••• C h a p t e r [ 29.1 ] Tiffany Alonzo Suarez "W-Who... Who are you?" Natigil ako nang marinig ko ang mga sinabi niya. "Hindi mo 'ko nakikilala?" seryosong tanong ko. Binitawan niya ang pisngi ko. He stared at me with his ocean eyes filled with confusion. "Klaus, huwag mo 'kong binibiro ng ganyan ha. Hindi ka nakakatuwa." "Y-You're talking to me… Crying in front of me. Nagkukwento ka sa akin ng mga bagay na hindi ko maintindihan at mga taong hindi ko kilala. Sino si Hansley? Sino si Murillo? Ang bata na yumakap sa akin kanina, who is she? Sino ka? S-Sino kayo?" mahina at tuloy-tuloy niyang tanong kahit bakas pa rin sa boses niya na nahihirapan pa rin siyang magsalita. Umawang ang bibig ko sa gulat. Huwag niyong sabihin sa akin na totoo na hindi niya naalala ang lahat ng nangy

