C h a p t e r [ 2 ]
•••
Tiffany Alonzo Suarez
“When? How? Paano at kailan pa kayo engaged?” hindi makapaniwalang tanong ni Spade. Andito kami ngayon sa sasakyan niya. From the driver seat, palipat-lipat ang tingin niya sa amin. Nasa front seat ako at nasa back seat naman si Hansley samantalang ang anak ko ay nakahiga sa hita ni Hansley at mahimbing na natutulog.
“I already told you, Spade. Ilang beses ko pa ba kailangang ulitin?” Napasapo ako sa noo ko. Halos limang beses ko na ata pinaliwanag sa kaniya ang lahat pero hanggang ngayon, hindi pa rin nag-si-sink-in sa utak niya ang mga sinabi ko. Inaasahan ko na talaga na magiging ganito ang reaksiyon niya pero 'yung paulit-ulit na paliwanag? Nakakabaliw siya.
“I really can't believe this! Sure ka? Bakit cousin ko pa? Anong nakita mo sa mokong na 'to at ito pa ang balak mong pakasalan?”
Tumaas ang kilay ko at sinamaan ko siya ng tingin.
“Why? Sino ba ang gusto mong pakasalan ko? Ikaw?” mataray kong tanong. I crossed my arms.
“No! As if naman magpapakasal ako sa'yo. I already have mine, my Alycia. Siya lang sapat na,” tunog jejemon na sagot niya.
“You're so baduy, Spade! Where did you learn those words?” I asked pero hindi niya 'yon sinagot. Lumapit siya sa 'kin at bumulong habang nakatingin sa direksyon ni Hansley.
“Ang dami namang mas gwapo na katulad ko r'yan sa tabi-tabi pero bakit si Hans? Bakit pinsan ko pa?” seryosong tanong niya. Nakita ko ang kamay ni Hansley na mabilis pumukpok sa ulo niya.
“Aray!”
“Bulong ka pa nang bulong d'yan, rinig na rinig naman kita. Mas g’wapo at nakakatanda ako sa'yo, kaya matuto kang rumespeto. At saka mahal ko ang bestfriend mo at si Nathalia and you can't do anything about it,” sabi ni Hansley. Sinamaan siya ng tingin ni Spade.
“Ang tagal niyong hindi nagparamdam sa amin tapos malalaman kong ikakasal na kayo?” Tumingin siya kay Hansley. “Akala ko busy ka lang sa New York dahil sa business mo, 'yun pala isang buong pamilya na kayo ro’n pero wala man lang akong kaalam-alam. Bakit hindi niyo sinabi sa amin, sa 'kin?”
“Spade…”
“Tss… Ano pa't naging bestfriend mo ako, Tiffany?” sabi niya sa ‘kin na may halong pagtatampo ang boses.
“I have my reason. I'm sorry if I didn't tell you but we're now here. Andito na kami para ipaalam sa inyo ang lahat at para bisitahin na rin kayo,” sagot ko.
“For almost 5 years Tiffany. I wonder anong magiging reaksiyon nila sa balitang ito. Tara na! Mukhang naghihintay na sila inyo.” Hindi na nagsalita pa si Spade. Tumahimik na rin kami. Sa reaksiyon niya ngayon, mukhang nagtatampo siya sa amin lalo na sa 'kin.
Pinaandar niya ang sasakyan papunta sa bahay nila Jackie, ang kapatid ko. He told us na ro’n muna kami tumuloy. I miss my family, I miss them. Matapos ang mga nangyari noon, hindi man lang ako nagkaroon ng oras para makasama sila ng matagal.
My Dad told me before na mas maganda kung magpagaling muna ako sa sakit ko at maipanganak ko muna si Nathalia bago umuwi ng Pilipinas pero nung araw na mangyari 'yon. Isang rason naman ang naging hadlang kung bakit hindi ako makauwi. Isang taon lang dapat ako sa states but I choose to live there for the same reason. I'm protecting my daughter.
Nang manirahan kami ro’n, every month I always received email from an unknown person but I know it was him. He kept asking me where we are? How’s Nathalia? Bakit hindi ako nagpapakita sa kaniya? He also threatened me that he would take my daughter away from me. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Sinubukan kong gumawa ng bagong email at simula no'n hindi na ako nakatanggap pa muli ng email galing sa kaniya. Pero hindi pa rin ako nakampante. Alam kong gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan para hanapin kami.
Dumating kami sa bahay. Ginising ko si Nathalia. Lumabas kami ng sasakyan at tahimik na pumasok sa loob. Bakit parang walang tao? Bakit ang tahimik?
"Where are they?" I asked.
"Nasa garden sila, nagpapahangin," matipid na sagot ni Spade.
"Bakit nasa garden sila Jackie? Gabi na ah?"
"Mommy! Mommy! I'm hungry." Napadako ang mata ko kay Nathalia na kasalukuyang hawak-hawak ni Hansley. Humihikab ito at mukhang inaantok pa.
"We will grab our dinner soon baby, okay? But first, we need to see our relatives. So you can greet them. Show respect, baby girl, okay?"
Hindi na sumagot pa ang anak ko. Nang makarating kami sa garden, halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko silang sumigaw.
"Surprise! Welcome back!" Naitakip ko ang kamay ko sa aking bibig dahil sa surpresa nila. Inikot ko ang mata ko. Kumpleto silang lahat ngayon dito sa garden. Napansin ko naman si Nathalia na masayang sinasalo ang makukulay na confetti na bumabagsak sa amin.
"Oh my God! I didn't expect this. Thank you guys!"
Bigla akong inakbayan ni Spade at bumulong siya sa tainga ko.
"Welcome home, Tiffany. Congratulations. I'm happy for the both of you. Hindi rin naman kita matitiis. Alam kong masaya ka sa piling ng pinsan ko pero once na sinaktan ka niya. Just tell me, okay? Ako mismo sasapak sa mokong na 'yan." Marahan akong natawa. Tumingin ako sa kaniya.
"Thank you, Spade." Mas lalo siyang lumapit sa tainga ko.
"You're welcome. Isipin mo nalang ngayon kung paano mo sasabihin ito sa buong angkan." Tumawa siya matapos niyang sabihin iyon at kinindatan ako.
Lahat sila ay lumapit sa akin para batiin ako. Nakita ko si Jackie na papalapit sa akin. Agad niya akong niyakap.
"Welcome home, Tiffany. I miss you so much!" aniya. Matapos 'yon ay napatingin siya kay Nathalia.
"Ito na ba si Nathalia? Napakagandang bata. I’m happy to see you," wika niya sa anak ko. Nakaluhod siya para pantayan ito.
"Yes, that's my daughter. Hey baby, it's your Auntie Jackie. Greet her."
"Hello, Auntie Jackie. Nice to meet you!" bati ng anak ko. Niyakap niya si Jackie at hinalikan sa pisnge.
"You're so sweet, Nathalia. Jake and your uncle Blake are waiting for you, greet them too," sambit niya.
Nagkumustahan kaming dalawa nang mapansin kong lumabas si Hansley mula sa likuran ko. Nangunot ang noo ni Jackie nang makita niya ito.
"Hans? Ikaw ba 'yan? Kailan ka pa umuwi? Sabay lang ba kayo ni Tiffany?"
Tumango siya bilang sagot. Napansin din ng iba ang presensiya niya kaya lahat sila ay napatingin sa direksiyon niya.
"Son? When did you arrive? Are you with her? Bakit hindi mo kami sinabihan ng Mommy mo?" tanong ni Mr. Holt, hindi kalayuan sa direksiyon namin.
Napakamot siya ng ulo.
"Uhm... Should I explain?" Nakita kong hindi niya alam kung ano sasabihin niya.
Huminga ako nang malalim. Tinignan ko siya at nginitian. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya at hinila papunta sa harap. Nakita kong nagulat silang lahat sa ginawa ko.
Humakot ako ng lakas ng loob bago magsalita.
"I came back here not just to visit all of you, but to announce the relationship between me and Hansley." Nagsimula silang magusap-usap at magbulungan. Bakas sa mukha nila ang pagtataka.
"To all for you to know, Hansley and I are engaged." I said, direct to the point.
"What?" hindi makapaniwalang usal nilang lahat.
"Dada!" I smiled when I saw Nathalia running towards Hansley. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko at sa nakita nila. Sobrang daming tanong ang natanggap ko. Hindi ko na alam kung sino ang una kong sasagutin. Kaya nagsalita muli ako.
"I will explain everything to all of you, but now, let's celebrate the night!" sigaw ko.
Pinagdiwang namin ang buong gabi ng masaya at magkakasama. Nabanggit ko rin kay Jackie ang kaunting impormasyon tungkol sa amin ni Hans. Ikinuwento ko rin sa kaniya ang ibang impormasiyon tungkol sa tunay na ama ni Nathalia. Nguni't hindi rin namin natapos ang usapan nang biglang nag-aya si Spade na magsayaw.
Matapos ang kasiyahan, nag uwian na ang mga parents nila pati ang ibang relatives nila Jackie at Blake. Ang natira nalang sa bahay ay ako, si Hansley, Jackie, Blake, ang bunso naming kapatid na si Lisa at ang mga anak namin. Si Spade ay umalis muna para ihatid ang fiancée niyang si Alycia sa condo unit nito.
Nasa kwarto ako ngayon at kakatapos ko lang patulugin si Nathalia. Habang inaayos ko ang mga gamit namin, hindi mawala ang tingin ko sa kaniya.
Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina sa airport. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko. Paano niya nalaman na umuwi kami rito? Gano’n na ba talaga kalawak ang koneksiyon niya? Muntik na niyang kunin sa 'kin ang anak ko. Muntik na siyang mawala sa 'kin.
Natigil ang pag-iisip ko nang makita ko ang pink na teddy bear sa higaan namin. Ito ang laruan na binigay ng babaeng sinasabi ni Nathalia. Kinuha ko ito at pinagmasdan. May malaking puso sa tiyan nito at may nakasulat na 'Open me'. Napansin kong may maliit zipper sa gitna kaya agad ko itong binuksan. Nakita ako ang isang maliit na papel sa loob. Kinuha ko ito at binasa.
May nakalagay na address. Tinignan ko ang likod ng papel at namilog ang mata ko sa nabasa ko.
"Meet me or I'll come for you? Choose."
Marahas kong naihagis ang laruan. Biglang nanginig ang mga kamay ko at agad kong tinapon ang papel sa basurahan. Bakit naririnig ko ang maawtoridad at nakakatakot niyang boses nang basahin ko 'yon?