Maayos na ang kalagayan ni Sarah at naoperahan na rin siya dahil sa perang pinahiram ni Lara sa akin. Inilipat din siya ng kuwarto. Maganda at magara ito kumpara noong unang silid na pinaglagyan sa kaniya. Hindi pa nagigising ang kapatid ko hanggang ngayon at mabuti na rin iyon upang makapagpahinga naman siya nang matagal dahil isang araw din niyang tiniis ang appendex niya. Sabi naman ng Doctor ay baka sa makawala ay puwede na siyang lumabas, basta ay mabayaran lanh namin ang gastosin dito sa hospital.
Ako muna ang nagbabantay kay Sarah dahil sila inay at itay ay nasa koprahan ngayon dahil malapit na ang timbangan. Ang pangalawa naman naming kapatid na lalaki ay tumutulong sa konstraksiyon para raw may maitulong siya sa amin. May bagong bahay kasing ipinapatayo sa kabilang baryo kaya nagpaalam siya sa akin kagabi na baka raw pwede siyang rumaket doon. Ang dalawa ko namang mga kapatid ay pumasok na sa eskwela. Ayaw kong lumiban sila sa klase dahil lang dito. Alam kong hanggang elementarya lang ang kaya ng mga magulang ko na pag-aralin sila pero kahit ganoon ay gusto kong may matutuhan sila kahit kaunti lang.
Lumabas ako ng silid ni Sarah at lumanghap muna ng sariwang hangin sa labas ng hospital. Malaki ang hospital na ito. Sa tingin ko nga pang mayaman ang hospital na ito dahil sa sobrang gara. Hindi ko na kasi naisip na sa murang hospital ko dalhin si Sarah dahil sa takot na baka hindi siya makaabot. Malayo-layo rin ang murang hospital na iyon kumpara rito.
Bumalik na ako sa loob dahil baka kasi gising na ang kapatid ko at hanapin pa niya ako. Tini-text ko rin sila inay sa kalagayan ni Sarah para hindi na sila mag-aalala pa.
Binuksan ko ang pinto ng silid ng kapatid ko habang nasa cellphone pa rin ang aking tingin. Hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan sa loob nang may marinig agad akong kakaibang ingay. Nang mainangat ko naman ang aking tingin ay napatakip ako bigla sa aking bibig dahil sa pagkabigla.
Namimilog din ang aking matang nakatingin sa dalawang tao na hubo’t-hubad sa loob. Napatigil agad sila sa ginagawa nilang milagro nang makita nila akong nakatayo sa bungad ng pinto. Ang babae naman ay mabilisan ang naging pagtaklob ng kumot na para bang takot na takot makita ang kaniyang mukha.
Matalim akong tinapunan ng tingin ng lalaki bago bumaba ang kaniyang tingin sa hawak kong cellphone na aksidenteng nakaharap sa kanila ngayon. Itinago ko naman agad ito sa likuran dahilan para magbago ang expresyon ng kaniyang mukha. Mali ang nasa isip niya. Hindi ko sila kinukuhanan ng litrato.
Matagal akong nakabawi sa gulat. Umiinit din ang pisnge ko dahil sa nasaksihan ko. Bakit dito pa nila nagawang gumawa ng milagro? Hospital ho ito at hindi hotel. Pagamutan, hindi gawaan ng bata. Jusko naman!
“Do you wanna join?” Ang kaniyang malalim na boses ang nagpabalik sa akin sa realidad. Agad kong isinirado ang pinto dahil sa hiya at tiningnan ang room number sa itaas nito. Hindi ito ang room number ng kapatid ko. Ibinaling ko ang tingin sa kaharap lang na kuwarto at doon ako nagmamadaling pumasok at ni-lock ito kaagad.
Nakita ko ang kapatid ko na mahimbing pa ring natutulog sa kama. Napahawak ako sa may bandang dibdib ko nang hindi pa rin tumitigil ang lakas ng t***k nito. Bakit ba kasi ang tanga ko at hindi ko namalayan na iba na palang pinto ang binuksan ko.
Napaigtad ako sa gulat nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko naman agad ang tawag nang makitang si Inay pala ito.
“Na…”
“Anak, si Jerome.” Napaayos ako ng tayo at bumalik din ang kaba ko nang marinig ko ang iyak ni inay sa kabilang linya.
"B-bakit po, nay?"
“Na..na aksidente siya, Esperanza. Na daganan siya ng mga kahoy sa konstraksiyon. Paparating na rin kami riyan," umiiyak at hindi mapakaling wika ni inay sa kabilang linya.
Parang tumigil ang lahat sa akin nang marinig ko ang nangyari kay Jerome. Napapikit ako at doon na nag-uunahang lumabas ang mga masaganang luha ko. Sunod-sunod ang mga nangyayari sa mga kapatid ko ngayon at hindi ko na rin alam ang gagawin ko bilang panganay sa kanila.
Lumabas ako sa kuwarto ni Sarah para salubungin sila inay na papunta na rito. Ngunit hindi ko pa nga naisasarado ang pinto nang may humila na lang bigla sa akin at ipinasok ako sa isang silid. Bigla akong isinandal sa pader kaya naudtong ang ulo ko at napapikit din ako sa sakit.
“Delete that picture.”
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko na naman ang lalaki kanina. Hindi na siya hubo't-hubad at nakabihis na siya nang maayos. Blanko ang tingin na ibinigay niya sa akin. Umurong naman ang dila ko nang mapagtanto ko na ang lapit namin sa isa’t-isa. Ramdam ko rin ang hininga niya na dumadampi na sa mukha ko.
“B-bitawan mo ko." nahihiyang sambit ko.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya nang makita kong hindi naka butones ang polo shirt niya kaya kitang-kita ko ang maganda niyang pangangatawan. Amoy na amoy ko rin ang pambabae na pabango sa kaniya at may marka pa ng labi ang kaniyang leeg.
“No! Not unless you delete that picture,” matigas na tugon naman niya.
Wala akong kinukuhang litrato sa kanila. Hindi porket nakaharap sa kanila ang cellphone ko ay kinukuhanan ko na sila ng litrato. Hindi ko pagkakakitaan iyon.
Inangat ko muli ang ulo ko at may inis na tiningnan siya. Ngayon ay sobrang lapit na talaga namin sa isa’t-isa, sa sobrang lapit nga ay isang galaw lang namin ay baka maglapat na ang aming mga labi.
“Eh sa wala nga akong kinukuhang litrato," inis kong sagot na ikinataas naman ng sulok ng kaniyang labi.
Aalis na dapat ako nang hinila niya ulit ako at hinawakan ang dalawa kong kamay at inilagay ito sa itaas ng ulo ko. Yumuko siya para magkapantay kami. Ngayon ay kitang-kita ko ang repleksyon ko sa kulay abo niyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa o baka naman gumaganti siya dahil sa ginawa kong pang-istorbo sa kanila kanina.
“Pakawa…amp”
Nanlaki sa gulat ang mga nata ko nang bigla niya akong hinalikan nang marahas. Nagpupumiglas din ako sa pagkakahawak niya nang mahigpit sa mga kamay ko. Hindi na tama ang ginagawa niyang ito. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa isang kamay ko kaya doon ko ibinuhos ang lakas ko para ilayo siya sa akin. Pinipilit na rin ng dila niya ang pumasok sa loob ng bibig ko pero hindi ko siya hinayaan. Ngunit napasinghap at nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang malaki niyang kamay na sinakop at mahinang pinisil ang isa kong dibdib.
Uminit ang buong pisnge ko dahil sa ginawa niya.
Naramdaman ko rin ang nakakaloko niyang ngiti nang makuha niya ang ninanais niya. Unti-unti na akong nanghihina dahil sa ginagawa niya. Para akong nalulunod sa bawat galaw ng kaniyang mga labi sa akin. Hinawakan niya ang aking likuran at hinapit ito para maglapit pa ang aming katawan. Siniil niya ako ng halik at naging mapusok na rin ang lalaking ‘to.
Hindi ko alam ang nangyayari sa akin at kung bakit lumaban na rin ako sa halik niya kahit hindi ko alam kung paano dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sumunod na lamang ako sa gusto niya.
Biglang tumunog ang Cellphone ko na naging dahilan upang magising ako sa katinuan. Itinulak ko nang malakas ang lalaking ito at malakas ko rin siyang sinampal. Malutong ang pagkakasampal ko sa kaniya dahil ibinuhos ko talaga ang huling lakas ko roon sa sampal. Nanginginig na rin ang buo kong katawan dahil sa galit.
Mabilis na nagtaas-baba ang dibdib ko habang nakatingin ako sa kaniya nang masama. Mabilis akong lumabas sa silid na iyon at isinirado ko pa ang kuwarto ni Sarah na naiwan kong bukas kanina bago naglakad nang mabilis sa hallway. Kung hindi dahil sa tumawag sa akin ay baka naibigay ko na ang sarili ko sa lalaking hindi ko naman kilala.
Muntik ko na ring makalimutan ang kapatid ko dahil doon.
Patakbo akong pinuntahan sila inay at itay nang makita ko silang umiiyak na nakaupo sa bakal na upuan. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko sa pagtulo nang makita kong may mga dugo pang naiwan sa kanilang mga damit. Niyakap ko si inay nang mahigpit na mas lalong ikinalakas ng iyak niya.
May lumapit sa aming Doctor kaya napatayo kami at hinintay ang sasabihin nito.
“Hindi pa ligtas ang lagay ng anak ninyo misis. May nakita kaming pamumuo ng dugo sa utak niya kaya kailanganin naming siya operahan sa lalong madaling panahon.”
Parang nawalan ng lakas si inay nang marinig iyon, kaya dali-dali ko siyang inalalayan. Si itay na rin muna ang kumausap sa Doctor tungkol sa kalagayan ng kapatid ko.
“’Nak, ooperahan na rin ang kapatid mo. Hindi ko alam kung saan pa tayo kukuha ng pera para sa kanila. Hindi pa nga nakakalabas ang kapatid mo, sumunod naman si Jerome.” naiiyak na sambit ni inay sa akin nang makaupo kami.
Niyakap ko si inay dahil sa sinabi niya. Alam kong malaki-laking halaga ang kakailanganin namin sa pagpapaopera kay Jerome pero kahit ako ay hindi rin alam kung saan na naman uutang ng pera.
Nanghihinang umupo naman si itay matapos silang mag-usap ng Doctor. “Hindi lang ooperahan si Jerome sa utak. Kailangan ding lagyan ng bakal ang dalawang binte niya. Mahigit kalahating milyon daw ang kakailanganin natin para roon.”
Umiwas ako ng tingin nang tumulo ang masaganang luha ko dahil sa sinabi ni itay. Diyos ko! K-kalahating milyon? Saan kami hahanap ng ganoong kalaking pera?
Nakita ko kung paanong walang tigil na umiiyak sila itay at inay dahil sa bagong pagsubok na ibinigay sa amin. Diyos ko, hindi ko na po alam ang gagawin ko. Hirap na hirap na akong makahanap ng sampung libo, paano pa kaya kung kalahating milyon na ito