Valeen's POV Isang linggo matapos ang huling araw ng klase ay lumipad na si Dave papuntang America. Sinadya kong magkulong sa kwarto nang umalis siya. Ilang beses din siyang nagtangkang kausapin ako pero ako na itong umiiwas. Para saan pa? Eh aalis din naman siya at iiwanan ako. Mas okay na yun para wala na akong iisipin. Nagsimula ang internship namin at swerte namang pumasa ang aming application sa Tita ni Sandy. Asawa nito ang may-ari ng hotel kung nasaan kami ngayon. Nagulat pa ako nang makita ko rin si Iexcell dito. Gusto ni Sir Mavy na sa abroad ko tapusin ang internship ko pero tumanggi ako. Masyado na akong nakakaabala sa kanila at kung pati pa iyon ay sasagutin nila, masyado ng nakakahiya. Nang nag-coffee break ay nagkukwentuhan kami ni Sandy sa lobby ng Montecarlo Internationa

