"Sigurado ka ba talagang pupunta ka?" Pambungad na tanong niya sa akin nang makapasok siya sa kwarto ko. Halata sa mga mata ni Drake ang pagkabahala para sa akin. Yeah. Ngayon na ang araw na ikakasal sina Grace at si Nick. "Wag kang mag alala Drake, kakayanin ko ang sakit. Kasi last na naman to eh. Sagadin ko na. Kasi after nito mag let go na ako." Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya mula sa repleksyon ko sa salamin. Suot ko ang kulay melon dress na theme sa kasal nila. Ayaw sana akong payagan ni Drake na pumunta pero nagpumilit ako. Naintindihan ko siya kasi alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko sa pagpunta doon pero bahala. Tumayo na agad ako matapos lagyan ng kulay itim na lipstick yung labi ko sabay abot ng kamay ko ang isang itim na mini hat na nasa gilid ng salamin at isinu

