Nang tangkain kong lapitan si Laurent, ay parang paralisa ang ilang bahagi ng aking katawan. Tila binuhusan ako ng isang semento at unti-unting nanigas ang aking kalamnan. Naramdaman ko ang pag-akyat ng lamig sa aking katawan. Namamanhid ang kaliwang binti ko habang sabay sa mabilis na pagtibok ang aking puso. Mabilis. Bawat kabog ay ramdam ng unit-unting naninigas kong katawan. Mga ilang minuto akong nahirapang gumalaw. Pilit kong nilabanan ang paninigas ng buo kong pagkatao. Habol ang bawat malalim na paghinga naramdaman ko ang init sa aking dibdib. Tila sinusunog nito ang bawat ugat na madaanan. Mula puso hanggang sa kumalat ito sa buo kong katawan. Sinusunog ng init ang nanlalamig kong katawan. Mahapdi. Nakakapaso.
Paralisado na at walang malay sina Amber at Laurent nang mahawakan ko. Sa labinlimang keepers na nasa gitna ng stadium, ako lang ang gumagalaw at walang malay habang ang mga taong kanina'y panay ang hiyawan ay natahimik sa di ko malamang dahilan.
Anong nangyayari saakin? Bakit ako lang ang hindi tuluyang naparalisa at nakakagalaw sa lahat ng baguhang keepers? Bahagi ba 'to ng pagiging ordinaryo ko o may kinalaman ang kanina'y nasusunog na pakiramdam sa aking dibdib? Bakit biglang nawalan na lang ng malay sina Amber kasama ang iba?
Nagririgodon ang mga tanong sa aking isip habang takot na takot akong inilibot ang tingin sa mga taong gulat na gulat din sa mga pangyayari. Marahil ay inaasahan din nilang mawawalan ako ng malay. Marahil ay yun ang inaasahang epekto ng kung anumang mahika na kumalat at nagpawalang malay sa mga baguhang keepers. Magpapanggap ba akong paralisado at wala ding malay?
Bago pa nagdebate ang mga ideya sa isip ko, boluntaryo nang bumigay ang aking katawan ko. Marahil ay sa sobrang pagod na rin. Sinakluban ako ng dilim...
Tatlong beses na malalakas at magkakasunod na ingay ng relo ang gumising saakin mula sa mahimbing kong pagtulog. Huling naalala ko ay nawalan ako ng malay sa gitna ng arena habang sinasaklolohan sina Amber at Laurent. Napansin kong nasa isang malaking silid ako kasama ang ilan pang mga babaeng keepers na nakaligtas mula sa annual a*******n. Pito kaming nandoon sa silid. Marahil ay isa si Amber sa mga mahimbing na nakatalukbong sa mga nakahilerang kama. Napabalikwas ako bigla nang isa pang nakakabinging 'RING' ang tumunog. Sinundan iyon ng isang audio na sa tingin ko'y dinig sa buong lugar kung nasaan man ako.
"Attention keepers, ngayon ay ang araw mg pagsalubong sa mga labinlimang nakaligtas sa annual a*******n. Mangyari ay magtungo kayo sa selection hall para na pagpili na magaganap ilang minuto mula ngayon. Sa ating new keepers na nasa healing house, maghanda na kayo para sa nalalapit na House's Selection. Ang inyong mga kasuotan ay nakahanda na sa mga tokador na matatagpuan sa labas ng inyong kwarto. Aasahan namin ang inyong pagdating sa loob ng apatnapung minuto!"
Hindi ko inaasahan ang agarang pagbangon ng mga kasama ko. Walang nagpahuli sa pagtakbo sa banyo upang magshower at maghanda para sa nalalapit na pagpili.
"Lara! Bilisan mo!" Nagulat pa ako mula sa aking likuran ay hinila ako ni Amber patungong banyo.
Malaki ang shower room ng gusaling iyon. Kasya ang dalawampung katao. May higit sa sampung shower cubicles, may powder room paglagpas ng anteroom, at may dressing area sa bandang dulo ng powder room. Ni hindi ko namalayang nakabihis na ang mga kasama namin at parang walang nangyaring p*****n nung nakaraang araw.
