Valeen's POV Nang makaalis si Floyd ay sinikap nila Sam na libangin ako. Nahihiya ako sa kanila dahil bigla talagang nagbago ang mood ko sa nangyari. Inisip kong unfair sa kanila kaya pinilit kong alisin na muna sa isipan ko iyon. Halos dalawang oras na yata silang wala kaya nagtatawanan na kami nang dumating sila. Hindi sana kami maliligo ni Sandy pero itong si Sam at Jam ay binasa at tinulak kami sa pool! Sa gilid lang ako dahil hindi naman ako marunong lumangoy. Inginuso ni Sam ang likod ko kaya natigil ako sa pagsasabog sa'kanya ng tubig at nilingon ang tinuturo niya. Nakita ko si Dave at Floyd na papalapit na sa amin. Nakahawak si Dave sa sentido niya at hinihilot hilot iyon. Si Floyd naman ay hinihilot ang tiyan. Nagkatinginan kami ni Sam at parehong nangunot ang noo. Nang makalapi

