Chapter 20 Literal na nag letter O ang bibig ko sa ginawa niya. Aba somosobra na tong kupal na to ah. Nang makawala ang isang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ay bigla ko siyang sinuntok sa dibdib niya. Pero tinawanan lang ako ng langya. "Uy! Wag mong suntukin dibdib ko baka matabig puso ko at mahulog sayo. Nakakatakot yun. Pangit mo pa naman." Nakangisi niyang sabi. Waaah parang gusto kong umihi ng rainbow sa sinabi niyang yun kasi nakikilig ako. Pero di ko pinahalata eh kasi naman no, baliw at hayuf tong kaharap ko ngayon. Pero waah! Kaimbyerna talaga siya. Oo na pangit ako alam ko na yun okay? Kasi araw araw naman niyang sinabi sa akin diba na pangit ako. Kaya malabong magkagusto din sa akin yang kupal na yan kasi confidently unbeautiful with a heart lang ako. Huhuhu! "Feeling mo m

