Chapter 17 Pakyu ka ever lola. Ang hard mo. Di ko na lang siya pinansin saka ako naglakad patungong market na nakabusangot ang mukha. Grabe nagsimba ako ngayon pero ang laki na naman ng kasalanan ko. Eh bakit ba eh sa pineste ng lolang unano yung araw ko. Sarap niyang pektusan. Dinalian ko pa ang lakad ko. Eh sa ang init ng araw no? Ayaw ko namang maging tuyo. Pangit na nga ako. Pweh! Pagkarating ko sa market ay una kong pinuntahan yung fish vendors. "Magkano po ang kilo nito?" Tanong ko sa matabang tindera ng hipon. "250 kada kilo." Sungit! Eh kasi naman eh nakataas yung kilay niya. Kaya pala wala siyang customer. "Eh ang mahal naman." Sabi ko sa kanya. "May mura doon. Doon sa dagat ikaw mismo lumangoy ng makalibre ka." Cheh! Sarap niyang prituhin kasama ng mga hipon niya. Bakit ba

