Valeen's POV "At last!" maluwang ang ngiting sigaw ni Sandy at napasandal sa kanyang upuan. Kakatapos lang ng aming midterm exams at huli na itong College Algebra. Sa aming apat ay ako yata ang pinaka kabado sa subject na ito. Oo nga at nagagawa ko ang mga assignments ko dahil madalas akong tulungan ni Dave pero iba na itong sa exams. Wala ng Dave na magsasabi kung tama ba ang ginawa ko! "Akala ko katapusan ko na ngayon!" nanlulumong sabi naman ni Sam at pinisil ang ilong. "Samahan niyo ako sa clinic." Kumunot naman ang noo ko at napatitig sa kanya. "Clinic? Bakit? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ko. Tumaas naman ang kilay ni Jam. Umiling ito habang pisil pisil parin ang ilong. "Kailangan kong magpasalin ng dugo. Naubos kasi sa subject na 'to!" Umiling kaming pare-pareho dahil s

