Valeen's POV "Dave, tol!" bati ng huling dumating na si Floyd. Kinausap lang nito saglit ang driver ng kotse na sinakyan nito bago bumalik sa gawi namin. Napagdesisyunan na dito nalang sa van nila Dave kami sasakay lahat. "Kompleto na ba kayo?" tanong ni Ma'am Candis habang pinapasadahan kami ng tingin isa-isa. "Opo! Thank you po sa napaka sarap na breakfast!" nakangiting sabi ni Sam. Tumawa naman si Ma'am Candis at pinalo sa braso si Sir Mavy na kakatapos lang kausapin si Mang Rene. Nagbigay yata siya ng instruction kung paano pumunta sa resort. "Narinig mo 'yun, Hubby? Masarap daw yung luto ko!" proud na sabi ni Ma'am Candis. Yumuko naman si Sir Mavy at binulungan ito pero di sinasadyang narinig ko dahil malapit lang ako sa mga ito. "Naniwala ka naman agad?" kinagat siya ni Ma'am Ca

