Hindi kaagad nag sink in sa utak ko ang binulong niya sa tenga ko. Ha-ano daw? Mahal din niya ako? Shitness! Parang nasa ulap ako pero bumagsak din agad dahil alam kong pinaglalaruan lang ako ng kupal na to. Pero waaaah! Nag chinese garter ang puso ko sa narinig. Bakit ganun? Kahit na alam kong di niya ako kayang mahalin pabalik pero tong litseng pusong to handang masaktan basta sabihin lang ni Nick na mahal din niya ako kahit gaguhan lang ang lahat. "Wag mong paglaruan ang damdamin ko Nick. Hindi ka na nakakatuwa. Please itigil mo na to." Seryosong sabi ko sa kanya. Parang may kumurot sa puso ko sa pagkasabi kong iyon. Maging maayos ba ang lahat kong itigil niya ang paglalaro niya sa akin? Mahal ko siya diba ganun naman yun? Yung taong mamahalin at pagkatiwalaan mo ay sila rin ang dahila

