•••
C h a p t e r [ 3 ]
Tiffany Alonzo Suarez
"Tiffany? Are you okay? Anong nangyari sa'yo? Bakit mukhang takot na takot ka?" tanong ni Hansley na puno ng pag-aalala.
Kakapasok lang niya sa kwarto. Samantalang ako, hindi ko pa rin mapigilan ang pangangatal ng kamay ko. I felt terrified when I had read the note. He seemed so eager to meet us. Anong gagawin ko? Ayoko siyang makita. Ayoko siyang puntahan. Hindi siya parte sa plano na pag bisita ko rito pero bakit ginugulo niya pa rin ako? Bakit hindi na lang niya kami hayaang mamuhay ng tahimik ng anak niya, malayo sa gulo na dala ng buhay niya. Ngayon, nagsisisi na ako. Hindi na dapat kami umuwi pa rito. Hindi sana mangyayari ito. Hindi ko rin akalain na pag-apak pa lang namin sa Pilipinas ay gano'n niya kami kabilis na mahahanap. He had the power in everything just to find us.
Alam kong hindi ko pwedeng itago si Nathalia sa kaniya habang buhay. Alam ko na darating 'yung araw na magkikita ulit kami pero hindi maalis sa 'kin ang pag-aaala. Pag-aalala sa mga pwedeng mangyari. Ngayon pa nga lang ay nakakaramdam na ako ng takot sa mga kaya niyang gawin. Pakiramdam ko bawat galaw namin ay nakikita niya, bawat paghinga ko ay alam niya.
Hindi pa rin tumitigil sa pagkabog ang dibdib ko. My heart is excessively throbbing inside my chest. Tila patuloy itong nagwawala sa loob ng dibdib ko. Hindi ako makagalaw o makapagsalita. Lumapit si Hansley sa akin at niyakap ako.
"Tiffany?" he said but I remained silent. Huminga ako ng malalim at niyakap ko siya pabalik. I know I'm not fair to him because he doesn't know about this. Hindi niya alam na nagpaparamdam muli sa 'kin ang ama ni Nathalia. He didn't know when and how did we met. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kaniya.
Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama, nirerespeto niya ang desisyon ko na 'wag pag-usapan ang tungkol sa ama ni Nathalia but now, pakiramdam ko kailangan ko nang sabihin sa kaniya ang totoo. Oras na siguro para malaman niya kung ano talaga ang tunay na pagkatao ng ama ng anak ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap ko at nagtama ang mga tingin namin. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay na humawak sa pisngi ko. I got my sight traveled all around his face and I started to look every bit of him.
I fell on his exquisite dark colored eyes as he felt worried for me, his well-formed pointed nose, his long lashes, his soft-red kissable lips and his ravishing jaw. Everything with him seemed so perfect.
"Hindi ko alam kung ano ang ikinatatakot mo pero nandito lang ako para sa'yo. I will protect you no matter what happened, Tiffany. I love you," usal niya sabay yakap muli sa 'kin. Medyo gumaan ang loob ko sa sinabi niya pero nandito pa rin 'yung katiting na kaba.
"Hans?" tawag ko.
"Hmm?"
"Can I talk to you?"
"Yes. Oo naman. Kung ano man ang problema mo, just tell me. Makikinig ako. H'wag mong sarilihin ang lahat, Tiffany. Nandito ako para sa'yo. Alam kong kanina ka pa balisa simula nung dumating tayo rito. Alam kong may hindi ka sinasabi sa 'kin. May kailangan ba akong malaman?" he asked, confusedly.
Huminga ako ng malalim. Pilit kong inalala ang lahat ng nangyari noon bago ako nagtungo sa states at sinimulan ko itong ikuwento kay Hansley.
[Five Years Ago]
Disi-oras na ng gabi at nag-iimpake na ako ng gamit ko para sa flight ko bukas. Nandito ako ngayon sa condo ko at ako lang mag-isa.
Matapos ang mga kaganapang nangyari dahil sa kaguluhang dulot ni Mom. Naisipan kong magpakalayo-layo muna. Wala akong mukhang ihaharap sa kanila. Alam kong marami akong pagkakamaling nagawa at gusto kong magbagong buhay. Tama na siguro ang mga sakit na naranasan ko rito sa Pilipinas. Mas mabuti siguro na bumalik na ulit ako sa states at mamuhay ng tahimik kasama ang anak ko. Kailangan ko rin magpagaling sa sakit ko. Gusto kong mailuwal ang bata ng ligtas at malusog hangga't buhay pa ako. Hindi ko alam kung may pag-asa pa bang gumaling ako pero kailangan, kailangan kong mabuhay hangga't hindi ko pa naiilalabas ang bata.
Also my dad helps me to find a professional doctor na pwedeng nakatulong sa akin. Kailangan ko lang tibayan ang loob ko at maniwala sa sarili ko na kaya ko.
Naputol ang pag-iisip ko nang may narinig akong nag doorbell sa pintuan. Maybe it's dad, sabi niya kasi babalikan niya ako rito matapos niyang kunin ang mga gamit niya sa bahay. Tatlong oras na rin ang nakalipas.
Nagtungo ako sa pintuan at binuksan ko ito pero hindi kilalang mga tao ang tumambad sa 'kin.
A man wearing a black tuxedo and a sun glasses is now in front of me. Bakat na bakat ang maskulado at malalaki niyang mga braso sa suot-suot niya. Dahil sa itsura niya, pumasok agad sa isip ko na hindi siya basta-basta. I think he was entitled for something or position that I didn't know.
Behind him is three big men wearing a black shirt. I think they are his body guard. Napansin ko rin na armado ang mga ito dahil sa baril na nakasukbit sa kanilang tagiliran. Mas lalong nanaig ang takot ko. Unti-unti akong naramdaman ang panginginig sa katawan ko.
Bakit sila may dalang mga baril? NAndito ba sila para patayin ako? Isa ba sila sa mga kaaway ni Mom? But my Mom is dead at wala akong koneksyon sa mga masasamang gawain na kinasangkutan niya.
Natigil ako sa pag-iisip. Nangunot ang noo ko nang pagmasdan ko ang lalaking nasa harap ko. Pilit kong minumukhaan kung sino ang taong 'to, dahil pakiramdam ko pamilyar sa akin ang kaniyang pigura.
Habang direkta akong nakatingin sa kaniya ay agad nagsitaasan ang balahibo ko lalo na nang bigyan niya ako ng isang nakakapangilabot na ngiti.
"Do you remember me, baby?" Halos tumalon ang puso ko dahil sa sobrang lalim ng boses niya.
Ramdam na ramdam ko ang kakaibang bagay sa presensiya niya. Fear and confusion continued to run throughout my whole system. Nailunok ko ang sarili kong laway nang humakbang siya papalapit sa 'kin. Hindi ako makapagsalita pero pinilit kong tanungin kung sino siya kahit pakiramdam ko kilala ko na kung sino ang nasa harap ko.
"S-Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa condo k-ko?" utal-utal kong tanong. Ramdam ko pa rin ang labis na kaba.
"Shh… Don't be scared, baby, it's just me." Isang ngiti muli ang gumuhit sa labi niya. Napansin ko nalang ang sarili kong umaatras papalayo sa kaniya hanggang sa makapasok siya sa loob ng condo ko. Isinarado niya ang pinto at naiwan ang mga kasama niyang armadong lalaki sa labas.
Napangiwi ako. Ano bang sinasabi niya?
"Who the hell are you? H-hindi kita kilala. Lumabas ka sa condo ko bago pa ako tumawag ng mga pulis!" Matapang na atungal ko. Kinuha ko agad ang cellphone ko sa lamesa para tumawag ng pulsiya pero antimano siyang lumapit sa akin at hinablot ito sa kamay ko.
"I don't like cops, baby. So don't try to do anything like that." Inikot niya ang cellphone ko sa kamay niya at inihagis ito sa sofa. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko kaya agad akong napaatras.
"Huwag kang lalapit sa 'kin! Sisigaw ako rito!" Pagbabanta ko.
"You can't do that baby," Bigla niyang hinablot ang baril na kulay ginto mula sa kaniyang katawan. Hindi ko alam kung saan mismo nanggaling ang baril na 'yon pero bigla niya 'yun itinutok sa akin.
"You can't shout when you have a gun pointed at you. But if you want to die tonight? Then shout." Malumanay ang pagkakasabi niya pero bakas sa bawat salita ang kaniyang pagbabanta.
Natahimik ako. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nanginginig ang buong katawan ko pati na rin ang labi ko.
"Good. Madali ka naman palang kausap. It's a pity I haven't used this gun in a murder yet. If you know, it's an expensive pistol, a titanum gold dessert eagle in .440 cor-bon. You will be entitled when you die because of this." Paliwanag niya kahit wala naman akong pakialam sa mga sinasabi niya. Mabilis niyang pinaikot ang baril sa daliri niya at isinukbit muli ito sa damit niya.
Nakahinga ako ng maluwag. Doon lang muli ako nagkaroon ng lakas ng loob para magsalita.
"Ano bang kailangan mo sa 'kin? Sino ka ba? Sinabi ko na sa'yo hindi kita kilala!"
Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang tiyan ko. Ramdam ko ang mga palad niya na naglalakbay rito. Naramdaman ko rin ang kaniyang paghinga dahil sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin. Nangilabot at nasemento ako sa aking kinatatayuan. Parang umurong din ang dila ko. Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero walang salitang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko siyang itulak papalayo pero hindi ko magawa dahil sa takot na baka saktan niya ko at ang batang pinagbubuntis ko.
"Tiffany Alonzo Suarez. I know every bit of information about you, so you can't lie to me. You're pregnant, baby. I have a question, who's the father?"
Tumaas ang tingin niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang malalamig niyang mga kamay sa pisngi ko. Dahan-dahan niyang hinahaplos ito.
Bakit niya tinatanong ang ama ng batang dinadala ko? Anong pakialam niya sa taong 'yon?
Hindi ako sumagot. Direkta akong nakatingin sa kaniya pero hindi ko maaninag ang mga mata niya dahil sa suot-suot niyang tinted eye glasses.
"Answer me, baby. I'll give you a seconds to tell me." Maawtoridad na utos niya. Idiniin niya ang kamay niya sa leeg ko kaya agad akong sumagot.
"H-Hindi ko alam. H-Hindi ko alam kung sino ang ama ng batang dinadala ko. H-Hindi ko siya kilala." I answered.
Totoo ang sinasabi ko. Hindi ko talaga kilala ang ama ng bata. It was a wrong night. Isang pagkakamali ang gabing nakipagtalik ako sa lalaking hindi ko kilala. Ni hindi ko nga matandaan kung ano ang itsura niya o kung ano ang pangalan niya.
Karma nga siguro sa 'kin 'yun dahil sa ginawa kong kagagahan sa kapatid ko nang gabi ding 'yon. Ipinahamak ko siya para sa pansarili kong kagustuhan. But I swear to God. Pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko.
"Why do you left me immediately after that night? Hindi ko tuloy naipakilala ng maayos ang sarili ko sa'yo."
Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. Huwag niya sabihin sa akin na siya ang ama ng batang dinadala ko? Na siya ang lalaking kasama ko nung gabing 'yon?
Tinanggal niya ang salamin na suot-suot niya at nagtama ang tingin naming dalawa. At sa unang pagkakataon, nakita ko ang nag-aasul niyang mga mata. His eyes was truly blue. It's seemed as though were fire in water. It's excessively cold. Parang nilulunod ako ng mga mata niyang iyon. It gives me a feeling like I was being maneuvered into an ocean of senseless emotions.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkagulat. Hindi agad nagsink-in ang mga sinabi niya sa utak ko.
Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga kamay niya sa baywang ko. Nagdikit ang aming katawan kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko.
"I will introduce myself to you, baby." Hinawakan niya ang mga labi ko pero natigil ako nang bigla niya akong hinalikan. Hindi lang basta halik. Isang mapusok at nag-aalab na halik. His kiss. I now remember the roughness of his kiss. I know it was him. He's right. Naalala ko na. Mabilis na bumalik sa akin ang mga aalala ng gabing 'yon.
Hindi ako tumugon sa mga halik niya dahil sa pagkabigla. Gusto kong manlaban pero hindi ko magawa. Matapos ang ilang segundo, kumalas siya sa mga labi ko.
"Do you remember me, now?" tanong niya habang nakaukit ang malawak na ngiti sa labi niya. Hindi ako sumagot.
"To make you clear," Hinaplos niya ang buhok ko at marahang isinukbit ito sa tainga ko.
"I'm Daxel Klaus Heisenberg, a mafia boss. I am the man who had great fun with you that night, the man who owned you that night, and as for you to know, I am the father of your child, baby."
Natigil ako sa sinabi niya. Nanaginip lang ako hindi ba? This is not true!
Agad niya akong pinakawalan sa mga bisig niya nang bigla nag-rnig ang cellphone niya. Sinagot niya ito.
[Boss, kailangan na po natin umalis. Paakyat na po ang ama ng babae.]
Hindi siya nagsalita at agad niya itong ibinaba. Lumapit siya sa tainga ko at bumulong.
"No one should know that I came here, even your father. This will not be our last conversation, baby. I'll come back for you and for my child. Don't try to take it away from me. I warned you, I'll make a lot of ways to find you. Do you understand?" Bakas sa mga salitang pinakawalan niya ang maawtoridad nitong tono.
Hindi ako sumagot at muli niya akong hinalikan ng mariin.
"See you soon, baby. Take care of my child."
[End of Flashback]
"And that night, hindi ko akalain na isang mayamang kriminal at mamamatay tao ang ama ni Nathalia. Natatakot ako Hans... Natatakot ako na baka saktan niya kami... Na baka kunin niya sa akin ang anak ko nang hindi ko napapansin." Nag-aalalang usal ko matapos kong ikuwento sa kaniya ang lahat.
Sinabi ko rin sa kaniya ang mga natatanggap kong email at mensahe galing sa lalaking 'yon. Pati na rin ang note sa teddy bear ni Nathalia.
Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa mga nalaman niya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin ang lahat ng ito?" Bakas sa boses niya ang pagkadismaya. Nangunot ang noo niya at biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya.
"Nirerespeto ko kung anong gusto mo, Tiffany, pero sana man lang sinabi mo sa 'kin ang bagay na 'to! Hindi na sana tayo umuwi pa rito. Bukas na bukas din magbobook na ako ng flight pabalik sa states." Medyo tumaas na ang boses niya sa akin.
"Pero paano sila Jackie? Ano na lang ang sasabihin ko sa kanila?" Nag-aalalang tanong ko.
"Bahala na!" Iritadong sagot niya. Iniwan niya ako sa kama at pumasok sa banyo.
Alam kong hindi madali para sa kaniya na malaman ito. Naiintindihan ko kung magagalit siya sa akin. Karapatan niya 'yon pero walang kasiguraduhan, kung mag bobook siya ng flight pauwi sa states bukas, makakatakas pa rin ba kami sa paningin ng lalaking 'yon dahil sa tingin ko kahit saan kami pumunta ay alam kong nagmamatyag siya.