Kabanata 4

1425 Words
Tulala akong pinagmasdan si Jerome sa malaking salamin dito sa emergency room. May mga tubo ang nakakabit sa kaniya at may nakaalalay din sa ulo at mga binti niya. May dumaloy na kirot sa aking puso habang pinagmamasdan ko ang kapatid ko. Napakabait na kapatid at anak si Jerome. Siya ang naaasahan ko sa lahat ng mga bagay. Sana pala hindi ko na lang siya pinayagan na mag trabaho sa konstraksyon na iyon. Nakausap din namin ang may ari ng bahay na pinapagawa pa lang. Nagbigay sila ng kaunting tulong para sa pandagdag ng gastusin namin dito sa hospital. Ngunit hindi pa rin iyon sapat para maoperahan ang kapatid ko. Para na akong mababaliw sa mga nangyayari sa pamilya ko. Hindi ko na rin alam kung anong susunod na gagawin ko. "Saan ko hahanapin ang kalahating milyon?" bulong ko sa sarili at kasabay nito ay ang pag landas na naman ng aking mga luha. Agad ko naman itong pinahiran nang biglang sumagi sa akin ang parating alok ni Lara, ang maging isang bayarang babae. Hindi ko lubos maisip na dadating ang panahon na ito na pag-iisipan ko ang inaalok ni Lara na trabaho. Wala ring silbi kung magtatrabraho ako buong araw dahil kalahating milyon ang kailangan namin sa lalong madaling panahon. Wala na rin kaming mauutangan at hirap na hirap na rin kami. Tama nga ang sinabi ni Lara na walang-wala ang dignidad ko kung kaligtasan na ng mahal sa buhay ang pinag-uusapan. Bumalik ako sa silid ni Sarah. Gumising na rin siya kanina pa pero hindi namin sinabi ang nangyari sa kuya Jerome niya. Ayaw naming mag-aalala siya at baka mabinat pa siya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko sila inay at itay na nagyayakapan sa loob habang tahimik na umiiyak. Ginagawa nilang sandalan ang isa’t-isa. Alam kong kanina pa sila walang tigil sa pag-iyak pero kailangang lakasan nila ang loob nila dahil sa kanila lang kami humuhugot ng lakas para lumaban. Nang makita ko ang kalagayan ni Jerome at ang paghihirap ng mga magulang ko ay naging buo na ang desisyon kong lunukin ang pride ko at isantabi ang dignidad ko para tanggapin ang alok ni Lara. Isang gabi lang. Isang gabi lang akong magiging bayarang babae. Isang gabi ko lang ipagbibili ang dignidad ko at sisiguraduhin kong wala ng kasunod ito. Iniwan ko sila inay at itay sa hospital. Sila muna ang magbabantay sa mga kapatid ko habang wala ako. Kailangan kong kumita ng pera. Desperada na ako. __ “Sure ka na ba dito?” tanong sa akin ni Lara. Nandito na ako sa bahay niya at sinabi ko sa kaniya na malaking halaga ang kinakailangan ko. Sa una ay hindi siya sigurado kung makakakuha ba ako ng ganoon kalaking halaga sa isang gabi lang. Pero may sinabi siya sa akin na may auction ang mangyayari mamayang gabi at mga bigating mga mayayaman ang pupunta roon. Kapag daw nagustuhan nila ang performance ko ay baka bigyan nila ako ng tip at makuha ko ang kalahating milyon na gusto ko dahil barya lang naman daw iyon para sa kanila. Tumango ako sa tanong ni Lara. Pinakiusapan ko na rin siya na sana ay walang makakaalam sa gagawin ko dahil ayaw kong makaabot ito sa mga magulang at kapatid ko dahil baka sisihin pa nila ang kanilang sarili sa naging desisiyon ko. “Walang atrasan kapag nandoon na tayo, Esperanza. Alam mong hindi kita pinilit na pumasok sa ganitong trabaho.” “Para sa pera, Lara. Desperada na ako para lang sa pamilya ko,” tugod ko. Nang sumapit na nga ang gabi ay naghanda na kami ni Lara para umalis. Ilang beses na ring tumawag sa akin si inay at hinahanap ako. Hindi ko na lang sinasagot ang mga tawag niya at tini-text ko na lang na naghahanap ako ng pera para kay Jerome. Alam kong naaawa rin sila inay sa akin dahil pinapasan ko mag-isa ang mga responsibilidad pero ganoon naman talaga ang ginagawa bilang isang panganay na kapatid. Umalis na kami ni Lara at kahit nasa byahe kami ay lagi niya akong pinapaalalahanan sa ano bang dapat kong gawin. Illegal na auction ang pupuntahan namin ngayon. Hindi mga painting o mga alahas ang ibenebenta roon, kung hindi ay mga magagandang babae para sa mga mayayaman na gustong magsaya at isa na ako doon sa mga babaeng ipapa-auction nila Sabi ni Lara ay malaki-laki rin ang pwede kung maiuwing pera dahil kapag malaki ang presyo ko ay 50% doon ay akin. Bumaba na kami nang makarating na kami sa lugar. Malayo-layo rin ito sa baryo namin. Hinila ako bigla ni Lara papasok sa loob ng malaking gusali na ito. Maingay ang loob at usok ng sigarilyo at amoy ng alak ang agad kong nalanghap pagkapasok namin. Nilibot ko ang paningin ko at masasabi mo talagang pang-mayaman lang ang lugar na ito dahil sa magandang desinyo ng gusali. Pumasok kami sa isang silid at doon ko nakita ang mga magagandang mga babae na nakabihis na ng damit na nakakaakit. Makapal din ang mga make-up na inilalagay sa mga mukha nila. “Ano ka ba naman Lara malapit ng mag simula ang auction bakit ngayon lang kayo?” sermon sa amin ng isang bakla nang makapasok kami. “Inang, malayo ho ang sa amin at saka ito ho si Esperanza ‘yong sinasabi ko sa inyong magpapayaman sa inyo ngayong gabi,” sabi ni Lara at marahang itinulak ako sa unahan. Nailang naman ako nang kinilatis niya ang buong katawan ko bago ngumiti nang nakakaloko. “Oh siya! Magsisimula na ang auction at huwag mo na siyang bihisan pa. Paghubarin mo na lang siya dahil siya ang huli kong ibebenta.” Napatingin ako kay Lara nang marinig ko ang sinabi nong bakla. Napabuga naman ng hangin si Lara at kinausap ako nang masinsinan. Sinabi niya sa akin na isipin ko na lang daw na swimsuit ang suot ko at aalahanin ko raw ang pamilya at kapatid ko habang nasa entablado ako mamaya at binibigyan ng presyo ng mga kalalakihan. Lumandas ang isang butil ng luha ko na agad namang pinunasan ni Lara. “Natatakot ako,” sumbong ko sa kaniya. “Alam ko. Ganoon din ako noong una," sabi niya at niyakap ako nang subrang higpit. Nagsimula na akong maghubad at tinulungan din ako ni Lara. Biglang bumukas ang pinto ng silid na ikinagulat naming dalawa. “Siya na raw ang susunod.” Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Lara pero nginitian niya lang ako at lumabas na kami. Niyuko ko ang ulo ko dahil sa hiya. Ako lang kasi ang naka panty at bra dito at lahat sila ay may suot na damit habang ino-auction. “Gentleman! This night is going to be hot as hell as we introduce to you the last and precious gem we hold. Let’s welcome, ESPERANZA," pag-iingay ng host. Sininyasan ako nong bakla na pumasok na pero hindi ko magawang ihakbang man lang ang sarili kong mga paa dahil sa pinaghalong hiya, kaba at takot. Biglang may tumulak sa akin sa likod dahilan para mapaupo ako sa sahig ng entablado. Narinig ko ang mas malakas na hiyawan ng mga kalalakihan nang lumabas ako at inangat ang ulo ko. Bigla akong nasilaw sa liwanag na nakatutok sa gawi ko. Hindi ko na rin maaninagan pa ang mga tao sa harapan, basta ang alam ko lang ay hindi na ako puwedeng umatras. “One Hundred Thousand Pesos.” Nangulat ako sa unang presyong ibinigay sa akin. “Two Hundred Thousand Pesos.” Mas lalo pang lumaki ang presyo sa akin. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Lara nang mapatingin ako sa kaniya. Hinihiling ko ngayon sa diyos na sana lumaki pa ang presyo nila sa akin. “Five Houndred Thousand Pesos.” Hindi pa sapat ‘yan para sa kakailanganin kong pera. 50% lang ang sa akin kaya mga nasa 250, 000 pa lang ito. “Going once, going twice? By the way, she’s still a virgi…” “One Million Pesos.” Nagulat ang lahat pati na rin ako dahil sa laking pera na 'yon. Natatawa na rin ako nang mapakla dahil ang dali-dali nilang waldasin ang ganoong kalaking pera para lang sa isang babae, samantalang ako ay ipinagbibili ang sariling dignidad para lang may pambayad sa operasyon ng kapatid ko. Napakadaya naman talaga ng mundo para sa aming mahihirap. Ngunit ayaw ko sa matanda. Kahit ganito ay may karapatan pa rin akong pumili. Hindi ko kita ang mukha niya pero rinig ko naman ang boses niyang pang matanda na. “SOLD”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD