Valeen's POV Ipinagluto ko si Dave ng kwek-kwek gaya ng gusto nito. Hindi nga pala siya kumakain ng kanin kaya hinayaan ko nalang. Nakasalang narin ang cookies na mabilisan ko lang ginawa dahil kailangan ko pang magluto ng para sa hapunan. Naiiling ako nang makita kong hirap na hirap si Dave sa pagbabalat ng patatas para sa menudo. Nakonsensya siguro ito dahil sa dami ng ipinaluto kaya nagpasyang tumulong. "I'm doing it right. Stop giving me that look," sabi pa nito. Tinignan ko ang mga nabalatan na niya at iilan pa lang iyon. Lumapit ako sakanya at tinangkang agawin ang peeler na hawak. "Tabi nga dyan. Lalo lang tayong magtatagal, e!" sabi ko sabay kuha sa kamay niya ng peeler. Hindi niya ito binitawan kaya sa kamay niya ako nakahawak. Tinitigan niya ang kamay kong nakahawak ngayon sa

