Chapter 19 Parang nilindol ang dibdib ko sa sobrang kaba at pagkabigla. Hindi na process ng utak ko as in nayanig ang buong pagkatao ko sa halik na yun. Gulat din siya nang makita niya akong nakadilat pero pumikit uli siya at muli niyang pinaglapat ang mga labi namin. Nanghina ang tuhod ko. Nalalasahan ko na ang matamis niyang laway na lalong nagpanlumo sa lakas ko. Gusto ko siyang itulak at sampalin pero iba ang sinasabi ng katawan ko. Parang nasisiyahan ang kaluluwa ko sa paraan ng paghalik niya at di ko namalayan ang sarili kong hinayaan at magpaubaya na rin sa halik na yun. Yun ang pinakauna kong halik. It feels magical kahit na mga pitong segundo lang ang itinagal nun pero it feels heaven. Di ko maintindihan ang sarili ko bakit ko hinayaan ang sarili ko na malunod sa halik niya. Ni

