Chapter 2-The Purging

1926 Words
"Fear does not exist in a brave and faithful heart..." I remember my father told me that once. I never learned that until now that fear and death is about to defeat me. Sana hindi ko lang pinakinggan ang mga pangaral niya, sana isinabuhay ko ang mga 'yon. Sana. Isang segundo lang ang tsambang nalagpasan ko bago nagpakawala ang gate ng isang malakas na kidlat at sinunog ang mga papatawid pa lamang. Napatakip ako ng tainga sa sobrang lakas ng pagsabog na binuo nito bago tuluyang nagsara. Nagpapakawala pa ito ng mga hibla ng kuryente sa bawat bakal na bumubo dito. Isang senyales ng pagbabadya na tapos na ang gate of test at magsisimula na ang purging para sa mga napagsarhan. Nasa dalawampu ang nasa labas ng gate, higit sa apatnapu naman ang ligtas na nakapasok. Nakaabang kaming nasa kabilang dako ng gate kung anong mangyayari sa mga naiwan. Isang malakas na sirena mula sa kalangitan ang gumulantang sa aming lahat. Binahiran ng takot ang mga nasa labas ng gate nang magdilim ang langit na sinundan ng magkahalong pagkidlat at pagkulog. "Magsisimula na ang purging!" Takot na sabi ng magandang dalagang kanina ay nag-alala saakin. Simputi ng nyebe ang buhok nito na lagpas balikat. Asul ang mga mata nitong napapaligiran ng makapal na talukap, porselana ang kutis -mukha siyang diyosa. Sa itsura nito'y mukha siyang taga Westeros. "Tignan niyo! May mga bumababa mula sa mga itim na ulap!" Sigaw nung isa sa di kalayuan habang lahat ay nakatingala sa nagkukumpulang ulap na animo'y bumubuo ng isang black hole sa kalangitan. Isang bagay na unang beses ko pa lang nakita. Nakaitim na roba na may hawak na kumpay ni kamatayan. Walang mukha at tanging mga pulang matang nagingislap ang naaninag sa loob ng talukbong ng mga ito. Ang mga kamay ay parang naagnas na at nangingitim kasama na ang mahahabang kuko. "Mga death grinder!" nanginginig na pahayag ng batang nasa likuran ko. "Sila ang magsasagawa ng purging para sa mga hindi nakapasa sa unang pagsubok. Lagot na, walang ititirang buhay sa kanila. Papatayin ang mga hindi nakapasok sa gate." Nanginginig na pahayag ng isa pang babae. "Tumakbo na kayo!!" sigaw ng magandang dalagang may puting buhok. Bago pa man makatakbo ang iba ay napalibutan na sila ng mga nakakapangilabot na death grinders. Nagtangkang manlaban ang ilan at nagpamalas ng kanya-kanyang kapangyarihan. Mga kapangyarihang hindi pa nahahasa. Nagtapon ng isang maliit na fire ball ang isang binatilyo. Tila hindi ito umabot sa kinatatayuan ng isang kampon ni kamatayan dahil nagvaporized ito nang kusa. Ang iba'y tumili na lamang at sumigaw para makahingi ng saklolo. Durog ang puso ko nang makita ko ang isang batang babae na nasa edad labing isa pababa nang tangkain nitong lumuhod sa harap ng death grinder at walang anu-ano'y kinitilan ito ng buhay ng walang pag-aalinlangan. "Christina!" Sigaw ng isang lalaking nasa edad disi y otso. Marahil ay nakatatandang kapatid ito ng pinaslang na batang babae. Lumapit pa ito sa tarangkahan at pinilit buksan ang lagusang puno ng kuryente. Sa kasamaang palad ay hindi na ito nakawala sa pagkakakapit sa bakal na gate at namatay ito sa tindi ng kuryenteng tumama sa katawan niya. Nasunog ang katawan nito at naging abo, unti-unting yinupos ng hangin ang mga bahagi nito. Hindi ko kinaya ang eksena. Naalala ko ang kapatid kong si Cael dahil sa nakita. Dahil sa tindi ng patayang nagaganap sa mismong harapan ko, tumalikod na lang ako habang nakatakip ang aking mga palad sa aking tainga. Hindi ko mapigilang umiyak at manginig sa sobrang takot. Sigaw. Tili. Hiyaw. Mga boses na binuo ng takot. Hindi ko nakayanan ang takot. Unti-unti akong nilalamon nito habang tumatagal ang purging. Kaya pala wala nang nakakabalik sa mga batang kinukuha para sa pagsusulit dahil pinapatay ang mga hindi pumapasa. Isang bagay na hindi ko lubos maisip. "Okay ka lang ba?" Isang matamis na boses ang nagmula sa aking likuran. Hindi ako nagkamali nang lingunin ko ito. Siya yung babaeng parang diyosa. Umiling-iling lang ako. Hindi ko kayang takpan ang takot na nakapinta sa aking mukha. Tinapik-tapik nito ang aking likuran bago ito naglabas ng isang bote ng tubig at iniabot ito saakin. "Pampakalma yan." "Salamat..." nanginginig ko pang sambit kasabay ng panginginig ng katawan ko. Napaghahalataan na pinalaki akong duwag at hindi handa sa mga ganong kaganapan. "I'm Amber Frost. Taga Westeros ako." Mabini nitong pagpapakilala. "Ikaw si Lara Hearthopia?" Pagpapatuloy nito. Nahalata siguro nito ang magkahalong lito at gulat sa aking mukha nang mabanggit niya ang aking pangalan na parang matagal na kaming magkakilala kaya nagpaliwanag ito. "May brainy pet kasi ako sa bahay, isang pusang kulay purple. Kaya niyang ipredict ang future. Kaya alam ko na ang pangalan ng magiging kaibigan ko. Naexcite nga akong pumunta dito eh." NAEXCITE? May naeexcite pala sa mga gantong pangyayari? Ako takot na takot tapos ang magandang babaeng 'to 'naeexcite'? "Ba't ka naman naeexcite? Hindi ka ba natatakot sa Forest of Garon?" "I have read a lot of books about this forest. Ang masaklap, lahat ng witchcraft and wizardry books na binili ng mama ko eh pare-parehas ang sinasabi. I wanted to see it for myself and I wanted to finally meet you! Mag-aadventure tayo! Awkward. Weird. Uncanny. Papano niya nasisikmura ang mga pangyayari at papano siya nagiging kalmado sa kabila ng patayang nagaganap sa labas? O baka ako lang talaga ang hindi handa sa pagsusulit dahil iba ang napaghandaan ko? Ang pagtatago at pagtakbo. "You were raised with magic?" "Definitely. I was raised ready for this. Sabi ng parents ko, hindi daw pwedeng kontrahin ang mga nakaguhit na sa propesiya. Hindi na pwedeng baguhin kung ano ang mag mangyayari at hindi mangyayari. They had no choice but to prepare me defend myself." She said confidently. "Ang saya nga eh, the night before the a*******n, naghanda pa sila ng despedida party. Pampaswerte daw." Napanganga na lang ako sa mga narinig. Hindi ko alam kung mawiwirduhan uli ako o manlulumo dahil hindi ako pinalaking katulad niya, handa sa mga ganitong sitwasyon na hindi kayang iwasan ng simpleng pagtatago at pagtakbo. "Maswerte ka, you know your strengths. May depensa ka at pwede kang magsurvive sa loob ng nakakapangilabot na kagubatang yan." "Anong property ka ba?" tila naiintrigang tanong nito saakin habang kumukurap-kurap ang mga talukap niyang napakaganda. Nalito ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot. "Are you fire, water, wood, air, light or dark? Anim lang naman yan eh." She said shrewdly. Naguluhan ako kung ano ang isasagot. Honestly, I didn't know what property I was keeping. Hindi ko nga alam na isa akong Keeper. Keeper ang tawag sa mga taong may kapangyarihang galing sa anim na elemento: ang apoy, tubig, hangin, lupa, mga taka at kadiliman. Hindi ako keeper hangga't hindi ako nakakapagpalabas ng kung anumang element sa aking katawan. Wala naman kasing apoy, hangin o tubig o kaya'y puno na lumalabas sa katawan ko. All I know is kakambal ako ni Cael na isang fire keeper. It took me time to answer, it was a long pause and unfortunately she waited so patiently. "Don't lay your cards so easy to people you just knew Lara. Huwag mong hayaang mabasa nila ang personality mo ng gano'n kadali. On that rate, hindi ka nila madaling mamamanipulate and you will not be an easy target." I remembered my father saying those lines. Kahit papano'y may natutunan din akong defense lesson mula sa mga magulang ko. "Are you water? You look like you have a strong defense power." She predicted cunningly. "Huh?" With a blank reaction on my face, I managed to continue. "Ang totoo niyan, I-" "You're a water keeper?!" she cut me out. Malakas na pagkakasabi niya. Like knowing what my property was the only thing she wanted to know in this world. Ayokong magsinungaling sa dahil parang napakabait nito at magaan ang loob ko sa kanya. With laughter so soft, I acted scratching my head. Ngumiti ako na parang napasubo. Parang tinakbuhan na ako ng swerte sa usapang iyon dahil matiyaga niyang hinintay ang magiging sagot ko. "Kailangan ba talagang sagutin ko na yan?" "OO!" parang batang mapilit na tumugon ito. Her eyes glittering with excitement. "Nagpustahan kasi kami ni Jolly, 'yong pusa ko. Hindi niya mabasa sa future thoughts niya kung anong property meron ka. I thought he was just jesting and tried to bribe him with a fish but he really can't read your property using his prediction. Para daw may block or shield. So I guessed water property ka kasi water keepers are hard to infiltrate." Having Amber said those, I got more confused kung anong property ako. Akala ko fire din ako dahil fire keeper ang kakambal ko, pero parang water nga ako. "A-anong pusta ni Jolly?" I asked as my way of soliciting more information about the properties that was never mentioned by my parents. She aggressively answered. Amber seemed like she was interested about my property that's why she provided every single details and almost everything Jolly said. "Sabi ng pusa ko, isa kang Fire keeper kasi daw your offense power is absolute." Absolute. That was her description. An absolute offensive power. Parang natawa ako sa ideya. Ni hindi nga ako marunong mangaso. Ultimo langaw sa bahay hindi ko kayang patayin. Funny, but I didn't have the right not to believe because she's the water keeper witch with a cat that can predict the future. Ako, isa lamang farm girl na taga Easteros na ang tanging talent ay magtago, tumakbo, tumili at sumigaw kapag nasa panganib. "So anong property ka?" Naiinip nitong sabi. "Water? Water right?" "Actually Amber, secret lang natin 'to ha?" Tumango ito ng mabilis pa sa kidlat. "Yes." "Hindi ko alam kung anong property keeper ako. I have no idea. My parents raised me how to hide and run from the mercenaries of Cairos. Hindi ako pinalaki at hinasa ang powers na meron ako. Hindi ko nga alam kung meron ako eh. Kasi wala namang lumalabas na apoy o tubig o yelo, palaka, o kahit ano pang insekto sa katawan ko." Bigla akong nahiya sa kausap. A girl who didn't know her property or if she has a property to keep infront of a girl who grew up with magic? It's lame. Laking gulat ko nang makita ko ang pagkamangha sa mukha niya. May pagkawirdo talaga 'tong bago kong kaibigan. Then she unhesitatingly whispered, "Amazing Lara... Interesting! Nakapasok ka sa Gate of Ablution without any property? Wow!" "Sinuwerte lang siguro ako. Ngayon hindi ko alam kung pa'no ako makakaligtas sa Forest of Garon. Knowing how wicked the creatures are there." Umiling-iling pa ako. Naramdaman ko uli ang takot nang maisip kong kailangan kong pumasok sa kagubatang iyon at piliting magsurvive. Amber held my hands. I felt the warmth of her hands. "Don't worry, kasya tayo sa flying broomstick ko. We'll reach the edge of this forest. ALIVE." Napalubag naman ng bago kong kaibigan ang loob ko. Isa talaga siyang diyosa. Nagpasalamat ako at nagdesisyong balikan ang eksena sa harapan ng gate. One. Two. Three. Four... And more! Ang mga taong nakita kong nakikipaglaban para sa kanilang buhay sa gitna ng purging ay mga bangkay na lamang. Tila mababaliw ako sa nakita. Bumaha ng dugo. Ang kaninang berdeng berdeng damuhan ay tila isang magandang bahagi na lang ng imahinasyon ko dahil pinintahan na ito ng nagkalat na dugo ng mga biktima ng purging. Nanginig uli ako sa takot. Awtomatiko naman akong pinakalma ni Amber, ang bago kong kaibigan sa gitna ng kagipitan. She held my hand as we turn around and headed towards the five tricky and risky paths. ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD