Valeen's POV Halos kalahating taon nalang at gagraduate na ako! Ang bilis ng panahon lalo na at sobrang busy na kami sa school. Kung dati ay may panahon pa kaming maglibot nila Sam, ngayon ay pare-pareho kaming subsob sa pag-aaral. Pero hindi pa rin nawawala ang tuksuhan tungkol sa lovelife. "Ikaw, Valeen? Meron na ba?" tukso sa akin ni Sam nang matapos kaming maglunch isang araw. Kakatapos lang nun ng aming report kaya relax relax kahit papaano. Umiling ako. "Wala akong panahon dyan." sabi ko sabay inom ng juice. Tumawa naman si Sandy. "Basta ako kay ano pa rin," makahulugang sabi nito. Hindi ko na kailangang itanong kung sino dahil wala namang araw na lumilipas na hindi nila nababanggit. Tsk! Feeling ko nga ay sinasadya talaga nilang araw-arawin akong asarin. "Ako din, dati pa rin!

