LAURENT
I stood up, almost petrified when the arden oil was bathed all over my body. The oil smelled like dried mahogany leaves that lingered in my nostrils.
"Stand still. Never get off the arden circle kahit na anong mangyari." Dinig kong sabi ni Master Uran.
Mistress Fhaun stared at me. Lalo akong nabato nang marinig ko ang boses niya sa aking ulo. "Keep your dominant property. If you carry fire and dark, just let the stronger property come out para maging maayos ang selection." Tumango ako. She was sending me telepathic messages at alam niyang double keeper ako. Marahil ay yun din ang ginawa niya sa mga nauna saakin.
Then with a circular wave in the air of Master Uran's crucifix, it created a mixture of blue and red flames. Nagulat ang mga talampakan ko sa init at hapding dulot nun. Hanggang sa umakyat ng tuluyan ang magkahalong apoy dahil sa arden oil. Naramdaman ko ang paggapang ng hapdi sa buo kong katawan. Para akong binabalatan at sinasabuyan ng acido sa katawan. Nanginig ang tuhod ko sa sobrang sakit. Hindi ko akalaing ganto katindi ang ritual. Lumakas pa ang apoy dahilan para kumawala ang sigaw na kanina pa nagbabadya mula sa aking bibig. Damn! Ang sakit! Nauubos ang aking lakas. Parang sinisipsip ng apoy ang buo kong katawan at pakiramdam koy unti-unti nang nalalagas ang bawat bahagi ko.
"Laurent, control your properties. Mas lalo kang mahihirapan sa ritual kung hanggat hindi mo inaangat ang isa mong property." Narinig ko ulit ang boses ni Mistress Fhaun.
Damn! How? Holly s**t.
Shit!
"Ahhhh!" Halos lumuwa ang mga mata ko sa sobrang pilit kong paglaban sa sakit at init.
Sa isang iglap, napakabilis ng mga pangyayari, biglang nasa isang blanko akong dimensyon. Madilim. Walang semento o lupa, parang nakalutang lang ako. Biglang sumulpot mula sa kadiliman ang isang halimaw na umaapoy ang buong katawan. May katawan itong gaya ng isang malaking tao ngunit may ulo na kawangis ng mabangis na toro. Sumulpot sa kabilang dako ang isang nilalang na nakaitim na roba at natatakpan ng itim na balabal ang mukha. May malalaking pakpak itong kulay itim. At may hawak na gintong espadang halos isang metro ang haba.
"Damn!" Nasambit ko nang bigla at walang pasabing sabay akong sinugod ng dalawang halimaw. Tumilapon ako ngunit hindi ako tinigilan ng kahit ni isa sa dalawa. Sa sobrang gigil at galit ko, nagsilabasan ang mga halimaw sa aking kanang braso. Sabay-sabay. Hindi ko pa nagagawa ang bagay na yun dati. Sa pagbangon ko, ay sabay uling sumugod ang taong-toro at ang itim na anghel. Kusang lumabas ang itim na energy ball sa magkabila kong palad. Malaki, malakas ang pwersa at hindi pangkaraniwang energy ball ang mga yun. Nang akmang ihahagis ko na ang mga bolang yun ay biglang nawala ang madilim na dimensyon saaking paligid at bumalik ako sa ritual. Wala nang apoy sa buo kong katawan. Nawala na rin ang kirot. Nabingi ako sa ingay lalo na sa sigawan at palakpakan ng mga estudyanteng nakakulay abo ang kasuotan.
"Ayos! Sa wakas may bago din tayong kasama!" Sigaw ng matandang mama na may hawak na alak si tatang Dravan kung tawagin ng karamihan. Napagtanto ko na nakakulay abong uniporme na rin ako at sa house of draco ako kabilang. Sinalubong ako ng ngiti at palakpakan ng mga taga Draco nang tunguhin ko ang kanilang kinalalagyan. Dito ko talaga gustong mapunta kanina pa.
Pagbaba ko'y agad na isinunod ang babaeng keeper na pang-labingtatlo sa listahan. Naging madali ang ritual of ardens para sa kanya at agad siyang binati ng mga taga Monceros. Hindi ko na alam pa kung anong nangyari sa kasunod nito dahil nabaon ako sa matinding pag-iisip kung bakit nagsilabasan ang mga gabay ng dark at fire property pati ang mga halimaw sa kanan kong braso. Marahil ay dahil double keeper ako kaya hindi naging madali para saakin ang ritual.
"Lara Hearthopia!" Dinig kong tawag ni Master Uran. Naalala ko yun pala yung babaeng kasama ko sa Garon. Ang misteryosong babaeng hindi ko matukoy kung anong property meron siya. O kung may kapangyarihan siya. Hindi ko siya nakitaan ng kahit anong espesyal na kapangyarihan noong nasa masukal na gubat pa kami. Pero parang may taglay itong espesyal na kakayahan kaya siya nakalusot sa mga pagsubok.
Nahuli ko pa siyang nakatingin saakin bago umakyat sa altar para sa ritual. Halatang kinakabahan ito. Alam kong sa mga oras na yun habang binubuhusan siya ng mahiwagang langis ng ardens ay kinakausap na ito ni Mistress Fhaun. Bakas sa mukha nito ang magkahalong lito, takot at kaba. Hindi ko na matukoy pa kung anong nasa isip nito habang kinakausap siya ni Mistress Fhaun through telepathy.
Sa pagwagayway ng makapangyarihang krusipisyo ni Master Uran, nagsimula ang ritual. Nasunog ang buong katawan ni Lara kasabay ng nakakabinging hiyaw nito. Hindi ko kinaya ang tanawin. Halatang sa aming labinlimang dumaan sa ritual of ardens ay siya ang pinakanahirapan. Napaluhod pa ito at nakita kong walang tigil sa pagtulo ang mga butil ng luha nito na agad ding navivaporize dahil sa malakas na apoy.
Matagal ang naging ritual. Kung sa mga naunang keeper ay tumagal ito ng halos sampung minuto, ang kay Lara ay higit na sa tatlumpong minuto. Nagkagulo ang buong selection hall nang dumoble ang laki ng apoy. Sinabayan yun ng paikot na pag-ihip ng hangin na dahilan ng paglipad ng mga papel at ilan pang magaan na bagay. Sabi ko na nga ba. May kakaiba sa babaeng 'to. Nasambit ko habang hindi matigil sa pagsigaw si Lara. Damn. I held a tighter grip as she screamed in pain. Ang hirap palang panoorin. Napatalikod ako. Hindi ko kinaya.
"Lara!!!" Sigaw ng kaibigan niyang madaldal na may puting buhok. "Lara just let go!!!"
It won't work. Bulong ng isip ko. Marahil ay isa ring double keeper si Lara kaya ganyan na lang katagal ang ritual sa kanya. Kung ako nga nahirapan, marahil ay pinagdaraanan din niya ang pinagdaanan ko.
Tsuuuuugh!!!
Sumabog ang kinalalagyan ni Lara dahilan para lumaki pa ang apoy. Napaatras si Master Uran at ang iba pa. Dinig parin sa buong hall ang sigaw ng dalaga. I cluched my knuckes harder. Ramdam ko ang sakit mula sa kanyang hiyaw. Nagsimulang magpanic ang mga estudyante sa loob ng hall.
"Anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong nung isa.
"Hala, baka hindi siya makaligtas!"
"s**t! s**t! s**t!!!" Mura ko. Ganto talaga ako kapag kinakabahan. Baka nga lamunin ng apoy ng arden si Lara. "s**t!" Sigaw ko uli.
Nagkagulo na sa loob ng hall. The scene was a first to everyone. Nagdesisyon ang mga pinuno ng academy na palabasin na muna ang mga estudyante.
"Lumabas muna kayong lahat! Tanging ako at si Mistress Fhaun kasama ang Gemini ang pwedeng maiwan dito!" Anunsyo ni Master Uran. Tila batas ang bawat salita nito. Lahat ng mga hindi binanggit ay dagling nagsitayuan at lumabas ng nasabing hall. Napilitan akong lumabas. Ayoko sana dahil kahit papano'y nag-aalala din naman ako kay Lara pero wala akong nagawa. Kusang sumara ang dalawang malaking pintuan ng Selection Hall. Kasunod nun ay ang usapan ng mga estudyante.
"Kailangan malaman ko kung bakit ganun ang nangyayari... kailangang malaman ko kung ano ang sikreto ni Lara at bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nagpapamalas ng kahit na katiting sa property niya." Kinumbinsi ko ang sarili ko. Dapat may gawin ako.
Damn!
Tila isang liwanag sa dilim ang sumulpot na ideya sa aking utak. Bawal man pero kailangan kong gawin. Summon the invisible queen, Caecus. Tama! Tatawagin ko ang halimaw na si Caecus. Agad akong pumuslit malayo sa hall at naghanap ng tagong lugar. Nagkubli ako sa likod ng selecrion hall kung saan madaming halamang narra at wild flowers. Inunat ko ang aking kanang kamay kung saan nakaguhit ang mukha ni Caecus. Isinentro ko ang dark energy mula sa aking isip patungo sa aking braso. Para siyang isang apoy na gumagapang mula sa mga ugat sa aking ulo patungo sa aking braso.
"Anong kahibangan 'to?" Inasahan ko nang ito ang ibubungad saakin ni Caecus nang kausapin ako nito sa aking isipan. Naramdaman kong humapdi ang bahagi ng aking braso kung saan siya naroon.
"Kailangan kita. Tulungan mo ako." Mahinahon kong sagot sa kaniya. Nakita ko pa sa dimensyon ng aking utak ang pagngisi niya kahit na ang itsura nitoy parang isang kumpol ng itim na ulap na naghugis tao na may puting pares ng mata.
"Anong kapalit?" Masungit nitong tanong.
"Dalawang buwan kitang hindi tatawagin." Matipid kong sabi.
"Sige. Kapag tinawag mo ako nang wala pa sa dalawang buwan mula ngayon, hinding-"
"Hinding hindi mo ako tutulungan kahit na ikamatay ko pa!" Tinapos ko na ang sasabihin nito. "Tulungan mo na ako. Kailangan kong makapasok sa hall na yan nang hindi nakikita ng kahit na sinong makapangyarihang keeper!"
"Yun lang ba?"
Yun lang at agad na lumabas ito sa aking braso bilang isang itim na usok na naging malaking kapote at automatiko itong sinuot saakin. Naririnig ko parin siya sa aking isipan. "Okay na?"
"Kelan pa ako pumalpak? Bilisan mo at ayokong magtagal dito sa mundo mo."
Agad nama akong naglakad ng diretso patungo sa hall. Habang suot ko si Caecus ay makakalusot ako sa kahit na anong dimensyon nang hindi nakikita. Mabilis akong nakarating sa loob. Tumayo ako sa likuran ni Master Uran. Hindi ako nito napansin. Nagsisisigaw parin si Lara habang binabalot ng malaking apoy na nagbabago-bago ang kulay. Mula asul, dilaw, pula, at itim...
"Lara let your strongest property dominate. Huwag kang malito!!!" Utos uli ni Fhaun na ngayo'y sinisigaw na ang sinasabi.
"Oh! She's something" anang isa sa Gemini na kumikinang ang buhok na parang tala.
"Master, posible ba 'to?" Tanong ng isa pang umaapoy ang buhok.
"Marahil. Ang mahalaga sa ngayon ay malusutan niya ang ardens bago siya yupusin ng mga espiritu ng anim na elemento." Mahinahong sagot ni Master Uran.
"Ilang minuto pa habang sinusunog si Lara ng halo-halong apoy ay lumutang ito ng ilang talampakan. Nakaliyad na ito na parang binubuhat ng apoy at sa loob ng isang segundo, isang bolang apoy ang bumalot sa kanya. Parang isang malakas na pwersa ang nagtutulak saamin palayo sa bolang apoy. Tumagal iyon ng ilang minuto. Hanggang sa isang iglap ay parang isang lobo ring pumutok ang bolang apoy na naging dahilan ng pagtilapon ng mga nasa paligid dahil sa lakas ng pwersa nito. Pati ako ay napaatras sa sobrang lakas.
Pagkatapos ng pagsabog, naging kulay ginto si Lara. Para itong pinaliguan ng buhanging kulay ginto at kumikinang. Walang malay na nakahandusay sa sahig ang babae.
"Oh!!!?" Napatakip sa bibig si Mistress Fhaun sa nakita. Tila may ideya ang lahat kung ano ang nangyari maliban sa akin. "Master Uran!"
Pati si Master Uran ay nagulat din sa nasaksihan. Pero nanatili itong kalmado. "Mistress Fhaun, Alpha, Omega walang sinumang pwedeng makaalam nito hangga't di natin nasisigurong totoo ang nakasaad sa libro. Alam ko, sa unang tingin ko pa lang sa batang ito doon sa arena ay may nakatagong espesyal sa pagkatao nito."
Espesyal? Si Lara? Sa anong dahilan? Arena? Puno ng katanungan ang isip ko.
"Ang babaeng yan, may natutulog na enerhiya sa kanyang katawan."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kay Caecus.
"Lumabas ka na! Tapos na ang trabaho ko dito!" Panirang araw na utos nito. "Lalabas ka ba o iiwan kita dito nang makita ka ng mga yan?"
Naalarma ako sa sinabi nito. Wala akong nagawa at lumabas agad habang pinagmamasdan kong bumabalik na sa normal ang kulay ni Lara at nagkakamalay na ito. Nakahinga ako ng maluwag.
Anong lihim ang meron si Lara? Alam ba niyang may lihim sa kanyang pagkatao? Saang house siya mapapabilang?
###