CHAPTER 1

1638 Words
C h a p t e r [ 1 ] ••• Tiffany Alonzo Suarez It's been five years. Limang taon ang hinintay ko para sa araw na ito, ang makauwi sa Pilipinas. Ngayon lang ako naglakas loob na umuwi rito kahit labag sa kalooban ko. Alam kong delikado ang desisyon ko dahil ang lalaking patuloy kong tinatakbuhan ay patuloy pa rin sa paghahanap sa amin. Napilitan akong bumisita para sa pamilya ko pati na rin sa mga importanteng tao na naiwan ko rito. Marami na akong kaganapan na hindi nadaluhan. Marami na akong utang sa mahabang taon na hindi ko sila nakasama at ngayon, gusto kong bumawi sa maikling araw na mananatili kami rito. Everyone are asking me, bakit hindi kami umuuwi ng Pilipinas? Bakit hindi nalang daw dito kami manirahan? I wanted to tell them the truth but I'm too afraid. I feared that they might get involved in my own trouble. Iniiwasan ko na pati sila madamay sa kaguluhang pinasok ko. "Mommy? Have we already arrived?" tanong ni Nathalia. Mahigpit itong nakahawak sa kamay ko habang tinatahak namin ang kahabaan ng arrival area ng NAIA terminal 1. Ibinaba ko ang tingin ko sa kaniya at ngumiti. "Yes baby, we're here, we're home. Are you excited to meet our relatives, especially Jake?" I asked, elatedly. Nagningning ang kulay asul at mapupungay niyang mga mata. Her beautiful thick and long lashes are also noticeable. "Yes mommy! I'm so excited! I'm so tired talking to them through video calls. I wanted to hang-out with them personally and play with my cousin, Jake," tuwang-tuwa na sagot niya. I still admired my daughter's alluring blue colored eyes, but every time I looked at them, I couldn't get rid of the truth that those eyes are given and similar to her father. "Dada? Are you excited too?" masayang tanong niya at tumingin kay Hansley, ang lalaking kinikilala niyang ama, ang lalaking mahal na mahal ko. He smiled.  "Yes my princess. I'm also excited to see them and tell them how proud I am to be your father." Alam ng anak ko na hindi si Hansley ang kaniyang ama. No’ng magkaroon siya ng malay at nagsimulang magtanong sa mga bagay na 'yon, hindi na ako nagdalawang isip pa na ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Pilit kong pinaintindi sa kaniya na wala na ang kaniyang tunay na ama. Sinabi ko rin na hindi ko alam kung nasaan ito. Six years old palang si Nathalia at alam ko na masyado pa siyang bata para maintindihan ang mga bagay na ito, pero naniniwala ako na balang araw maiintindihan niya rin ako. Hindi ko rin ginusto na magsinungaling sa kaniya pero 'yun lang ang naisip kong paraan para hindi na niya hanapin ang lalaking 'yon. Ayaw kong magkaroon sila ng koneksyon. Ayokong mapahamak siya dahil sa panganib na dala nito sa buhay namin. Masaya pa rin naman ako dahil buong puso niyang tinanggap si Hansley sa buhay niya. Sa pagkakataong 'yun, hindi na siya mangungulila pa sa pagmamahal at presensiya ng isang ama. Kaya as much as possible, I'm hiding my daughter from her biological father. She doesn't need him anymore. "I love you, Dada. I love you, Mommy! Thank you for bringing me here in the Philippines. You're both the best! Come here! I'll give you both a Nathalia's super hug!" aniya at mahigpit niya kaming niyakap. Nagtama ang tingin namin ni Hansley. Nginitian niya ako at hinalikan sa noo. Isang ngiti rin ang gumuhit sa mga labi ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon ako ng isang masaya at buong pamilya. Si Nathalia at si Hansley ang bumuo ng pamilyang inaasam ko. Pinagmasdan ko siya habang karga-karga niya ang anak ko. Sobrang swerte ko talaga sa kaniya. Minahal niya ako ng totoo at tinanggap niya ako ng buong-buo. Hindi ako nakarinig ng kahit anong panghuhusga sa kaniya tungkol sa nakaraan ko. Hindi ako nakaranas ng kahit anong pananakit. Naging mabuti siyang partner sa akin at naging mabuting ama sa anak ko. Hindi ko nga lang alam paano ko ipapaliwanag sa pamilya at mga kaibigan ko ang tungkol dito. Alam kong magugulat sila pag nalaman nilang engaged na kami. Binago rin ni Nathalia ang buhay ko. Simula nang isilang ko siya sa mundo, ro’n lang ako nakaramdam ng kakaibang saya, ro’n lang ako nagkaroon ng bagay na matatawag kong akin.  Mas naging malawak din ang pag-intindi at pananaw ko sa buhay dahil sa kaniya. Siya ang naging sentro ng mundo ko. Kahit mahirap, pinilit kong maging matatag para buhayin siya mag-isa. Sobrang mahal na mahal ko ang anak ko at gagawin ko ang lahat para sa kaligtasan at kapakanan niya. Dumating kami sa airport baggage scanner. Ibinaba ni Hansley si Nathalia sa gitna namin at inilagay ang mga maleta sa scanner. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa pocket ko. It's Spade, calling. Agad ko itong sinagot. "Hello?" "Hey! Have you ever gotten off the plane? We're excited to see you, both of you. I'm here outside terminal 1 to pick you up." "Yes, andito na kami ngayon sa baggage scanner. Palabas na rin kami. Salamat sa pagsundo. See you there, Spade." "Alright. Hihintayin ko kayo rito. Alam kong excited na makita ni Nathalia ang pinaka-g’wapo niyang uncle." Tumawa siya matapos sabihin 'yon. "Did you mean, Blake?" pagbibiro ko. Favorite uncle kasi ni Nathalia si Blake, at si Blake lang ang pinakagwapo para sa kaniya. "No! Syempre ako, sino pa ba?" I chuckled.  "I'm sorry, Spade, but Blake is the most handsome uncle in her eyes." "No! Hindi ako makakapayag. You'll see, I will change her mind. I am more handsome than him. I'm the best! Wala pa sa kalingkingan ko ang itsura ni Blake noh." "Ewan ko sa'yo! Sige na. Magkita nalang tayo r'yan." Napailing ako. Hindi pa rin talaga nawawala sa sistema niya ang pagiging mahangin. "Sure, I'll wait for the both of you. Pakibilisan kasi nagugutom na ako." "Aba! Pinagmamadali mo ba ako?" Umigting ang panga ko dahil sa sinabi niya. "Oo, hindi pa ba halata? Sige na. Ibaba ko na 'to." Magsasalita pa sana ako nang mabilis niyang ibinaba ang linya. Kahit kailan talaga hindi pa rin niya tinitigilan ang pang-iinis sa 'kin. Napansin kong patapos na ma-scan ang baggage namin kaya sinundan ko ito. "Sinong tumawag?" tanong ni Hansley. Napatingin ako sa kaniya. "Si Spade. Nandito siya para sunduin tayo." "Alam niya ba na kasama mo ako?" "Hindi. Don't worry ako na ang bahala magpaliwanag sa kaniya." Nginitian ko siya. Tumango lang siya at sumangayon. Matapos naming makuha ang baggage sa scanner ay agad kong hinanap si Nathalia sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na wala siya rito. "Nathalia?" Mabilis kong inikot ang mata ko sa buong paligid. "Hans? Where's Nathalia? Andito lang siya kanina 'di ba? Where is she?" Nakaramdam agad ako ng kaba. Hindi ako mapakali. Mabilis kong ibinaba ang gamit na hawak-hawak ko sa sahig. "Hindi ko siya napansin. Alam kong nasa tabi lang natin siya kanina," sagot niya. "s**t! Find her! Find her, Hans!" mariin na sabi ko at agad niyang hinanap si Nathalia. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Maling-mali siguro talaga na umuwi kami rito. "Nathalia! Nathalia!" sigaw ko. Pilit ko siyang hinahanap pero hindi ko siya makita. Lumapit ako sa guard na nasa baggage scanner para humingi ng tulong. "Sir, may I ask for your help? Nawawala ang anak ko. Nasa tabi lang namin siya kanina pero bigla siyang nawala sa paningin ko," puno ng pag-aalalang paliwanag ko. "Nako! Bakit hinayaan niyo po mawala sa paningin niyo ang bata? Sige po. Hahanapin po namin siya." Bago pa man makatawag sa radio ang guard ay agad kong narinig ang boses ni Nathalia sa likuran ko. "Mommy!" sigaw niya.  Nakita ko siyang nakatayo ilang metro ang layo mula sa 'kin. May hawak-hawak siyang kulay pink na teddy bear at lollipop. Mabilis akong tumakbo papunta sa kinatatayuan niya. Lumuhod ako para pantayan siya at agad siyang niyakap. "Oh my God, Nathalia! Where have you been? Saan ka nagpunta? I told you, 'wag na 'wag kang lalayo sa amin ng Dada mo. You made me worried, baby." "I'm sorry,  Mommy. Someone called me and gave me these things." Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. Nangunot ang noo ko at tumingin sa mga bagay na hawak niya. "Sino ang nagbigay sa'yo ng mga 'yan?" "A beautiful woman, Mommy. She's wearing eyeglasses and a black strapless dress. She has long hair and she also looks like a model, Mommy. She told me I'm so pretty that's why she gave me these toys and candies." Huminga ako nang malalim. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tumingin sa mga mata niya. "What's the only rule I told you before we get here?" I asked her, seriously. "Don't talk to strangers," sagot niya. Yumuko siya sa harap ko habang mahigpit niyang hawak-hawak ang hintuturo niya. Ganito ang ginagawa niya pag pinagsabihan ko siya. "Good. Bear that on your mind, baby. Don't do this again okay?" Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "Yes, Mommy. I'm sorry.” Paghingi niya ng paumanhin.  "It's okay. Let's find your Dada." "Mommy, wait..." "Why?" "The woman asked me to deliver a message for you," seryosong sabi niya.  Hindi ko alam pero biglang bumilis ang pagkabog ng dibdib ko. Alam kong hindi maganda ito. "What is it baby?" "She told me we must stop hiding from him because this time, he will never lose his sight again from us. What did she mean, Mommy?" Dahil sa mga sinabi niyang 'yon. Muling nanaig ang takot sa buong sistema ko. His eyes are on us and there's no way to hide, there's no way to escape.  Damn it! Why did he do this to us?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD