••• C h a p t e r [ 29.2 ] Tiffany Alonzo Suarez Matapos nilang kumanta ay lumapit si Nathalia sa akin. “Mommy, happy birthday. Make a wish,” nagniningning na mata niyang sambit. Pero imbis na hipan ko ang kandila ay binaling ko ang atensyon ko sa kanila. “Hindi ko maintindihan? Anong nangyayari? Ano ‘to?” “Are you surprised?” malalim na boses na tanong ni Klaus sa likod ko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin nang mapagtanto ko na pinagloloko niya lang ako. “KLAUS! Do you just—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sumabat siya. “Yeah. It’s a prank, baby. I remember everything. Hiding-hindi naman kita kayang kalimutan. This is what you want earlier, remembering you, our child, everything and now, I just remember all of it. Just now,” sabi niya at ngumiti ng parang nang-a

