kumunot ang noo ni Xia sa sinabi ni Neo pero nabigla si Neo nung binigyan niya ng nakakalokong ngiti ni Xia. Akala niya kasi matatakot o magagalit si Xia sa kanya thinking that Xia’s just reviving from medications at hindi pa stable ang pag-iisip nito.   “Sleeping Beauty’s about to be awake from her slumber.” Nakangiting sabi ni Xia at nilagpasan na siya. Binalewala nalang niya iyon at tuluyan nang umalis.   ✥✥   “What do you mean ‘Card High’? Now we’re going to school?” Walang-ganang tanong ni Xia sa Tita Rachel niya. Nandito sila sa office ni Duke. Everyone was there. “It’s an exchange.. for something.” Mahinahong sabi ni Rachel. Tiningnan kaagad ni Xia si Xie na kanina pa nakatitig sa pulang rosas na dala-dala ni Xia.   “An exchange, huh?” Tanong ni Xia at nakita niyang napalunok si Xie nung tinitigan niya ito. Pumikit nalang si Xia at hinawakan ang batok niya. She was tired. The medications also make her sleepy all the time.   “It’s just school anyway. Just tell me and I’ll get read—” Tatayo na sana si Xia pero pinigilan kaagad siya ni Rachel causing her to be confused. “There are some rules in this school.” Sabi ni Rachel kaya tumingin si Xia sa kanilang lahat. Nag-iwas kaagad sila ng tingin sa kay Xia dahilan para maningkit ang mga mata niya.   “Every school has rules, Tita Rachel. I know. Malalaman ko rin naman ‘yan sa school. I’ll get rea—” Pinigilan na naman ni Rachel si Xia na tumayo at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito. Xia was getting pissed and impatient. “This school is not like the school you think. Okay, sweetheart? This school is different.”   “I get it. It will be dangerous or whatever. Can you just please let me sleep?” Iritadong tanong ni Xia dito. Lumunok nalang si Rachel habang tinitingnan niya si Xia.   “Whatever you find out, please hear us out.” ‘Yun ang huling sinabi ni Rachel bago niya binitawan si Xia at sinamahan ng mga personal maids niya papunta sa kwarto niya. Xia just woke up from an extremely long struggle and now she’s entering a school for elites. Xia just scoffed. ‘Elites? Huh, don’t fool me.’ Isip ni Xia.   Pag-alis ni Xia ay nagkatinginan naman sina Warren at ‘yung iba. “Pack your things. We’re leaving tomorrow morning.” Sabi ni Xie habang hinihipo ang ulo niya. Kanina pa si Warren nababagabag sa paghihipo ni Xie sa ulo nito.   “Is it just me or it’s just that Card High is being ruled by an Empire Three Star member? And that’s just.. odd.” Sabi ni Kevin kaya nawala ang focus ni Warren kay Xie. Tiningnan naman nila si Duke na may binabasang folder.   “Neo is not ruling Card High. He just got appointed for President because he’s the only one all the clans can trust. He may be from Empire pero hindi siya kinokontrol ng Empire. If you get what I mean, you can leave and get yourself ready.” Tumango nalang silang lahat at umalis na. Tiningnan na muna ni Warren si Xie na tumayo at inayos ang polo nito. Dumiretso na si Warren sa kwarto niya at tiningnan ang sarili niya sa salamin. ‘Ang gwapo ko talaga.’ Isip niya at nginitian pa ang salamin.   “Kuya, lagay mo nga ‘to sa luggage mo.” Kumunot kaagad ang noo ni Warren nung biglang pumasok si Mike sa kwarto niya at nilagay sa maleta niya ang isang pack ng lollipop.   “Hindi na kasi kasya sa maleta ko.” Natatawang sabi ni Mike at umalis na kaagad kaya wala nang nagawa si Warren. Inayos niya nalang ang mga gamit niya. To Warren, Elite Card High is full of drama. ‘Bakit ba kasi kailangan pa naming mag-dorm? Pwede naman kaming magpatayo ng sariling apartment malapit sa school.’ Inis na isip ni Warren habang inaayos ang maleta niya. But a game is a game. Para kay Warren ay ganito talaga ang buhay, palaging naglalaro. Pati tadhana ay nakikisama sa laro.   And for clearer information, ‘Elite Card High’ is not located the same place as the Card High that Xia and the others enrolled in. This Card High is located at the center of Mafia City. And a little information on what’s Mafia City, well, it’s just a pure hell hole.   ✥✥   Maagang nagising si Xia dahil ang aga ring naglaro ni Jisung ng bola sa hallway. Tiningnan niya ulit ang wall clock. 5:41 AM. Tiningnan niya ang mga maletang nakalagay sa tabi ng kama niya. ‘Card High, huh? Is that a joke or what? A caste game?’ Isip ni Xia at umupo na sa kama niya. Xia heard a knock on the door kaya tumingin siya dito nung bumukas ito at bumungad sa kanya si Xie.   “Get ready for breakfast.” Sabi ni Xie at tumango lang si Xia at dumiretso na sa banyo. Matapos niyang maligo at magbihis ay dumiretso na siya sa dining area at kumain na.   Tahimik lang silang kumakain. Hindi rin dumadaldal si Warren. Tiningnan nalang ni Xia ang mga butlers nila na nilalagay na ang mga maleta sa van. There’s a lot of luggage to carry. Xia wondered why they had to go at nadamay pa sina Tetsu. Tahimik na natapos ang breakfast nila at tahimik din silang pumasok sa van. Habang nasa van sila at papunta sa Mafia City ay mabibigat ang hininga ni Xie kaya tiningnan siya ni Xia dahilan para tumingin rin ito sa kanya.   “Okay ka lang? Parang mamamatay ka na ah.” Nakangising tanong ni Xia sa kanya. Natatawa si Xia kay Xie sa tuwing nenenerbyos ito. Mahina lang natawa si Xia. “Pagdating natin sa Card High, stay close to us. Okay?” Bilin ni Xie.   “Ano bang tingin mo sa akin? Kaya ko ang sarili ko. A little campus tour would be nice.” Mahinang sambit ni Xia kaya kinagat nalang ni Xie ang ibabang labi niya para pigilan ang pagkainis niya. Mahina nalang natawa si Xia sa kanya.   “Tama naman ‘yung sinabi ni Xie. ‘Wag kang lalayo sa amin. Dahil baka malay mo, makabunggo ka ng isang tao. O baka isang lalake. Malay mo si A—Aray ko!” Napahipo kaagad si Warren sa balikat niya dahil hinampas kaagad siya ni Kevin ng librong dala nito. Tiningnan rin ni Xia si Xie na masama ang tingin kay Warren. Pati sina Harvin ay ang masama ng tingin kay Warren. Naguguluhan namang nakatingin si Xia sa kanila   “Teka, wala naman yatang kasalanan o sinabing masama si Warren. What’s with those glares?” Tanong ni Xia at tiningnan siya ni Xie at binalik ang tingin niya kay Warren. “Wala. Ang daldal niya kasi.” Walang ganang sagot ni Xie at binalik ang tingin sa unahan.   “Masama bang maging madaldal?” Tanong ni Xia at nakita niyang ngumiti si Warren sa kanya kaya tinigil niya nalang ang pag-iintriga niya. Something was wrong again. Because of her confusion, she fell asleep. At paggising niya ay bumaba kaagad siya sa van na siya nalang pala ang nandun. As soon as she steps foot on the ground, sinalubong agad siya ng malaking sign sa harap ng isang mataas na gate.   ‘Welcome to Card High’ --  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD