Chapter 20: Closures Sumilip ako kwarto ng mga anak ko, parang may humaplos sa puso ko ng makita si Kairon na hinahalikan ang nuo ni Sunset at iniayos nito ang kumot bago pumunta kay Sunrise at gano'n din ang ginawa. Nang humarap siya sa pinto ay bahagya pa siyang natigilan ng makita ako nakasandal. "Kanina ka pa?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi naman." Dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng kambal animong natatakot siyang makagawa ng ingay. "Tulog na si Avil, nasa guest room," sabi ko sa kaniya pagkarating namin sa sala. Hindi kasi natigil ang tatlo sa paghaharutan kaya hindi na namin napansin ang oras. Si Avil naman kanina ay parang hinayaan ang Papa Kai niya makasama ang mga anak ko nanuod lang siya ng tv. Hindi ko alam pero naaawa ako sa bata na iyon. "Upo ka." Iminuwestr

