Valeen's POV Magmula ng araw na iyon ay hindi ko na ulit nakausap si Dave. Halos gabi gabi akong umiiyak dahil sa ginagawa niyang pag-iwas sa akin. Kapag kumakain kami ay hindi rin siya madalas makisali sa usapan. Pero may mga pagkakataong nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at kapag nakita niya akong nakatingin ay bumabalik sa pagiging cold at walang ekspresyon ang itsura nito. Hanggang sa nagsimula na ang pasukan ay ganun parin. Hinahanap hanap ko ang palaging pagsasabay namin sa pagpasok pati narin sa pag-uwi sa eskwelahan. Madalas ko siyang makita sa canteen pero sinasadya niyang hindi ako tignan. Hindi ko alam kung napapansin niya ang titig ko o sadyang balewala nalang talaga ito para sa'kanya. "Okay ka lang, Valeen?" rinig kong tanong ni Sandy minsan nang maglunch kami. Nakita k

