Valeen's POV Kinabukasan ay maaga ang klase ko. Hindi ko pa nakikitang bumangon sina Ma'am Candis ay lumabas na agad ako para mag-abang ng masasakyan. Malapit lang sa gate ng subdivision ang bahay nila kaya nilakad ko lang ang distansya mula duon. Ngunit ilang minuto na akong nakatayo ay wala paring bus o jeep na dumadaan. Nagsisimula na akong kabahan dahil baka ma-late ako sa klase. "Sana pala nagpahatid nalang ako kay Mang Rene." nagsisi kong bulong nang ilang sandali pa ay wala paring dumadaang sasakyan na pwede kong masakyan papuntang school. Napalingon ako sa gate ng subdivion. Iniisip kong bumalik nalang sa bahay para magpahatid kay Mang Rene. Ilang sandali pa kong nag-isip bago humakbang ulit pero namataan ko na ang SUV ni Dave na papalapit sa gawi ko. Nakahinga ako ng maluwag.