"Amber, hindi ba't yan ang mga sumugod saatin nung nasa arena tayo?" Tukoy ko sa mga kasama naming babaeng keepers na abala sa pagbibihis at tila walang nangyari.
"Hah?" Takang tanong ng babae na noo'y sinusuklay ang malaporselanang buhok.
"Nananaginip ka ba? Walang arena sa Garon Forest. Hindi ba't paglagpas natin ng lagusan ay dito na tayo napadpad?"
"Pero na-"
"Shhhh! Magbihis ka na. Natrauma ka lang siguro sa mga higanteng bato kaya may dagdag-bawas na yang memorya mo."
"Huh? Amber kasi-"
"Nasaan na ba yung gown mo?" Tila wala talagang balak makinig saakin si Amber. Parang may kakaibang nangyari sa arena. Parang nabura ang memorya nila samantalang ang lahat ng pangyayari ay naalala ko pa. "Wow Lara! Ang ganda ng orange ballgown mo. Detalyado ang design." Bulalas ni Amber. Gumiya itong isusuot ang gown saakin kahit hindi pa natatanggal ang twalyang nakatapis sa akin.
Ngumiti na lang ako at pinagsawalang bahala pansamantala ang mga katakatakang pangyayari.
Isang malaking bilog na gusali na gawa sa marmol ang Selection hall. Nakapalibot dito ang tatlong malalaking gusali pa na pinagtanto kong ang Three Houses of Cairos Academy. Kulay Berde ang unang gusali na animo'y isang malaking kastilyong puno ng mga matatayog na tore. Kulay asul naman ang pangalawang gusali na may modernong disenyo. Binubuo ito ng tatlong matatayog na prism-shaped structure na nagmistulang pinatayong malalaking diamante. Samantalang kulay abo ang pangatlong gusali. Ang pinaka simple sa tatlo. Mukha itong lumang gusali na gawa sa makalumang bricks.
"I think that one's cool. Mukhang masaya ang house na yan. That's the House of Draco. Yang kulay blue naman ang House of Monceros at ang green na yan ang House Columbae. " Amber recited knowingly habang tinatahak namin ang daan papuntang Selection Hall. "Sana magkaparehas tayo ng house na mapupuntahan para mas masaya. " Amber continued talking... hindi ito naubusan ng sasabihin hanggang sa marating namin ang main door ng hall. Gawa iyon sa redwood at may nakaukit na mga simbolo.
"Those are the marks of the houses. Yang hugis dragon na 'yan ay ang House of Draco, yang hugis ibon na yan ay ang house of Columbae then the last one na parang unicorn ay ang house of monceros. They are the three powerful protectors of Cairos."
Marami pa akong narinig na pagpapaliwanag mula kay Amber. As usual hindi ito nauubusan ng kwento. Hanggang sa dumating ang grupo ng mga lalaking keepers kung saan kabilang si Laurent. Nakabihis ito ng deep blue suit na bumagay sa kutis niya. Wala itong reaksyon nang makita kami ni Amber. Puwesto agad ito at pumila kahilera naming mga babaeng keepers.
"Yang boyfriend mo oh. Ang sungit." Bulong saakin ni Amber. Hindi ko alam kung bulong yun o sinadyang lakasan para marinig.
"Bulong ba yan o sigaw? Hindi ko nobyo yan."
"Lara, ba't parang hindi niya tayo kilala? Parang wala tayong pinagdaanan noong nasa lagusan tayo ah." Bulong-sigaw uli ni Amber.
"Suplado talaga yan. Hayaan mo na. Hayan pabukas na ang pintuan! Papasok na tayo!" Sigaw ko sabay ayos kay Amber sa pila.
Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga keepers sa loob ng hall pagpasok namin. Mainit ang naging pagtanggap nila. Higit sa dalawan daang keepers ang nasa loob. Mga nasa edad labing isa hanggang dalawampu ang saami'y nakangiti habang kami'y naglalakad patungo sa altar na masa gitnang bahagi ng hall. Nahati sa tatlo ang grupo ng mga estudyanteng nakaantabay sa selection. Mga naka-gray, nakaasul at nakaberde na may kanya-kanyang pahabang lamesang nakapaikot sa altar. Sinalubong kami ng isang lalaking nasa edad animnapu pataad. Itim na itim ang buhok nitong hanggang lagpas balikat at mukhang siya ang punong tagapangasiwa ng Academy. Nakasuot ito ng puting robang nakalaylay ang dulo sa sahig at may hawak na krusipisyong may malaking itim na bato sa dulo.
"That's Master Uran. Ang isa pinakamakapangyarihang keeper sa buong capitol." Bulong saakin ni Amber as usual. Ang matandang babae na mukhang masungit sa kanang bahagi niya ay si Mistress Fhaun. Siya ang pinakamagaling na witch at master of potions and spells. She's single," napahagikgik si Amber bago nagpatuloy. "Ang dalawang lalaking may blonde na buhok sa kaliwa ni Master Uran ay ang twins na pinaniniwalaang 10th reincarnation ng Gemini. Sila ang pinakamakapangyarihang light keepers sa buong Cairos. Then yung matabang babae na nakapusod at may scarf na kulay brown ay ang librarian. She's lady Moondane. Yung naka-berde na lalaki kasama ng mga naka-green ding estudyante ay ang head of the House of Columbae si Dover, yung batang babae na nakaasul na ball gown kasama ng mga halos nakasalamin lahat na estudyante ay ang head obviously ng House of Monceros, si Phobus and... look at that old man na nakagray na parang tambay sa kalye at lulong sa droga, yan ang head ng House of Draco. Ang pinakamagiting na dragon slayer sa kasaysayan. Tinuro ni Amber ang matandang lalaking mukhang hindi seryoso sa buhay at may hawak pang alak.
Naputol ang pagkukwento ni Amber nang magsalita si Master Uran. "Ngayon, ay ang ikaisandaang pagpili para sa mga bagong bayani ng Cairos. Labinglima ang nakapasa mula sa pagsubok ng Garon. At gaya ng nakagawiang tradisyon, ang pagpili ay isasagawa sa pamamagitan ng ardens." Tahimik ang lahat habang nakikinig sa master.
"What's ardens?" Naguguluhan kong tanong sa kaibigan kong libro.
"Susunugin ang bawat keeper. Ang ritual of arden ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsunog sa isang keeper at pagpapalabas ng tunay nitong kulay. Ang isang keeper ay hindi nasusunog kapag binuhusan ng arden oil na gawa sa pinaghalo-halong anim na elemento bagkus ay nag-iiba ang anyo ng kasuotan nito. Kapag sinunog ang isang baguhang keeper, tanda iyon ng pagbibinyag na isa na siyang bahagi ng either draco, colombae or monceros. Isang beses lang sumasailalim sa arden ang isang keeper. Kung asul ang kulay ng damit mo, mapapasana ka sa house of monceros at ganun din sa iba."
Nagpatuloy ang master. "Unang keeper, Xyl Jean!" Tinawag nito ang isang matangkad at matikas na lalaki.
"Susunugin na siya!" Kabadong sabi ko kay Amber.
Nagsisisigaw ang lalaki. Ilang minuto habang nakababad ito sa apoy ay naging kulay berde ang kasuotan nito. Ganun din ang nangyari sa iba. Sa halos sampung nagsagawa ng ardens ay nahati lang ito sa Monceros at Colombae. Lima na lang ang natira at tinawag na si Amber. Pinisil ko pa ang palad nito bago umakyat sa centro ng altar.
"Ahhhhhh!" Tili ng kaibigan ko. Napahigpit ang kapit ko sa laylayan ng aking damit. Marahil nga ay masakit ang ritual. Ilang minuto pang nababad si Amber hanggang sa humupa ang apoy at naging asul ang damit nito. Nagsipalakpakan ang mga taga Monceros.
"Laurent Hale!"
Sa di ko maipaliwanag na dahilan ay kinabahan ako para kay Laurent. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Tanging dasal ko'y maging asul din ang damit niya at maging asul din saakin pagkatapos ng ardens.
###