3RD PERSON'S POV "Oh, anak! Kauuwi mo lang?" tanong ni Candis sa anak nang mamataan niya ang sasakyan nito. Akala niya kasi ay si Mavy na ang dumating. "Yes, 'My! Nagkayayaan po after ng practice eh." nakangising sagot ni Vincent. "Okay. Magbihis ka na at bumaba na kayo para makakain na tayo. Pakidaanan narin kapatid mo sa kwarto." bilin pa nito bago itinuloy ang ginagawa sa kusina. "Okay, 'My!" sabi naman ni Vincent at dumiretso na sa taas. Nahahapong humiga siya sa kama nang maibaba ang bag sa side table. Naalala niya ang usapan nila ng kaibigang si Luke. "Pre, syota ba ng utol mo yung Valeen?" tanong nito na ikinagulat niya. Naibaba niya ang iniinom na beer at kunot noong hinarap ito. "Of course not! Why did you ask?" curious na tanong niya. "Pero pinopormahan?" usisa ulit nito.

