Chapter 18 Bakit ba ang sama niya. Oo napaluha ako dahil sa inis. Pagkatapos niya akong pahirapan at paglaruan ganun ganun na lang yun? Okay lang naman sa akin na kahit aminin na lang niya na alipin niya ako kesa naman harap harapan niya akong ideny sa ibang tao. Bwisit siya. Ganun na ba talaga kalaki ang kasalanan ko sa kanya? Nagpahid ako ng luha saka bumuntong hininga. Di dapat ako magsayang ng luha sa taong yun. Mabuting magsaya ako diba kasi di niya ako kilala. Kung kakalimutan niya ako edi malaya na ako sa kanya diba? Wala ng Nick na isip bata na laging gugulo sa buhay ko, wala ng kupal na laging pinababa ang confidence ko. Isang piraso lang naman siya ng bwisit na laging pinaglalaruan ang tulad ko na pangit, mahirap at di magaling mag englis. Siguro kaya niya ako kinahiya. At sisig

