Kabanata 5

1441 Words
Hindi ako mapakali habang nasa loob ako ng silid dito kung saan ginanap ang auction. Pabalik-balik ang lakad ko habang kagat-kagat ang kuko ko sa daliri. Gusto kong umatras, gusto kung tumakas pero hindi pa naiibigay sa akin ang kalahating pera na naging presyo ko kanina. May dalawang tao rin ang nakabantay sa labas ng silid. Hindi nila ibinigay sa akin ang damit ko kaya tanging kumot lang ang nagsisilbing saplot ko sa aking katawan. Matapos kasi ng auction ay agad nila akong deneretso rito. Biglang nawalan ng ilaw ang loob ng silid na nagpadagdag ng kaba ko sa katawan. Wala ako makita dahil sa sobrang dilim ng loob at tanging ilaw lang ng buwan ang nagbibigay ng kaunting ilaw dito. Hindi ko rin alam kung saan nakalagay ang switch ng ilaw. Hindi naman siguro sila naputulan ng kuryente dito, ‘di ba? Napaigtad ako sa gulat nang may maramdaman akong panlalaking kamay na humawak sa balikat ko sa likuran. Nanindig din ang mga balahibo ko nang may maramdaman akong mainit na hininga malapit sa aking tenga. Para akong na estatwa sa kinatatayoan ko nang maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. Siya ba ang bumili sa akin? Siya ba ‘yong matanda kanina? Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin. Pinagpapalo at pinagsisipa ko na rin siya kahit wala akong makita dahil sa dilim ng silid. Gusto ko ng itigil ‘to! Nandidiri na ako sa sarili ko. Bigla niya akong hinagis at bumagsak ako sa kama. Naramdaman ko siyang pumaibabaw sa akin at hinuli ang dalawa kong kamay at inilagay ito sa ibabaw ng ulo ko habang mahigpit na hinawakan ito ng isa niyang kamay. Bigla niya akong sinakal sa leeg dahilan upang matigilan ako sa panlalaban. Takot na takot ako sa ginawa niya. Nanlalamig ang buo kong katawan habang hinihigpitan pa niya lalo ang pagkakasakal sa akin. “A-ack…” “Ang isang birhen na katulad mo ay hindi ko kahuhumalingan,” may diin ang bawat pagkakabigkas niya ng salita at saka niya ako pabagsak na binitawan. Narinig ko pa ang marahas na pagbuga niya ng hangin bago umalis sa ibabaw ko. Nanatili lamang akong nakahiga sa kama at nakatulalang nakatingin sa kisame. Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko habang niyayakap ang sarili ko. Gusto ko ng umuwi. Napapikit ako nang biglang bumukas ang ilaw. Nasilaw ang mga mata ko ng dahil dito. “I didn’t spend a million for this.” Dahan-dahan akong bumangon at tiningnan ang gawi kung saan ko narinig ang boses na iyon. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras din ako nang mamukhaan ko siya. Siya ang lalaki kanina sa hospital. Siya ‘yong muntik ng maikama ako. B-bakit siya nandito? Kalalabas lang ba niya sa hospital? “I-ikaw? Ikaw ang bumili sa akin?” tanong ko at pinunasan ang mga luha sa pisnge ko. Hindi siya sumagot at sa halip ay pumunta siya sa maliit na lamesa na katabi lang ng kama at kinuha ang isang wine doon at agad itong tinungga. Napalayo ako sa kaniya dahil sa takot at dahil bumalik din sa akin kung paano niya ako sinakal kanina. “Kung hindi kita mapapakinabangan ngayong gabi ay mas mabuti pang ibalik na lang kita at ng mabawi ko rin ang perang winaldas ko,” seryosong sabi niya nang nakatalikod sa akin. Ibabalik niya ako? Ibig sabihin walang saysay ang pagtayo ko roon sa stage ng walang kahit na anong saplot sa katawan? Wala akong maiiuwing pera kahit lahat ng lalaki kanina ay kitang-kita ang katawan ko at pinagpipiyestahan na ako? Hindi ba niya alam kung gaano ko pinilit ang sarili sa trabahong ito para lang sa perang alam kong barya lang para sa kanila? Pero ito naman talaga ‘yong gusto ko, hindi ba? Gusto ko na ring tumakas at umuwi kanina pa, pero bakit ngayon hindi ko magawang maging masaya kahit sinabi niya ng ibabalik niya ako? Bakit may parte sa akin na gustong ituloy ito matapos ko siyang makita at makilala? Muntikan niya na rin naman akong maikama sa hospital kaya bakit hindi na lang namin iyon ituloy nang makuha ko na ang pera at makaalis. “Hindi! Hindi pwede. Kailangan ko ngayon ang pera mo. Parang awa mo na huwag mo na lang akong ibalik. Hindi na ako manlalaban,” nagmamakaawang sabi ko nang makita kong akma siyang aalis. Sumilay naman ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi at nakita kong napapailing-iling na lamang siya. "Did the money make you greedy?" Natigilan ako sa naging tanong niya sa akin. Lumiit din ang tingin ko sa aking sarili nang makita ko kung anong klaseng pandidiri at panghuhusgang tingin ang ibinibigay niya sa akin . "Para lang sa isang milyon ay kaya mong maging isang bayarang babae?" natatawang tanong niya. Naikuyom ko ang aking kamay dahil sa naramdaman kong inis sa kaniya. Pinigilan ko rin ang sariling sumagot sa mga tanong niya. Kung alam lang ng lalaking ito ang pinagdaanan ko kung bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon ay baka hindi niya ako mahuhusgahan. Hindi niya alam na ang sinasabi niyang 'isang milyon' ay napakahalaga na para sa akin dahil ito lang ang magiging tulay ko para madugtungan ang buhay ng kapatid ko. Diretso ang tingin niya sa mga mata kong nagmamakaawa. Hindi ko maipaliwanag pero ito ang uri ng tingin na hindi ko kayang tapatan. Kitang-kita ko kung paano dahan-dahang bumababa ang tingin niya sa katawan ko na para bang menimemorya niya ang lahat ng ito. Dinalaw ako bigla ng hiya dahil sa klaseng titig na ibinibigay niya sa akin ngayon. Pasimple kong pinagkrus ang dalawa kong paa at tinakpan ang dibdib ko. Hindi ko rin matandaan kung ilang ulit na akong lumunok ng sariling laway ko dahil sa kaba. Niluwagan niya ang pagkakabit ng necktie niya at parang nag slow mo ito sa akin dahil napaka-gwapo niya tingnan nang gawin iyon. "D4mn!” Tinungga niya ulit ang wine at mabilis na pumunta sa akin at inilagay ang kamay niya sa batok ko at siniil ako ng halik. Hinalikan niya ako sa paraan na parang gigil na gigil siya sa akin. Hindi na ako nanlaban pa sa pagkakataong ito. Inisip ko na lang ang kalahating milyon na makukuha ko pagkatapos ng gabing pagsasaluhan namin. Tumugod ako sa halik niya sa akin. May iniligay siyang wine sa bibig ko na alam kong inipon niya kanina sa loob din ng bibig niya. Nainom ko naman lahat ng ito dahil sa ginawa niya. Naging mas mapusok siya at marahas kaya hirap akong sabayan ang bawat galaw ng kaniyang labi. Naramdaman ko rin ang paglilikot ng kaniyang isang kamay sa likuran ko. Ilang sandali pa lang ay pakiramdam ko ay may init na gustong kumawala sa katawan ko. Naging mapusok ako sa paraan na nasasabayan ko na ang bawat halik niya sa akin. Ano ang pinainom niya sa akin at bakit nagkaganito ako? Parang uhaw na uhaw ako sa halik at haplos niya sa katawan ko. Bigla siyang tumigil sa paghalik sa akin at lumayo nang kaunti. Mapupungay ang mga mata kong tiningnan siya at bumaba ang tingin ko sa mapupulang labi niya na parang nang-aakit sa akin. Isinukbit ko ang dalawa kong kamay sa leeg niya bago ako tumingkayad upang maabot ko ang labi niya gamit ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Para akong mapapaso sa sobrang init ng katawan ko. Bumibilis din ang paghinga ko habang tumatagal. Naiinis na rin ako kapag tumitigil siya sa paghalik sa akin. Naramdaman ko ang pagtaas ng sulok ng kaniyang labi habang hinahalikan ko siya. Malambot ang labi niya na parang isang marshmallow at mabango rin ito. Kinarga niya ako bigla kaya pinulupot ko ang dalawang binti ko sa bewang niya nang hindi itinitigil ang halikan namin. Isinandal niya ako sa pader, ipinatong sa lamisa at kahit saan na kami napupunta. Hindi ko na rin namalayan na natanggal na ang suot kong bra at siya ay nakahubad na rin. Malakas niya akong ibinagsak sa malambot na kama. Hinihingal kaming napatingin sa isa’t-isa. “You make me wild,” usal niya at pagkatapos ay pumaibabaw sa akin at sinimulan akong halikan sa leeg. Isang butil ng luha ang naramdaman kong tumulo sa mata ko. Hinayaan ko siya sa ano mang gusto niyang gawin sa akin dahil ngayong gabi ay pagmamay-ari niya ako. Isang gabi lang akong magiging bayarang babae at isang gabi lang akong pagmamay-ari niya. Pagkatapos ng gabing ito ay babalik na sa dati ang buhay ko. Gagaling na rin ang mga kapatid ko. Bago pa man ako mawalan ng kontrol sa sarili ay itinatak ko na sa aking isipan na ang mangyayari sa gabing ito ay pawang trabaho lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD