Chapter 1-The Gate of Test

1796 Words
LARA Hindi pala panaginip ang lahat! Dinukot ako ng isang arkanghel. Dinukot kami. Hindi ako nag-iisa. It rained human that day. Literal. Higit sa isang daan ang abducted at kasama ako sa mga ibinagsak sa lupa. Katulad ko, nagising din ang iba nang may magkahalong taka at gulat sa mukha. We were in a green field na walang laman kundi d**o at wildflowers. Nagkalat ang mga nagsihulugang tao. I searched for my brother after conquering the pain all over my body brought by the sudden fall I had earlier. I looked everywhere in the meadows pero parang wala si Cael. Inisa-isa ko ang mga abducted, to my dismay my brother appeared to be missing—or sent back home. I wish he's home, a thought I slightly claim for relief. Naisip kong baka ibinalik si Cael somewhere not here at ako ang kinuha bilang replacement niya. At the back of my terrified mind, it's so imposible. Mula nang bata pa kami, halatang si Cael na ang magically gifted at malayong mas makapangyarihan saakin. He can bend fire effortlessly at a very young age. He's too powerful that my parents trained him to control his powers just to prevent him from being abducted; while I grew up to be just an ordinary clumsy girl who goes to school, get bullied because of my dry brown hair. I was weak and fragile. "Cael! Cael!" Malakas kong sigaw sa gitna ng mga taong nagkumpulan. Hindi ko na pinansin ang reaksyon ng iba, I desperately called for his attention. Unfortunately, no one answered. Cael was nowhere to be found on that field. "He's somewhere near home... yes, he is safe," pilit kong kinumbinsi ang sarili ko para kumalma. Until all of a sudden, isang boses ang gumulat sa mga abducted. "Ako si Jase mula sa Cairos Academy of Magic," malakas na sabi ng isang baritonong boses mula sa ituktok ng burol na nasa kanluran di kalayuan sa kinatatayuan ko. He looked mysterious with his dark hooded cloak that covered his metallic armor. Ang maputing pisngi at matangos na ilong lang nito ang nakikita. He seemed good looking with his face half covered. Isang arkanghel! "Your first test will start in three minutes. All you need to accomplish is to successfully get into the gate behind you." Itinuro nito ang dakong nasa likuran namin saka nagpatuloy "That's the Gate of Ablution. Tanging ang deserving magical gift lamang ang makakapasok, ang Gate of Ablution ang siyang pipili ng bearer na pwedeng pumasok sa Forest of Garon." Sa huling kataga niya ako nabahala. Napansin ko na noong una pa ang malaking gate na gawa sa silver pero mas nabahala akong ang masukal na kagubatang nasa loob ng gate na yun ay ang Forest of Garon. Marami na akong nababalitaan sa kagubatang iyon. Lahat, nakakapangilabot. Pero ang akala ko'y isa lamang alamat ang kagubatang 'yon. Ang kagubatang kumitil ng milyon-milyong nilalang ayon sa nabasa kong libro. Kinilabutan ako. Gusto ko nang umuwi. "Be ready with the obstacles inside the Forest of Garon. Ang kagubatang 'yan ang magtatakda ng inyong kapalaran: kung kayo ba'y hihiranging isa sa mga bayani ng Cairos o mapapabilang sa mga pangalang kakalimutan at ibabaon ng kagubatang 'yan. Those who will past will be official students of Cairos Academy of Magic. There, you will learn how to use, enhance, and preserve your magic in most of the situations you will face after your graduation. This is the start of your long journey as one of the keepers of the six element. But first you need to survive the gate of test and that dark forest inside it. Sa kabilang dulo ng gubat ay may limang lagusan patungo sa limang houses kung saan kayo mapapabilang. There are three rules para makalusot kayo sa kagubatang iyan: first, do not try to revert your route, huwag nang tangkaing bumalik sa gate because no one have ever successfully got the chance to go back home after the a*******n. It's either you survive the test and become a hero or you fail and be forgotten. Second, use your powers to succeed. Kung kinakailangang kalabanin niyo ang mga kakilala at pati kaibigan niyo just to get to the edge of the forest, do it. This is a survival of the most fit and powerful. Matira matibay. Third, never take the straight path. There are five paths going to the forest, there is a tricky circling path, the bushy path, the unknown path, the maze, and the straight path. Just don't take the straight path. Bawat path ay may kanya kanyang set of obstacles na kailangan niyong mapagtagumpayan. Sa isandaang sumubok na tahakin ang tuwid na daan, tatlo lang ang nakarating sa dulo na buhay. You are given two days to get to the other side of the forest. Huwag magmadali, that's the fourth rule perhaps. STAY ALIVE!" 'Yon lang at biglang naglaho ang lalaki na parang na-diffuse ang katawan sa hangin. Na-amaze ako sa nakita. I have never seen any disappearing magic as astounding as that. Isang minuto matapos ang pagkawala ng misteryosong lalaki na nagpakilalang Jase, biglang bumukas ang Gate of Ablution. Gumawa iyon ng isang misteryosong ingay na umalingawngaw sa buong bukirin. Hindi iyon pangkaraniwang ingay. Papalakas ng papalakas ang ingay na dulot ng gate habang dumadaan ang bawat segundo. May napaluhod at napatakip na sa tainga dahil hindi kinayanan ang malakas at nakakabinging tunog ng gate. Mga dalawampung segundo ang lumipas nang tumigil ang gate at binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong paligid. Hindi ko alam kung nabingi lang ako kaya wala akong naririnig o lahat ay napipi na kaya walang nagsasalita. Silence conquered the moment. Just a set of my heavy breathing. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale... Nabingi ako. Hindi ko na marinig ang malakas kong paglanghap ng hangin kahit na sigurado akong hinabol ko na ang aking paghinga. Parang nawalan ako ng lakas dahil sa ingay na ginawa ng gate. Halata kong hindi lang ako ang nakaramdam no'n. Nakailang habol pa ako ng paghinga nang biglang may tumakbo upang tangkaing pumasok sa Gate of Ablution. Isa iyong lalaking nasa edad labing pito pataas kasama ang isang batang babaeng hindi lalagpas sa edad na sampo. Magkapatid din ang mga ito at sabay dinukot. Marahil ay galing ito sa Northern Region ng Cairos o Northunia dahil sa kasuotan -nakacombat suit ang mga ito at halatang gawa sa matibay na leather ang suot. Bumilang ako ng sampung segundo. Pigil ang paghingang pinagmasdan kung makakalusot ba ang magkapatid. Four... .Three... .Two... One! Halos sabay-sabay na nakahinga ng maluwag ang mga naroon nang makalusot sa gate ang mga naunang naglakas ng loob. Kasunod no'n ay isa pa ang sumubok at matagumpay na pinadaan ng gate of ablution. Nagkaroon ng lakas ng loob ang mga dinukot at nagsimula na ring tumakbo. Sumunod ang lima pa, nakalusot ang una sa lima. Laking gulat ng lahat nang biglang may mangyari sa natitira pang apat. Pago pa makalagpas ang mga ito sa gate of test ay nagpakawala ng sanga-sangang kidlat ang Ablution at tinamaan ang apat na kabataang nangahas dumaan. Napakalakas ng impact ng kidlat sa katawan ng apat. Sumabog ang mga ito at nawalang parang mga abong itinapon lang sa hangin. Kasunod nun ay ang pag-aatubili ng ilan pang sumunod sa tinamaang apat. "Dalawang minuto na lang ang natitira bago magsara ang gate at magsisimula na ang purging sa mga hindi nakapasok." Isang boses ang narining na tila nagmula sa kalangitan. Kinilabutan ang karamihan. Kasabay ng pangangatog ko ay ang pagtatangkang humakbang palapit sa gate. Hinihila ako ng takot na baka tamaan din ng kidlat na pinapakawalan ng gate. Tinutulak din ako ng takot sa posibilidad na mamatay ako sa purging. Nayakap ko ang aking sarili. Halos hindi ko na mabilang ang ilan pang sinunog ng gate. Sa oras na tamaan ako ng malakas na kuryenteng nagmumula sa lagusan na 'yon, tiyak mawawala din akong parang abo at hindi na ako makakabalik sa bahay. Nakadalawang hakbang ako mula sa aking kinatatayuan kasabay ng mga kapwa kong takot na kabataan. Sa bilis ng pagkabog ng aking dibdib ay ang marahan at kinakabahan kong paghakbang palapit sa Gate of Ablution. Nanginginig ako sa ideyang baka katapusan ko na. Mamatay na ako! Hindi ako pipiliin ng Gate of Ablution dahil wala akong sapat na kapangyarihan para mabuhay at magtagumpay sa Forest of Garon. Hindi ako kagaya ni Cael na kinakitaan na ng pambihirang kapangyarihan ng apoy kahit na nasa musmos na edad pa lang. "TATLUMPONG SEGUNDO!" Paala-ala ng boses mula sa kawalan. Nagsiunahan ang mga natitira pa sa labas ng gate. Lagpas sa kalahati ng bilang ng mga yun ang nasunog. "DALAWAMPUNG SEGUNDO!" Sa dalawampung segundo na yun, napapikit ako at hinakbang ang limang metrong naglalayo saakin patungong kamatayan. Dinig ko ang bawat sigaw ng mga katawang binabawian ng buhay sa harap ng gate of test. "Cael... Mama... Papa..." Bulong ko habang unti-unting tinatahak ang daang papasok sa gate ng kamatayan. Marahil, huling hikbi at sigaw ko na ang maririnig ng mundong 'to. Dahil sa ilang segundo'y baka bawian na rin ako ng buhay ng gate of test dahil mahina ako at hindi karapat-dapat mapili. Sa pangangatog ng aking mga tuhod habang pikit-dilat kong hinakbang ang aking kanang paa sa bungad ng gate, nakita ko ang pagkislap ng bawat bakal na bumubuo sa malaking gate. Maglalabas iyon ng higanteng kumpol ng kidlat at tatama 'yon saakin. Niyakap ko ang aking sarili. Tagatak ang aking pawis. Sa pagbagsak ng masaganang luha sa aking pisngi ay kumawala ang mga hibla ng kidlat mula sa Gate of Ablution. Tatamaan ako! Napasigaw ako sa sobrang takot. Napalingon ang lahat ng nakapasok sa gate pati na rin ang mangilan-ngilang hindi sumubok pumasok at nasa aking likuran. Nagsigawan din ang mga nakatunghay sa pangyayari. Isang napakalakas na boltahe ng kuryente ang sumabog sa aking paligid. Hindi ako tinamaan ng malakas na kumpol ng kidlat. Kumislap muli ang mga bakal ng gate. Natigil ang aking paghinga. Nabato ako sa sobrang takot. "Tumakbo ka na papasok! Bilisan mo!" sigaw ng isang babaeng nasa edad ko lang ang itsura. Puti ang buhok nito na bumagay sa maganda niyang mukha . Nataranta ako sa narinig. Hindi pa tuluyang nabubuo ng gate ang papakawalan nitong malakas na kuryente. Kumaripas ako ng takbo. Apat na hakbang na lang at makakapasok na ako. May tatlong abducted mula sa aking likuran ang nagtangka ring tumakbo papasok. Napapikit uli ako habang takip ng aking mga palad ang aking ulo. "Ahhhrg!" "Ahhhhh!" "Urghhh!" Tatlong sunod-sunod na pagsabog ang aking narinig. Tatlong magkakasunod na pagtutol sa kamatayan. Sa ikaapat kong paghakbang, napagtanto kong hindi ako tinamaan ng Gate of Ablution. Paluhod akong bumagsak sa lupa. Humihingal. Nanginginig. Hindi ko alam kung pinili ako ng mahiwagang gate o sinuwerte lang. Nakalusot ako sa tarangkahang kakambal ng kamatayan. Pumasa ako sa first test! ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD