Chapter 3-Unsafe Route

1928 Words
Ilang metro mula sa gate ay may isang tulay na gawa sa bato. Ito ang nagsisilbing lagusan patungo sa limang ruta. Sa dulo ng tulay na 'yon ay isang malaking magic circle na may markang ng mga runes o magical symbols. May hugis tala sa loob nito na binuo ng tatlong tatsulok na ginuhit ng magkakasalungat. Walang bukas na daanan at tila natatabingan ang limang ruta ng makakapal na dahon ng mga puno. Dala ang takot na matagal nang namamahay sa aking isipan, hinayaan kong mauna ang iba. Halos nakapila na kami sa may tulay dahil hindi agad umapak sa magic circle ang naunang tumawid. Marahil ay pinangunahan din ito ng takot. "Tumabi kayo!" Sigaw ng isang boses maangas mula sa likuran. Napalingon kami ni Amber. Bago pa man namin mapansin kung sino ang lalaking 'yon ay nasa dakong likuran na namin siya at walang pakundangan kami nitong tinabig. "Mga duwag! Ako na nga ang mauna!" Sigaw pa nito. Nakaantabay ang lahat sa mayabang na naunang umapak sa gitna ng magic circle. Walang nangyari sa loob ng ilang segundo. Bagay na ikinalubag ng loob ko. Makalipas ang ilang minuto ay biglang umilaw ang lupa. The lights from the ground came out luminous on circular trails of the magic circle. Luminous lights released by the runes came after, red, blue, yellow, purple, green, white and more colors came out from the circular ground. Then suddenly, the branches of the giant trees that surrounded the magic circle moved, revealing an opening towards the eastern side. "Sa pinakadulo siya pinadaan ng Magic or Wiccan Circle. That's the longest path, umiikot yan sa buong kagubatan. It's the longest but the safest path. Sana diyan tayo dalhin ng Wiccan Circle." Bulong saakin ni Amber na hindi ko na tinanong kung paano niya nalaman dahil bigla na namang sumulpot sa isip ko ang mga librong binasa nito at ang kulay ube niyang pusa. "Hindi ba sinabi sayo ni Jolly kung saan tayo mapupunta?" I asked out of curiosity. "Jolly's power cannot infiltrate the Forest of Garon. Kaya hindi na niya alam ang mga mangyayari sa loob and all the events after that." Amber sounded disappointed but she tried to hide it. Sa gitna ng pag-uusap naming yun, ay hindi namin namalayang nakapasok na pala sa unang ruta yung mayabang na lalaking nagboluntaryong mauna. Sumunod ang isang batang babae na nasa edad sampu. The Wiccan Circle released the magical color of incantation again. This time the fourth and third path opened. "Dalawa ang bumukas?" Gulat kong tanong. "Posibleng mangyari yan lalo na kung ang isang keeper ay may multiple property. The second path is also called the Road of the Clever. Yan 'yong daang punong-puno ng pagsusulit na gamit ang utak. Mga matatalinong tao ang pumipili diyan. Ang fourth path naman ay ang path of fears and illusions. The keepers with great self-drive and powerful imagination can survive that path. Pang limang path, that's the Road to nothingness. It's the road of the keepers with strong stamina. Bawal tayo diyan." Amber lectured. "You mean, the third path is the straight path na sinabi nung archangel na huwag nating tahakin?" "Absolutely. That's the path of death. Kaya kapag turn mo na at isa yan sa mga bumukas na daanan mo, choose any of the four paths huwag lang yan." Amber kept her tone unruffled. Then she continued, "Kung sakaling hindi tayo parehas ng daanan, promise to survive okay?" I was moved by her kindness. I was about to make a promise nang isang ingay mula sa isa sa mga ruta ang umagaw ng atensyon naming lahat. Tumitili ang isang babae at humihingi ng saklolo. We heard her scream so loud bago ito tuluyang naputol at pinalitan ng nagngingitngit na kahol ng mga lobo. Mula yun sa third path, and tuwid na ruta. May nagtangkang tahakin ang ikatlong daanan ngunit wala pang isang minuto ay nilapa na ito ng mga gutom na lobo. Lalo akong kinabahan at napakapit sa braso ni Amber. Naramdaman nito ang panginginig ko sa takot. A tap on back, that's what Amber gave me before I took my turn on the Wiccan Circle. I was counting my breath. Evenly deep shaky breathing. Lubb...Dubbb! Lubb... dubb... lubb! My heart beat nervously. Habang hinihintay ko ang pag-ilay at pag-ikot ng mga bilog na guhit sa magic circle na yun, lalo lumalala ang kaba sa aking dibdib. Sweat started to flow. Naramdaman ko ang pagdaloy ng pawis mula sa aking noo patungo sa aking kanang mata. My right eye ached a bit. Sa gitna ng kabado kong paghinga at pangingilabot ng buo kong katawan, the incantation started. There were no colored lights with a glitter of gold or silver. Nothing special happened. Bigla lang dumilim ang buong paligid. And there was silence... Parang dinala ako ng Wiccan Circle sa mundo ng kawalan. Sa mundo ng takot kung saan mag-isa lang ako at walang ibang nararamdaman kundi ang takot ko. Naramdaman kong tila umikot ang kinatatayuan ko. Umiikot ako. Animo'y nililito ako ng magic circle kung nasaan ang direksyong tatahakin ko sa limang ruta. Madilim ang paligid at tanging ang pakiramdam ko ang aking sandata sa mga oras na yun. I was not able to count how many rotations happened. "Lara!" I heard Amber's voice from somewhere in the dark pero tipong hindi ko mapagtanto kung saan nanggagaling yun dahil para akong nasa loob ng isang silyadong kwarto. Lahat ng naririnig ko'y umuulit-ulit - bumabalik-balik. Aghast! That's what I felt when five doors randomly opened around me. Hindi gaya ng dati kong nakikita na nakahilera ang limang lagusan kaya alam ko kung nasaan ang ikatlong path na dapat kong iwasan. Limang pintuan na may pare-parehas ang sukat at hugis. Iisa ang kulay ng liwanag na nagmumula sa mga pintuan yun. Para akong pinapalibutan ng limang spot lights na nakatutok saakin. Nasilaw ako kasabay ng pagkalito kung nasaan ang pintuang dapat kong piliin at iwasan. I was clueless. Hindi ko mapagtanto kung nasaan ang first path. Ang longest but safest path. Nangingilid na ang naghalong pawis at luha sa aking mga mata. Pero kailangan kong maging matapang para makabalik ako ng ligtas sa aking mga magulang. Huminga ako ng malalim at pinahid ang mga ngingilid na likido sa magkabila kong mata. Inipon ko ang lahat ng tapang na meron ako at nagdesisyong kahit saan na ako mapunta. I have four out of five chances to be lucky. Huwag lang talaga sa ruta ng kamatayan. I took one brave step to the left. Gan'to 'yong mga nababasa ko sa libro, yung mga unpredicted spots gaya ng left right at hindi ang panggitna, nasa harap o likuran ko. On my second step going to the left, I heard voices everywhere. "Take the door behind you Lara," kaboses yun ng mama ko. Naulit pa ang boses na yun bago sumulpot ang boses ni papa. "Take the door behind you anak." "Ate, take the door behind you!" "Mama, papa, Cael..." 'Yon lang ang nasambit ko bago ako tuluyang nilamon ng liwanag nang lingunin ko ang pintuang nasa aking likuran. Nakakasilaw. Nakakabulag. Nakakahilo. *** I was unconscious for a moment. Nang oras na marealized kong buhay pa ako matapos akong lamunin ng makapangyarihang liwanag na 'yon, alam kong nasa loob na ako ng Forest of Garon at nasa isa ako sa limang landas patungo sa dulo nito. I wasn't asleep or was not fully awake either. Nakadapa lang ako sa kumpol ng mga tuyong dahon. They smelled like pine trees. Dried pine tree leaves to be exact. Narinig ko ang mga kaluskos sa di kalayuan. Footsteps breaking the dried leaves came closer until I can finally feel someone else's presence. I closed my eyes and pretended dead. I felt a pang on my lower leg. I supposed it's someone's sword directed on my lower leg. "This one's dead." A male husky voice exclaimed. "Wait lang, humihinga pa yan eh!" Isang boses babae naman ang sumagot mula sa aking ulunan. Naramdaman kong dinama nito ang aking pulso upang masigurong buhay pa ako. "Kuya, siya yung babae kanina sa magic circle. She's the girl who's got no luminous aura ang made the entire Garon Forest black!" "She's nothing special. Let's go Miranda." The male voice commanded as if all the authority was his. "Kuya, we can't just leave this girl like this... Let's help her!" I felt relieved as the girl declared a help. "So anong balak mo? Kaya mo siyang buhatin?" iritableng sabi ng lalaki. Halatang ayaw nito sa ideya ng nakababatang kapatid. "I can carry her, I am a wind keeper. Kaya ko siyang palutangin." Deep inside, natuwa ako sa bata. Her voice seemed like an angel who's ready to rescue me. "Mauubos ang enerhiya sa katawan mo. Don't be so imprudent now Miranda. Let's just go, o kung kaya mo siyang gisingin just do it. I won't carry another stuff lalo na't napakabigat na nitong gamit natin." I felt the small hands of the sweet girl on my cheeks. Napakalamig nito. Her hands smelled divine. Then she whispered, "Ate, puwede ka nang bumangon. Alam ko kanina ka pa gising. Pumayag na si kuya na isama ka." Then she released an almost angelic laugh that forced me to open my eyes and stop the play-dead act. Nang imulat ko ang aking mga mata, mata nung nakakatandang lalaki ang bumungad saakin. His almond shaped eyes were brown. His face, a master of art. Napakagwapo nito sa suot na leather jacket with black gloves that covered his palms and revealing his long manly fingers. He's around six feet tall. "Kanina ka pa ba gising at nagtutulog-tulugan lang?" iritable nitong sabi. His gaze would seriously kill. The cute girl who's exactly god-like her brother answered in rescue. "Kuya, nahihilo siya kanina. I gave her a healing wind to recover her strength." "S-salamat." Kako sa batang babaeng nasa edad sampu. "Anong pangalan mo ate?" magalang na tanong ni Miranda saakin. "Lara. Ikaw?" Sagot ko kasabay ng pagbangon ko mula sa pagkakahiga. "Ako si Miranda Hale and he's Laurent Hale! I'm a wind keeper and my brother is a double property keeper." Miranda avowed without imploring approval from her elder brother. The sweet girl helped me set myself. Nagulat na lang ako nang gamitan niya ako ng kapangyarihan niya to remove the dirt on my skirt. My clothes were as good as new nang matapos. "Miranda, stop wasting your energy!" Hindi pagsigaw pero may authority na sabi ng lalaki. "I'm good Miranda. Salamat. Salamat Laurent." I expressed with some hesitation. Then the handsome guy headed to the woods. "Let's go. Baka abutan pa tayo ng mga werewolves." He demanded without any glimpse. "Miranda, follow kuya." On that little remark, naramdaman ko kung gaano nito pinahahalagahan ang nakababatang kapatid. The way he address his younger sister, the way he scold her and tell her things she shouldn't do, kalmado at halatang may pagmamahal. "Miss Lara, let's go! Kanina pa kasi kami hinahabol ng mga lobo eh. Baka maabutan pa tayo." The little girl held my left hand and pulled me gently. Hinahabo kami ng mga lobo! Saka lang nagsink in sa isip ko na hinahabol nga kami ng lobo nang halos naging takbo na ang kanina'y dahan-dahan naming paglalakad. We walked about two kilometres straight. Halos hingalin ako sa haba ng nilakad. "Oh crap!" Biglang tumigil si Laurent sa kalagitnaan ng aming pagtakbo. Nabunggo ko pa ang matipuno niyang likod nang hindi ko napansin ang kanyang pagtigil. Napakapit naman si Miranda sa kanang binti ng kuya nito nang mapagtanto namin kung anong nakaharang sa amin. Giant stone ogres! ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD